< מלכים א 8 >

אז יקהל שלמה את זקני ישראל את כל ראשי המטות נשיאי האבות לבני ישראל אל המלך שלמה--ירושלם להעלות את ארון ברית יהוה מעיר דוד--היא ציון 1
Pagkatapos ay tinipon ni Solomon ang mga nakatatanda ng Israel, ang lahat ng pinuno ng mga tribo, at mga pinuno ng mga pamilya ng bansang Israel, sa harap ng kaniyang sarili sa Jerusalem, upang dalhin ang arko ng tipan ni Yahweh mula sa lungsod ni David, na ang, Zion.
ויקהלו אל המלך שלמה כל איש ישראל בירח האתנים בחג--הוא החדש השביעי 2
Ang lahat ng kalalakihan ng Israel ay nagtipon sa harapan ni Haring Solomon sa pista, sa buwan ng Etanim, ng ika-pitong buwan.
ויבאו כל זקני ישראל וישאו הכהנים את הארון 3
Ang lahat ng nakatatanda ng Israel ay dumating, at ang mga pari ang kumuha ng arko.
ויעלו את ארון יהוה ואת אהל מועד ואת כל כלי הקדש אשר באהל ויעלו אתם הכהנים והלוים 4
Dinala nila ang arko ni Yahweh, ang tolda ng pagpupulong, at lahat ng banal na kagamitan na nasa loob ng tolda. Ang mga pari at mga Levita ang dinala ang mga bagay na ito.
והמלך שלמה וכל עדת ישראל הנועדים עליו אתו לפני הארון--מזבחים צאן ובקר אשר לא יספרו ולא ימנו מרב 5
Si Haring Solomon at lahat ng kapulungan ng Israel ay magkakasamang dumating sa harap ng arko, naghahandog ng tupa at mga baka na hindi mabilang.
ויבאו הכהנים את ארון ברית יהוה אל מקומו אל דביר הבית--אל קדש הקדשים אל תחת כנפי הכרובים 6
Dinala ng mga pari ang arko ng tipan ni Yahweh sa lugar nito, hanggang sa pinakaloob na silid ng tahanan, sa kabanal-banalang lugar, sa ilalim ng mga pakpak ng kerubin.
כי הכרובים פרשים כנפים אל מקום הארון ויסכו הכרבים על הארון ועל בדיו מלמעלה 7
Sapagkat inunat ng kerubin ang kanilang mga pakpak sa lugar ng arko, at tinakpan nila ang arko at ang poste na pambuhat nito.
ויארכו הבדים ויראו ראשי הבדים מן הקדש על פני הדביר ולא יראו החוצה ויהיו שם עד היום הזה 8
Ang mga poste ay sobrang haba na ang kanilang dulo ay nakita mula sa kabanal-banalang lugar sa harap ng pinakaloob na silid, pero hindi ito makikita mula sa labas. Sila ay nandoon hanggang sa araw na ito.
אין בארון רק שני לחות האבנים אשר הנח שם משה בחרב--אשר כרת יהוה עם בני ישראל בצאתם מארץ מצרים 9
Ang arko ay walang laman maliban sa dalawang tapyas na bato na nilagay ni Moises dito sa Horeb, nang gumawa si Yahweh ng tipan sa mga Israelita noong makalabas sila sa lupain ng Ehipto.
ויהי בצאת הכהנים מן הקדש והענן מלא את בית יהוה 10
Ito ang nangyari nang ang mga pari ay lumabas mula sa banal na lugar, napuno ng ulap ang templo ni Yahweh.
ולא יכלו הכהנים לעמד לשרת מפני הענן כי מלא כבוד יהוה את בית יהוה 11
Hindi na kayang manatili ng mga pari para maglingkod dahil sa ulap, sapagkat ang kaluwalhatian ni Yahweh ang nagpuno sa kaniyang tahanan.
אז אמר שלמה יהוה אמר לשכן בערפל 12
Pagkatapos ay sinabi ni Solomon, “sinabi ni Yahweh na siya ay mamumuhay sa makapal na kadiliman,
בנה בניתי בית זבל לך--מכון לשבתך עולמים 13
pero ako ay nagtayo ng matayog na tirahan, isang lugar para ikaw ay manirahan magpakailanman.”
