< Levitico 13 >
1 Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at kay Aaron, na nagsasabing,
上主訓示梅瑟和亞郎說:
2 “Kung sinuman ang may pamamaga o galis o maputing batik sa balat ng kanyang katawan, at naging nakakahawa at may isang sakit sa balat ang kanyang katawan, sa ganun kailangan siyang dalhin kay Aaron ang punong pari, o sa isa sa kaniyang mga anak na lalaking mga pari.
「若人在肉皮上生了腫瘤或瘡節獲斑痕,他肉皮上有了這種癩病的症象,就應把他帶到亞郎司祭,或他作司祭的一個兒子前。
3 Pagkatapos ay susuriin ng pari ang sakit sa balat ng kanyang katawan. Kung ang buhok sa bahaging may sakit ay naging puti, at kung ang sakit ay makikitang malalim kaysa balat lang, sa ganun iyon ay isang nakakahawang sakit. Pagkatapos siyang suriin ng pari, kailangan niyang ipahayag na siya ay marumi.
司祭應查看肉皮上的症象;若患處的毛變白,若患處似乎已深過皮肉,這便是癩病的症候。司祭一看出,就應聲明他是不潔的。
4 Kung ang maliwanag na batik sa kanyang balat ay puti, at ang itsura nito ay hindi mas malalim kaysa balat, at kung ang buhok sa bahaging may sakit ay hindi maging puti, kung gayon kailangang ilayo ng pari ang may sakit sa loob ng pitong araw.
但若他肉皮上的斑痕發白,而不見得深過皮肉,毛又沒有變白,司祭應將患者隔離七天。
5 Sa ikapitong araw, kailangan siyang suriin ng pari upang makita kung sa palagay niya ay hindi malala ang sakit, at kung ito ay hindi kumalat sa balat. Kapag wala siya nito, kung gayon kailangan siyang ilayo ng pari ng karagdagang pitong araw.
到第七天,司祭再查看他,如見患處顏色未變,皮上的患處沒有蔓延,司祭應將他再隔離七天。
6 Susuriin ulit siya ng pari sa ikapitong araw upang makita kung ang karamdaman ay mas bumuti at hindi kumalat ng mas malawak sa balat. Kapag wala siya nito, kung gayon sasabihin ng pari na siya ay malinis. Ito ay isang pantal. Kailangan niyang labhan ang kanyang mga damit, at pagkatapos siya ay malinis na.
到第七天,司祭再差看他,如見患處顏色已淡,皮上的患處也沒有蔓延,司祭應聲明他是潔淨的,這不過是一種瘡節;他洗過衣服就潔淨了。
7 Pero kung ang pantal ay kumalat sa balat pagkatapos niyang ipakita ang kanyang sarili sa pari para sa kanyang paglilinis, kailangan niya muling ipakita ang kanyang sarili sa pari.
但在司祭查看,聲明他潔淨以後,如瘡節又在皮膚上蔓延開,應再去叫司祭查看。
8 Susuriin siya ng pari para makita kung ang pantal ay kumalat ng mas malawak sa balat. Kung kumalat ito, kung gayon ay dapat siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
司祭應查看他,若見他皮膚上的瘡瘡廷開了,應聲明他是不潔的,已成為癩病。
9 Kapag ang nakakahawang sakit sa balat ay nasa sinuman, kung gayon ay kailangan siyang dalhin sa pari.
若人身上有了癩病的症象,應帶他去見司祭;
10 Susuriin siya ng pari upang makita kung may puting pamamaga sa balat, kung ang buhok ay naging puti, o kung may hilaw na laman sa pamamaga.
司祭應查看他,若見皮膚上白腫,毛已變白,種處出現贅疣,
11 Kung naroon iyon, sa gayon ito ay isang malubhang sakit sa balat, at dapat ipahayag ng pari na siya ay marumi. Hindi na siya ihihiwalay, dahil siya ay marumi na.
