< Levitico 14 >
1 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises, nagsasabing,
上主訓示梅瑟說:「
2 “Ito ang magiging batas para sa may sakit na tao sa araw ng kanyang paglilinis. Dapat siyang dalhin sa pari.
關於癩病人取潔之日應守的法律如下:應引他去見司祭,
3 Lalabas ang pari sa kampo para suriin ang isang tao para makita kung ang nakakahawang sakit sa balat ay gumaling.
司祭應到營外查看,如見癩病人的病症痊愈了,
4 Pagkatapos ay iuutos ng pari sa taong lilinisin na dapat kumuha ng dalawang buhay na ibon, kahoy na cedar, matingkad na pulang sinulid, at isopo.
就吩咐人為那取潔者,拿兩隻潔淨的活鳥、香柏木、朱紅線和牛膝草來;
5 Uutusan siya ng pari na patayin ang isa sa mga ibon sa ibabaw ng tubig-tabang na nasa isang palayok.
然後吩咐人在盛著活水的陶器上,宰殺一隻鳥。
6 Pagkatapos ay kukunin ng pari ang buhay na ibon at ang kahoy na cedar, at ang matingkad na pulang sinulid at ang isopo, at kanyang isasawsaw ang lahat ng mga bagay na ito, kasama ang buhay na ibon, sa dugo ng ibon na pinatay sa ibabaw ng tubig-tabang.
司祭拿另外一隻活鳥同香柏木、朱紅線和牛膝草,連同活鳥一起浸在殺於活水上的鳥血內,
7 Pagkatapos ay iwiwisik ng pari ang tubig na ito nang pitong beses sa taong lilinisin mula sa sakit, at pagkatapos ay ihahayag ng pari na siya ay maging malinis. Pagkatapos ay pakakawalan ng pari ang buhay na ibon sa mga lantad na kabukiran.
向那取潔的癩病人灑血七次,使他潔淨;然後放那隻活鳥飛向田野,
8 Ang taong nilinis ay lalabhan ang kanyang mga damit, aahitin lahat ng kanyang buhok, at paliliguan ang kanyang sarili sa tubig, at pagkatapos siya ay magiging malinis. Pagkatapos ay kailangan niyang pumasaok sa loob ng kampo, pero siya ay titira sa labas ng kanyang tolda sa loob ng pitong araw.
那取潔的人洗滌自己的衣服,剃去身上所有的毛,用水洗澡,這樣就算潔淨了。此後,他方可入營內,但仍應在自己的帳幕外居住七天。
9 Sa ikapitong araw kailangan niya ring ahitin ang kanyang balbas at mga kilay. Kailangan niyang ahitan ang lahat ng kanyang buhok, at kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit at paliguan ang kanyang sarili sa tubig; sa gayon magiging malinis siya.
到了第七天,他應剃去身上所有的毛:頭髮、鬍鬚和眉毛;身上所有的毛都應剃去,然後洗滌衣服,用水洗身,就算完全潔淨了。
10 Sa ikawalong araw dapat siyang kumuha ng dalawang lalaking tupa na walang kapintasan, isang babaeng tupa na isang taon na walang kapintasan at tatlong ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis.
到第八天,他應帶兩隻無暇的公羔羊,一隻一歲的無暇母羔羊,作素祭用的十分之三」厄法「油調的細麵,和一「羅格」│。
11 Ang pari na naglinis sa kanya ay patatayuin ang taong lilinisin, kasama ng mga bagay na iyon, sa harap ni Yahweh sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
取潔禮的司祭,應叫取潔的人拿著這一切,站在會幕門口,上主面前。
12 Kukunin ng pari ang isa sa mga lalaking tupa at iaalay ito bilang isang paghahandog sa pagkakasala, kasama ang lalagyan na may langis; itataas niya ang mga ito bilang isang handog sa harap ni Yahweh at iaalay ang mga ito sa kanya.
司祭取一隻公羔羊同一」羅格「油,一起現作贖過祭,在上主前行奉獻的搖禮。
13 Dapat niyang patayin ang lalaking tupa sa lugar na kung saan nila pinatay ang handog para sa kasalanan at ang mga handog na susunugin, sa lugar ng tabernakulo, sapagkat ang handog para sa kasalanan ay pag-aari ng pari, pati na ang handog para sa kasalanan, dahil ito ay pinakabanal.