ויסב המלך את פניו ויברך את כל קהל ישראל וכל קהל ישראל עמד 14
Pagkatapos humarap ang hari at pinagpala ang kapulungan ng Israel, habang ang kapulungan ng Israel ay nakatayo.
ויאמר ברוך יהוה אלהי ישראל אשר דבר בפיו את דוד אבי ובידו מלא לאמר 15
Kaniyang sinabi, “Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay mapapurihan, ang nangusap kay David, na aking ama, at nakapagtupad nito gamit ang kaniyang sariling mga kamay, na nagsabi,
מן היום אשר הוצאתי את עמי את ישראל ממצרים לא בחרתי בעיר מכל שבטי ישראל לבנות בית להיות שמי שם ואבחר בדוד להיות על עמי ישראל 16
'Simula nung araw na inalis ko ang aking bayan ng Israel mula sa Ehipto, ako ay walang napiling lungsod mula sa lahat ng mga tribo ng Israel para pagtayuan ng tahanan, para ang aking ngalan ay nandoon. Ganunpaman, pinili ko si David na mamuno sa aking bayan ng Israel.'
ויהי עם לבב דוד אבי--לבנות בית לשם יהוה אלהי ישראל 17
Ngayon nasa puso ng aking ama na si David na magtayo ng tahanan para sa ngalan ni Yahweh, ang na Diyos ng Israel.
ויאמר יהוה אל דוד אבי יען אשר היה עם לבבך לבנות בית לשמי--הטיבת כי היה עם לבבך 18
Pero sinabi ni Yahweh kay David na aking ama, 'ninais ng iyong puso ang gumawa ng tahanan para sa aking pangalan, mabuti na ito ay nasa iyong puso.
רק אתה לא תבנה הבית כי אם בנך היצא מחלציך הוא יבנה הבית לשמי 19
Gayon pa man hindi mo itatayo ang tahanan, sa halip, ang iyong anak, ang ipapanganak mula sa iyong laman, ang magtatayo ng bahay para sa aking pangalan.'
ויקם יהוה את דברו אשר דבר ואקם תחת דוד אבי ואשב על כסא ישראל כאשר דבר יהוה ואבנה הבית לשם יהוה אלהי ישראל 20
Tinupad ni Yahweh ang salitang kaniyang sinabi, sapagkat ako ay nagmula sa lugar ni David, na aking ama, at ako ay umupo sa trono ng Israel, gaya ng pinangako ni Yahweh. Ako ay nagtayo ng tahanan para sa ngalan ni Yahweh, na Diyos ng Israel.
ואשם שם מקום לארון אשר שם ברית יהוה אשר כרת עם אבתינו בהוציאו אתם מארץ מצרים 21
Naglaan ako ng isang lugar para sa arko doon, na kung saan naroon ang tipan ni Yahweh, na kaniyang pinangako sa ating mga ama nang kaniyang inilabas sila mula sa Ehipto.”
ויעמד שלמה לפני מזבח יהוה נגד כל קהל ישראל ויפרש כפיו השמים 22
Tumayo si Solomon sa harap ng altar ni Yahweh, sa harap ang kapulungan ng Israel, at nag-unat ng kaniyang mga kamay sa kalangitan.
ויאמר יהוה אלהי ישראל אין כמוך אלהים בשמים ממעל ועל הארץ מתחת שמר הברית והחסד לעבדיך ההלכים לפניך בכל לבם 23
Kaniyang sinabi, “Yahweh, na Diyos ng Israel, walang diyos ang gaya mo sa itaas ng kalangitaan o sa kailaliman ng mundo, na tumupad ng kaniyang katapatan sa tipan sa iyong mga lingkod na naglalakad kasama mo ng kanilang buong puso;
אשר שמרת לעבדך דוד אבי את אשר דברת לו ותדבר בפיך ובידך מלאת כיום הזה 24
ikaw na tumupad sa iyong lingkod na si David, na aking ama, ng mga pangako mo sa kaniya. Oo, nangusap ka gamit ang iyong bibig at tinupad ito gamit ang iyong kamay, tulad ng sa ngayon.