這是他肉皮上的慢性癩病;司祭應聲明他是不潔的,不必將他隔離,因為他已是不潔的。
12 Kung ang sakit ay malawak na ang pagkalat sa balat at natatakpan na ang buong balat ng taong may sakit mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang paa, hangga't nakikita iyon ng pari,
但若癩瘡在皮上蔓延,凡司祭能看見的地方,從頭到腳,癩瘡遮蓋了患者全身皮膚,
13 kung gayon kailangang suriin siya ng pari upang makita kung ang sakit ay bumalot sa buo niyang katawan. Kapag mayroon nito, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na ang taong may sakit ay malinis. Kung lahat ng ito ay naging puti, kung gayon ay malinis siya.
司祭查看他,若見癩瘡遮蓋了他全身,就應聲明患者是潔淨的;因為全身變白,便是潔淨的。
14 Ngunit kung hilaw na laman ang makita sa kanya, siya ay magiging marumi.
但他身上一出現贅疣,就成了不潔淨的;
15 Dapat tingnan ng pari ang hilaw na laman at ipahayag siyang marumi dahil ang hilaw na laman ay marumi. Iyon ay isang nakakahawang sakit.
司祭一見這贅疣,就應聲明他是不潔的;因為這贅疣是不潔的,分明是癩病。
16 Ngunit kung ang hilaw na laman ay maging puti muli, kung gayon ay dapat pumunta ang tao sa pari.
但若贅疣再變白,他應在去見司祭;
17 Susuriin siya ng pari para makita kung ang laman ay naging puti. Kung nagkagayon ipapahayag ng pari na ang taong iyon ay malinis.
司祭查看他,若見患處變白,司祭應證明患者是潔淨的;他便是潔淨的。
18 Kung ang tao ay may pigsa sa balat at gumaling ito,
若人肉皮上生了瘡,已醫好了;
19 at sa bahagi ng pigsa ay mayroong puting pamamaga o isang malinaw na batik, namumulang-puti, kung gayon ay kailangan itong ipakita sa pari.
但在瘡處又起了白腫,或白中帶紅的斑痕,就應較司祭查看。
20 Susuriin ito ng pari upang makita kung ito ay mas malalim sa balat, at kung ang buhok doon ay naging puti. Kung gayon, dapat ipahayag ng pari na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit, kapag ito ay namuo sa bahagi kung nasaan ang pigsa.
司祭查看他,若見患處似乎已深過皮膚,且毛已變白,就應聲明他是不潔的:這是由瘡轉成癩病的症象。
21 Ngunit kung sinuri ng pari ito at makita na walang puting buhok dito, at iyon ay wala sa ilalim ng balat kundi kumupas na, sa ganun kailangang ihiwalay siya ng pari sa loob ng pitong araw.
但若司祭查看,見上面沒有白毛,也未深過皮膚,顏色已淡,司祭就應將他隔離七天。
22 Kapag kumalat iyon sa balat, kung gayon ay dapat siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
若病在皮膚上蔓延開了,司祭就應聲明他是不潔的:這是癩病的症象。
23 Ngunit kapag nanatili ang malinaw na batik sa bahagi nito at hindi kumalat, kung gayon ito ay peklat ng pigsa, at dapat siyang ipahayag ng pari na malinis.
但是,如果斑痕留在原處,沒有蔓延,這是瘡痕;司祭應聲明他是潔淨的。
24 Kapag ang balat ay may paso at ang hilaw na laman ng paso ay maging isang namumulang-puti o puting batik,
若人肉皮上生了火傷,傷處的贅疣生了白裡帶紅,或純白的斑痕,
25 kung ganun susuriin ito ng pari para makita kung ang buhok sa batik na iyon ay naging puti, at kung ito ay nagpapakitang mas malalim kaysa sa balat. Kapag mayroon nito, sa ganun iyon ay nakakahawang sakit. Kumalat na ito palabas sa paso, at dapat ipahayag siya ng pari na marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
司祭就應查看他:若見斑痕上的毛已變白,似乎深過皮膚,這是由火傷轉成的癩病,司祭應聲明他為不潔:這是癩病的症候。
26 Ngunit kung susuriin iyon ng pari at makitang walang puting buhok sa batik, at iyon ay wala sa ilalim ng balat ngunit kumupas, kung gayon ay dapat siyang ihiwalay ng pari sa loob ng pitong araw.