然後在宰殺贖罪祭和全番祭犧牲的聖地方,宰殺這隻公羔羊,因為贖過祭犧牲,如贖罪祭犧牲一樣,應歸司祭:這是至聖之物。
14 Kukuha ang pari ng kaunting dugo sa alay ng pagkakasala at ilalagay ito sa dulo ng kanang tainga ng taong lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa.
司祭取些贖過祭犧牲的血,抹在取潔者的右耳垂,右手拇指和右腳大趾;
15 Pagkatapos ay kukuha ang pari ng langis mula sa sisidlan na may langis at ibubuhos ito sa palad ng kanyang kaliwang kamay,
再由那「羅格」油中,取些油倒在自己的左手掌中,
16 at isasawsaw ang kanyang kanang daliri sa langis na nasa kanyang kaliwang kamay, at iwiwisik ang kaunting langis gamit ang kanyang daliri ng pitong ulit sa harap ni Yahweh.
將自己的一個右手指,浸在左手掌的油內,用手指在上主前灑油七次;
17 Ilalagay ng pari ang natitirang mga langis sa kanyang kamay sa dulo ng kanang tainga ng taong lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa. Kailangan niyang ilagay ang langis na ito sa ibabaw ng dugo na mula sa handog na pambayad ng kasalanan.
然後將掌中盛下的油,抹在取潔者的右耳垂,右手拇指和右腳大趾上,即在抹贖過祭犧牲血的地方。
18 At sa natitirang langis na nasa kamay ng pari, ilalagay niya ito sa ulo ng tao na lilinisin, at gagawa ang pari ng pambayad kasalanan sa kanya sa harap ni Yahweh.
以後將掌中剩下的油,都抹在取潔者的頭上:如此司祭載上主面前為那人行了贖罪禮。
19 Pagkatapos ihahandog ng pari ang handog para sa kasalanan at gagawa ng pambayad kasalanan para sa kanya na lilinisin dahil sa kanyang karumihan, at pagkatapos papatayin niya ang handog na susunugin.
此後,司祭應奉獻贖罪祭,為取潔者贖罪除去不潔;最後應宰殺全番祭犧牲,
20 Pagkatapos ihahandog ng pari ang handog na susunugin at ang handog na pagkaing butil sa altar. Gagawa ang pari ng pambayad kasalanan para sa tao, at pagkatapos magiging malinis siya.
在祭壇上奉獻全番祭和素祭。司祭這樣為他行了贖罪禮,他就潔淨了。
21 Gayunman, kung ang tao ay mahirap at walang kakayahang makakuha ng mga alay na ito, maaari siyang kumuha ng isang lalaking tupa bilang isang alay sa pagkakasala para itataas at iaalay kay Yahweh upang gawing kabayaran sa kanyang sarili, at isang ikasampung bahagi ng isang epa ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang isang handog na pagkaing butil, at isang sisidlan na may langis,
但是,如果他貧窮,手中財力不足,可拿一隻公羔羊作贖過祭,行搖禮為他贖罪;十分之一「厄法」油調的細麵作素祭,一「羅格」油,
22 kasama ng dalawang kalapati, at dalawang mga batang kalapati, na kaya niyang kunin; ang isang ibon ay maging isang handog para sa kasalanan at ang isa ay isang handog ng susunugin.
和財力所能備辦的兩隻斑鳩或兩之雛鴿:一隻做贖罪祭,一隻做全番祭。
23 Sa ikawalong araw kailangan niyang dalhin ang mga ito para sa kanyang paglilinis sa pari, sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, sa harap ni Yahweh.
他應在第八天,將這一切送交司祭,再會幕門口於上主面前為自己取潔。
24 Pagkatapos kukunin ng pari ang tupa para sa pag-aalay ng pagkakasala at sisidlan na may langis, at itataas niya ang mga ito bilang isang handog kay Yahweh at iaalay ang mga ito sa kanya.
司祭便取那隻作贖過祭的公羔羊和一「羅格」油,在上主面前行奉獻的搖禮;
25 Papatayin niya ang tupa para sa handog na pambayad ng kasalanan, at kukuha siya ng kaunting dugo sa pag-aalay ng pagkakasala at ilalagay ito sa dulo ng kanang tainga ng isang lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa.
然後宰殺作贖過祭的公羔羊,取些贖過祭犧牲的血,抹在取潔者的右耳垂,右手拇指和右腳大趾上;
26 Pagkatapos magbubuhos ang pari ng kaunting langis sa palad ng kanyang kaliwang kamay,
然後倒些油在自己的左手掌中,
27 at kanyang iwiwisik gamit ang kanyang kanang kamay ang kaunting langis na nasa kanyang kaliwang kamay ng pitong beses sa harap ni Yahweh.
