< 2 Samuel 3 >
1 Ngayon ay mayroong isang mahabang digmaan sa pagitan ng tahanan ni Saul at ng tahanan ni David. Patuloy na lumalakas ng lumakas si David pero ang tahanan ni Saul ay patuloy na humihina ng humihina.
And the war between the house of Saul and the house of David was prolonged, —and, David, waxed stronger and stronger, and, the house of Saul, became weaker and weaker.
2 Ang mga anak na lalaki ay ipinanganak kay David sa Hebron. Ang kaniyang panganay ay si Amnon, kay Anihoam mula sa Jezreel.
And there were born unto David, sons, in Hebron, —and it came to press that—His firstborn was Amnon, by Ahinoam, the Jezreelitess;
3 Ang kaniyang pangalawang anak, ay si Quileb, ay ipinanganak kay Abigail, ang biyuda ni Nabal mula sa Carmel. Ang pangatlo, ay si Absalom, anak ni Maaca, anak na babae ni Talmai, hari ng Gesur.
And his second Chileab, by Abigail, wife of Nabal the Carmelite, And the third Absolom, son of Maachah, daughter of Talmai, king of Geshur;
4 Si Adonias, ang ikaapat na anak na lalaki ni David, na anak na lalaki ni Haggit. Ang ikalima ay si Sheftias, anak na lalaki ni Abital,
And the fourth Adonijah, son of Higgith, —And the fifth Shephatiah, son of Abital;
5 at ang ika-anim, si Itream, anak na lalaki ng asawa ni David na si Egla. Ang mga anak na lalaki na to ay ipinanganak kay David sa Hebron.
And the sixth Ithream, by Eglah wife of David. These, were born unto David, in Hebron.
6 Nangyari ito sa panahon ng digmaan sa pagitan sa tahanan ni Saul at sa tahanan ni David na si Abner ay nagawang palakasin ang tahanan ni Saul.
And it came to pass, while the war continued between the house of Saul and the house of David, that, Abner, shewed himself courageous for the house of Saul.
7 May isang kerida si Saul na ang pangalan ay Rizpa, ang anak na babae ni Aya. Sinabi ni Isobet kay Abner, “Bakit mo sinipingan ang kerida ng aking ama?”
Now, Saul, had a concubine, whose name, was Rizpah daughter of Aiah, —and [Ish-bosheth] said unto Abner, Why, wentest thou in, unto my father’s concubine?
8 Pagkatapos si Abner ay galit na galit sa mga salita ni Isobet at sinabi, “Ako ba ay ulo ng aso na pag-aari ng Juda? Sa araw na ito ay ipinapakita ko ang katapatan sa tahanan ni Saul, ang iyong ama, sa kaniyang mga kapatid na lalaki, at sa kaniyang mga kaibigan sa hindi ko pagbibigay sa iyo sa kamay ni David. At ngayon pinaparatangan mo ako sa araw na ito tungkol sa babaeng ito.
And it provoked Abner greatly, on account of the words of Ish-bosheth, and he said—Am I, the head of the dogs, that pertain unto Judah? To-day, would I deal in lovingkindness with the house of Saul thy father, towards his brethren, and towards his friends, and have not delivered thee into the hand of David, —and yet thou hast charged upon me the transgression of the woman, today.
9 Nawa gawin sa akin ng Diyos, Abner, at mas masama pa, kung hindi ko gagawin para kay David ang gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kaniya,
So, may God do unto Abner, and, so, may he add to him, —if, as Yahweh hath sworn unto David, even so, I deal not with him;
10 na ilipat ang kaharian mula sa tahanan ni Saul at itayo ang trono ni David sa buong Israel at sa buong Juda, mula Dan hanggang Beerseba.”
by turning over the kingdom from the house of Saul, —and establishing the throne of David, over Israel and over Judah, from Dan, even unto Beer-sheba.
11 Hindi makasagot si Isobet kay Abner ng iba pang salita, dahil natakot siya sa kaniya.
And he could no further answer Abner, a word, —because he feared him.
12 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Abner kay David, para kausapin siya sa pagsasabing, “Kaninong lupa ito?” Gumawa ka ng isang kasunduan sa akin, at makikita mo na ang aking kamay ay nasa iyo, dalhin ang buong Israel sa iyo.”
So Abner sent messengers unto David, on the spot, saying—Whose, is the land? Saying [also] —Solemnise thy covenant with me; and lo! my hand, shall be with thee, to bring round unto thee, all Israel.
13 Sumagot si David, “Mabuti, gagawa ako ng isang kasunduan sa iyo. Pero isang bagay ang hihingin ko mula sa iyo na hindi mo makikita ang aking mukha maliban na dalhin mo muna si Mical, ang anak na babae ni Saul, kapag nakipagkita ka sa akin.”
And he said—Good! I, will solemnise with thee a covenant, —but, one thing, must I ask of thee, saying—Thou shalt not see my face, except thou have brought in Michal, Saul’s daughter, when thou comest to see my face.