但若司祭查看,見斑痕上沒有白毛,並未深過皮膚,而且顏色已淡,司祭應將他隔離七天。
27 Pagkatapos ay dapat siyang suriin ng pari sa ikapitong araw. Kung iyon ay kumalat ng malawak sa balat, kung gayon ay dapat ipahayag ng pari na siya na siya ay marumi. Ito ay isang nakakahawang sakit.
到第七天,司祭再查看他,若斑痕在皮膚上蔓延開了,司祭就應聲明他是不潔的:這是癩病的症候。
28 Kung ang batik ay manatili sa bahaging iyon at hindi kumalat sa balat ngunit kumupas, kung gayon ito ay isang pamamaga mula sa paso, at dapat siyang ipahayag ng pari na malinis, dahil hindi ito mas higit sa peklat ng paso.
但若斑痕留在原處,沒有在皮膚上蔓延,顏色已淡,這只是火傷的腫脹,司祭應聲明他是潔淨的,因為這只是火傷疤痕。癬疥
29 Kung ang isang lalaki o babae ay may nakakahawang sakit sa ulo o baba,
不拘男女,若在頭上或嘴上有瘡痕,
30 kung gayon kailangang suriin ng pari ang tao para sa isang nakakahawang sakit upang makita kung ito ay nagmimistulang mas malalim kaysa balat, at kung mayroong dilaw, manipis na buhok dito. Kung mayroon, kung gayon kailangan siyang ipahayag ng pari na marumi. Ito ay isang pangangati, isang nakakahawang sakit sa ulo o sa baba.
司祭應查看瘡痕,見患處似乎深過皮膚,而且長了黃色細毛,司祭應聲明他是不潔的:這是癬疥,是頭上或嘴上的癩病。
31 Kung ang pari ay susuriin ang pangangating sakit at makitang wala ito sa ilalim ng balat, at kung walang itim na buhok doon, kung gayon ang pari ay ihihiwalay ang taong may pangangating sakit sa loob ng pitong araw.
但若司祭查看癬疥患處不見得深過皮膚,上面也沒有黑毛,司祭就應這換癬疥的人隔離七天,
32 Susuriin ng pari ang sakit sa ikapitong araw upang makita kung kumalat ito. Kung walang dilaw na buhok, at kung ang sakit ay lumilitaw na hanggang balat lang ang lalim,
到第七天,司祭再查看患處,若見癬疥沒有蔓延,上面也沒有黑毛,且也不見得深過皮膚,
33 kung gayon kailangan siyang ahitan, ngunit ang may sakit na bahagi ay hindi dapat ahitan, at kailangang ihiwalay ng pari ang tao na may pangangating sakit sa loob ng karagdagang pitong araw.
這人就應剃去鬚髮,只不剃生癬疥處;司應將他再隔離七天。
34 Susuriin ng pari ang sakit sa ikapitong araw para makita kung ito ay huminto na sa pagkalat sa balat. Kung ito ay lumilitaw na hindi mas malalim kaysa balat, kung gayonn kailangan siyang ipahayag ng pari na malinis. Kailangang labhan ng tao ang kanyang mga damit, at sa gayon siya ay magiging malinis.
到第七天,司祭再查看癬疥,如果癬疥在皮上沒有蔓延,不見得深過皮膚,司祭就應聲明他是潔淨的;洗過衣服潔淨了。
35 Ngunit kung ang pangangating sakit ay kumalat ng malawak sa balat pagkatapos na ang pari ay sabihin na siya ay malinis,
但若在他聲明潔淨以後,癬疥在皮膚上又蔓延開了,
36 kung ganun kailangan siyang suriin ulit ng pari. Kung ang sakit ay kumalat sa balat, ang pari ay hindi na kailangang humanap ng dilaw na buhok. Ang tao ay marumi.
