Aionian Verses
Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, “Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak.” Nanangis ang kanyang ama para kanya. (Sheol )
At nagsitindig ang lahat niyang mga anak na lalake at babae upang siya'y aliwin; datapuwa't tumanggi siyang maaliw; at kaniyang sinabi, Sapagka't lulusong akong tumatangis sa aking anak hanggang sa Sheol. At tinangisan siya ng kaniyang ama. (Sheol )
Sinabi ni Jacob, “Ang aking anak ay hindi pupunta pababa kasama ninyo. Dahil ang kanyang kapatid na lalaki ay patay na at siya na lamang ang mag-isang naiwan. Kapag may kapahamakang nangyari sa kanya sa daan kung saan kayo pupunta, tuluyan mo nang ibababa ang pagka-abo ng aking buhok kasama ng kalungkutan sa sheol.” (Sheol )
At kaniyang sinabi, Hindi yayaon ang aking anak na kasama ninyo; sapagka't ang kaniyang kapatid ay patay na, at siya lamang ang natitira; kung mangyari sa kaniya ang anomang kapahamakan sa daan na inyong paroroonan, ay pabababain nga ninyo ang aking mga uban sa Sheol na may kapanglawan. (Sheol )
At kung kukunin rin ninyo itong isa sa akin at muling mapahamak, dadalhin ninyo ako sa katandaan na puno ng dalamhati sa kamatayan.' (Sheol )
At kung inyong kunin pa ang isang ito sa akin, at may mangyaring sakuna sa kaniya, ay inyong ibababa ang aking uban sa Sheol na may kapanglawan. (Sheol )
kapag ito ay nangyari, na hindi niya makita na kasama namin ang bata siguradong ikamamatay niya ito. At ang iyong alipin ay magiging dahilan ng pagdurusa ng ama ng iyong alipin sa kamatayan. (Sheol )
Ay mangyayari nga na pagka kaniyang nakitang ang bata ay di namin kasama, na mamamatay siya: at ibababa sa Sheol na may kapanglawan ng iyong mga lingkod ang mga uban ng iyong lingkod na aming ama. (Sheol )
Ngunit kung gagawa si Yahweh ng isang butas sa lupa na lalamon sa kanila tulad ng isang malaking bibig, kasama ng kanilang mga pamilya, at kapag bababa sila ng buhay sa lugar ng mga patay ay dapat ninyong unawain na kinamuhian ng mga lalaking ito si Yahweh. (Sheol )
Nguni't kung ang Panginoon ay lumikha ng isang bagong bagay, na anopa't ibuka ng lupa ang kaniyang bibig, at sila'y lamunin, sangpu ng buong nauukol sa kanila, at sila'y ibabang mga buhay sa Sheol; ay inyo ngang mapagkikilala na minungkahi ng mga taong ito ang Panginoon. (Sheol )
Sila at ang lahat sa kanilang mga pamilya ay pumunta ng buhay sa lugar ng mga patay. Nagsara ang lupa sa ibabaw nila, at sa pamamagitan nito nalipol sila sa kalagitnaan ng sambayanan. (Sheol )
Na anopa't sila at lahat ng nauukol sa kanila, ay nababang buhay sa Sheol: at sila'y pinagtikuman ng lupa, at sila'y nalipol sa gitna ng kapisanan. (Sheol )
Dahil isang apoy ang nag-aalab sa pamamagitan ng aking galit at sumusunog hanggang sa pinakamalalim na lugar ng mga patay; kinakain nito ang mundo at ang ani nito; sinusunog nito ang mga pundasyon ng mga bundok. (Sheol )
Sapagka't may apoy na nagalab sa aking galit, At nagniningas hanggang sa Sheol, At lalamunin ang lupa sangpu ng tubo nito, At paniningasan ng apoy ang mga tungtungan ng mga bundok. (Sheol )
Pumapatay si Yahweh at bumubuhay. Siya ang nagbababa sa Sheol at nagtataas. (Sheol )
Ang Panginoo'y pumapatay, at bumubuhay: Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa. (Sheol )
Ang mga gapos ng sheol nakapalibot sa akin; binibihag ako ng patibong ng kamatayan. (Sheol )
Ang mga panali ng Sheol ay lumibid sa akin: Ang mga silo ng kamatayan ay nagsisapit sa akin. (Sheol )
Pakitunguhan mo si Joab gamit ang karunungan na natutunan mo, pero huwag mong hayaang ang kaniyang kulay abong ulo ay mapunta sa libingan nang may kapayapaan. (Sheol )
Gumawa ka nga ng ayon sa iyong karunungan, at huwag mong tulutang ang kaniyang uban sa ulo ay bumabang payapa sa Sheol. (Sheol )
Kaya ngayon, huwag mo siyang hayaang makawala mula sa kaparusahan. Isa kang matalinong tao, at malalaman mo kung ano ang dapat mong gawin sa kaniya. Dadalhin mo ang kaniyang kulay abong ulo sa libingan nang may dugo.” (Sheol )
Ngayon nga'y huwag mong ariing walang sala, sapagka't ikaw ay lalaking pantas: at iyong maaalaman ang dapat gawin sa kaniya, at iyong ilusong na may dugo ang kaniyang uban sa ulo sa Sheol. (Sheol )
Gaya ng isang ulap na napapawi at nawawala, gayon din ang siyang bumababa sa sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol )
Kung paanong ang ulap ay napapawi at nawawala, gayon siyang bumababa sa Sheol ay hindi na aahon pa. (Sheol )
Ang mga bagay ay kasing-taas ng langit; ano ang magagawa mo? Mas malalim pa ito kaysa sa sheol; ano ang malalaman mo? (Sheol )
Mataas na gaya ng langit; anong iyong magagawa? Malalim kay sa Sheol: anong iyong malalaman? (Sheol )
O, nais mo akong itagong palayo sa sheol na malayo mula sa mga kaguluhan, at nais mo akong panatilihing itago hanggang matapos ang iyong poot, nais mo akong ilagay sa takdang panahon para manatili doon at pagkatapos alalahanin mo ako! (Sheol )
Oh ikubli mo nawa ako sa Sheol. Na ingatan mo nawa akong lihim hanggang sa ang iyong poot ay makaraan, na takdaan mo nawa ako ng takdang panahon, at iyong alalahanin ako! (Sheol )
Nang tumingin ako sa sheol bilang aking tahanan; mula nang lumaganap ang aking higaan sa kadiliman; (Sheol )
Kung aking hanapin ang Sheol na parang aking bahay; kung aking ilatag ang aking higaan sa kadiliman: (Sheol )
Ang pag-asa ba ay bababa sa tarangkahan ng sheol kapag kami ay pumanaog sa alabok? (Sheol )
Lulusong sa mga pangawan ng Sheol, pagtataglay ng kapahingahan sa alabok. (Sheol )
Lumilipas ang mga araw nila sa kasaganaan, at tahimik silang bumababa sa sheol. (Sheol )
Kanilang ginugugol ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at sa isang sandali ay nagsisilusong sila sa Sheol. (Sheol )
Tinutupok ng tagtuyot at init ang tubig ng niyebe; gayundin nilalamon ng sheol ang mga nagkasala. (Sheol )
Katuyuan at kainitan ay tumutunaw ng mga niebeng tubig: gaya ng Sheol ng mga nagkakasala. (Sheol )
Hubad ang Sheol sa harap ng Diyos; mismong ang pagkawasak ay walang panakip laban sa kaniya. (Sheol )
Ang Sheol ay hubad sa harap ng Dios, at ang Abaddon ay walang takip. (Sheol )
Dahil walang ala-ala tungkol sa iyo sa kamatayan. Sino ang magbibigay ng pasasalamat sa iyo sa sheol? (Sheol )
Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? (Sheol )
Ang mga masasama ay binalik at pinadala sa sheol, ang patutunguhan ng mga bansa na lumimot sa Diyos. (Sheol )
Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. (Sheol )
Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay. (Sheol )
Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ng kabulukan. (Sheol )
Nakapaligid sa akin ang mga lubid ng Sheol; ang patibong ng kamatayan ay binitag ako. (Sheol )
Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. (Sheol )
Yahweh, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol; pinanatili mo akong buhay mula sa pagbaba sa libingan. (Sheol )
Oh Panginoon, iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol: iyong iningatan akong buhay, upang huwag akong bumaba sa hukay. (Sheol )
Huwag mong hayaan na mapahiya ako, Yahweh; dahil nananawagan ako sa iyo! Nawa ang masama ay mapahiya! Nawa (sila) ay mapatahimik sa Sheol. (Sheol )
Huwag nawa akong mapahiya, Oh Panginoon; sapagka't ako'y tumawag sa iyo: mapahiya nawa ang masama, magsitahimik nawa (sila) sa Sheol. (Sheol )
Itinatalaga (sila) tulad ng isang kawan na pupunta sa sheol; kamatayan ang kanilang magiging pastol; ang matuwid ay magkakaroon ng kapangyarihan sa kanila pagsapit ng umaga; lalamunin ng sheol ang kanilang mga katawan at wala silang lugar na matitirahan. (Sheol )
Sila'y nangatakda sa Sheol na parang kawan; kamatayan ay magiging pastor sa kanila: at ang matuwid ay magtataglay ng kapangyarihan sa kanila sa kinaumagahan; at ang kanilang kagandahan ay mapapasa Sheol upang matunaw, upang mawalan ng tahanan. (Sheol )
Pero tutubusin ng Diyos ang aking buhay mula sa kapangyarihan ng sheol; ako ay kaniyang tatanggapin. (Selah) (Sheol )
Nguni't tutubusin ng Dios ang aking kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol: sapagka't tatanggapin niya ako. (Selah) (Sheol )
Hayaang mong biglang dumating ang kamatayan sa kanila; hayaang mo silang bumaba ng buhay sa Sheol, dahil sa kalagitnaan nila, sa kasamaan (sila) namumuhay. (Sheol )
Dumating nawang bigla sa kanila ang kamatayan, mababa nawa silang buhay sa Sheol: sapagka't kasamaan ay nasa kanilang tahanan, sa gitna nila. (Sheol )
Dahil dakila ang iyong katapatan sa tipan para sa akin, iniligtas mo ang aking buhay mula sa kailaliman ng sheol. (Sheol )
Sapagka't dakila ang iyong kagandahang-loob sa akin; at iyong iniligtas ang aking kaluluwa sa pinakamalalim na Sheol. (Sheol )
Dahil puno ako ng mga kaguluhan, at umabot na ang buhay ko sa Sheol. (Sheol )
Sapagka't ang aking kaluluwa ay lipos ng mga kabagabagan, at ang aking buhay ay nalalapit sa Sheol, (Sheol )
Sino ang kayang mabuhay at hindi mamamatay, o sino ang makapagliligtas ng kaniyang buhay mula sa kapangyarihan ng sheol? (Selah) (Sheol )
Sinong tao ang mabubuhay at hindi makakakita ng kamatayan, na magliligtas ng kaniyang kaluluwa sa kapangyarihan ng Sheol? (Selah) (Sheol )
Ang mga tali ng kamatayan ay pinaligiran ako, at ang mga patibong ng Sheol ay nasa harapan ko; aking nadama ang hapis at kalungkutan. (Sheol )
Ang tali ng kamatayan ay pumulupot sa akin, at ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin: aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan. (Sheol )
