< イザヤ書 44 >

1 しかし、わがしもべヤコブよ、わたしが選んだイスラエルよ、いま聞け。
Ngayon makinig ka, Jacob aking lingkod, at Israel, na aking pinili:
2 あなたを造り、あなたを胎内に形造り、あなたを助ける主はこう言われる、『わがしもべヤコブよ、わたしが選んだエシュルンよ、恐れるな。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang lumikha sa iyo at humubog sa iyo sa sinapupunan at siyang tutulong sa iyo: Huwag kang matakot, O Jacob na aking lingkod; at ikaw, Jeshurun, na aking pinili.
3 わたしは、かわいた地に水を注ぎ、干からびた地に流れをそそぎ、わが霊をあなたの子らにそそぎ、わが恵みをあなたの子孫に与えるからである。
Dahil aking ibubuhos ang tubig sa uhaw na lupa, sa tuyong lupa dadaloy ang mga batis, at ibubuhos ko sa iyong mga supling ang aking Espiritu, at ang mga anak mo ay pagpapalain.
4 こうして、彼らは水の中の草のように、流れのほとりの柳のように、生え育つ。
Sila ay sisibol sa gitna ng damo, gaya ng mga puno sa tabi ng mga tubig sa batis.
5 ある人は「わたしは主のものである」と言い、ある人はヤコブの名をもって自分を呼び、またある人は「主のものである」と手にしるして、イスラエルの名をもって自分を呼ぶ』」。
Sasabihin ng isa, 'Ako ay kay Yahweh; ' at ang isa ay ipapangalan kay Jacob; at ang isa pa ay isusulat sa kaniyang kamay 'Pag-aari ni Yahweh' at tatawagin sa pangalan ng Israel.”
6 主、イスラエルの王、イスラエルをあがなう者、万軍の主はこう言われる、「わたしは初めであり、わたしは終りである。わたしのほかに神はない。
Ito ang sinasabi ni Yahweh - ang Hari ng Israel at kaniyang Manunubos, Yahweh ng mga hukbo: “Ako ang una, at ako ang huli; walang ibang Diyos kundi ako.
7 だれかわたしに等しい者があるか。その者はそれを示し、またそれを告げ、わが前に言いつらねよ。だれが、昔から、きたるべき事を聞かせたか。その者はやがて成るべき事をわれわれに告げよ。
Sino ang katulad ko? Hayaan siyang ipahayag ito at ipaliwanag sa akin ang mga nangyari simula nang aking itinatag ang sinaunang bayan, at hayaan silang ipahayag ang mga pangyayaring darating.
8 恐れてはならない、またおののいてはならない。わたしはこの事を昔から、あなたがたに聞かせなかったか、また告げなかったか。あなたがたはわが証人である。わたしのほかに神があるか。わたしのほかに岩はない。わたしはそのあることを知らない」。
Huwag matakot o mangamba. Hindi ba ipinahayag ko sa iyo nang unang panahon, at ipinaalam ito? Kayo ang aking mga saksi: May ibang Diyos ba maliban sa akin? Walang ibang Bato; wala akong ibang kilala.”
9 偶像を造る者は皆むなしく、彼らの喜ぶところのものは、なんの役にも立たない。その信者は見ることもなく、また知ることもない。ゆえに彼らは恥を受ける。
Silang nagbibigay anyo sa diyus-diyosan ay walang halaga; at ang mga bagay na kanilang kinatutuwaan ay walang saysay; ang kanilang mga saksi ay hindi nakakikita o nakakaalam ng anumang bagay, at sila ay malalagay sa kahihiyan.
10 だれが神を造り、またなんの役にも立たない偶像を鋳たか。
Sino ang huhulma ng isang diyos o maghuhugis ng diyus-diyosan na walang halaga?
11 見よ、その仲間は皆恥を受ける。その細工人らは人間にすぎない。彼らが皆集まって立つとき、恐れて共に恥じる。
Masdan mo, ang lahat ng kaniyang mga kasama ay ilalagay sa kahihiyan; ang mga mang-uukit ay tao lamang. Hayaan mo silang magsama-sama sa kanilang paninindigan; sila ay yuyukod at malalagay sa kahihiyan.
