< Mga Kawikaan 19 >
1 Mas mabuti ang isang mahirap na lumalakad nang may karangalan kaysa sa isang baluktot magsalita at isang mangmang.
Pi bon se yon malere ki mache ak entegrite pase sila ak bouch konwonpi ki ensanse a.
2 Gayon din, hindi mabuting magkaroon ng nais na walang karunungan at ang tumatakbo nang mabilis ay lumilihis sa landas.
Anplis, li pa bon pou gen gwo kouraj, san konesans, ni pou prese rive fè fo pa.
3 Pinapahamak ng kamangmangan ng tao ang kaniyang buhay, at ang puso niya ay nagagalit laban kay Yahweh.
Foli a yon nonm fè chemen l gate; e kè li anraje kont SENYÈ a.
4 Ang kayamanan ay nakadaragdag ng maraming kaibigan, pero ang mahirap ay hiwalay mula sa kaniyang mga kaibigan.
Richès fè zanmi ogmante anpil; men malere pèdi zanmi li yo.
5 Ang bulaang saksi ay hindi makakaalis ng hindi napaparusahan, at hindi makakatakas ang siyang nabubuhay sa mga kasinungalingan.
Yon fo temwen pa prale san pinisyon; e sila ki fè manti a, p ap chape.
6 Maraming hihingi ng tulong mula sa mapagbigay na tao, at lahat ay kaibigan ng siyang nagbibigay ng mga regalo.
Anpil moun va chache favè a yon moun jenere ak men ouvri; tout moun se zanmi a sila ki bay kado.
7 Lahat ng mga kapatid ng mahirap ay napopoot sa kaniya; paano pa ang kaniyang mga kaibigan na lumalayo mula sa kaniya! Siya ay nananawagan sa kanila, pero sila ay naglaho na.
Tout frè a malere yo a rayi li; konbyen, anplis, pou zanmi l kouri kite l. L ale jwenn yo ak pawòl plede, men yo fin ale.
8 Ang nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa kaniyang sariling buhay; ang nagpapanatili sa pang-unawa ay makatatagpo ng kabutihan.
Sila ki twouve sajès renmen pwòp nanm li. Sila ki kenbe ak bon konprann nan va jwenn sa ki bon.
9 Ang bulaang saksi ay hindi makaaalis ng hindi mapaparusahan, ngunit mapapahamak ang mga nabubuhay sa kasinungalingan.
Yon fo temwen pa prale san pinisyon; epi sila ki bay manti a, va peri.
10 Hindi angkop para sa isang mangmang na mamuhay ng may karangyaan— lalong hindi para sa isang alipin ang mamuno sa mga prinsipe.
Lavi alèz pa fèt pou moun ensanse; bokou mwens pou yon esklav ta gen otorite sou prens yo.
11 Ang pag-iingat ay nagdudulot sa isang tao na hindi agad magalit at ang kaniyang dangal ay ang hindi pagpansin sa kasalanan.
Yon nonm ak bon konprann lan nan kòlè; se glwa li pou bliye yon transgresyon.
12 Ang poot ng hari ay parang batang leon na umaatungal, pero ang kaniyang kagandahang loob ay katulad ng hamog sa mga damuhan.
Kòlè a wa a se tankou yon lyon k ap rele fò; men favè li se tankou lawouze sou zèb vèt.
13 Kasiraan sa kaniyang ama ang isang mangmang na anak at ang mapang-away na asawang babae ay tulo ng tubig na walang tigil.
Se yon fis plen foli k ap detwi papa l, e yon madanm k ap diskite a se tankou dlo kap degoute san rete.
14 Ang bahay at kayamanan ay namamana mula sa mga magulang, ngunit mula kay Yahweh ang masinop na asawang babae.
Kay ak byen se eritaj ki sòti nan papa; men yon fanm pridan sòti nan SENYÈ a.
15 Hinahagis ng katamaran ang isang tao sa mahimbing na tulog, pero magugutom ang isang tao na ayaw maghanapbuhay.
Parès va voye yon pwofon somèy sou moun, e yon nonm ki pa travay, va soufri grangou.
16 Ang tumutupad ng kautusan ay nag-iingat ng kaniyang buhay, pero ang hindi pinag-iisipan ang kaniyang mga pamamaraan ay tiyak na mamamatay.
Sila ki kenbe kòmandman an kenbe nanm li, men sila ki enpridan nan kondwit va mouri.
17 Ang sinumang mabait sa mahihirap ay nagpapahiram kay Yahweh, at babayaran siya ni Yahweh dahil sa kaniyang ginawa.
Yon moun ki fè gras a yon malere prete a SENYÈ a, e Li va bay li rekonpans pou bon zèv li a.
18 Disiplinahin mo ang iyong anak habang may pag-asa pa, at huwag mong patatagin ang iyong kagustuhan na ilagay siya sa kamatayan.
Bay fis ou a disiplin pandan gen espwa; pa chache lanmò li.
19 Ang taong mainitin ang ulo ay dapat magbayad kung siya ay iyong sinagip, gagawin mo ito ulit sa pangalawang pagkakataon.
Yon nonm ak gwo kòlè va pote pinisyon li; paske si ou pwoteje moun nan ou va oblije fè l ankò.
20 Dinggin mo at sundin ang aking katuruan, at ikaw ay magiging marunong hanggang sa katapusan ng iyong buhay.
Koute konsèy e aksepte disiplin pou ou kab vin saj pou tout rès vi ou.
21 Marami ang mga plano sa puso ng isang tao, pero ang layunin ni Yahweh ang siyang mananaig.
Plan nan kè lòm yo anpil; men se konsèy SENYÈ a ki kanpe.
22 Katapatan ang ninanais ng isang tao, at higit na mainam ang mahirap kaysa sa isang sinungaling.
Sa ki dezirab nan yon nonm se yon kè ki dous. Pito yon nonm ta malere pase li ta yon mantè.
23 Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay; ang gumagawa nito ay masisiyahan at ligtas sa kapahamakan.
Lakrent SENYÈ a dirije a lavi pou fè moun dòmi ak kè satisfè, san kontamine ak mal.
24 Binabaon ng batugan ang kaniyang kamay sa pagkain; hindi man lamang niya ito maibalik pataas sa kaniyang bibig.
Parese a fouye men l nan plato a; men li refize rale l rive nan bouch li.
25 Kapag iyong pinarusahan ang isang mangungutya, matututo pati ang walang pinag-aralan; itama mo ang may pang-unawa at lalawak ang kaniyang kaalaman.
Frape yon mokè pou moun san konprann nan vin gen lespri; repwòch a yon moun bon konprann, va fè l genyen konesans.
26 Ang isang ninanakawan ang kaniyang ama at pinapalayas ang kaniyang ina ay isang anak na nagdadala ng kahihiyan at kasiraan.
Sila ki atake papa li e chase manman l ale, se yon fis ki fè wont ak dega patou.
27 Kung hindi ka na makikinig sa katuruan, aking anak, ikaw ay mapapalayo mula sa mga salita ng kaalaman.
Sispann koute disiplin, fis mwen an e ou va pèdi chemen konesans.
28 Ang masamang saksi ay kinukutya ang katarungan, at ang bibig ng masama ay lumulunok ng malaking kasalanan.
Yon temwen ki fè dezòd moke lajistis; e bouch mechan an gaye inikite.
29 Nakahanda ang paghatol sa mga mapangutya, at paghahagupit sa likod ng mga mangmang.
Gen desizyon jijman pou mokè yo; ak kou pou do a moun ensanse yo.