Kung aakyat ako sa kalangitan, naroon ka; kung gagawa ako ng higaan sa sheol, makikita na naroon ka. (Sheol )
Kung sumampa ako sa langit, nandiyan ka: kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, narito, ikaw ay nandoon. (Sheol )
Kanilang sasabihin, “Gaya ng isang nag-aararo at nagbubungkal ng lupa, gayundin ang ating mga buto na kakalat sa bibig ng sheol.” (Sheol )
Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa, gayon ang aming mga buto ay nangangalat sa bibig ng Sheol. (Sheol )
Lunukin natin sila ng buhay, katulad ng paglayo ng sheol sa mga malulusog at gawin silang katulad ng mga nahulog sa hukay. (Sheol )
Sila'y lamunin nating buhay na gaya ng Sheol. At buo, na gaya ng nagsibaba sa lungaw; (Sheol )
Ang kaniyang mga paa ay humahakbang papunta sa kamatayan; at tumutungo papunta sa sheol. (Sheol )
Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol; (Sheol )
Ang kaniyang bahay ay daan patungo sa sheol; ito ay patungo pababa sa mga silid ng kamatayan. (Sheol )
Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan. (Sheol )
Pero hindi niya alam na nandoon ang mga patay, na ang mga panauhin niya ay nasa kailaliman ng sheol. (Sheol )
Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay nandoon; na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol. (Sheol )
Ang Sheol at pagkawasak ay nasa harap ni Yahweh; gaano pa kaya ang puso ng mga kaapu-apuhan ng sangkatauhan? (Sheol )
Sheol at kapahamakan ay nasa harap ng Panginoon: gaanong higit pa nga ang mga puso ng mga anak ng mga tao! (Sheol )
Ang landas ng buhay ay gabay pataas para sa marurunong na tao, upang siya nawa ay makalayo mula sa sheol na nasa ilalim. (Sheol )
Sa pantas ay paitaas ang daan ng buhay, upang kaniyang mahiwalayan ang Sheol sa ibaba. (Sheol )
dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol. (Sheol )
Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol. (Sheol )
Gayundin naman ang sheol at Abaddon na hindi kailanman nasisiyahan, kaya ang mga mata ng isang tao ay hindi nasisiyahan kailanman. (Sheol )
Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man. (Sheol )
Ang Sheol, ang baog na sinapupunan, ang lupa na uhaw sa tubig, at ang apoy na hindi kailanman nagsabing, “Tama na.” (Sheol )
Ang Sheol; at ang baog na bahay-bata; ang lupa na hindi napapatiranguhaw ng tubig; at ang apoy na hindi nagsasabi, siya na. (Sheol )
Anuman ang gawin ng mga kamay mo, gawin mo ito gamit ang iyong lakas, dahil walang gawain o paliwanag o kaalaman o karunungan sa libingan, ang lugar kung saan ka pupunta. (Sheol )
Anomang masumpungang gawain ng iyong kamay, gawin mo ng iyong kapangyarihan; sapagka't walang gawa, ni katha man, ni kaalaman man, ni karunungan man, sa Sheol, na iyong pinaparunan. (Sheol )
Ilagay mo ako bilang isang tatak sa iyong puso, katulad ng isang selyo sa iyong bisig, dahil ang pag-ibig ay kasing lakas tulad ng kamatayan. Ang madamdaming debosyon ay tulad ng pagpupumilit ng sheol; ang mga apoy nito ay lumalagablab; ito ay isang nagliliyab na apoy, isang apoy na mas mainit kaysa sa anumang apoy. (Sheol )
Ilagay mo akong pinakatatak sa iyong puso, pinakatatak sa iyong bisig: sapagka't ang pagsinta ay malakas na parang kamatayan, panibugho ay mabagsik na parang Sheol: ang mga liyab niyaon ay parang mga liyab ng apoy, isang pinaka liyab ng Panginoon. (Sheol )
Kaya nga lalong naging matakaw ang kamatayan at ibinuka ang bibig nito nang malaki; ang mga maharlika, ang mga tao, ang kanilang mga pinuno at ang mga nagdiriwang at nagsasaya, ay bumagsak sa sheol. (Sheol )
Kaya't pinalaki ng Sheol ang kaniyang nasa, at ibinuka ang kaniyang bibig ng walang sukat: at ang kanilang kaluwalhatian, at ang kanilang karamihan, at ang kanilang kahambugan, at ang nagagalak sa gitna nila ay bumaba roon. (Sheol )
“Humingi ka ng tanda ni Yahweh, ang iyong Diyos; hingin mo ito sa kailaliman o sa kataas-taasan.” (Sheol )
Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas. (Sheol )
Sabik kang sasalubungin ng Sheol kapag bumaba ka doon. Papabangunin nito ang mga patay para sa iyo, lahat ng hari sa mundo, itataas sila mula sa kanilang mga trono. (Sheol )
Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa. (Sheol )
Binaba ang iyong karangyaan sa Sheol kasama ng tunog ng iyong instrumentong may kuwerdas. Nakakalat ang mga uod sa iyong ilalim, at nakabalot ang mga bulate sa iyo. (Sheol )
Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod. (Sheol )
Pero ngayon nadala ka dito pababa sa Sheol, sa ilalim ng hukay. (Sheol )
Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay. (Sheol )
Sinabi ninyo, “Nakipagtipan kami sa kamatayan; nakipagkasundo kami sa Sheol. Kaya kapag dumaan ang umaapaw na paghatol, hindi nito kami aabutan, sapagkat ginawa naming kanlungan ang isang kasinungalingan, at sa kabulaanan kami ay nagtago.” (Sheol )
Sapagka't inyong sinabi, Tayo'y nakipagtipan sa kamatayan, at sa Sheol ay nakipagkasundo tayo; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay dumaan, hindi darating sa atin; sapagka't ating ginawang pinakakanlungan natin ang mga kabulaanan, at sa ilalim ng kasinungalingan ay nangagkubli tayo, (Sheol )
Mawawalang bisa ang inyong tipan sa kamatayan, at ang kasunduan ninyo sa Sheol ay hindi magkakabisa. Kapag dumaan ang rumaragasang baha, tatabunan kayo nito. (Sheol )
At ang inyong tipan sa kamatayan ay mawawalan ng kabuluhan, at ang iyong pakikipagkasundo sa Sheol ay hindi mamamalagi; pagka ang mahigpit na kasakunaan ay daraan, kayo nga'y ipapahamak niyaon. (Sheol )
sinabi ko na sa kalahati ng aking buhay na mapupunta ako sa tarangkahan ng sheol; mananatili ako doon sa nalalabing mga taon ko. (Sheol )
Aking sinabi, Sa katanghalian ng aking mga kaarawan ay papasok ako sa mga pintuan ng Sheol: Ako'y nabawahan sa nalalabi ng aking mga taon. (Sheol )
Dahil hindi nagpapasalamat sa iyo ang sheol; hindi ka pinupuri ng kamatayan; silang nananaog sa hukay ay hindi umaasa sa iyong pagkamapagkakatiwalaan. (Sheol )
Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan. (Sheol )
Kayo ay pumunta sa hari na may langis; pinarami ninyo ang inyong mga pabango. Ipinadala ninyo sa malayo ang inyong mga kinatawan; kayo ay bumaba sa sheol. (Sheol )
At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol. (Sheol )
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na bumaba siya sa sheol, nagdala ako ng pagtangis sa mundo. Tinakpan ko ang mga malalalim na tubig dahil sa kaniya, at pinigilan ko ang mga tubig sa karagatan. Ipinagkait ko ang mga malalawak na tubig at nagdala ako ng pagtangis sa Lebanon para sa kaniya! Kaya ang lahat ng mga punongkahoy sa parang ay tumangis sa kaniya. (Sheol )
Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Nang araw na siya'y bumaba sa Sheol ay nagpatangis ako: aking tinakpan ang kalaliman dahil sa kaniya, at pinigil ko ang mga ilog niya; at ang mga malaking ilog ay nagsitigil; at aking pinapanangis sa kaniya ang Libano, at ang lahat na punong kahoy sa parang ay nanglupaypay dahil sa kaniya. (Sheol )
Nagdala ako ng panginginig sa mga bansa sa ugong ng kaniyang pagbagsak, nang itinapon ko siya sa sheol kasama ng mga bumaba sa hukay! At napanatag ko ang lahat ng mga punongkahoy ng Eden sa mga pinakamababang bahagi ng mundo! Ito ang mga pinakapili at pinakamagandang punongkahoy ng Lebanon, ang mga puno na nagsiinom ng mga tubig! (Sheol )
Aking niyanig ang mga bansa sa hugong ng kaniyang pagkabuwal, nang aking ihagis siya sa Sheol na kasama ng nagsibaba sa hukay; at ang lahat na punong kahoy sa Eden, ang pili at pinakamahusay ng Libano, lahat ng nagsisiinom ng tubig ay nangaaliw sa pinakamalalim na bahagi ng lupa. (Sheol )
Sapagkat bumaba din silang kasama niya sa sheol, silang mga pinatay sa pamamagitan ng mga espada! Ito ang mga malalakas niyang braso, ang mga bansa na nanirahan sa kaniyang lilim. (Sheol )
Sila rin nama'y nagsibaba sa Sheol na kasama niya sa kanila na nangapatay ng tabak; oo, silang pinakakamay niya na nagsisitahan sa kaniyang lilim sa gitna ng mga bansa. (Sheol )
Ang pinakamalakas na mandirigma sa sheol ay magpapahayag tungkol sa Egipto at sa kaniyang mga kaanib, 'Bumababa na sila rito! Hihiga sila kasama ang mga hindi tuli na namatay sa pamamagitan ng espada!' (Sheol )
Ang malakas sa gitna ng makapangyarihan ay magsasalita sa kaniya na mula sa gitna ng Sheol na kasama ng nagsitulong sa kaniya: sila'y nagsibaba, sila'y nangakatigil, sa makatuwid baga'y ang mga hindi tuli, na nangapatay ng tabak. (Sheol )
Hindi ba sila hihiga kasama ng mga bumagsak na mandirigma na hindi tuli na bumaba sa sheol dala-dala ang lahat ng kanilang mga sandata sa pakikipagdigma, at ang kanilang mga espada na nakalagay sa ilalim ng kanilang mga ulo? Ang kanilang mga kalasag ay nakalagay sa ibabaw ng kanilang mga buto. Sapagkat sila ang mga mandirigmang kakila-kilabot sa lupain ng mga buhay! (Sheol )
At sila'y hindi mangahihiga na kasama ng makapangyarihan na nangabuwal sa mga di tuli, na nagsibaba sa Sheol na may kanilang mga almas na pangdigma, at nangaglagay ng kanilang mga tabak sa ilalim ng kanilang mga ulo, at ang kanilang mga kasamaan ay nangasa kanilang mga buto; sapagka't sila ang kakilabutan ng makapangyarihan sa lupain ng buhay. (Sheol )
Ililigtas ko ba talaga sila mula sa kapangyarihan ng sheol? Ililigtas ko ba talaga sila mula sa Kamatayan? Kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Dalhin mo sila rito. Sheol, nasaan ang iyong pagwawasak? Dalhin mo ito dito. Nakatago mula sa aking mga mata ang kahabagan.” (Sheol )
