Preface
Read
+
Publisher
Nainoia, Inc.
PO Box 462, Bellefonte, PA 16823
(814) 470-8028
Nainoia Inc, Publisher
LinkedIn/NAINOIA-INC
Third Party Publisher Resources
Request Custom Formatted Verses
Please contact us below
Submit your proposed corrections
I understand that the Aionian Bible republishes public domain and Creative Commons Bible texts and that volunteers may be needed to present the original text accurately. I also understand that apocryphal text is removed and most variant verse numbering is mapped to the English standard. I have entered my corrections under the verse(s) below. Proposed corrections to the Tagalog Unlocked Holy Bible, 2-Samuel Chapter 3 https://www.AionianBible.org/Bibles/Tagalog---Tagalog-Bible-Unlocked/2-Samuel/3 1) Ngayon ay mayroong isang mahabang digmaan sa pagitan ng tahanan ni Saul at ng tahanan ni David. Patuloy na lumalakas ng lumakas si David pero ang tahanan ni Saul ay patuloy na humihina ng humihina. 2) Ang mga anak na lalaki ay ipinanganak kay David sa Hebron. Ang kaniyang panganay ay si Amnon, kay Anihoam mula sa Jezreel. 3) Ang kaniyang pangalawang anak, ay si Quileb, ay ipinanganak kay Abigail, ang biyuda ni Nabal mula sa Carmel. Ang pangatlo, ay si Absalom, anak ni Maaca, anak na babae ni Talmai, hari ng Gesur. 4) Si Adonias, ang ikaapat na anak na lalaki ni David, na anak na lalaki ni Haggit. Ang ikalima ay si Sheftias, anak na lalaki ni Abital, 5) at ang ika-anim, si Itream, anak na lalaki ng asawa ni David na si Egla. Ang mga anak na lalaki na to ay ipinanganak kay David sa Hebron. 6) Nangyari ito sa panahon ng digmaan sa pagitan sa tahanan ni Saul at sa tahanan ni David na si Abner ay nagawang palakasin ang tahanan ni Saul. 7) May isang kerida si Saul na ang pangalan ay Rizpa, ang anak na babae ni Aya. Sinabi ni Isobet kay Abner, “Bakit mo sinipingan ang kerida ng aking ama?” 8) Pagkatapos si Abner ay galit na galit sa mga salita ni Isobet at sinabi, “Ako ba ay ulo ng aso na pag-aari ng Juda? Sa araw na ito ay ipinapakita ko ang katapatan sa tahanan ni Saul, ang iyong ama, sa kaniyang mga kapatid na lalaki, at sa kaniyang mga kaibigan sa hindi ko pagbibigay sa iyo sa kamay ni David. At ngayon pinaparatangan mo ako sa araw na ito tungkol sa babaeng ito. 9) Nawa gawin sa akin ng Diyos, Abner, at mas masama pa, kung hindi ko gagawin para kay David ang gaya ng ipinangako ni Yahweh sa kaniya, 10) na ilipat ang kaharian mula sa tahanan ni Saul at itayo ang trono ni David sa buong Israel at sa buong Juda, mula Dan hanggang Beerseba.” 11) Hindi makasagot si Isobet kay Abner ng iba pang salita, dahil natakot siya sa kaniya. 12) Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si Abner kay David, para kausapin siya sa pagsasabing, “Kaninong lupa ito?” Gumawa ka ng isang kasunduan sa akin, at makikita mo na ang aking kamay ay nasa iyo, dalhin ang buong Israel sa iyo.” 13) Sumagot si David, “Mabuti, gagawa ako ng isang kasunduan sa iyo. Pero isang bagay ang hihingin ko mula sa iyo na hindi mo makikita ang aking mukha maliban na dalhin mo muna si Mical, ang anak na babae ni Saul, kapag nakipagkita ka sa akin.” 14) Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero si David kay Isobet, anak na lalaki ni Saul, na nagsasabing, “Ibigay mo sa akin ang aking asawa na si Mical, na aking binayaran na nagkakahalaga ng isangdaang balat ng mga taga-Filisteo.” 15) Kaya ipinakuha ni Isobet si Mical at kinuha siya sa kaniyang asawa, na si Patiel anak na lalaki ni Lais. 16) Sumama ang kaniyang asawa sa kaniya, umiiyak habang papaalis, at sinundan siya sa Bahurim. Pagkatapos sinabi ni Abner sa kaniya, “Bumalik sa bahay mo ngayon.” Kaya nagbalik siya. 17) Kinausap ni Abner ang mga nakatatanda sa Israel sa pagsasabing, “Nang nakaraan sinusubukan ninyo na mag hari si David sa inyo. 18) Ngayon gawin ito. Dahil nakipag-usap si Yahweh kay David sinasabing, 'Sa pamamagitan ng kamay ng aking lingkod na si David ililigtas ko ang aking mga tao ang Israel mula sa kapangyarihan ng mga Filisteo at sa lahat ng kanilang mga kaaway.”” 19) Kinausap din mismo ni Abner ang bayan ng Benjamin. Pagkatapos pumunta rin si Abner upang makipag-usap kay David sa Hebron para ipaliwanag ang lahat ng bagay na ninanais ng Israel at ng buong sambahayan ni Benjamin na nais tapusin. 