< 2 Mga Cronica 28 >
1 Si Ahaz ay dalawampung taong gulang nang magsimula siyang maghari at naghari siya sa Jerusalem ng labing-anim na taon. Hindi niya ginawa ang tama sa mga mata ni Yahweh, katulad ng ginawa ni David na kaniyang ninuno.
亞哈斯登基的時候年二十歲,在耶路撒冷作王十六年;不像他祖大衛行耶和華眼中看為正的事,
2 Sa halip, lumakad siya sa mga pamamaraan ng mga hari ng Israel, gumawa rin siya ng mga metal na imahen para sa mga Baal.
卻行以色列諸王的道,又鑄造巴力的像,
3 Bukod pa roon, nagsunog siya ng insenso sa lambak ng Ben Hinom at inialay niya ang mga anak niya bilang mga alay na susunugin, alinsunod sa kalapastanganan ng mga lahing pinalayas ni Yahweh bago dumating ang mga Israelita.
並且在欣嫩子谷燒香,用火焚燒他的兒女,行耶和華在以色列人面前所驅逐的外邦人那可憎的事;
4 Nag-alay at nagsunog siya ng insenso sa mga dambana, sa mga burol, at sa ilalim ng bawat luntiang puno.
並在邱壇上、山岡上、各青翠樹下獻祭燒香。
5 Kaya ipinasakamay siya ni Yahweh na Diyos ni Ahaz sa hari ng Aram. Tinalo siya ng mga Arameo at kinuha mula sa kaniya ang napakalaking bilang ng mga bilanggo at dinala sila sa Damasco. Napasakamay din si Ahaz sa hari ng Israel, na tumalo sa kaniya sa isang matinding labanan.
所以,耶和華-他的上帝將他交在亞蘭王手裏。亞蘭王打敗他,擄了他許多的民,帶到大馬士革去。上帝又將他交在以色列王手裏,以色列王向他大行殺戮。
6 Si Peka na anak ni Remalias ay nakapatay ng 120, 000 na mga kawal sa Juda sa loob ng isang araw, lahat ng mga matatapang nilang kawal, dahil tinalikuran nila si Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
利瑪利的兒子比加一日殺了猶大人十二萬,都是勇士,因為他們離棄了耶和華-他們列祖的上帝。
7 Pinatay ni Zicri na isang malakas na lalaki mula sa Efraim si Maasias na anak na lalaki ng hari, si Azrikam na tagapamahala sa palasyo, at si Elkana na kanang kamay ng hari.
有一個以法蓮中的勇士,名叫細基利,殺了王的兒子瑪西雅和管理王宮的押斯利甘,並宰相以利加拿。
8 Nagdala ng mga bihag ang hukbo ng Israel mula sa 200, 000 na asawang babae ng kanilang mga kamag-anak, mga anak na lalaki at babae. Marami rin silang sinamsam na dinala nila pabalik sa Samaria.
以色列人擄了他們的弟兄,連婦人帶兒女共有二十萬,又掠了許多的財物,帶到撒馬利亞去了。
9 Ngunit naroon ang isang propeta ni Yahweh, Oded ang kaniyang pangalan. Siya ay lumabas upang salubungin ang hukbo na papasok sa Samaria. Sinabi niya sa kanila, “Dahil nagalit si Yahweh sa Juda, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ipinasakamay niya sila sa inyo. Ngunit pinagpapatay ninyo sila sa galit na abot hanggang langit.
但那裏有耶和華的一個先知,名叫俄德,出來迎接往撒馬利亞去的軍兵,對他們說:「因為耶和華-你們列祖的上帝惱怒猶大人,所以將他們交在你們手裏,你們竟怒氣沖天,大行殺戮。
10 At ngayon, gusto pa ninyong gawing alipin ang mga kalalakihan at kababaihan ng Juda at Jerusalem. Ngunit hindi ba kayo mismo ay nagkasala kay Yahweh na inyong Diyos?
如今你們又有意強逼猶大人和耶路撒冷人作你們的奴婢,你們豈不也有得罪耶和華-你們上帝的事嗎?
11 Makinig kayo ngayon sa akin: ibalik ninyo ang mga bilanggo na inyong binihag mula sa inyong mga kapatid, sapagkat ang matinding poot ni Yahweh ay nasa inyo.”
現在你們當聽我說,要將擄來的弟兄釋放回去,因為耶和華向你們已經大發烈怒。」
12 Pagkatapos, may ilang pinuno ng Efraim ang tumayo laban sa mga bumalik mula sa digmaan, ang mga lalaking sina Azarias na anak ni Johanan, si Berquias na anak ni Mesillemot, si Jehizkias na anak ni Sallum at si Amasa na anak ni hadlai.
於是,以法蓮人的幾個族長-就是約哈難的兒子亞撒利雅、米實利末的兒子比利家、沙龍的兒子耶希西家、哈得萊的兒子亞瑪撒-起來攔擋出兵回來的人,
13 Sinabi nila sa kanila, “Hindi ninyo dapat dalhin ang mga bilanggo rito, sapagkat ang gusto ninyo ay isang bagay na magdadala sa atin ng kasalanan laban kay Yahweh na magdaragdag sa ating mga kasalanan at mga paglabag; sapagkat napakalaki ng ating paglabag at mayroong matinding poot laban sa Israel.”