Aking tutubusin sila mula sa kapangyarihan ng Sheol; aking tutubusin sila mula sa kamatayan. Oh kamatayan, saan nandoon ang iyong mga salot? Oh Sheol, saan nandoon ang iyong kasiraan? pagsisisi ay malilingid sa aking mga mata. (Sheol )
Kahit na maghukay sila hanggang sa Sheol, naroon ang aking kamay upang kunin sila. Kahit na umakyat sila patungo sa langit, mula roon hihilain ko sila pababa. (Sheol )
Bagaman sila'y humukay hanggang sa Sheol, mula roo'y kukunin sila ng aking kamay; at bagaman sila'y sumampa hanggang sa langit, mula roo'y ibababa ko sila. (Sheol )
Sinabi niya, “Tumawag ako kay Yahweh tungkol sa aking pagdadalamhati at sinagot niya ako; mula sa tiyan ng lugar ng Sheol sumigaw ako para sa tulong! Narinig mo ang aking tinig. (Sheol )
At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig. (Sheol )
Sapagkat ang alak ay isang mapanlinlang sa mayabang na binata upang hindi siya manatili, ngunit pinapalawak ang kaniyang nais gaya ng libingan at gaya ng kamatayan, at hindi nasiyahan kailanman. Tinitipon niya sa kaniyang sarili ang bawat bansa at lahat ng mga tao para sa kaniyang sarili. (Sheol )
Oo, bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan. (Sheol )
Ngunit sinasabi ko sa inyo na sinumang magalit sa kaniyang kapatid ay manganganib sa paghuhukom. At kung sinuman ang magsabi sa kaniyang kapatid na, 'Wala kang kuwentang tao!' ay manganganib sa konseho. At sinumang magsabi ng, 'Hangal ka!' ay manganganib sa apoy ng impiyerno. (Geenna )
Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan; at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka, ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy. (Geenna )
At kung ang iyong kanang mata ang nagiging sanhi ng iyong pagkatisod, dukutin mo ito at itapon sa malayo sapagkat mas mabuti para sa iyo na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa maitapon ang buo mong katawan sa impiyerno. (Geenna )
At kung ang kanan mong mata ay nakapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mabulid sa impierno. (Geenna )
At kung ang iyong kanang kamay ang sanhi ng iyong pagkadapa, putulin mo ito at itapon sa malayo. Sapagkat mas mabuti na mapahamak ang isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buo mong katawan ay mapunta sa impiyerno. (Geenna )
At kung ang kanan mong kamay ay nakapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: sapagka't may mapapakinabang ka pa na mawala ang isa sa mga sangkap ng iyong katawan, at huwag ang buong katawan mo ay mapasa impierno. (Geenna )
Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno. (Geenna )
At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno. (Geenna )
Ikaw, Capernaum, sa tingin mo ba ay maitataas ka sa langit? Hindi, ikaw ay maibababa sa hades. Kung sa Sodoma ginawa ang mga makapangyarihang gawa na ginawa sa iyo, nananatili pa sana magpahanggang ngayon ang bayan na iyon. (Hadēs )
At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka baga hanggang sa langit? ibababa ka hanggang sa Hades: sapagka't kung sa Sodoma sana ginawa ang mga makapangyarihang gawang sa iyo'y ginawa, ay nanatili sana siya hanggang sa araw na ito. (Hadēs )
Sinumang magbigkas ng anumang salita laban sa Anak ng Tao, siya ay mapapatawad. Ngunit sinumang magsasalita laban sa Banal na Espiritu, siya ay hindi mapapatawad, maging dito sa mundo o sa darating. (aiōn )
At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating. (aiōn )
Siya na naihasik sa may mga matitinik na halaman ay nakaririnig ng salita, ngunit ang pagkabalisa sa mundo at ang panlilinlang ng mga yaman ang siyang sumakal sa salita, at hindi siya namunga. (aiōn )
At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga. (aiōn )
at ang kaaway na naghasik sa kanila ay ang diyablo. Ang pag-aani ay ang katapusan ng mundo at ang mga tagapag-ani ay ang mga anghel. (aiōn )
At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: at ang pagaani ay ang katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel. (aiōn )
Kaya gaya ng mga damo na inipon at sinunog sa apoy, ganun din sa katapusan ng mundo. (aiōn )
Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan. (aiōn )
Ganito ang mangyayari pagdating ng katapusan ng mundo. Darating ang mga anghel at ihihiwalay ang masama sa mga matuwid. (aiōn )
Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, (aiōn )
Sinasabi ko rin sa iyo na ikaw ay si Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesiya. Ang tarangkahan ng hades ay hindi mananaig laban dito. (Hadēs )
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. (Hadēs )
Kung ang iyong kamay o mga paa ay nagiging sanhi ng inyong pagkatisod, putulin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may kapansanan o lumpo, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang kamay o dalawang paa. (aiōnios )
At kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan. (aiōnios )
Kung ang inyong mga mata ay maging dahilan ng inyong pagkatisod, dukutin ninyo ito at itapon ninyo ito palayo sa inyo. Mas mabuti para sa inyo ang pumasok sa buhay na may isang mata, kaysa itapon sa walang hanggang apoy na may dalawang mata. (Geenna )
At kung ang mata mo ang makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno. (Geenna )
Masdan ito, isang lalaki ang lumapit kay Jesus at sinabi, “Guro, ano ang mabuting bagay na kinakailangan kong gawin upang ako ay magkaroon ng buhay na walang hanggan?” (aiōnios )
At narito, lumapit sa kaniya ang isa, at nagsabi, Guro, ano ang mabuting bagay na gagawin ko upang ako'y magkaroon ng buhay na walang hanggan? (aiōnios )
Ang bawat isa na nag-iwan ng mga bahay, mga kapatid na lalaki, mga kapatid na babae, ama at ina, o lupain alang alang sa akin, ay makakatanggap ng isang daang beses at magmamana ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
At ang bawa't magiwan ng mga bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ama, o ina, o mga anak, o mga lupa, dahil sa aking pangalan, ay tatanggap ng tigisang daan, at magsisipagmana ng walang hanggang buhay. (aiōnios )
Nakakita siya ng puno ng igos sa tabi ng daan. Pinuntahan niya ito, subalit wala siyang nakitang bunga kundi mga dahon lamang. At sinabihan niya ito, “Hindi ka na magbubunga mula ngayon at magpakailan man.” Kaagad-agad ang puno ng igos ay natuyo. (aiōn )
At pagkakita sa isang puno ng igos sa tabi ng daan, ay kaniyang nilapitan, at walang nasumpungang anoman doon, kundi mga dahon lamang; at sinabi niya rito, Mula ngayo'y huwag kang magbunga kailan man. At pagdaka'y natuyo ang puno ng igos. (aiōn )
Aba kayong mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagkunwari! Sapagkat nilalakbay ninyo ang karagatan at lupain upang makahikayat ng isang mananampalataya. At kung maging mananampalataya na siya, dalawang beses ninyo siyang ginawang anak ng impyerno na katulad ninyo mismo. (Geenna )
Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka't inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya'y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impierno kay sa inyong sarili. (Geenna )
Kayong mga ahas, mga anak ng ulupong, paano ninyo matatakasan ang hatol sa impyerno? (Geenna )
Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno? (Geenna )
Habang nakaupo si Jesus sa Bundok ng mga Olibo, sarilinang lumapit ang mga alagad sa kaniya at sinabi nila, “Sabihin mo sa amin, kung kailan mangyari ang mga ito? Ano ang magiging palatandaan sa inyong pagparito at ang katapusan ng mundo?” (aiōn )
At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan? (aiōn )
At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel, (aiōnios )
Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel: (aiōnios )
Ang mga ito ay pupunta sa walang katapusang parusa ngunit ang matuwid, sa buhay na walang hanggan.” (aiōnios )
At ang mga ito'y mangapaparoon sa walang hanggang kaparusahan: datapuwa't ang mga matuwid ay sa walang hanggang buhay. (aiōnios )
Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.” (aiōn )
Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. (aiōn )
ngunit ang sinumang lumalapastangan laban sa Banal na Espiritu ay hindi kailanman magkakaroon ng kapatawaran, ngunit mayroong walang hanggang kasalanan.” (aiōn , aiōnios )
Datapuwa't sinomang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran magpakailan man, kundi may kasalanan ng isang kasalanang walang hanggan: (aiōn , aiōnios )
ngunit ang mga alalahanin sa mundo, ang pandaraya ng kayamanan at ang pagnanasa sa iba pang mga bagay ay pumasok at nasakal ang salita, at ito ay hindi nakapamunga. (aiōn )
At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga. (aiōn )
Kung ang iyong kamay ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pang pumasok ka sa buhay na walang kamay kaysa may dalawang kamay at pumunta sa impiyerno, sa apoy na hindi namamatay. (Geenna )
At kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kay sa may dalawang kamay kang mapasa impierno, sa apoy na hindi mapapatay. (Geenna )
Kung ang iyong paa ang dahilan upang ikaw ay madapa, putulin mo ito. Mas mabuti pa para sa iyo na pilay kang papasok sa buhay, kaysa may dalawang paa at maitapon sa impiyerno. (Geenna )
At kung ang paa mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay putulin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok kang pilay sa buhay kay sa may dalawang paa kang mabulid sa impierno. (Geenna )
Kung ang iyong mata ang dahilan upang ikaw ay madapa, dukutin mo ito. Mas mabuti pang pumasok sa kaharian ng Diyos na may isang mata kaysa mayroong dalawang mata at maitapon sa impiyerno, (Geenna )