20) Nang dumating sa Hebron si Abner at ang dalawampu sa kaniyang mga tauhan para makipagkita kay David, naghanda si David ng isang piging para sa kanila. 21) Ipinaliwanag ni Abner kay David, “Ako ay aalis at titipunin ang buong Israel para sa iyo, aking panginoon ang hari, nang sa gayon gagawa sila ng isang kasunduan sa iyo, nang sa gayon maaari kang maghari sa lahat ng nanaisin mo.” Kaya pinaalis ni David si Abner, at umalis si Abner ng may kapayapaan. 22) Pagkatapos dumating ang mga sundalo ni David at Joab galing sa pagsalakay at may dalang maraming mga bagay na kanilang nakuha sa panloloob. Pero si Abner ay hindi kasama ni David sa Hebron. Pinaalis siya ni David, at umalis si Abner ng may kapayapaan. 23) Nang si Joab at lahat ng hukbo na kasama niya ay dumating, sinabi nila kay Joab, “Si Abner anak na lalaki ni Ner ay nagpunta sa hari, at ang hari ay pinaalis na siya, at umalis si Abner ng may kapayapaan.” 24) Pagkatapos pumunta si Joab sa hari at sinabi, “Ano ang ginawa mo? Tingnan mo, pumunta si Abner sa iyo! Bakit mo siya pinaalis, at siya ay nakaalis na? 25) Hindi mo ba alam na pumunta si Abner anak na lalaki ni Ner para lokohin ka, at alamin ang iyong mga plano at malaman ang lahat ng bagay na gagawin mo?” 26) Nang iniwan ni Joab si David, nagpadala siya ng mga mensahero kay Abner, at dinala siya pabalik mula sa balon ng Sira, pero hindi alam ito ni David. 27) Nang makabalik si Abner sa Hebron, dinala siya ni Joab sa isang tabi sa gitna ng tarangkahan para kausapin siya ng tahimik. Doon sinaksak siya ni Joab sa tiyan at pinatay siya. Sa ganitong paraan, naipaghiganti ni Joab ang dugo ni Asahel na kaniyang kapatid na lalaki. 28) Nang marinig ni David ang tungkol dito, sinabi niya, “Ako at ang aking kaharian ay inosente sa harapan ni Yahweh magpakailanman hinggil sa dugo ni Abner anak na lalaki ni Ner. 29) Hayaan ang kasalanan sa pagkamatay ni Abner ay bumagsak sa ulo ni Joab at sa lahat ng sambahayan ng kaniyang ama. Nawa'y hindi ito maalis sa pamilya ni Joab isang tao na mayroong tumutulong sugat o sakit sa balat o isang pilay at dapat lumakad na mayroong isang tungkod o pinatay sa pamamagitan ng espada o umaalis na walang pagkain. 30) Kaya si Joab at Abisai ang kaniyang kapatid na lalaki ay pinatay si Abner, dahil pinatay niya sa labanan ang kanilang kapatid na lalaki na si Asahel sa Gibeon. 31) Sinabi ni David kay Joab at sa lahat ng tao na kasama niya, “Punitin ninyo ang inyong mga damit, maglagay ng telang magaspang, at manangis sa harapan ng bangkay ni Abner.” At si Haring David ay lumakad sa likod ng bangkay sa paghahatid sa libingan. 32) Inilibing nila si Abner sa Hebron. Umiyak ang hari at nanangis ng malakas sa puntod ni Abner, at lahat din ng tao ay nag iyakan. 33) Ang hari ay nanangis para kay Abner, at umawit. “Kailangan bang mamatay ni Abner gaya sa pagkamatay ng isang mangmang? 34) Ang iyong mga kamay ay hindi nakatali. Ang iyong mga paa ay hindi nakakadena. habang ang isang lalaki ay bumabagsak sa harapan ng mga anak na lalaki ng walang hustisya, kaya ikaw ay bumagsak. “Muli ang lahat ng tao ay nagsiiyakan sa kaniya. 35) Lumapit ang lahat ng tao kay David para pakainin habang may araw pa, pero nangako si David, “Nawa'y gawin sa akin ng Diyos, at ng mas matindi pa, kung titikim ako ng tinapay o anumang bagay bago lumubog ang araw.” 36) Kaya napansin ng lahat ng tao ang pighati ni David, at nalugod sila, gaya ng ginawa ng hari na nakalulugod sa kanila. 37) Kaya naintindihan ng lahat ng tao at ng buong Israel nang araw na iyon na hindi ito nais ng hari na patayin si Abner anak na lalaki ni Ner. 38) Sinabi ng hari sa kanyang mga lingkod, “Hindi ba ninyo alam na isang prinsipe at dakilang lalaki ang bumagsak sa araw na ito sa Israel? 39) At ako ay mahina sa araw na ito, kahit na ako ang nahirang na hari. ang mga kalalakihang ito, ang anak na lalaki ni Zeruias, ay napakalupit para sa akin. Nawa'y si Yahweh ang magbayad sa masamang tao, sa pamamagitan ng pagpaparusa sa kaniya para sa kaniyang kasamaan, gaya ng nararapat sa kaniya.” Additional comments?
Refresh Captcha
The world's first Holy Bible un-translation!