< 2 Samuel 4 >
1 Nang nabalitaan ni Isboset, lalaking anak ni Saul, na namatay si Abner sa Hebron, nanghina ang kaniyang mga kamay, at nagkagulo ang buong Israel.
撒烏耳的兒子依市巴耳,一聽見阿貝乃爾死在赫貝龍,就慌了手腳,全以色列大驚。
2 Ngayon ang lalaking anak ni Saul ay mayroong dalawang tauhan na mga kapitan ng mga pangkat sundalo. Baana ang pangalan ng isa at Recab ang isa, mga lalaking anak ni Rimon na taga-Beerot na mga tao ni Benjamin (dahil ang Beerot ay itinuring na bahagi ng Benjamin,
撒烏耳的兒子依市巴耳有兩個土匪頭目:一個名叫巴阿納,一個名叫勒加布,是本雅明子孫貝洛特人黎孟的兒子,──貝洛特被認為是本雅明族,
3 at tumakas ang mga taga-Beerot putungong Gittaim at naninirahan sila roon hanggang sa panahong ito).
因為貝洛特人逃到了基塔殷,僑居在那裏,直到今日。
4 Ngayon si Jonatan, lalaking anak ni Saul, ay mayroong isang lalaking anak na lumpo sa kaniyang mga paa. Limang taon gulang siya nang nabalitaan niya ang tungkol kina Saul at Jonatan na nagmula sa Jezreel. Binuhat siya ng kaniyang tagapangalaga para tumakas. Pero habang tumatakbo siya, natumba ang lalaking anak ni Jonatan at naging lumpo. Mefiboset ang kanyang pangalan.
撒烏耳的兒子約納堂有個兒子雙足跛了,當撒烏耳與約納堂的凶信由依次勒耳傳來時,他只有五歲,他的乳母帶他逃跑,在慌張逃跑中,他跌瘸了腿;他名叫默黎巴耳。
5 Kaya ang mga anak na lalaki ni Rimon na taga-Beerot, na sina Recab at baana ay naglakbay ng ang panahon ay mainit papunta sa tahanan ni Isboset, habang siya ay nagpapahinga sa tanghali.
貝洛特人黎孟的兒子勒加布和巴阿納出去,正當中午炎熱的時候,到了依市巴耳家裏,他正在床上睡午覺。
6 Nakatulog ang babaeng nagbabantay sa pintuan habang sinasala ang trigo, at pumasok sina Recab at Baana nang tahimik at dinaanan siya.
看門的女僕在篩麥子,也打盹睡著了。此時勒加布和他兄弟巴阿納溜進去,
7 Kaya pagkatapos nilang pumasok ng bahay, sinalakay nila siya at pinatay habang nakahiga siya sa kaniyang higaan sa kaniyang silid. Pagkatapos pinugutan nila siya ng ulo at dinala ito palayo, buong gabi silang naglalakbay sa daan patungong Araba.
到了屋內,見依市巴耳正睡在臥室的床上,便將他打死,砍下他的頭,帶著頭,在阿辣巴的大路上走了一夜。
8 Dinala nila ang ulo ni Isboset kay David sa Hebron, at sinabi nila sa hari, “Tingnan mo, ito ang ulo ni Isboset na lalaking anak ni Saul, ang iyong kaaway, na nagbabanta sa iyong buhay. Sa araw na ito pinaghigantihan ni Yahweh na ating panginoon si haring si Saul at kaniyang mga kaapu-apuhan.”
他們帶著依市巴耳的頭,到了赫貝龍見達味王說:「大王的仇人撒烏耳常謀害你的性命;看,他兒子依市巴耳的頭;上主今天為我主向撒烏耳和他的後代報了仇。」
9 Sinagot ni David sina Recab at Baana na kaniyang kapatid, ang mga lalaking anak ni Rimon na taga-Beerot; sinabi niya sa kanila, “Habang nabubuhay si Yahweh, ang nagligtas sa aking buhay mula sa bawat kaguluhan,
但是,達味答覆貝洛特人黎孟的兒子勒加布和他兄弟巴阿納說:「我指著那救我脫離了一切患難的永生上主起誓:
10 nang sinabihan ako ng isang tao, 'Tingnan mo, patay na si Saul,' iniisip ko na nagdadala siya ng mabuting balita, hinuli ko siya at pinatay sa Himat Ziklag. Iyon ang gantimpala na ibinigay ko sa kaniya para sa kaniyang balita.
那告訴我說:撒烏耳死了的,自以為是報喜信,我卻拿住他,在漆刻拉格殺了,作為他報信的賞報;
11 Gaano pa kaya, kapag pinatay ng mga masasamang lalaki ang isang taong walang kasalanan sa kaniyang sariling bahay sa kaniyang higaan, hindi ko ba dapat hingin ang kaniyang dugo ngayon mula sa inyong kamay, at aalisin kayo sa mundo?”
那麼,現在這些匪徒,偷進人屋,殺了睡在床上的義人,我豈不更該從你們手中追討他的血債,將你們由地上剷除﹖」
12 Pagkatapos nagbigay si David ng utos sa mga binata, at pinatay nila sila at pinutol ang kanilang mga kamay at paa at isinabit sila sa tabi ng lawa sa Hebron. Pero kinuha nila ang ulo ni Isboset at inilibing ito sa libingan ni Abner sa Hebron.
達味遂命自己的僮僕,殺了他們,砍去他們的手足,掛在赫貝龍的池旁;至於依市巴耳的頭,叫人拿去葬在赫貝龍,阿貝乃爾的墳墓內。