At kung ang mata mo'y makapagpapatisod sa iyo, ay dukitin mo: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Dios na may isang mata, kay sa may dalawang mata kang mabulid sa impierno; (Geenna )
At nang simulan niya ang kaniyang paglalakbay, patakbong lumapit sa kaniya ang isang lalaki at lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin upang manahin ang buhay na walang hanggan?” (aiōnios )
At nang siya'y umalis na lumalakad sa daan, ay may isang tumakbong lumapit sa kaniya, at lumuhod sa harap niya, at siya'y tinanong, Mabuting Guro, ano ang gagawin ko upang ako'y magmana ng buhay na walang hanggan? (aiōnios )
ang hindi makatatanggap ng isandaang ulit pa ng mga ito sa mundo ngayon: mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupain na may mga pag-uusig, at sa mundong paparating, ang buhay na walang hanggan. (aiōn , aiōnios )
Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay. (aiōn , aiōnios )
Kinausap niya ito, “Wala ng makakakain muli ng bunga mula sa iyo.” At narinig ito ng kaniyang mga alagad. (aiōn )
At sumagot si Jesus at sinabi rito, Sinomang tao'y hindi kakain ng iyong bunga mula ngayon at magpakailan man. At ito'y narinig ng kaniyang mga alagad. (aiōn )
Siya ay maghahari sa mga angkan ni Jacob magpakailanman, at walang katapusan ang kaniyang kaharian.” (aiōn )
At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian. (aiōn )
(na sinabi niya sa ating mga ama) kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan magpakailanman.” (aiōn )
(Gaya ng sinabi niya sa ating mga magulang) Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man. (aiōn )
tulad ng sinabi niya sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta noong sinaunang panahon. (aiōn )
(Gaya ng sinabi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw buhat nang unang panahon), (aiōn )
Patuloy silang nagsusumamo sa kaniya na huwag silang utusang itapon sa bangin na napakalalim. (Abyssos )
At ipinamamanhik nila sa kaniya na huwag silang paparoonin sa kalalimlaliman. (Abyssos )
Ikaw, Capernaum, naiisip mo ba na ikaw ay itataas sa langit? Hindi, kayo ay ibababa sa Hades. (Hadēs )
At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka hanggang sa langit? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades. (Hadēs )
Masdan ito, may isang guro ng kautusan ng Judio na tumindig at sinubukan siya, sinabi, “Guro, anong dapat kong gawin upang magmana ng walang hanggang buhay?” (aiōnios )
At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay? (aiōnios )
Ngunit babalaan ko kayo tungkol sa dapat ninyong katakutan. Katakutan ang taong pagkatapos pumatay ay may kapangyarihang itapon kayo sa impiyerno. Oo, sinasabi ko sa inyo, katakutan siya. (Geenna )
Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan. (Geenna )
At pinuri ng amo ang hindi makatarungang tagapamahala dahil kumilos siya nang may katusuhan. Sapagkat ang mga anak ng mundong ito ay mas tuso sa pakikitungo sa kanilang sariling tao kaysa mga anak ng liwanag. (aiōn )
At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw. (aiōn )
Sinasabi ko sa inyo, makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng perang hindi makatarungan, para kapag ito ay naubos na, maaari ka nilang tanggapin sa walang hanggang tirahan. (aiōnios )
At sinabi ko sa inyo, Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan; upang, kung kayo'y magkulang, ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo. (aiōnios )
at doon sa hades, sa kaniyang pagdurusa, tumingala siya at nakita si Abraham sa malayo at si Lazarus na nasa tabi niya. (Hadēs )
At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan. (Hadēs )
Isang pinuno ang nagtanong sa kaniya, sinasabi, “Mabuting guro, ano ang kailangan kong gawin upang magmana ng buhay na walang hanggan?” (aiōnios )
At tinanong siya ng isang pinuno, na sinasabi, Mabuting Guro, anong gagawin ko upang magmana ng walang hanggang buhay? (aiōnios )
ang hindi makatatanggap ng mas marami sa mundong ito at sa mundong darating, ng buhay na walang hanggan.” (aiōn , aiōnios )
Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay. (aiōn , aiōnios )
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang mga anak na lalaki ng mundong ito ay mag-aasawa at ibinibigay upang makapangasawa. (aiōn )
At sinabi sa kanila ni Jesus, Nagsisipagasawa ang mga anak ng sanglibutang ito, at pinapagaasawa: (aiōn )
Ngunit ang mga nahatulan na karapat-dapat na tumanggap ng muling pagkabuhay mula sa mga patay at pumasok sa walang hanggang ay hindi mag-aasawa at hindi ibinibigay upang makapangasawa. (aiōn )
Datapuwa't ang mga inaaring karapatdapat magkamit ng sanlibutang yaon, at ng pagkabuhay na maguli sa mga patay, ay hindi mangagaasawa, ni papagaasawahin: (aiōn )
upang ang lahat ng mananampalataya sa kaniya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Ang nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan, ngunit ang sinumang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi mananatili ang poot ng Diyos sa kaniya.” (aiōnios )
Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya. (aiōnios )
ngunit ang sinumang uminom ng kaunting tubig na ibibigay ko sa kaniya ay hindi kailan man muling mauuhaw. Sa halip, ang tubig na ibibigay ko sa kaniya ay magiging bukal ng tubig na magdudulot sa kaniya ng buhay na walang hanggan.” (aiōn , aiōnios )
Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan. (aiōn , aiōnios )
Ang nag-aani ay tatanggap ng bayad at nagtitipon ng bunga para sa buhay na walang hanggan, upang ang nagtatanim at ang umaanii ay maaaring magkasamang magdiwang. (aiōnios )
Ang umaani ay tumatanggap ng upa, at nagtitipon ng bunga sa buhay na walang hanggan; upang ang naghahasik at ang umaani ay mangagalak kapuwa. (aiōnios )
Tunay nga, ang nakarinig ng aking salita at naniwala sa kaniya na nagsugo sa akin ay mayroong buhay na walang hanggan at hindi mahahatulan. Sa halip, nailipat na siya mula sa kamatayan patungo sa buhay. (aiōnios )
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. (aiōnios )
Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin, (aiōnios )
Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. (aiōnios )
Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya. (aiōnios )
Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios. (aiōnios )
Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw. (aiōnios )
Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. (aiōnios )
Tunay nga, ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Ako ang buhay na tinapay na nagmula sa langit. Kung sinuman ang kumain ng ilang tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman. Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman para sa buhay ng mundo. (aiōn )
Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan. (aiōn )
Sinuman ang kakain ng aking laman at iinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at ibabangon ko siya sa huling araw. (aiōnios )
Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw. (aiōnios )
Ito ang tinapay na bumaba mula sa langit, hindi tulad ng kinain ng mga ninuno at namatay. Ang kakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman. (aiōn )
Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man. (aiōn )
Sinagot siya ni Simon Pedro, “Panginoon, kanino kami pupunta? Ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan, (aiōnios )
Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Ang alipin ay hindi laging nananatili sa tahanan; ang anak ay laging nananatili. (aiōn )
At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man. (aiōn )
Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang tutupad ng aking salita, hindi niya kailanman makikita ang kamatayan. (aiōn )
Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan. (aiōn )
Sinabi ng mga Judio sa kaniya, “Ngayon alam namin na mayroon kang demonyo. Si Abraham at ang mga propeta ay namatay; pero sinasabi mo, 'Kung sinuman ang tutupad sa aking salita ay hindi kailanman matitikman ang kamatayan.' (aiōn )
Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan. (aiōn )
Mula ng nagsimula ang mundo hindi kailanman narinig na napadilat ng sinuman ang mga mata ng isang taong isinilang na bulag. (aiōn )
Buhat nang lalangin ang sanglibutan ay hindi narinig kailan man na napadilat ng sinoman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag. (aiōn )
Ibinigay ko sa kanila ang buhay na walang hanggang; hindi sila malilipol, at walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay. (aiōn , aiōnios )
At sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay. (aiōn , aiōnios )
at sinuman ang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi na mamatay. Naniniwala ka ba dito?” (aiōn )
At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito? (aiōn )
Ang nagmamahal sa kaniyang buhay ay mawawalan nito, subali't ang namumuhi sa kaniyang buhay sa mundong ito ay mapapanatili ito para sa walang hanggang buhay. (aiōnios )
Ang umiibig sa kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang napopoot sa kaniyang buhay sa sanglibutang ito ay maiingatan yaon sa buhay na walang hanggan. (aiōnios )
At sumagot ang maraming tao sa kaniya, “Narinig namin mula sa kautusan na ang Cristo ay mananatili magpakailanman. Paano mo masasabi, “Ang Anak ng Tao ay kailangan itaas?” “Sino itong Anak ng Tao?” (aiōn )
Sinagot nga siya ng karamihan, Aming narinig sa kautusan na ang Cristo ay lumalagi magpakailan man: at paanong sinasabi mo, Kinakailangan na ang Anak ng tao ay mataas? sino ang Anak ng taong ito? (aiōn )