用一隻右手指蘸些左手掌中的油,在上主面前灑七次;
28 Pagkatapos maglalagay ang pari ng kaunting langis na nasa kanyang kamay doon sa dulo ng tainga ng isang lilinisin, sa hinlalaki ng kanyang kanang kamay, at sa malaking daliri ng kanyang kanang paa, parehong mga lugar kung saan niya inilagay ang dugo ng alay ng pagkakasala.
再將掌中盛的油抹在取潔者的右耳垂,右手拇指和右腳大趾上,即在抹贖過祭犧牲血的地方;
29 Ilalagay niya ang natitirang langis na nasa kanyang kamay sa ulo ng taong lilinisin, para gumawa ng pambayad kasalanan para sa kanya sa harapan ni Yahweh.
掌中還有剩下的油,都抹在取潔者的頭上,為他在上主面前行贖罪禮。
30 Dapat niyang ihandog ang isa sa mga kalapati o mga batu-bato, na nakayang kunin ng tao—
取潔的人,按自己的財力,所能備辦的兩隻斑鳩或兩之雛鴿,
31 isa bilang isang handog para sa kasalanan at ang isa ay bilang isang handog na pambayad ng kasalanan, kasama ng handog na pagkaing butil. Pagkatapos gagawa ng pambayad kasalanan ang pari para sa isang lilinisin sa harap ni Yahweh.
按他的財力所能獻的,其中一隻獻作贖罪祭,一隻獻作全番祭,同素祭一起獻上。司祭應這樣為取潔的人在上主面前型贖罪禮。
32 Ito ang batas para sa isang tao na kung saan ay mayroong nakakahawang sakit sa balat, siyang hindi makayanan ang mga pamantayan sa paghahandog para sa kanyang paglilinis.”
這是關於身患癩病而財力不足備辦取潔祭品者的法律。
33 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at kay Aaron, nagsasabing,
上主訓示梅瑟和亞郎說:「
34 “Nang nagpunta kayo sa lupain ng Canaan kung saan ibinigay ko sa inyo bilang isang pag-aari, at kung maglalagay ako ng amag na kakalat sa isang bahay sa lupain ng inyong pag-aari,
當你們進入了我賜給你們作產業的客納罕地,在你們佔有的地方,我令房屋發生癩病現象時,
35 sa gayon ang nagmamay-ari ng bahay ay kailangang pumunta at sabihin sa pari. Dapat niyang sabihin, 'Tila mayroon isang bagay na katulad ng amag sa aking bahay.'
屋主應去告訴司祭說:我看在我房屋內出現了一些相似癩病的斑痕。
36 Sa gayon ay iuutos ng pari na lisanin nila ang bahay bago siya pumasok upang makita ang katunayan ng amag, upang walang anumang bagay sa bahay ang magiging marumi. Pagkatapos kailangan pumasok ng pari upang makita ang bahay.
司祭進去查看斑痕以前,應吩咐人先搬空房屋,免得屋內的一切染上不潔;然後司祭進去查看房屋。
37 Kailangan niyang suriin ang amag upang makita kung ito ay nasa mga pader ng bahay, at upang makita kung ito ay lumalabas na maberde o mamula-mula sa mga lubak sa mga ibabaw ng pader.
司祭查看斑痕時,如見屋內牆上的斑痕帶些發綠或發紅的小孔,似乎深過牆皮,
38 Kung ang bahay ay mayroong amag, lalabas ng bahay ang pari at sasarhan ang pinto ng bahay sa loob ng pitong araw.
就應由屋內出來,到房門口,將房屋封鎖七天。
39 Pagkatapos babalik uli ang pari sa ikapitong araw at susuriin ito para makita kung kumalat ang amag sa mga dingding ng bahay.
到第七天,司祭再來查看,如見斑痕在屋內牆上蔓延開了,
40 Kung mayroon ito, iuutos ng pari na tatanggalin nila ang mga bato na kung saan nakita ang amag at itapon ang mga ito sa isang maruming lugar sa labas ng lungsod.
就應命人拔出有斑痕的石頭,丟在城外不潔的地方;
41 Iuutos niya na dapat kukuskusin lahat ng mga dingding na nasa loob ng bahay, at kailangan nilang kunin ang nahawaang gamit na kinuskos palabas ng lungsod at itambak ito sa maruming lugar.
