< イザヤ書 43 >
1 ヤコブよ、あなたを創造された主はこう言われる。イスラエルよ、あなたを造られた主はいまこう言われる、「恐れるな、わたしはあなたをあがなった。わたしはあなたの名を呼んだ、あなたはわたしのものだ。
Pero ngayon ito ang sinasabi ni Yahweh, ang siyang lumikha sa iyo, Jacob, at siyang humubog sa iyo, Israel: “huwag kang matakot, sapagkat tinubos kita; tinawag kita sa iyong pangalan, ikaw ay akin.
2 あなたが水の中を過ぎるとき、わたしはあなたと共におる。川の中を過ぎるとき、水はあなたの上にあふれることがない。あなたが火の中を行くとき、焼かれることもなく、炎もあなたに燃えつくことがない。
Kapag ikaw ay dumaraan sa mga tubigan, ako ay kasama mo; at sa mga ilog, hindi ka malulunod. Kapag ikaw ay lumalakad sa apoy, hindi ka masusunog, ni sa apoy ay hindi ka masasaktan.
3 わたしはあなたの神、主である、イスラエルの聖者、あなたの救主である。わたしはエジプトを与えてあなたのあがないしろとし、エチオピヤとセバとをあなたの代りとする。
Dahil ako si Yahweh ang iyong Diyos, ang Banal ng Israel, iyong Tagapagligtas. Ibinigay ko na pang tubos sa iyo ang Ehipto, Etiopia at ang Seba kapalit mo.
4 あなたはわが目に尊く、重んぜられるもの、わたしはあなたを愛するがゆえに、あなたの代りに人を与え、あなたの命の代りに民を与える。
Dahil ikaw ay mahalaga at natatangi sa aking paningin, mahal kita; kaya magbibigay ako ng mga tao kapalit mo, at ibang mga tao sa iyong buhay.
5 恐れるな、わたしはあなたと共におる。わたしは、あなたの子孫を東からこさせ、西からあなたを集める。
Huwag kang matakot, dahil ako ay kasama mo; aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silangan, at titipunin kayo mula sa kanluran;
6 わたしは北にむかって『ゆるせ』と言い、南にむかって『留めるな』と言う。わが子らを遠くからこさせ、わが娘らを地の果からこさせよ。
Aking sasabihin sa hilaga, 'ibalik sila;' at sa timog, 'huwag silang pigilan' Dalhin ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at aking mga anak na babae mula sa malayong mga lugar ng mundo,
7 すべてわが名をもってとなえられる者をこさせよ。わたしは彼らをわが栄光のために創造し、これを造り、これを仕立てた」。
ang lahat ng tumatawag sa aking pangalan, na aking nilikha para sa aking kaluwalhatian, na aking hinubog, oo, na aking ginawa.
8 目があっても目しいのような民、耳があっても耳しいのような民を連れ出せ。
Ilabas ang mga bulag na may mga mata, at ang bingi, kahit siya ay may mga tainga.
9 国々はみな相つどい、もろもろの民は集まれ。彼らのうち、だれがこの事を告げ、さきの事どもを、われわれに聞かせることができるか。その証人を出して、おのれの正しい事を証明させ、それを聞いて「これは真実だ」と言わせよ。
Ang lahat ng bansa ay sama-samang magtitipon, at magpupulong ang mga bayan. Sino sa kanilang ang maaaring makapagsasabi nito at makapagpapahayag ng mga unang kaganapan? Hayaan silang dalhin ang kanilang saksi para patuyan na sila ay tama, hayaan silang makinig at pagtibayin, 'ito ay katotohanan,'
10 主は言われる、「あなたがたはわが証人、わたしが選んだわがしもべである。それゆえ、あなたがたは知って、わたしを信じ、わたしが主であることを悟ることができる。わたしより前に造られた神はなく、わたしより後にもない。
Kayo ang aking mga saksi, “ipinapahayag ni Yahweh, “at aking lingkod na aking pinili, para malaman ninyo at maniwala kayo sa akin, at inyong mauunawaan na Ako ay siya nga. Walang nilikhang ibang diyos sa aking harapan, at walang makasusunod sa akin.
11 ただわたしのみ主である。わたしのほかに救う者はいない。
Ako, Ako ay si Yahweh, at wala nang ibang tagapagligtas maliban sa akin.
12 わたしはさきに告げ、かつ救い、かつ聞かせた。あなたがたのうちには、ほかの神はなかった。あなたがたはわが証人である」と主は言われる。
Nagsalita ako, nagligtas, at nagpahayag na walang ibang diyos sa gitna ninyo. Kayo ang aking mga saksi,” Ipinapahayag ni Yahweh, “Ako ang Diyos.
13 「わたしは神である、今より後もわたしは主である。わが手から救い出しうる者はない。わたしがおこなえば、だれが、これをとどめることができよう」。
Mula sa araw na ito Ako ay siya, at walang makakasagip sa sinuman mula sa aking kamay. Ako ang gagawa, at sinong ang makakabalik nito?”