對他們說:「你們不可帶進這被擄的人來!你們想要使我們得罪耶和華,加增我們的罪惡過犯?因為我們的罪過甚大,已經有烈怒臨到以色列人了。」
14 Kaya iniwan ng mga kawal ang mga bilanggo at ang mga sinamsam sa harapan ng mga pinuno at sa buong kapulungan.
於是帶兵器的人將擄來的人口和掠來的財物都留在眾首領和會眾的面前。
15 Ang mga lalaking itinalaga ay tumayo at kinuha ang mga bilanggo at dinamitan ang mga walang kasuotan mula sa mga nasamsam. Dinamitan nila sila at binigyan sila ng sandalyas. Binigyan sila ng makakain at inumin. Ginamot nila ang kanilang mga sugat at isinakay ang mga nanghihina sa mga asno. Ibinalik sila sa kanilang mga pamilya sa Jerico, (na tinatawag na lungsod ng mga Palma). Pagkatapos bumalik sila sa Samaria.
以上提名的那些人就站起,使被擄的人前來;其中有赤身的,就從所掠的財物中拿出衣服和鞋來,給他們穿,又給他們吃喝,用膏抹他們;其中有軟弱的,就使他們騎驢,送到棕樹城耶利哥他們弟兄那裏;隨後就回撒馬利亞去了。
16 Nang mga panahong iyon, nagpadala si Haring Ahaz ng mga mensahero sa mga hari ng Asiria upang pakiusapan silang tulungan siya.
那時,亞哈斯王差遣人去見亞述諸王,求他們幫助;
17 Sapagkat muling nagbalik ang mga Edomita at sinalakay ang Juda at kumuha ng mga bilanggo.
因為以東人又來攻擊猶大,擄掠子民。
18 Sinakop din ng mga Filisteo ang mga lungsod sa mga mabababang lupain at ang Negev ng Juda. Kinuha nila ang Beth-semes, Aijalon, Gederot, Soco kasama ang mga nayon nito, Timna kasama ang mga nayon nito, at gayon din ang Gimzo kasama ang mga nayon nito. Nagpunta sila upang manirahan sa mga lugar na iyon.
非利士人也來侵佔高原和猶大南方的城邑,取了伯‧示麥、亞雅崙、基低羅,梭哥和屬梭哥的鄉村,亭納和屬亭納的鄉村,瑾鎖和屬瑾鎖的鄉村,就住在那裏。
19 Sapagkat ibinaba ni Yahweh ang Juda dahil kay Ahaz, ang hari ng Israel; sapagkat napakasama ng kaniyang ginawa sa Juda at labis na nagkasala kay Yahweh.
因為以色列王亞哈斯在猶大放肆,大大干犯耶和華,所以耶和華使猶大卑微。
20 Si Tiglat-Pileser, hari ng Asiria, ay nagpunta at ginulo siya sa halip na palakasin siya.
亞述王提革拉‧毗列色上來,卻沒有幫助他,反倒欺凌他。
21 Sapagkat sinamsam at pinagnakawan ni Ahaz ang tahanan ni Yahweh at ang mga tahanan ng mga hari at mga pinuno upang ibigay sa mga hari ng Asiria, ngunit hindi ito nakatulong sa kaniya.
亞哈斯從耶和華殿裏和王宮中,並首領家內所取的財寶給了亞述王,這也無濟於事。
22 Ang Haring ito na si Ahaz ay nagkasala pa ng mas matindi laban kay Yahweh sa panahon ng kaniyang pagdurusa.
這亞哈斯王在急難的時候,越發得罪耶和華。
23 Sapagkat nag-alay siya sa mga diyos ng Damasco, mga diyos na tumalo sa kaniya. Sinabi niya, “Dahil tinulungan sila ng mga diyos ng mga hari ng Syria, mag-aalay ako sa kanila, upang matulungan nila ako.” Ngunit sila ang sumira sa kaniya at sa buong Israel.
他祭祀攻擊他的大馬士革之神,說:「因為亞蘭王的神幫助他們,我也獻祭與他,他好幫助我。」但那些神使他和以色列眾人敗亡了。
24 Tinipon ni Ahaz ang mga kagamitan sa tahanan ng Diyos at pinagpuputol ang mga ito. Ipinasara niya ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh at gumawa siya ng mga altar para sa kaniyang sarili sa bawat sulok ng Jerusalem.
亞哈斯將上帝殿裏的器皿都聚了來,毀壞了,且封鎖耶和華殿的門;在耶路撒冷各處的拐角建築祭壇,
25 Gumawa siya ng mga dambana sa bawat lungsod ng Juda upang pagsunugan ng mga alay sa ibang mga diyos, at ito ang naging dahilan upang magalit si Yahweh, ang Diyos ng kaniyang mga ninuno.
又在猶大各城建立邱壇,與別神燒香,惹動耶和華-他列祖上帝的怒氣。
26 Ngayon, ang lahat ng kaniyang mga ginawa at lahat ng kaniyang kapamaraanan mula umpisa hanggang wakas, tingnan ninyo, nakasulat ang mga ito sa Aklat ng mga Hari ng Juda at Israel.
亞哈斯其餘的事和他的行為,自始至終都寫在猶大和以色列諸王記上。
27 Namatay si Ahaz at siya ay kanilang inilibing sa lungsod sa Jerusalem, ngunit siya ay hindi nila dinala sa mga libingan ng mga hari ng Israel. Si Ezequias na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.
亞哈斯與他列祖同睡,葬在耶路撒冷城裏,沒有送入以色列諸王的墳墓中。他兒子希西家接續他作王。