司祭應再查看,若見癬疥在皮膚上蔓延開了,司祭不必再檢查黃毛,患者已是不潔淨的。
37 Ngunit kung sa tingin ng pari ang pangangating sakit ay huminto sa pagkalat at maitim na buhok ay tumubo sa bahagi, kung gayon ang sakit ay gumaling. Siya ay malinis, at kailangan siyang ipahayag ng pari na malinis.
但若癬疥顏色未變,上面又生有黑毛,癬疥已治好,患者已潔淨,司祭應證明患者是潔淨的。
38 Kung isang lalaki o isang babae ay mayroong puting mga batik sa balat,
不拘男女,若肉皮上起了一些斑痕,即白色斑痕,
39 kung gayon ay dapat suriin ng pari ang tao para makita kung ang mga batik ay kulay abo, na kung saan isa lamang itong pantal na kumalat mula sa balat. Siya ay malinis.
司祭就應查看;如見肉皮上的斑痕呈灰白色,那是皮膚上起的皮疹,患者是潔淨的。
40 Kung ang buhok ng isang lalaki ay nalagas mula sa kanyang ulo, siya ay kalbo, ngunit siya ay malinis.
若人頭髮掉了,成了禿頭,他是潔淨的;
41 At kung ang kanyang buhok ay nalagas mula sa harapang bahagi ng kanyang ulo, at kung ang kanyang noo ay kalbo, siya ay malinis.
若人頭頂上的頭髮掉了,成了前腦禿的人,他是潔淨的。
42 Ngunit kung mayroon isang namumulang-puting sugat sa kanyang kalbong ulo o noo, ito ay isang nakakahawang sakit na lumitaw.
但是,如果在腦後或腦前的處,起了白中帶的瘡痕這是他腦前或腦後的禿處起的癩病。
43 Kung gayon ay dapat siyang suriin ng pari para makita kung ang pamamaga ng maysakit na bahagi sa kanyang kalbong ulo o noo ay namumulang-puti, kagaya ng itsura ng isang nakakahawang sakit sa balat.
司祭應查看,若見他腦前或腦後的禿處腫起的地方白中帶紅,看來彷彿肉皮上升的癩病,
44 Kapag mayroon nito, kung gayon ay mayroon siyang nakakahawang sakit at siya ay marumi. Dapat siguraduhin ng pari na ipahayag na marumi siya dahil sa kanyang sakit sa kanyang ulo.
這人即是癩病人,已是不潔,司祭應聲明他是不潔的,因為他頭上有了癩病的症象。[對癩病人的管制]
45 Ang tao na mayroong nakakahawang sakit ay kailangang magsuot ng mga punit na damit, ang kanyang buhok ay kailangang nakalugay, at dapat niyang takpan ang kanyang mukha hanggang sa kanyang ilong at sumigaw, 'Marumi, marumi.'
凡身上患癩病的人,應穿上撕裂的衣服,披頭散髮,將口唇遮住,且喊說:「不潔! 不潔! 」
46 Sa lahat ng araw na siya ay mayroong nakakahawang sakit siya ay magiging marumi. Dahil siya ay marumi na may isang sakit na maaaring makahawa, siya ay dapat mamuhay ng mag-isa. Dapat siyang mamuhay sa labas ng kampo.
在他患癩病的時日內,常是不潔的,就應獨居;他的住處應在營外。
47 Ang isang kasuotang narumihan ng amag, maging ito ay lana o linong kasuotan,
若衣服上有了癩病的跡象,不拘是毛衣或麻衣,
48 o anumang bagay na lana o sinulsing mula sa lana o lino, o balat o alinmang bagay na gawa sa balat—
或用麻毛及毛紡織或編織的布,或皮革,或任何皮製的物品上,有了癩病跡象;
49 kung may isang maberde o namumulang dumi sa kasuotan, ang balat, ang hinabi o sinulsing bagay, o anumang bagay na gawa sa balat, kung ganun ito ay isang amag na kumalat; dapat itong ipakita sa pari.