ועתה יהוה אלהי ישראל שמר לעבדך דוד אבי את אשר דברת לו לאמר לא יכרת לך איש מלפני ישב על כסא ישראל רק אם ישמרו בניך את דרכם ללכת לפני כאשר הלכת לפני 25
Kaya ngayon, Yahweh, Diyos ng Israel, isagawa mo ang iyong ipinangako sa iyong lingkod na si David, na aking ama, noong iyong sinabi, “Hindi ka magkulang na magkaroon ng isang lalaki sa paningin ko na uupo sa trono ng Israel, kung ang iyong kaapu-apuhan ay maingat lamang na lalakad sa aking harapan, gaya ng iyong paglakad sa aking harapan.'
ועתה אלהי ישראל--יאמן נא דבריך (דברך) אשר דברת לעבדך דוד אבי 26
Kaya ngayon, Diyos ng Israel, pinapanalangin ko na ang ipinangako mo sa iyong lingkod na si David, aking ama, ay magkatotoo.
כי האמנם ישב אלהים על הארץ הנה השמים ושמי השמים לא יכלכלוך--אף כי הבית הזה אשר בניתי 27
Ngunit ang Diyos ba ay talagang maninirahan sa mundo? Masdan ito, ang buong sansinukob at kalangitan mismo ay hindi ka kayang ilulan — paano pa kaya ang templo na aking tinayo!
ופנית אל תפלת עבדך ואל תחנתו--יהוה אלהי לשמע אל הרנה ואל התפלה אשר עבדך מתפלל לפניך היום 28
Gayon pa man, pakiusap ay ituring mo ang panalanging ito ng iyong lingkod at ang kaniyang hiling, Yahweh aking Diyos; makinig ka sa iyak at panalangin ng iyong lingkod na nananalangin sa harapan mo ngayon.
להיות עינך פתחת אל הבית הזה לילה ויום אל המקום אשר אמרת יהיה שמי שם--לשמע אל התפלה אשר יתפלל עבדך אל המקום הזה 29
Nawa ang iyong mga mata ay nakatuon patungo sa templong ito sa gabi at araw, sa lugar kung saan ay sinabi mo, 'ang Aking pangalan at aking prisensya ay nandoon' — para marining ang panalangin na ipagdarasal ng iyong lingkod sa lugar na ito.
ושמעת אל תחנת עבדך ועמך ישראל אשר יתפללו אל המקום הזה ואתה תשמע אל מקום שבתך אל השמים ושמעת וסלחת 30
Kaya makinig ka sa hiling ng iyong lingkod at ng iyong bayan ng Israel kapag nanalangin kami sa lugar na ito. Oo, makinig ka mula sa lugar kung saan ka nakatira, mula sa mga kalangitan; at kapag ika'y nakinig, ikaw ay magpatawad.
את אשר יחטא איש לרעהו ונשא בו אלה להאלתו ובא אלה לפני מזבחך--בבית הזה 31
Kung may taong nagkasala sa kaniyang kapit-bahay at kailangang manumpa, at kung siya ay dumating at sumumpa sa harap ng iyong dambana sa tahanang ito,
ואתה תשמע השמים ועשית ושפטת את עבדיך--להרשיע רשע לתת דרכו בראשו ולהצדיק צדיק לתת לו כצדקתו 32
makinig ka mula sa kalangitan at kumilos at hatulan ang iyong mga lingkod, hatulan ang masasama, para ibalik ang kaniyang asal sa sarili niyang ulo. At ipahayag na ang matuwid ay walang kasalanan, para mabigyan siya ng karangalan para sa kaniyang katuwiran.
בהנגף עמך ישראל לפני אויב--אשר יחטאו לך ושבו אליך והודו את שמך והתפללו והתחננו אליך בבית הזה 33
Kapag ang iyong bayang Israel ay natalo ng kaaway dahil sila ay nagkasala laban sa iyo, kapag nanumbalik sila sa iyo pinapahayag ang iyong pangalan, manalangin at humiling ng kapatawaran sa iyo sa templong ito —
ואתה תשמע השמים וסלחת לחטאת עמך ישראל והשבתם אל האדמה אשר נתת לאבותם 34
kung ganun ay pakiusap makinig ka mula sa kalangitan at patawarin ang kasalanan ng iyong bayang Israel; ibalik mo sila mula sa lupain na iyong binigay sa kanilang mga ninuno.
