< איוב 40 >
ויען יהוה את-איוב ויאמר | 1 |
Patuloy na kinausap ni Yahweh si Job; sinabi niya,
הרב עם-שדי יסור מוכיח אלוה יעננה | 2 |
“Dapat bang itama ang Makapangyarihan ng sinumang naghahangad na magbatikos? Siya na nakikipagtalo sa Diyos, hayaan siyang sumagot.”
ויען איוב את-יהוה ויאמר | 3 |
Pagkatapos sumagot si Job kay Yahweh at sinabing,
הן קלתי מה אשיבך ידי שמתי למו-פי | 4 |
“Tingnan mo, ako ay walang halaga; paano kita sasagutin? Nilagay ko ang kamay ko sa aking bibig.
אחת דברתי ולא אענה ושתים ולא אוסיף | 5 |
Minsan akong nagsalita, at hindi ako sasagot; sa katunayan, dalawang beses, pero hindi na ako magpapatuloy.”
ויען-יהוה את-איוב מנסערה (מן סערה) ויאמר | 6 |
Pagkatapos sumagot si Yahweh kay Job sa isang malakas na bagyo at sinabing,
אזר-נא כגבר חלציך אשאלך והודיעני | 7 |
“Ngayon, bigkisin mo ang iyong damit bilang isang tunay na lalaki, dahil tatanungin kita, at dapat mo akong sagutin.
האף תפר משפטי תרשיעני למען תצדק | 8 |
Sasabihin mo ba talaga na hindi ako makatarungan? Hahatulan mo ba ako para masabi mong tama ka?
ואם-זרוע כאל לך ובקול כמהו תרעם | 9 |
Mayroon ka bang bisig na katulad ng sa Diyos? Kaya mo bang magpakulog sa boses na katulad ng sa kaniya?
עדה נא גאון וגבה והוד והדר תלבש | 10 |
Ngayon damitan mo ang iyong sarili ng kaluwalhatian at dignidad; gayakan mo ang iyong sarili ng karangalan at karangyaan.
הפץ עברות אפך וראה כל-גאה והשפילהו | 11 |
Ikalat mo ang labis sa iyong galit; tingnan mo ang bawat isang mayabang at ibagsak siya.
ראה כל-גאה הכניעהו והדך רשעים תחתם | 12 |
Tingnan mo ang lahat ng mayabang at pabagsakin mo siya; tapakan mo ang mga masasamang tao kung saan sila nakatayo.
טמנם בעפר יחד פניהם חבש בטמון | 13 |
Sama-sama mo silang ilibing sa lupa; ikulong mo ang kanilang mga mukha sa isang liblib na lugar.
וגם-אני אודך כי-תושע לך ימינך | 14 |
Pagkatapos kikilalanin ko rin ang tungkol sa iyo na ang iyong sariling kanang kamay ay kaya kang maligtas.
הנה-נא בהמות אשר-עשיתי עמך חציר כבקר יאכל | 15 |
Masdan mo ngayon ang dambuhalang hayop, na ginawa ko na katulad ng paggawa ko sa iyo; kumakain siya ng damo katulad ng toro.
הנה-נא כחו במתניו ואונו בשרירי בטנו | 16 |
Tingnan mo ngayon, ang kaniyang kalakasan ay nasa kaniyang mga hita; ang kaniyang kapangyarihan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan.
יחפץ זנבו כמו-ארז גידי פחדו ישרגו | 17 |
Ginagalaw niya ang kaniyang buntot na parang sedar; ang kalamnan ng kaniyang mga hita ay magkakarugtong.
עצמיו אפיקי נחשה גרמיו כמטיל ברזל | 18 |
Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubo ng tanso; ang kaniyang mga binti ay parang mga rehas ng bakal.
הוא ראשית דרכי-אל העשו יגש חרבו | 19 |
Siya ang puno ng mga nilikha ng Diyos. Tanging ang Diyos, na gumawa sa kaniya, ang makatatalo sa kaniya.
כי-בול הרים ישאו-לו וכל-חית השדה ישחקו-שם | 20 |
Dahil ang mga burol ay nagbibigay sa kaniya ng pagkain; ang mga hayop sa damuhan ay naglalaro sa malapit.
תחת-צאלים ישכב-- בסתר קנה ובצה | 21 |
Nahihiga siya sa ilalim ng mga halamang tubig sa silungan ng mga talahib, sa putikan.
יסכהו צאלים צללו יסבוהו ערבי-נחל | 22 |
Tinatakpan siya ng mga halamang tubig gamit ang kanilang lilim; ang mga puno sa batis ay nakapaligid sa kaniya.
הן יעשק נהר לא יחפוז יבטח כי-יגיח ירדן אל-פיהו | 23 |
Tingnan mo, kung umapaw ang ilog sa mga pampang nito, hindi siya nanginginig; panatag siya, kahit na ang Ilog Jordan ay umapaw hanggang sa nguso niya.
בעיניו יקחנו במוקשים ינקב-אף | 24 |
Kaya ba ng sinuman na hulihin siya gamit ang isang kawit, o butasin ang ilong niya gamit ang patibong?