14 あなたがたをあがなう者、イスラエルの聖者、主はこう言われる、「あなたがたのために、わたしは人をバビロンにつかわし、すべての貫の木をこわし、カルデヤびとの喜びの声を嘆きに変らせる。
Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang inyong Manunubos, ang Banal ng Israel: “Dahil sa inyong kapakanan nagsugo ako sa Babilonia at pinangunahan ang pagbagsak nila gaya ng mga pugante, ginawang mga awit ng panaghoy ang kapahayagan ng kasiyahan ng Babilonia.
15 わたしは主、あなたがたの聖者、イスラエルの創造者、あなたがたの王である」。
Ako si Yahweh, ang Banal, ang lumikha ng Israel, ang inyong Hari.”
16 海のなかに大路を設け、大いなる水の中に道をつくり、
Ito ang sinasabi ni Yaweh ( na siyang nagbukas ng isang daan sa dagat, at isang landas sa malawak na katubigan,
17 戦車および馬、軍勢および兵士を出てこさせ、これを倒して起きることができないようにし、絶え滅ぼして、灯心の消えうせるようにされる主はこう言われる、
na siyang naglabas ng mga karwahe at kabayo, ang kawal at ang makapangyarihang hukbo. Sila ay magkakasamang nahulog sa baba; sila ay hindi na babangon muli; sila ay malilipol, pinatay tulad ng isang nag-aapoy na mitsa.)
18 「あなたがたは、さきの事を思い出してはならない、また、いにしえのことを考えてはならない。
Huwag ninyong isipin ang mga dating pangyayari, ni alalahanin ang mga bagay na nangyari noong unang panahon.
19 見よ、わたしは新しい事をなす。やがてそれは起る、あなたがたはそれを知らないのか。わたしは荒野に道を設け、さばくに川を流れさせる。
Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay; ngayon ito ay magsisimulang mangyari; hindi mo ba ito naunawaan? Gagawa ako ng isang daanan sa disyerto at batis ng tubig sa ilang.
20 野の獣はわたしをあがめ、山犬および、だちょうもわたしをあがめる。わたしが荒野に水をいだし、さばくに川を流れさせて、わたしの選んだ民に飲ませるからだ。
Pararangalan ako ng mga mababangis na hayop sa bukid, ang mga asong-gubat at mga ostrich, dahil ako ay magbibigay ng tubig sa ilang, at ng mga ilog sa disyerto, para painumin ang aking bayan na pinili,
21 この民は、わが誉を述べさせるためにわたしが自分のために造ったものである。
Ang bayang ito na aking hinubog para sa aking sarili, para isalaysay nila ang aking kapurihan.
22 ところがヤコブよ、あなたはわたしを呼ばなかった。イスラエルよ、あなたはわたしをうとんじた。
Pero hindi ka tumawag sa akin, Jacob; Ikaw ay nagsawa na sa akin, O Israel.
23 あなたは燔祭の羊をわたしに持ってこなかった。また犠牲をもってわたしをあがめなかった。わたしは供え物の重荷をあなたに負わせなかった。また乳香をもってあなたを煩わさなかった。
Hindi mo dinala sa akin ang alinman sa iyong mga tupa bilang handog na susunugin; ni pinarangalan mo ako ng iyong mga alay. Hindi ko kayo pinahirapan sa mga handog na butil, ni pinagod kayo sa mga handog na insenso.
24 あなたは金を出して、わたしのために菖蒲を買わず、犠牲の脂肪を供えて、わたしを飽かせず、かえって、あなたの罪の重荷をわたしに負わせ、あなたの不義をもって、わたしを煩わせた。
Hindi mo ako binilihan ng mabangong tubo gamit ang pera, o binigyan man ng taba ng iyong mga alay; pero binigyan mo ako ng pabigat dahil sa ginawa mong mga kasalanan, pinagod mo ako sa iyong mga masasamang gawain.
25 わたしこそ、わたし自身のためにあなたのとがを消す者である。わたしは、あなたの罪を心にとめない。
Ako, oo, ako, ang siyang nag-aalis ng iyong mga kasalanan para sa aking kapakanan; at hindi ko na tatandaan pa ang iyong mga kasalanan kahit kailan.
26 あなたは、自分の正しいことを証明するために自分のことを述べて、わたしに思い出させよ。われわれは共に論じよう。
Ipaalaala mo sa akin kung ano ang nangyari. Magkasama tayong pagusapan ito; Ihain mo ang iyong hangarin, para mapatunayang ikaw ay walang kasalanan.
27 あなたの遠い先祖は罪を犯し、あなたの仲保者らはわたしにそむいた。
Nagkasala ang iyong unang ama, at ang iyong mga pinuno ay lumabag laban sa akin.
28 それゆえ、わたしは聖所の君たちを汚し、ヤコブを全き滅びにわたし、イスラエルをののしらしめた。
Kaya aking dudungisan ang mga banal na pamunuan; ibibigay ko sa ganap na pagkawasak si Jacob at sa labis na kahihiyan ang Israel.”