Alam ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; kaya iyong mga sinasabi ko—na ayon sa sinasabi ng Ama sa akin, ay sinasabi ko sa kanila.” (aiōnios )
At nalalaman ko na ang kaniyang utos ay buhay na walang hanggan; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng Ama, gayon ko sinasalita. (aiōnios )
Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Hindi mo kailanman huhugasan ang aking mga paa.” Sumagot si Jesus, “Kung hindi kita huhugasan, hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.” (aiōn )
Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin. (aiōn )
At mananalangin ako sa Ama, at bibigyan niya kayo ng isa pang Manga-aliw upang siya ay sumainyo magpakailanman, (aiōn )
At ako'y dadalangin sa Ama, at kayo'y bibigyan niya ng ibang Mangaaliw, upang siyang suma inyo magpakailan man, (aiōn )
tulad ng pagbigay mo sa kaniya ng kapangyarihan sa lahat ng laman upang siya ay makapagbigay ng buhay na walang hanggan sa lahat ng sinumang ibinigay mo sa kaniya. (aiōnios )
Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya. (aiōnios )
Ito ang buhay na walang hanggan: na ikaw ay dapat nilang makilala, ang nag-iisang tunay na Diyos, at ang isinugo mong si Jesu-Cristo. (aiōnios )
At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. (aiōnios )
Sapagkat hindi mo pababayaan ang aking kaluluwa na mapunta sa hades, o papayagan ang iyong Nag-iisang Banal na makitang mabulok. (Hadēs )
Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. (Hadēs )
Nahulaan niya na ito at nagsalita tungkol sa pagkabuhay ni Cristo, Na hindi siya pinabayaan doon sa hades, o ang kanyang laman ay makitang mabulok.' (Hadēs )
Palibhasa'y nakikita na niya ito, ay nagsalita tungkol sa pagkabuhay na maguli ng Cristo, na siya'y hindi pinabayaan sa Hades, ni ang kaniya mang katawan ay hindi nakakita ng kabulukan. (Hadēs )
Ang Nag-iisa, na kinakailangan tanggapin sa langit, hanggang sa panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay, tungkol sa mga sinabi ng Diyos noon sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta. (aiōn )
Na siya'y kinakailangang tanggapin ng langit hanggang sa mga panahon ng pagsasauli sa dati ng lahat ng mga bagay, na sinalita ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta buhat pa nang una. (aiōn )
Ngunit matapang na nagsalita sina Pablo at Bernabe at sinabi, “Kinakailangan muna na ang salita ng Diyos ay maibahagi sa inyo. Ngunit nakikita kong itinutulak ninyo ito palayo sa inyong sarili at itinuturing ang inyong sarili na hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, tingnan ninyo, pupunta kami sa mga Gentil. (aiōnios )
At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil. (aiōnios )
Nang narinig ito ng mga Gentil, nagalak sila at pinuri ang salita ng Panginoon. Nanampalataya ang mga naitalaga sa buhay na walang hanggan. (aiōnios )
At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Ito ang sinasabi ng Panginoon, na siyang gumawa ng mga bagay na batid sa nagdaang kapanahunan. (aiōn )
Sabi ng Panginoon, na nagpapakilala ng mga bagay na ito mula nang una. (aiōn )
Sapagkat ang kaniyang likas na hindi nakikita ay malinaw na nakikita simula pa noong likhain ang mundo. Nauunawaan ang mga ito sa pamamagitan ng mga nilikhang bagay. Ang mga likas na ito ay ang kaniyang walang hanggang kapangyarihan at ang kaniyang pagka-Diyos. Kung kaya, ang mga taong ito ay walang maidadahilan. (aïdios )
Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan: (aïdios )
Sila iyong mga ipinagpalit ang katotohanan ng Diyos sa kasinungalingan, at mga sumamba at naglingkod sa nilikha sa halip na ang Lumikha, na pinupuri magpakailanman. Amen. (aiōn )
Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
sa mga patuloy na gumagawa ng mga mabubuting bagay na naghangad ng papuri, karangalan at ng hindi pagkasira, bibigyan niya ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira, ay ang buhay na walang hanggan: (aiōnios )
Nangyari ito upang, gaya ng kamatayan na naghahari sa kamatayan, gayon din naman ang biyaya ay maghari sa pamamagitan ng katuwiran para sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon. (aiōnios )
Upang, kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay, ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. (aiōnios )
Ngunit ngayon na kayo ay pinalaya mula sa kasalanan at alipin na ng Diyos, nasa inyo ang inyong bunga para sa ikababanal. Ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon. (aiōnios )
Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin. (aiōnios )
Sa kanilang mga ninuno nagmula si Cristo ayon sa laman—na siyang Diyos sa lahat. Nawa purihin siya magpakailanman. Amen. (aiōn )
Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
At huwag mong sasabihing, 'Sino ang bababa sa kailaliman?'” (sa makatuwid ay upang iakyat si Cristo mula sa patay.) (Abyssos )
O, Sino ang mananaog sa kalalimlaliman? (sa makatuwid baga'y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay.) (Abyssos )
Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa kasuwayan, nang sa gayon maipakita niya ang awa sa lahat. (eleēsē )
Sapagka't ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan, upang siya'y mahabag sa lahat. (eleēsē )
Sapagkat mula sa kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn )
Sapagka't kaniya, at sa pamamagitan niya, at sa kaniya, ang lahat ng mga bagay. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Huwag kayong umayon sa mundong ito, ngunit mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip. Gawin ninyo ito upang malaman ninyo kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at ganap na kalooban ng Diyos. (aiōn )
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios. (aiōn )
Ngayon sa kaniya na may kakayahang kayo ay pagtibayin ayon sa aking ebanghelyo at sa pangangaral ni Jesu-Cristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na itinago mula pa noon, (aiōnios )
At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. (aiōnios )
ngunit sa ngayon ay inilahad na at nalaman sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta ayon sa kautusan ng walang hanggang Diyos, para sa pagsunod ng mga Gentil dahil sa kanilang pananampalataya? (aiōnios )
Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya: (aiōnios )
sa iisang Diyos na matalino, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn )
Sa iisang Dios na marunong, sa pamamagitan ni Jesucristo, na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Nasaan ang taong marunong? Nasaan ang dalubhasa? Nasaan ang debatista ng mundong ito? Hindi ba't pinalitan ng Diyos ang karunungan ng mundong ito ng kamangmangan? (aiōn )
Saan naroon ang marunong? saan naroon ang eskriba? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan? (aiōn )
Ngayon nagsasalita kami ng karunungan sa mga ganap, ngunit hindi ang karunungan ng mundong ito, o ng mga namumuno sa kapanahunang ito, na lumilipas. (aiōn )
Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala: (aiōn )
Sa halip nagsasalita kami ng karunungan ng Diyos sa lihim na katotohanan, ang lihim na karunungang itinalaga ng Diyos bago pa ang mga panahon para sa ating kaluwalhatian. (aiōn )
Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin: (aiōn )
Wala sa mga namumuno sa panahong ito ang nakakaalam ng ganitong karunungan, sapagkat kung naunawaan lang sana nila ito sa panahong iyon, hindi na sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. (aiōn )
Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian: (aiōn )
Huwag ninyong dayain ang inyong mga sarili. Kung ang sinuman sa inyo ay nag-iisip na siya ay marunong sa panahong ito, hayaan siyang maging “mangmang” upang magtamo siya ng karunungan. (aiōn )
Sinoma'y huwag magdaya sa kaniyang sarili. Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya'y marunong sa kapanahunang ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong. (aiōn )
Kaya nga, kung pagkain ang magiging sanhi na matisod ang aking mga kapatid, hindi na ako kailanman kakain ng karne upang hindi ako maging sanhi ng pagbagsak ng aking mga kapatid. (aiōn )
Kaya, kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako'y huwag makapagpatisod sa aking kapatid. (aiōn )
Ngayon nangyari ang mga ito sa kanila upang maging halimbawa para sa atin. Ito ay mga alituntunin na naisulat-para sa atin sa mga huling panahon. (aiōn )
Ang mga bagay na ito nga'y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon. (aiōn )
“Kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay? Kamatayan, nasaan ang iyong kamandag?” (Hadēs )
Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong tibo? (Hadēs )
Sa kanilang kalagayan, ang kanilang mga isip na walang pananampalataya ay binulag ng diyos ng mundong ito. Bilang resulta nito, wala silang kakayanang makita ang liwanag ng kaluwalhatian ni Cristo, na kalarawan ng Diyos. (aiōn )
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios. (aiōn )
Sapagkat, ang panandalian at bahagyang pagdadalamhati na ito ay naghanda sa amin para sa walang hanggang bigat ng kaluwalhatian na hindi masukat. (aiōnios )
Sapagka't ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo't lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan; (aiōnios )
Sapagkat hindi kami tumitingin sa mga bagay na nakikita, kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Ang mga bagay na nakikita ay panandalian, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan. (aiōnios )
Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan. (aiōnios )
Alam natin na kung nasira ang ating lupang tahanan na tinitirahan, mayroon tayong tahanan sa langit na ginawa ng Diyos. Ito ay tirahan na hindi ginawa ng kamay ng tao, kundi walang hanggang tahanan, sa langit. (aiōnios )
Sapagka't nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa, ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios, bahay na hindi gawa ng mga kamay, walang hanggan, sa sangkalangitan. (aiōnios )
Ito ay gaya ng nasusulat: “Ipinamahagi niya ang kaniyang kasaganaan at ibinigay sa mahihirap. Ang kaniyang katuwiran ay magpakailanman.” (aiōn )
Gaya ng nasusulat, Siyang nagsabog, siyang nagbigay sa mga dukha; Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man. (aiōn )
Ang Diyos at ang Ama ng Panginoong Jesus, siya na pinupuri magpakailanman, alam niya na hindi ako nagsisinungaling! (aiōn )
Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na ako'y hindi nagsisinungaling. (aiōn )
na nagbigay ng kaniyang sarili alang-alang sa ating mga kasalanan upang mailigtas niya tayo sa kasalukuyang makasalanang panahon, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. (aiōn )
Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama: (aiōn )
Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. (aiōn )
Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Sapagkat siya na nagtanim ng butil sa kaniyang likas na kasamaan ay aani din ng kapahamakan, ngunit siya na nagtanim ng butil ng Espiritu, ay aani ng buhay na walang hanggan na galing sa Espiritu. (aiōnios )
Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Pinaupo niya si Cristo na pinakamataas sa lahat ng kapamahalaan, kapangyarihan, pamunuan, at bawat pangalan na pinangalanan. Pinaupo niya si Cristo hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa panahong darating. (aiōn )
Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating: (aiōn )
Sa ganito rin kayo minsang lumakad ayon sa panahon ng mundong ito. Lumalakad kayo ayon sa kapangyarihan ng namumuno sa hangin. Ito ang kaniyang espiritu na gumagawa sa mga anak ng pagsuway. (aiōn )
Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; (aiōn )
Ginawa niya ito upang sa darating na panahon, maipakita niya sa atin ang kaniyang dakila at masaganang biyaya. Ipinakita niya ito sa atin sa pamamagitan ng kaniyang kabutihan kay Cristo Jesus. (aiōn )
Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus: (aiōn )
Kailangan kong paliwanagan ang lahat ng mga tao patungkol sa lihim na plano ng Diyos. Ito ang plano na nilihim ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay noong una pang panahon. (aiōn )
At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay; (aiōn )
Mangyayari ito ayon sa walang hanggang plano na tinupad niya kay Cristo Jesus na ating Panginoon. (aiōn )
Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin: (aiōn )
sa kaniya ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa lahat ng mga salinlahi magpakailan man. Amen. (aiōn )
Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Sapagkat ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo. Sa halip, ito ay laban sa pamahalaan at kapangyarihang espiritwal at mga tagapamahala ng kaharian ng masamang kadiliman, laban sa mga masasamang espiritu sa kalangitan. (aiōn )
Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan. (aiōn )
Ngayon, nawa'y sa ating Diyos at Ama ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn )
Ngayon nawa'y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Ito ang lihim na katotohanan na itinago sa panahon at sa mga salinlahi. Ngunit nahayag ito ngayon sa mga naniniwala sa kaniya. (aiōn )
Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi: datapuwa't ngayo'y ipinahayag sa kaniyang mga banal, (aiōn )
Sila ay daranas ng kaparusahan sa walang hanggang pagkawasak na malayo mula sa presensiya ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. (aiōnios )
Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. (aiōnios )
Ngayon, nawa ang ating Panginoong Jesu-Cristo mismo, at ang ating Diyos Ama na nagmamahal sa atin at nagbigay sa atin ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa hinaharap sa pamamagitan ng biyaya, (aiōnios )
Ngayon ang ating Panginoong Jesucristo rin, at ang Dios na ating Ama na sa amin ay umibig at sa amin ay nagbigay ng walang hanggang kaaliwan at mabuting pagasa sa pamamagitan ng biyaya, (aiōnios )
Ngunit sa dahilang ito nabigyan ako ng habag, kaya't sa pamamagitan ko, bilang pangunahin, ay ipapakita ni Cristo Jesus ang buong pagtitiyaga. Ginawa niya ito bilang isang halimbawa sa mga magtitiwala sa kaniya para sa buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Gayon ma'y dahil dito, kinahabagan ako, upang sa akin na pangulong makasalanan, ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya, na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya, sa ikabubuhay na walang hanggan. (aiōnios )
Ngayon sa hari ng walang hanggang panahon, ang walang kamatayan, hindi nakikita, at nag-iisang Diyos, sa kaniya ang karangalan at luwalhati magpakailanpaman. Amen. (aiōn )
Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. (aiōn )
Lumaban ka ng mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan kung saan ka tinawag. Tungkol dito nagpatotoo ka sa harap ng maraming mga saksi kung ano ang mabuti. (aiōnios )
Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi. (aiōnios )
Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa hindi malapitang liwanag. Walang sinumang tao na nakakita sa kaniya o kaya ay may kakayahang makita siya. Sa kaniya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen. (aiōnios )
Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa. (aiōnios )
Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. (aiōn )
Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak; (aiōn )
Ang Diyos ang nagligtas sa atin at tumawag sa atin sa banal na pagkatawag. Ginawa niya ito, hindi ayon sa ating mga gawa, ngunit ayon sa kaniyang layunin at biyaya. Ibinigay niya ang mga bagay na ito sa atin kay Cristo Jesus bago pa ang pasimula ng panahon. (aiōnios )
Na siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa kaniyang sariling akala at biyaya, na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan. (aiōnios )
Kaya tinitiis ko ang lahat ng bagay para sa mga pinili, upang matamo din nila ang kaligtasan na nakay Cristo Jesus, na may kaluwalhatian na walang hanggan. (aiōnios )
Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan. (aiōnios )
Sapagkat iniwan ako ni Demas. Iniibig niya ang kasalukuyang mundong ito at pumunta sa Tesalonica. Pumunta si Cresente sa Galacia, at pumunta si Tito sa Dalmacia. (aiōn )
Sapagka't ako'y pinabayaan ni Demas, palibhasa'y iniibig niya ang sanglibutang ito, at napasa Tesalonica; si Crescente ay napasa Galacia, at si Tito ay sa Dalmacia. (aiōn )
Sasagipin ako ng Panginoon sa bawat masasamang gawa at ililigtas ako para sa kaniyang kaharian sa langit. Sa kaniya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (aiōn )
Ako'y ililigtas ng Panginoon sa bawa't gawa ng masama, at ako'y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit: na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Ang mga ito ay nasa pagtitiwala sa buhay na walang hanggan na ang Diyos, siyang walang pagsisinungaling, ay ipinangako bago ang lahat ng panahon. (aiōnios )
Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan; (aiōnios )
Ito ay nagsasanay sa atin na tumanggi sa walang kabanalan at makamundong pagkahumaling. Ito ang nagsanay sa ating mamuhay ng matino, makatarungan at sa makadiyos na paraan sa kapanahunan ngayon (aiōn )
Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito; (aiōn )
Ginawa Nya ito, upang, ang mga pinawalang sala sa pamamagitan ng kanyang biyaya, tayo'y maaring maging kabahagi sa kasiguraduhan ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Upang, sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Marahil ang dahilan kaya siya nahiwalay sa iyo sandali, ay upang siya ay matanggap mong muli magpakailanman. (aiōnios )
Sapagka't marahil sa ganito siya'y nahiwalay sa iyo sa sangdaling panahon, upang siya'y mapasa iyo magpakailan man; (aiōnios )
Ngunit sa mga araw na ito, nakikipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak na siyang hinirang na tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ginawa ang mundo. (aiōn )
Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; (aiōn )
Ngunit tungkol sa Anak sinasabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay walang hanggan. Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katarungan. (aiōn )
Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian. (aiōn )
Ito ay katulad lang din ng kaniyang sinabi sa ibang lugar, ''Ikaw ay pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec.” (aiōn )
Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. (aiōn )
Siya ay ginawang ganap at sa pamamaraang ito, siya ang dahilan ng walang hanggang kaligtasan para sa bawat isang sumusunod sa kaniya, (aiōnios )
At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya; (aiōnios )
ni ang saligan ng katuruan tungkol sa mga pagbabautismo, pagpapatong ng mga kamay, ang muling pagkabuhay ng mga patay, at sa hatol na walang hanggan. (aiōnios )
Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan. (aiōnios )
at sila na nakalasap na ng mabuting salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng kapanahunang darating, (aiōn )