12 鉄の細工人はこれを造るのに炭の火をもって細工し、鎚をもってこれを造り、強い腕をもってこれを鍛える。彼が飢えれば力は衰え、水を飲まなければ疲れはてる。
Ang panday ay gumagawa sa pamamagitan ng kaniyang mga kagamitan, naghuhulma ito, gumagawa sa init ng nagbabagang bato. Gamit ang maso at kaniyang malalakas na bisig hinubog niya ito. Siya ay nagugutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya ay hindi umiinom ng tubig at nanghihina.
13 木の細工人は線を引き、鉛筆でえがき、かんなで削り、コンパスでえがき、それを人の美しい姿にしたがって人の形に造り、家の中に安置する。
Sinusukat ng karpintero ang kahoy ng isang pisi at tinatandaan ng pantanda. Nagkakahugis ito sa pamamagitan ng kaniyang mga kagamitan at tinatandaan ito gamit ang mga kompas. Kaniyang hinuhubog ito sa anyo ng isang tao gaya ng isang kaakit-akit na tao, para ito ay ilagay sa isang altar.
14 彼は香柏を切り倒し、あるいはかしの木、あるいはかしわの木を選んで、それを林の木の中で強く育てる。あるいは香柏を植え、雨にそれを育てさせる。
Pumuputol siya ng mga cedar, o pumipili siya ng puno ng sipres o isang puno ng ensena. Siya ay kumukuha ng mga puno sa kagubatan para sa kaniyang sarili. Siya ay nagtatanim ng puno ng pir at pinalalaki ito ng ulan.
15 こうして人はその一部をとって、たきぎとし、これをもって身を暖め、またこれを燃やしてパンを焼き、また他の一部を神に造って拝み、刻んだ像に造ってその前にひれ伏す。
Pagkatapos ginagamit ito ng tao bilang pangsiga kung saan siya nagpapainit. Oo, pinaliliyab niya ang isang apoy at pinangluluto ng tinapay. Pagkatapos ginagawa niya mula dito ang isang diyos at sasambahin ito.
16 その半ばは火に燃やし、その半ばで肉を煮て食べ、あるいは肉をあぶって食べ飽き、また身を暖めて言う、「ああ、暖まった、熱くなった」と。
Kaniyang iginagatong ang ilang bahagi ng kahoy sa apoy, iniihaw ang kaniyang karne dito. kumain siya at nabubusog. Kaniyang nadarama ang init at sinasabi, “Ah, ako ay naiinitan, aking nakita ang apoy.”
17 そしてその余りをもって神を造って偶像とし、その前にひれ伏して拝み、これに祈って、「あなたはわが神だ、わたしを救え」と言う。
Siya ay gumagawa ng diyos sa pamamagitan ng tirang kahoy, kaniyang inukit na imahe; at kaniyang niluluhuran ito at ginagalang ito, at nananalangin dito at sinasabing, “Iligtas mo ako, sapagkat ikaw ang aking diyos.”
18 これらの人は知ることがなく、また悟ることがない。その目はふさがれて見ることができず、その心は鈍くなって悟ることができない。
Hindi nila nalalaman, ni naiintindihan, dahil ang kanilang mga mata ay bulag at hindi nakakakita, at ang kanilang mga puso ay hindi nakakaunawa.
19 その心のうちに思うことをせず、また知識がなく、悟りがないために、「わたしはその半ばを火に燃やし、またその炭火の上でパンを焼き、肉をあぶって食べ、その残りの木をもって憎むべきものを造るのか。木のはしくれの前にひれ伏すのか」と言う者もない。
Walang sinumang nakaka-isip, ni nakakaunawa at sinasabi, “Aking iginatong ang bahagi ng kahoy sa apoy; oo, ako ay nagluto rin ng tinapay sa mga baga nito; ako ay nag-ihaw ng karne sa baga nito at kumain. Ngayon gagawin ko ba ang ibang bahagi ng kahoy sa isang bagay na kasuklam-suklam para sambahin? Dapat ba akong lumuhod sa isang piraso ng kahoy?”