בהעצר שמים ולא יהיה מטר כי יחטאו לך והתפללו אל המקום הזה והודו את שמך ומחטאתם ישובון כי תענם 35
Kapag tahimik ang kalangitan at walang ulan dahil ang bayan ay nagkasala laban sa iyo — kung sila ay nanalangin sa lugar na ito, ipahayag nila ang iyong pangalan, at tumalikod sa kanilang kasalanan kapag napahirapan mo sila —
ואתה תשמע השמים וסלחת לחטאת עבדיך ועמך ישראל--כי תורם את הדרך הטובה אשר ילכו בה ונתתה מטר על ארצך אשר נתתה לעמך לנחלה 36
makinig ka sa kalangitan at patawarin ang kasalanan ng iyong mga lingkod at ng iyong bayan ng Israel, kung iyong ituturo sa kanila ang tamang bagay kung saan sila dapat lumakad. Magpadala ka ng ulan sa iyong lupain, kung saan mo ibinigay sa iyong bayan bilang pamana.
רעב כי יהיה בארץ דבר כי יהיה שדפון ירקון ארבה חסיל כי יהיה כי יצר לו איבו בארץ שעריו--כל נגע כל מחלה 37
Ipagpalagay na mayroon taggutom sa lupain, o ipagpalagay na mayroon sakit, pagkalanta o pagkabulok, mga balang o mga uod; o ipalagay na ang tarangkahan ng lungsod sa kanilang lupain ay sinugod ng kaaway, o mayroong kahit anong salot o pagkakasakit —
כל תפלה כל תחנה אשר תהיה לכל האדם לכל עמך ישראל--אשר ידעון איש נגע לבבו ופרש כפיו אל הבית הזה 38
ipagpalagay na ang mga panalangin at mga kahilingang ay gawin ng isang tao o ng iyong bayan na Israel — bawat isa ay nalalaman ang salot sa kaniyang sariling puso habang inuunat niya ang kaniyang mga kamay sa templong ito.
ואתה תשמע השמים מכון שבתך וסלחת ועשית ונתת לאיש ככל דרכיו אשר תדע את לבבו כי אתה ידעת לבדך את לבב כל בני האדם 39
Pagkatapos ay makinig ka mula sa kalangitan, ang lugar kung saan ka naninirahan, magpatawad at kumilos, at bigyan ng gantimpala ang bawat tao sa kaniyang ginagawa; alam mo ang kaniyang puso, dahil ikaw at ikaw lamang ang nakakaalam ng puso ng lahat ng tao.
למען יראוך כל הימים אשר הם חיים על פני האדמה--אשר נתתה לאבתינו 40
Gawin mo ito para sila ay matakot sa iyo sa lahat ng araw na sila ay mabubuhay sa lupain na ibinigay mo sa aming mga ninuno.
וגם אל הנכרי אשר לא מעמך ישראל הוא ובא מארץ רחוקה למען שמך 41
Karagdagan dito, tungkol sa dayuhan na hindi nabibilang sa iyong bayan ng Israel: kapag siya ay nanggaling mula sa malayong bansa dahil sa iyong pangalan —
כי ישמעון את שמך הגדול ואת ידך החזקה וזרעך הנטויה ובא והתפלל אל הבית הזה 42
sapagkat maririnig nila ang iyong dakilang pangalan, ang iyong makapangyarihang kamay, at iyong nakataas na kamay — kapag siya ay dumating at nanalangin sa templong ito,
אתה תשמע השמים מכון שבתך ועשית ככל אשר יקרא אליך הנכרי--למען ידעון כל עמי הארץ את שמך ליראה אתך כעמך ישראל ולדעת כי שמך נקרא על הבית הזה אשר בניתי 43
pakiusap na makinig ka mula sa kalangitan, ang lugar kung saan ka naninirahan, at gawin mo ang kahit anong hingin sa iyo ng dayuhan. Gawin mo iyon para ang mga grupo ng tao sa mundo ay malaman ang iyong pangalan at matakot sa iyo, gaya ng iyong sariling bayan ng Israel. Gawin mo ito para malaman nila na ang tahanang ito na aking binuo ay tinawag sa iyong pangalan.