At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, (aiōn )
Pumasok si Jesus sa dakong iyon bilang tagapanguna para sa atin, at naging pinaka-punongpari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec. (aiōn )
Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. (aiōn )
Dahil ang kasulatan ay sumasaksi tungkol sa kaniya: ''Ikaw ay isang pari magpakailanman ayon sa pagkapari ni Melquisedec. (aiōn )
Sapagka't pinatotohanan tungkol sa kaniya, Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. (aiōn )
Ngunit ang Diyos ay gumawa ng isang panunumpa nang sinabi niya ang tungkol kay Jesus, ''Ang Panginoon ay nangako at hindi na magbabago ang kaniyang isip: ''Ikaw ay isang pari magpakailanman.''' (aiōn )
(Sapagka't sila'y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa; datapuwa't siya'y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya, Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man); (aiōn )
Ngunit dahil nabubuhay si Jesus magpakailanman, ang kaniyang pagkapari ay hindi mapapalitan. (aiōn )
Datapuwa't siya, sapagka't namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan. (aiōn )
Sapagkat ang kautusan ang humirang ng mga tao na may kahinaan katulad ng mga pinakapunong pari, ngunit ang salita ng panunumpa, na dumating matapos ang kautusan, ay naghirang ng isang Anak, na siyang ginawang ganap magpakailanman. (aiōn )
Sapagka't inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan; nguni't ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak, na sakdal magpakailan man. (aiōn )
Hindi ito sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at mga guya, ngunit sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo kaya minsan lamang pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar para sa lahat at tiyakin ang ating walang hanggang katubusan. (aiōnios )
At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka, kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal, na kinamtan ang walang hanggang katubusan. (aiōnios )
gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, na luminis sa ating budhi mula sa mga gawang patay upang makapaglingkod sa Diyos na buhay? (aiōnios )
Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios, ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay? (aiōnios )
Sa kadahilanang ito, si Cristo ang tagapamagitan ng bagong tipan. Ito ay dahil may isang kamatayan na nangyari upang palayain ang mga napapasailalim sa lumang tipan mula sa kabayaran ng kanilang mga kasalanan, sa gayon ang lahat ng mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang pamana na kaniyang ipinangako. (aiōnios )
At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan. (aiōnios )
Kung iyan ay totoo, kakailanganin niyang maghirap ng maraming ulit mula pa ng likhain ang mundo. Ngunit ngayon minsan na lamang siyang naipahayag hanggang sa katapusan ng panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kaniyang sarili. (aiōn )
Sa ibang paraan ay kailangan na siya'y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan: datapuwa't ngayon ay minsan siya'y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili. (aiōn )
Sa pamamagitan ng pananampalataya, nauunawaan natin na nilikha ang buong sanlibutan sa pamamagitan ng utos ng Diyos, upang kung ano man ang nakikita ay hindi nilikha mula sa mga bagay na nakikita. (aiōn )
Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Dios, ano pa't ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita. (aiōn )
Si Jesu- Cristo ay hindi nagbabago kahapon, ngayon at magpakaylan man. (aiōn )
Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man. (aiōn )
Ngayon nawa ang Diyos ng kapayapaan, na siyang nagbalik mula sa kamatayan ang dakilang Pastol ng mga tupa, Ang ating Panginoong Jesus, sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, (aiōnios )
Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus, (aiōnios )
ay magbigay sa inyo ng bawat mabubuting bagay upang gawin ang kaniyang kalooban, kumikilos sa atin na mga nakakalugod sa kaniyang paningin, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na nararapat tumanggap ng papuri magpakailan man. Amen (aiōn )
Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Ang dila ay isa ring apoy, isang mundo ng makasalanan na inilagay sa bahagi ng ating mga katawan, nagpaparumi sa buong katawan at pinagniningas ang daan ng buhay, at ito ay nakatakdang apoy mula sa impiyerno. (Geenna )
At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno. (Geenna )
Ipinanganak kayong muli, hindi mula sa naglalahong binhi, ngunit mula sa hindi naglalahong binhi, sa pamamagitan ng buhay at nananatiling salita ng Diyos. (aiōn )
Yamang ipinanganak kayong muli, hindi sa binhing nasisira, kundi sa walang kasiraan, sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi. (aiōn )
pero ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.” Ito ang mensahe na ipinahayag bilang ebanghelyo sa inyo. (aiōn )
Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo. (aiōn )
Kung mayroong nangungusap, ituring niyo ito bilang salita ng Diyos, at kung mayroong naglilingkod, magmula ito sa lakas na ibinibigay ng Diyos, upang sa lahat ng bagay, ang Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan ni Jesu- Cristo. Kaluwalhatian at kapangyarihan ay sa kaniya magpakailanman. Amen (aiōn )
Na kung ang sinoma'y nagsasalita, ay gaya ng sa mga aral ng Dios: kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Pagkatapos ninyong magdusa sa sandaling panahon, ang Diyos ng lahat ng biyaya, na tumawag sa inyo sa walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, ang siyang magbibigay sa inyo ng kaganapan, magpapatibay at magpapalakas sa inyo. (aiōnios )
At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo'y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo'y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas sa inyo. (aiōnios )
Sa kaniya ang kapangyarihan magpakailanman. Amen. (aiōn )
Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
Sa gayon, ang daan ay masaganang ipagkakaloob sa inyo sa walang hanggang kaharian ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. (aiōnios )
Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo. (aiōnios )
Sapagkat hindi kinaawaan ng Diyos ang mga anghel na nagkasala. Sa halip ay ipinasakamay niya ang mga ito sa Tartarus upang igapos sa mga tanikala hanggang sa paghuhukom. (Tartaroō )
Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom; (Tartaroō )
Ngunit, lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kaniya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen! (aiōn )
Datapuwa't magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin. (aiōnios )
(At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag); (aiōnios )
Ang mundo at ang pagnanasa nito ay lumilipas. Pero ang sinumang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman. (aiōn )
At ang sanglibutan ay lumilipas, at ang masamang pita niyaon; datapuwa't ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man. (aiōn )
At ito ang pangakong ibinigay niya sa atin: buhay na walang hanggan. (aiōnios )
At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin, ang buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mamamatay tao. At alam ninyo na ang buhay na walang hanggan ay hindi nanatili sa isang mamamatay tao. (aiōnios )
Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao: at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
At ang patotoo ay ito- na tayo ay binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kanyang Anak. (aiōnios )
At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak. (aiōnios )
Ang mga bagay na ito ay sinulat ko sa inyo para malaman ninyo na mayroon kayong buhay na walang hanggan-sa inyo na naniniwala sa pangalan ng Anak ng Diyos. (aiōnios )
Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios. (aiōnios )
Pero alam natin na ang Anak ng Diyos ay dumating at binigyan tayo ng kaunawaan, na kilala natin siya na totoo, at tayo ay nasa kanya na siyang totoo- kahit na sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Siya ang totoong Diyos at buhay na walang hanggan. (aiōnios )
At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. (aiōnios )
dahil sa katotohanan na nananatili sa atin at mapapasaatin magpakailanman. (aiōn )
Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man: (aiōn )
At ang mga anghel na hindi nanatili sa kani-kanilang makapangyarihang tungkulin- ngunit iniwan ang kanilang nararapat na lugar- ginapos sila ng Diyos sa walang hanggang mga tanikala, sa lubos na kadiliman, para sa dakilang araw ng paghuhukom. (aïdios )
At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw. (aïdios )
Katulad ito ng Sodom at Gomorra at ang mga lungsod sa paligid nila, na nagpasasa din sa sekswal na imoralidad at sila ay nagpatuloy sa hindi likas na pagnanasa. Sila ay ipinakita bilang mga halimbawa ng mga nagdurusa sa parusa ng walang hanggang apoy. (aiōnios )
Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan. (aiōnios )
marahas na mga alon ng dagat, na bumubulang palabas sa kanilang sariling kahihiyan, gumagala na mga tala—na sa kaitiman ng kadiliman ay nakalaan ang magpakailanman. (aiōn )
Mga mabangis na alon sa dagat, na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man. (aiōn )
panatilihin ang inyong sarili sa pag-ibig ng Diyos at hintayin ang awa ng ating Panginoong Jesu-Cristo na nagdadala sa inyo ng buhay na walang hanggan. (aiōnios )
Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios, na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan. (aiōnios )
sa tanging Diyos ating tagapagligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ating Panginoon, ang kaluwalhatian, kadakilaan, kataas-taasan, kapangyarihan-bago sa lahat ng panahon, at ngayon, at magpakailanman. Amen. (aiōn )
Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon, ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian, ang karangalan, ang paghahari, at ang kapangyarihan, sa kaunaunahang panahon, at ngayon at magpakailan man. Siya nawa. (aiōn )
ginawa niya tayong isang kaharian, mga pari sa Diyos at kaniyang Ama—sa kaniya ang kaluwalhatian at ang kapangyarihan magpakailan pa man. Amen. (aiōn )
At ginawa tayong kaharian, mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man. Siya nawa. (aiōn )
at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades. (aiōn , Hadēs )
At ang Nabubuhay; at ako'y namatay, at narito, ako'y nabubuhay magpakailan man, at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades. (aiōn , Hadēs )
Kapag ang buhay na mga nilalang ay nagbigay ng kaluwalhatian, karangalan at pasasalamat sa isa na siyang nakaupo sa trono, sa isa na siyang nabubuhay magpakailan pa man, (aiōn )
At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri, at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan, doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, (aiōn )
ang dalawampu't apat na nakatatanda ay nagpatirapa sa harap ng isang nakaupo sa trono. Yumuko sila sa isang nabubuhay ng walang hanggan at magpakailan pa man, at inihagis nila ang kanilang mga korona sa harap ng trono, sinasabing, (aiōn )
Ang dalawangpu't apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan, at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man, at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi, (aiōn )
Narinig ko bawat bagay na nasa langit, at sa lupa, at sa ilalim ng lupa at sa dagat — lahat ng bagay sa kanila — sinasabing: “Sa kaniya na siyang nakaupo sa trono, at sa Kordero, ay ang kapurihan, karangalan, kaluwalhatian, at kapangyarihan para mamahala, magpakailan pa man. (aiōn )
At ang bawa't bagay na nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi, Sa kaniya na nakaupo sa luklukan, at sa Cordero ay ang pagpapala, at kapurihan, at kaluwalhatian, at paghahari, magpakailan kailan man. (aiōn )
Pagkatapos nakita ko ang isang maputlang kabayo. Ang sakay dito ay pinangalanang Kamatayan at sumusunod sa kaniya ang hades. Sila ay binigyan ng kapangyarihan sa ibabaw ng isang ika-pat sa lupa, para patayin gamit ang espada, kagutuman at karamdaman at sa pamamagitan ng mga mababangis na hayop sa lupa. (Hadēs )
At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa. (Hadēs )
na nagsasabing, “Amen! Papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan ay sumaating Diyos magpakailan pa man. Amen!” (aiōn )
Na nangagsasabi, Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa. (aiōn )
Pagkatapos hinipan ng ikalimang anghel ang kaniyang trumpeta. Nakita ko ang isang bituin mula sa langit na nahulog sa lupa. Ibinigay sa bituin ang susi ng lagusan patungo sa napakalalim na hukay. (Abyssos )
At humihip ang ikalimang anghel, at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit: at sa kaniya'y ibinigay ang susi ng hukay ng kalaliman. (Abyssos )
Binuksan niya ang lagusan ng napakalalim na hukay at lumabas ang isang haligi ng usok sa lagusan tulad ng usok mula sa malaking pugon. Nagdilim ang araw at ang hangin dahil sa usok na lumalabas mula sa lagusan. (Abyssos )
At binuksan niya ang balon ng kalaliman; at napailanglang ang usok mula sa hukay, na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay. (Abyssos )
Mayroon silang hari na nangunguna sa kanila ang anghel sa pinakailalim ng hukay. Ang kaniyang pangalan sa Hebreo ay Abadon at sa Griego ang kaniyang pangalan ay Apolion. (Abyssos )
Sila'y may pinakahari na anghel ng kalaliman: ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon, at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon. (Abyssos )
at nanumpa sa pamamagitan niya na mabubuhay magpakailanman — siyang lumikha ng langit at lahat ng naroon, ang lupa at lahat ng naroon, at ang dagat at lahat ng naroon: “Walang maaaring magtagal doon. (aiōn )
At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon: (aiōn )
Kapag natapos na nila ang kanilang patotoo, lalabas ang halimaw mula sa pinakailalim ng hukay at makikipagdigma laban sa kanila. Lulupigin nila sila at papatayin. (Abyssos )
At pagka natapos nila ang kanilang patotoo, ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at sila'y papatayin. (Abyssos )
Pagkatapos pinatunog ng ika-pitong anghel ang kaniyang trumpeta, at malalakas na tinig ang nagsalita sa langit at sinabing, “Ang kaharian ng mundo ay magiging kaharian na ng ating Panginoon at ng kaniyang Cristo. Siya ay maghahari magpakailan pa man.” (aiōn )
At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man. (aiōn )
Nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa alapaap, na may walang hanggang mensahe ng magandang balita para ipahayag sa mga naninirahan sa mundo — sa bawat bansa, tribo, wika, at mga tao. (aiōnios )
At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa't bansa at angkan at wika at bayan; (aiōnios )
Ang usok mula sa kanilang paghihirap ay aangat magpakailan pa man, at wala silang kapahingahan sa umaga o gabi — silang mga sumasamba sa halimaw at sa kaniyang imahe, at lahat ng tumatanggap ng tanda sa kaniyang pangalan. (aiōn )
At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan. (aiōn )
Isa sa apat na buhay na nilalang ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na puno ng poot ng Diyos na nabubuhay magpakailan pa man. (aiōn )
At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios, na siyang nabubuhay magpakailan kailan man. (aiōn )
Ang nakita mong halimaw, ay hindi pa nabubuhay sa ngayon, pero malapit nang umahon mula sa kailaliman hukay. At pupunta siya para manira. Sa mga naninirahan sa lupa, silang mga hindi naisulat ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay simula pa noong itinatag ang mundo — mamamangha sila kapag nakita nila na nabuhay ang halimaw, na hindi pa nabubuhay ngayon, pero malapit nang dumating. (Abyssos )
At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating. (Abyssos )
Nagsalita sila sa ikalawang pagkakataon, “Aleluya! Umaangat ang usok mula sa kaniya magpakailan pa man.” (aiōn )
At sila'y muling nangagsabi, Aleluya. At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man. (aiōn )
Nabihag ang halimaw at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa kaniyang presensya. Gamit ang mga tandang ito nilinlang niya ang mga tumanggap ng tanda ng halimaw at silang sumamba sa kaniyang imahe. Ang dalawa sa kanila ay inihagis nang buhay sa dagat-dagatang apoy ng nasusunog na asupre. (Limnē Pyr )
At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre: (Limnē Pyr )
Pagkatapos nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, mayroong susi sa kailaliman ng hukay at mayroong malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos )
At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay. (Abyssos )
Tinapon siya sa kailaliman ng hukay, ikinulong siya rito at sinelyuhan ang ibabaw nito. Para hindi na ito makapanglinlang kailanman ng mga bansa hanggang sa ang isang libong taon ang lumipas. Pagkatapos niyon, dapat siyang maging malaya ng maikling panahon. (Abyssos )
At siya'y ibinulid sa kalaliman at sinarhan, at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang huwag ng magdaya sa mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon: pagkatapos nito ay kailangang siya'y pawalang kaunting panahon. (Abyssos )
Ang demonyo, na siyang nanlinlang sa kanila, ay itinapon sa lawa ng nasusunog na asupre, kung saan ang halimaw at ang mga bulaang propeta ay itinapon. Sila ay pahihirapan umaga at gabi magpakailan pa man. (aiōn , Limnē Pyr )
At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta; at sila'y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man. (aiōn , Limnē Pyr )
Ibinigay ng dagat ang mga patay na naroroon. Ibinigay ng kamatayan at ng hades ang mga patay na nasa kanila, at hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa. (Hadēs )
At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila'y hinatulan bawa't tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. (Hadēs )
Ang kamatayan at ang hades ay itinapon sa lawa ng apoy. Ito ang ikalawang kamatayan — Ang lawa ng apoy. (Hadēs , Limnē Pyr )
At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. (Hadēs , Limnē Pyr )
Kung kaninong pangalan ang hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay, siya ay itatapon sa lawa ng apoy. (Limnē Pyr )
At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. (Limnē Pyr )
Pero para sa mga duwag, sa walang pananampalataya, sa mga kasuklam-suklam, sa mga mamamatay-tao, sa mga sekswal na imoralidad, sa mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kanilang lugar ay sa dagat-dagatang apoy ng nagniningas na asupre. Na siyang ikalawang kamatayan. (Limnē Pyr )
Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. (Limnē Pyr )
Wala nang magiging gabi, hindi na sila mangangailangan ng liwanag ng ilawan o sikat ng araw dahil ang Panginoong Diyos ang magliliwanag sa kanila. Maghahari sila magpakailan pa man. (aiōn )
At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man. (aiōn )