且叫人刮淨屋內四周,將刮下的灰土,倒在城外不潔的地方,
42 Kailangan nilang kunin ang ibang mga bato at ilagay ang mga ito sa lugar ng mga bato na tinanggal, at dapat silang gumamit ng bagong luad upang tapalan ang bahay.
再拿別的石頭嵌進拔出的石頭處,拿別的灰土,粉刷房屋。
43 Kung bumalik ulit ang amag at kumalat sa bahay na kung saan tinanggal ang mga bato at kinuskos ang mga dingding at pagkatapos muling tinapalan,
在拔出石頭,刮掃,粉刷房屋以後,如斑痕又在屋內出現,
44 kung gayon ang pari ay kailangan pumasok at suriin ang bahay upang makita kung ang amag ay kumalat sa bahay. Kung mayroon ito, kung gayon ito ay mapaminsalang amag, at ang bahay ay marumi.
司祭還應來查看,如見斑痕在屋內蔓延開了,這就是房屋上的腐蝕性癩病;這房屋即是不潔的,
45 Dapat gibain ang bahay. Ang mga bato, troso, at lahat ng mga panapal ng bahay ay kailangan dalhin palabas ng lungsod papunta sa maruming lugar.
應拆毀這座房屋;房屋的石頭、木材和所有灰土,都應運到城外不潔的地方。
46 Bilang karagdagan, sinumang pupunta sa bahay sa panahong sinarhan ito ay magiging marumi hanggang gabi.
整個封鎖日期內,如有人進屋內,直到晚上成為不潔的;
47 Sinuman ang matutulog sa bahay ay kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit, ang sinuman ang kumain sa bahay ay kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit.
如有人在這屋內睡覺,應洗滌自己的衣服;如有人在這屋內吃飯,應洗滌自己的衣服。
48 Kung papasok ang pari sa bahay upang suriin ito para makita kung ang amag ay kumalat sa bahay matapos tapalan ang bahay, pagkatapos, kung ang amag ay nawala, ihahayag niya na ang bahay ay malinis.
但是,如果司祭來查看,見房屋刷新以後,斑痕沒有在屋內蔓延,就應聲明房屋是潔淨的因為患處已經好了。
49 Pagkatapos ang pari ay dapat kumuha ng dalawang ibon upang linisan ang bahay, at kahoy na cedar, at matingkad na pulang sinulid, at isopo.
司祭應拿兩隻飛鳥、香柏木、朱紅線和牛膝草來為房屋取潔;
50 Papatayin niya ang isa sa mga ibon sa ibabaw ng tubig-tabang sa isang palayok.
一隻飛鳥,應在盛有活水的陶器上宰殺,
51 Kukunin niya ang kahoy na cedar, ang hisopo, ang matingkad na pulang sinulid, at ang buhay na ibon, at isasawsaw ang mga ito sa dugo ng pinatay na ibon, patungo sa tubig-tabang, at wiwisikan ang bahay ng pitong beses.
然後拿香柏木、牛膝草、朱紅線和那隻活鳥,一同浸在那已殺的鳥血及活水內,向房屋連灑七次。
52 Lilinisin niya ang bahay sa pamamagitan ng dugo ng ibon at ng tubig-tabang, kasama ng buhay na ibon, kahoy na cedar, ang isopo, at ang matingkad na pulang sinulid.
用鳥血、活鳥、香柏木、牛膝草、朱紅線為房屋取潔以後,
53 Pero hahayaan niya ang buhay na ibon na lumabas ng lungsod papunta sa mga lantad na bukirin. Sa ganitong paraan kailangan niyang gumawa ng pambayad kasalanan para sa bahay, at ito ay magiging malinis.
司祭應放那活鳥飛向城外的田野:他這樣為房屋行取潔禮,房屋就潔淨了。
54 Ito ang batas sa lahat ng uri ng nakakahawang sakit sa balat at mga bagay na nagdudulot ng ganoong sakit, at para sa isang pangangati,
這是有關各種癩病症象、癬疥、
55 at para sa amag sa damit at sa loob ng isang bahay,
衣癩、`屋癩、
56 para sa pamamaga, para sa isang pantal, at para sa isang makintab na batik,
腫瘤、瘡節和斑痕,
57 upang malaman kapag alin man sa mga ito ay marumi o kapag ito ay malinis. Ito ang batas para sa mga nakakahawang sakit sa balat at amag.”
使人知道幾時不潔,幾時潔淨的法律。這是關於癩病所定的法律。」