14 Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si David kay Isobet, anak na lalaki ni Saul, na nagsasabing, “Ibigay mo sa akin ang aking asawa na si Mical, na aking binayaran na nagkakahalaga ng isangdaang balat ng mga taga-Filisteo.”
And David sent messengers unto Ish-bosheth son of Saul, saying, —Give up my wife, Michal, whom I espoused to myself, for a hundred foreskins of Philistines.
15 Kaya ipinakuha ni Isobet si Mical at kinuha siya sa kaniyang asawa, na si Patiel anak na lalaki ni Lais.
So Ish-bosheth sent and took her from her husband, —from Paltiel, son of Laish.
16 Sumama ang kaniyang asawa sa kaniya, umiiyak habang papaalis, at sinundan siya sa Bahurim. Pagkatapos sinabi ni Abner sa kaniya, “Bumalik sa bahay mo ngayon.” Kaya nagbalik siya.
And her husband went along with her, weeping as he went behind her, as far as Behurim, —when Abner said unto him—Go, return. And he returned.
17 Kinausap ni Abner ang mga nakatatanda sa Israel sa pagsasabing, “Nang nakaraan sinusubukan ninyo na mag hari si David sa inyo.
Then had Abner, speech, with the elders of Israel, saying, —In times past, ye were seeking David, to be king over you.
18 Ngayon gawin ito. Dahil nakipag-usap si Yahweh kay David sinasabing, 'Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ililigtas ko ang aking mga tao ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Filisteo at sa lahat ng kanilang mga kaaway.””
Now, therefore, act, —for Yahweh, spake unto David, saying, By the hand of David my servant, will I save my people Israel, out of the hand of the Philistines, and out of the hand of all their enemies.
19 Kinausap din mismo ni Abner ang bayan ng Benjamin. Pagkatapos pumunta rin si Abner upang makipag-usap kay David sa Hebron para ipaliwanag ang lahat ng bagay na ninanais ng Israel at ng buong sambahayan ni Benjamin na nais tapusin.
And Abner also spake in the ears of Benjamin, —and Abner also went to speak in the ears of David, in Hebron, all that was pleasing in the eyes of Israel, and in the eyes of all the house of Benjamin.
20 Nang dumating sa Hebron si Abner at ang dalawampu sa kaniyang mga tauhan para makipagkita kay David, naghanda si David ng isang piging para sa kanila.
So, when Abner came in unto David, in Hebron, and, with him, twenty men, David made, for Abner, and for the men who were with him, a banquet.
21 Ipinaliwanag ni Abner kay David, “Ako ay aalis at titipunin ang buong Israel para sa iyo, aking panginoon ang hari, nang sa gayon gagawa sila ng isang kasunduan sa iyo, nang sa gayon maaari kang maghari sa lahat ng nanaisin mo.” Kaya pinaalis ni David si Abner, at umalis si Abner ng may kapayapaan.
Then said Abner unto David—I will verily arise and go, and gather together unto my lord the king, all Israel—that they may solemnise with thee a covenant, so shalt thou reign over all that thy soul desireth. And David let Abner go, and he departed in peace.
22 Pagkatapos dumating ang mga sundalo ni David at Joab galing sa pagsalakay at may dalang maraming mga bagay na kanilang nakuha sa panloloob. Pero si Abner ay hindi kasama ni David sa Hebron. Pinaalis siya ni David, at umalis si Abner ng may kapayapaan.
And lo! the servants of David, and Joab, came in from a raid, and, great spoil, brought they in with them; but, Abner, was not with David in Hebron, for he had let him go, and he had departed in peace.
23 Nang si Joab at lahat ng hukbo na kasama niya ay dumating, sinabi nila kay Joab, “Si Abner anak na lalaki ni Ner ay nagpunta sa hari, at ang hari ay pinaalis na siya, at umalis si Abner ng may kapayapaan.”
When, Joab, and all the host that was with him, had come in, then told they Joab, saying, Abner son of Ner hath been in unto the king, and he hath let him go, and he hath departed in peace.
24 Pagkatapos pumunta si Joab sa hari at sinabi, “Ano ang ginawa mo? Tingnan mo, pumunta si Abner sa iyo! Bakit mo siya pinaalis, at siya ay nakaalis na?
Then Joab came in unto the king, and said—What hast thou done? Lo! Abner came in unto thee. Wherefore is it that thou didst let him go, so that he is clean departed?
25 Hindi mo ba alam na pumunta si Abner anak na lalaki ni Ner para lokohin ka, at alamin ang iyong mga plano at malaman ang lahat ng bagay na gagawin mo?”
Thou knowest Abner son of Ner, that, to deceive thee, he came, —and to take knowledge of thy going out, and thy coming in, and to take knowledge of all that thou art doing.
26 Nang iniwan ni Joab si David, nagpadala siya ng mga mensahero kay Abner, at dinala siya pabalik mula sa balon ng Sira, pero hindi alam ito ni David.
