< 1 Samuel 27 >
1 At nasabi ni David sa kaniyang sarili, Ako'y mamamatay isang araw sa kamay ni Saul: walang anomang bagay na mabuti sa akin kundi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo; at si Saul ay mawawalan ng pagasa tungkol sa akin, upang huwag na akong pag-usigin sa lahat ng mga hangganan ng Israel: sa gayo'y tatakas ako mula sa kaniyang kamay.
Sinabi ni David sa kanyang puso, “Mawawala ako nang isang araw sa pamamagitan ng kamay ni Saul; wala nang mas mabuti para sa akin kung hindi ang tumakas sa lupain ng mga Filisteo; titigil na si Saul sa paghahanap sa akin kahit saan sa lahat ng hangganan ng Israel; sa paraang ito makakatakas ako sa kanyang kamay.”
2 At si David ay bumangon at lumipat, siya at ang anim na raang lalake na nasa kaniya, kay Achis na anak ni Maoch na hari sa Gath.
Bumangon si David at tumawid, siya at ang anim na daang kalalakihang na kasama niya, kay Aquis anak na lalaki ni Maoc, ang hari ng Gat.
3 At tumahan si David na kasama ni Achis sa Gath, siya at ang kaniyang mga lalake, bawa't lalake ay kasama ang kaniyang sangbahayan, sa makatuwid baga'y si David pati ng kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel at si Abigail na taga Carmelo na asawa ni Nabal.
Nanirahan si David kasama nina Aquis sa Gat, siya at ang kanyang tauhan, bawat tao sa kanyang sariling sambahayan, at si David kasama ang kanyang dalawang asawa, Ahinoam na Jezreelita, at Abigail na Carmelita, asawa ni Nabal.
4 At nasaysay kay Saul na si David ay tumakas na napatungo sa Gath: at hindi na niya pinagusig siya uli.
Sinabihan si Saul na tumakas si David patungo sa Gat, kaya hindi na niya siya hinanap.
5 At sinabi ni David kay Achis, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin, bigyan nila ako ng isang matatahanan sa isa sa mga bayan sa lupain, upang ako'y tumahan doon: sapagka't bakit tatahan kasama mo ang iyong lingkod sa bayan ng hari?
Sinabi ni Aquis kay David, “Kung kinakitaan niya ako ng kagandahang loob sa iyong mga mata, hayaan silang bigyan ako ng isang lugar sa isa sa mga lungsod ng bansa, upang manirahan ako doon: para saan pa na titira ang iyong lingkod sa maharlikang siyudad na kasama mo?”
6 Nang magkagayo'y ibinigay ni Achis sa kaniya ang Siclag nang araw na yaon: kaya't ang Siclag ay nauukol sa mga hari sa Juda hanggang sa araw na ito.
Kaya ibinigay ni Aquis sa kanya ang Ziklag nang araw na iyon; kaya nabibilang ang Ziklag sa hari ng Juda hanggang sa araw na ito.
7 At ang bilang ng mga araw na itinahan ni David sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon, at apat na buwan.
Ang bilang ng mga araw ni David na namuhay sa lupain ng mga Filisteo ay isang buong taon at apat na buwan.
8 At umahon si David at ang kaniyang mga lalake, at sinalakay ang mga Gesureo, at ang mga Gerzeo, at ang mga Amalecita; sapagka't ang mga yaon ay dating nangananahan sa lupain, mula nang gaya ng kung ikaw ay paroroon sa Shur, hanggang sa lupain ng Egipto.
Nilusob ni David at kanyang mga tauhan ang iba't-ibang mga lugar, sinalakay ang Gesurita, ang Girziteo, at ang Amalekita, sa mga bayan na iyon na namumuhay sa lupaing iyon, habang papunta kayo sa Sur, hanggang sa layo ng lupain ng Ehipto. Naninirahan sila sa lupaing iyon mula pa sa sinaunang kapanahunan (Paalala: Sa halip ng “Gizrita, na makikita sa sulat ng Hebreo, ilang bagong mga bersyon ay ang Girzita, na makikita sa sulat ng Hebreo)
9 At sinaktan ni David ang lupain, at walang iniligtas na buhay kahit lalake o babae man, at dinala ang mga tupa at ang mga baka, at ang mga asno, at ang mga kamelyo, at ang mga kasuutan; at siya'y bumalik, at naparoon kay Achis.
Sinalakay ni David ang lupain at walang tinirang mga lalaki ni mga babaeng buhay, kinuha niya ang mga tupa, ang baka, ang mga asno, ang mga kamelyo, at ang mga pananamit; bumalik siya at pumunta muli kay Aquis.
10 At sinabi ni Achis, Saan kayo sumalakay ngayon? At sinabi ni David, Laban sa Timugan ng Juda, at laban sa Timugan ng mga Jerameeliteo, at laban sa Timugan ng mga Cineo.
Sinasabi ni Aquis, “Laban kanino ang inyong ginawang pagsalakay sa araw na ito? Baka isasagot ni David, “Laban sa timog ng Juda,” o “Laban sa timog ng Jerameelita,” o “Laban sa timog ng Kenita.”
11 At walang iniligtas na buhay si David kahit ng lalake o ng babae man, upang dalhin sa Gath, na sinasabi, Baka sila'y magsumbong laban sa atin, na sabihin, Ganoon ang ginawa ni David, at gayon ang kaniyang paraan sa buong panahon na kaniyang itinahan sa lupain ng mga Filisteo.
Baka bubuhayin ni David ang lalaki ni ang babae upang dalhin sila sa Gat, nagsasabing, “Para wala silang masabi tungkol sa atin, Ginawa ni David ang nararapat.” Ginawa niya itong lahat habang nakatira siya sa bansa ng mga Filisteo.
12 At naniwala si Achis kay David, na nagsasabi, Kaniyang ginawa na ang kaniyang bayang Israel ay lubos na nakayayamot sa kaniya: kaya't siya'y magiging aking lingkod magpakailan man.
Naniwala si Aquis kay David, sinasabing, “Ginawa niyang lubos na mapoot ang bayan ng Israel sa kanya, samakatuwid magiging lingkod ko siya magpakailanman.”