若衣服或皮革,或紡織或編織的布,或任何皮製的器具上,有了發綠或發紅的斑痕:這就是癩病的跡象,應交由司祭查看。
50 Dapat suriin ng pari ang bagay para sa amag; dapat niyang ihiwalay ang anuman na mayroong amag sa loob ng pitong araw.
司祭查看斑痕以後,應將帶有斑痕的物品收藏七天。
51 Dapat niya muling suriin ang amag sa ikapitong araw. Kapag ito ay kumalat sa kasuotan o anumang hinabi o sinulsing gawa sa lana o linong bagay, o balat o alinmang bagay na kung saan balat ang ginagamit, kung gayon ito ay mapanganib na amag, at ang bagay ay marumi.
直到第七天司祭再查看那斑痕,如果斑痕在衣服上,或紡織或編織的布上,或皮革上,或任何皮製的物品上蔓延開了,這就是惡性癩病的跡象,物品即是不潔的。
52 Dapat niyang sunugin ang kasuotan, o anumang bagay na hinabi o sinulsi mula sa lana o linong bagay, o balat o alinmang bagay na gawa sa balat, anuman na kung saan ang mapanganib na amag ay makita, dahil ito ay magdadala ng sakit. Ang bagay ay dapat lubusang sunugin.
凡帶有這斑痕的衣服,用毛或麻紡織或編織的布,或任何皮製的器具,都應焚燒;因為這是惡性的癩病,應用火燒毀。
53 Kung sinuri ng pari ang bagay at makita na ang amag ay hindi kumalat sa kasuotan o bagay na hinabi o sinulsi mula sa lana o lino, o balat na mga bagay,
但若司祭查看時,見斑痕在衣服上,或紡織或編織的布上,或任何皮製的器具上,沒有蔓延,
54 kung gayon iuutos niya sa kanila na labahan ang bagay kung saan nakita ang amag, at dapat niya itong ihiwalay sa loob ng karagdagang pitong araw.
司祭當吩咐人將帶有斑痕的物品洗滌,再收藏七天。
55 Pagkatapos ay susuriin ng pari ang bagay na inamag pagkatapos itong malabhan. Kung ang amag ay hindi nagbago ng kulay, kahit na hindi ito kumalat, ito ay marumi. Dapat mong sunugin ang bagay, maging saan ito nahawaan ng amag.
司祭查看洗過的衣物以後,若見斑痕沒有變色,也沒有蔓延,物品即是不潔的,應用火燒掉,因為裡外都腐蝕了。
56 Kung sinuri ng pari ang bagay, at kung ang amag ay kumupas pagkatapos itong malabhan, kung gayon dapat niyang punitin ang nahawahang bahagi mula sa kasuotan o mula sa balat, o mula sa hinabi o sinulsing bagay.
但若司祭查看時,見斑痕在洗滌後已變淡,應從衣服,或皮革,或紡織或編織的布上,將那塊撕去;
57 Kapag ang amag ay makita parin sa kasuotan, sa hinabi man o sa sinulsing bagay, o sa kahit anong bagay na balat, kumakalat ito. Dapat mong sunugin ang anumang bagay na mayroong amag.
以後,如果在衣服上,或紡織或編織的布上,或任何皮製的器具上,在出現斑痕,即是舊病復發:帶有斑痕的物品,就應用火燒了。
58 Ang kasuotan o anumang bagay na hinabi o sinulsing mula sa lana o linong bagay, o balat o anumang bagay na gawa sa balat—kung lalabhan mo ang bagay at ang amag ay mawala, kung gayon ang bagay ay kailangang malabhan sa ikalawang pagkakataon, at ito ay magiging malinis.
如果衣服,或紡織或編織的布,或任何皮製的器具,一經洗滌,上面的斑痕就不見了;再洗一次就潔淨了。
59 Ito ang batas tungkol sa amag sa isang kasuotan ng lana o lino, o anumang hinabi o sinulsing mula sa lana o linong bagay, o balat o anumang gawa sa balat, para maaari ninyong ipahayag na ito ay malinis o marumi.”
這是關於毛衣或麻衣,或紡織的布,或編織的布,或任何皮製的器具的癩病跡象,聲明潔淨與不潔的法律。」