And, when Joab had come out from David, he sent messengers after Abner, and brought him back from the well of Sirah, —but, David, knew it not.
27 Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki.
So Abner returned to Hebron, and Joab took him aside into the midst of the gate, to speak with him quietly, —and then smote him there, in the belly, that he died, for the blood of Asahel the brother of Joab.
28 Nang marinig ni David ang tungkol dito, sinabi niya, “Ako at ang aking kaharian ay inosente sa harapan ni Yahweh magpakailanman hinggil sa dugo ni Abner anak na lalaki ni Ner.
And, when David heard of it, after that, he said—Guiltless, am I and my kingdom before Yahweh, unto times age-abiding, —of the blood of Abner son of Ner.
29 Hayaan ang kasalanan sa pagkamatay ni Abner ay bumagsak sa ulo ni Joab at sa lahat ng sambahayan ng kaniyang ama. Nawa'y hindi ito maalis sa pamilya ni Joab isang tao na mayroong tumutulong sugat o sakit sa balat o isang pilay at dapat lumakad na mayroong isang tungkod o pinatay sa pamamagitan ng espada o umaalis na walang pagkain.
Let it be hurled upon the head of Joab, and against all his father’s house, —and let there not fail from the house of Joab—one that hath an issue, or a leper, or one that leaneth on a crutch, or that falleth by the sword, or that lacketh bread.
30 Kaya si Joab at Abisai ang kaniyang kapatid na lalaki ay pinatay si Abner, dahil pinatay niya sa labanan ang kanilang kapatid na lalaki na si Asahel sa Gibeon.
Thus, Joab and Abishai his brother, slew Abner, —because he had caused the death of Asahel their brother, in Gibeon, in the battle.
31 Sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng tao na kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga damit, maglagay ng telang magaspang, at manangis sa harapan ng bangkay ni Abner.” At si Haring David ay lumakad sa likod ng bangkay sa paghahatid sa libingan.
And David said unto Joab, and unto all the people who were with him, —Rend your clothes, and gird you with sackcloth, and lament aloud before Abner. And, King David himself, was following the bier.
32 Inilibing nila si Abner sa Hebron. Umiyak ang hari at nanangis ng malakas sa puntod ni Abner, at lahat din ng tao ay nag iyakan.
And they buried Abner in Hebron, —and the king lifted up his voice and wept, at the grave of Abner, and all the people wept.
33 Ang hari ay nanangis para kay Abner, at umawit. “Kailangan bang mamatay ni Abner gaya sa pagkamatay ng isang mangmang?
And the king addressed his dirge unto Abner, and said, —As a base man dieth, should Abner have died?
34 Ang iyong mga kamay ay hindi nakatali. Ang iyong mga paa ay hindi nakakadena. habang ang isang lalaki ay bumabagsak sa harapan ng mga anak na lalaki ng walang hustisya, kaya ikaw ay bumagsak. “Muli ang lahat ng tao ay nagsiiyakan sa kaniya.
Thy hands, were not bound, And, thy feet, near to fetters, were not brought, As one falleth before assassins, so didst thou fall! And again all the people wept over him.
35 Lumapit ang lahat ng tao kay David para pakainin habang may araw pa, pero nangako si David, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at ng mas matindi pa, kung titikim ako ng tinapay o anumang bagay bago lumubog ang araw.”
And, when all the people came near to get David to eat bread, while yet it was day, David sware, saying—So, let God do to me, and, so, let him add, if, before the sun go in, I taste bread, or anything else.
36 Kaya napansin ng lahat ng tao ang pighati ni David, at nalugod sila, gaya ng ginawa ng hari na nakalulugod sa kanila.
And, all the people, took note of it, and it was noble in their eyes, —as, all that the king did, was, in the eyes of all the people, noble.
37 Kaya naintindihan ng lahat ng tao at ng buong Israel nang araw na iyon na hindi ito nais ng hari na patayin si Abner anak na lalaki ni Ner.
So then all the people, and all Israel, took note, that day, that it was not of the king, to cause the death of Abner son of Ner.
38 Sinabi ng hari sa kanyang mga lingkod, “Hindi ba ninyo alam na isang prinsipe at dakilang lalaki ang bumagsak sa araw na ito sa Israel?
And the king said unto his servants, —Will ye not take note that, a prince and a great man, hath fallen this day, in Israel?
39 At ako ay mahina sa araw na ito, kahit na ako ang nahirang na hari. ang mga kalalakihang ito, ang anak na lalaki ni Zeruias, ay napakalupit para sa akin. Nawa'y si Yahweh ang magbayad sa masamang tao, sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kaniya para sa kaniyang kasamaan, gaya ng nararapat sa kaniya.”
And, I myself, this day, am weak, though anointed king, but, these men, the sons of Zeruiah, are more severe than I: Yahweh repay, the doer of wickedness, according to his wickedness.