20 彼は灰を食い、迷った心に惑わされて、おのれを救うことができず、また「わが右の手に偽りがあるではないか」と言わない。
Para bang siyang kumakain ng abo; ang kaniyang nadayang puso ay niligaw siya. Hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili, ni masabi, “Ang bagay na ito sa aking kanang kamay ay isang bulaang diyos.”
21 ヤコブよ、イスラエルよ、これらの事を心にとめよ。あなたはわがしもべだから。わたしはあなたを造った、あなたはわがしもべだ。イスラエルよ、わたしはあなたを忘れない。
Iyong alalahanin tungkol sa mga bagay na ito, O Jacob, at Israel, dahil kayo ay aking lingkod: kayo ay aking nilikha; ikaw ang aking lingkod: Israel, ikaw ay hindi ko malilimutan.
22 わたしはあなたのとがを雲のように吹き払い、あなたの罪を霧のように消した。わたしに立ち返れ、わたしはあなたをあがなったから。
Isinantabi ko, tulad ng makapal na ulap, ang iyong mga mapanghimagsik na mga gawain; at gaya ng isang ulap, ang iyong mga kasalanan; manumbalik ka sa akin, sapagkat tinubos kita.
23 天よ、歌え、主がこの事をなされたから。地の深き所よ、呼ばわれ。もろもろの山よ、林およびその中のもろもろの木よ、声を放って歌え。主はヤコブをあがない、イスラエルのうちに栄光をあらわされたから。
Umawit kayo, kayong mga kalangitan, dahil si Yahweh ay kumilos; sumigaw kayo, kayong mga nasa kailaliman ng lupa; magsimula kayong umawit, kayong mga bundok, at kayo, mga gubat, sa bawat puno; dahil tinubos ni Yahweh si Jacob, at ipapakita ang kaniyang kaluwalhatian sa Israel.
24 あなたをあがない、あなたを胎内に造られた主はこう言われる、「わたしは主である。わたしはよろずの物を造り、ただわたしだけが天をのべ、地をひらき、だれがわたしと共にいたか
Ito ang sinasabi ni Yahweh, iyong Manunubos, na siyang humubog sa iyo mula sa sinapupunan: Ako si Yahweh, na gumawa ng lahat ng bagay, na nag-iisang naglatag ng kalangitan, na nagiisang naghugis ng kalupaan.
25 偽る物のしるしをむなしくし、占う者を狂わせ、賢い者をうしろに退けて、その知識を愚かにする。
Ako na humahadlang sa mga hula ng mga sinungaling at silang mga bumabasa ng mga hula; Binabaliktad ko ang karunungan ng mga pantas at ginagawang kamangmangan ang kanilang payo.
26 わたしは、わがしもべの言葉を遂げさせ、わが使の計りごとを成らせ、エルサレムについては、『これは民の住む所となる』と言い、ユダのもろもろの町については、『ふたたび建てられる、わたしはその荒れ跡を興そう』と言い、
Ako si, Yahweh! - ang nagpapatupad ng mga pahayag ng kaniyang lingkod at isinasagawa ang payo ng kaniyang mga mensahero, na nagsasabi ng tungkol sa Jerusalem, 'Siya ay pananahanan' at ang mga lungsod ng Juda, sila ay muling itatatag, at ibabangon ko ang kanilang mga wasak na lugar'
27 また淵については、『かわけ、わたしはあなたのもろもろの川を干す』と言い、
na sinasabi sa malalim na karagatan, ' matuyo ka, at aking tutuyuin ang iyong mga agos—
28 またクロスについては、『彼はわが牧者、わが目的をことごとくなし遂げる』と言い、エルサレムについては、『ふたたび建てられる』と言い、神殿については、『あなたの基がすえられる』と言う」。
na siyang nagsasabi tungkol kay Ciro, 'Siya ang aking pastol, gagawin niya ang lahat ng naisin ko' - kaniyang ipag-uutos tungkol sa Jerusalem, 'Hayaan siyang muling maitatag,' at ang tungkol sa templo, 'Hayaan na ang pundasyon mo ay mailatag.”

< イザヤ書 44 >