כי יצא עמך למלחמה על איבו בדרך אשר תשלחם והתפללו אל יהוה דרך העיר אשר בחרת בה והבית אשר בנתי לשמך 44
Ipagpalagay na ang iyong bayan ay makikipaglaban sa kaaway, sa kahit anong paraan mo sila ipapadala, at ipagpalagay na sila ay mananalangin sa iyo, Yahweh, sa lungsod na iyong pinili sa tahanang aking itinayo sa ngalan mo.
ושמעת השמים את תפלתם ואת תחנתם ועשית משפטם 45
Kung ganoon makinig ka sa kalangitan sa kanilang mga panalangin, kanilang kahilingan, at tulungan mo sila sa kanilang pinaglalaban.
כי יחטאו לך כי אין אדם אשר לא יחטא ואנפת בם ונתתם לפני אויב ושבום שביהם אל ארץ האויב רחוקה או קרובה 46
Ipagpalagay na sila ay nagkasala laban sa iyo, yamang walang sinuman ang hindi nagkakasala, at ipagpalagay na ikaw ay galit sa kanila at ibinigay sila sa mga kaaway upang dalhin silang bihag sa kanilang lupain, maging malayo o malapit.
והשיבו אל לבם בארץ אשר נשבו שם ושבו והתחננו אליך בארץ שביהם לאמר חטאנו והעוינו רשענו 47
At ipagpalagay na kanilang napagtanto na sila ay nasa lugar kung saan sila ipinatapon, at ipagpalagay na sila ay nagsisi at humanap ng pabor sa iyo mula sa lupain ng mga humuli sa kanila. Ipagpalagay na kanilang sinabi, 'Kami ay kumilos ng hindi tama at nagkasala. Kami ay nag-asal ng masama.'
ושבו אליך בכל לבבם ובכל נפשם בארץ איביהם אשר שבו אתם והתפללו אליך דרך ארצם אשר נתתה לאבותם העיר אשר בחרת והבית אשר בנית (בניתי) לשמך 48
Ipagpalagay na sila ay bumalik sa iyo nang kanilang buong puso at nang kanilang buong kaluluwa sa lupain ng kanilang mga kaaway na humili sa kanila, at ipagpalagay na sila ay nanalangin sa iyo sa gawing kanilang lupain, kung saan ay ibinigay mo sa kanilang mga ninuno, at tungo sa lungsod na iyong pinili, at tungo sa tahanan na aking itinayo para sa ngalan mo.
ושמעת השמים מכון שבתך את תפלתם ואת תחנתם ועשית משפטם 49
Kung gayon ay makinig ka sa kanilang mga panalangin, kanilang mga hiling sa kalangitan, ang lugar kung saan ka nakatira, at tulungan sila sa kanilang pinaglalaban.
וסלחת לעמך אשר חטאו לך ולכל פשעיהם אשר פשעו בך ונתתם לרחמים לפני שביהם ורחמום 50
Patawarin ang iyong bayan, na nagkasala laban sa iyo, at lahat ng kanilang mga kasalanan kung saan ay sumuway laban sa iyong mga utos. Kahabagan sila sa harap ng kanilang mga kaaway na bumihag sa kanila, para ang kanilang mga kaaway ay magkaroon din ng habag sa iyong bayan.
כי עמך ונחלתך הם אשר הוצאת ממצרים מתוך כור הברזל 51
Sila ang iyong bayan na iyong pinili, na sinagip mo palabas ng Ehipto na parang nasa gitna ng pugon kung saan ang bakal ay pinanday.
להיות עיניך פתחת אל תחנת עבדך ואל תחנת עמך ישראל לשמע אליהם בכל קראם אליך 52
Panalangin ko na ang iyong mga mata ay mabuksan sa mga hiling ng iyong bayan ng Israel, na makinig ka sa kanila sa tuwing sila'y tumatawag sa iyo.
כי אתה הבדלתם לך לנחלה מכל עמי הארץ כאשר דברת ביד משה עבדך בהוציאך את אבתינו ממצרים--אדני יהוה 53
Sapagkat hiniwalay mo sila sa lahat ng mga tao sa mundo upang mapabilang sa iyo at makatanggap ng iyong mga pangako, tulad ng paliwanag ni Moises na iyong lingkod, nang iyong inilabas ang aming mga ama mula sa Ehipto, Panginoong Yahweh.”
ויהי ככלות שלמה להתפלל אל יהוה את כל התפלה והתחנה הזאת קם מלפני מזבח יהוה מכרע על ברכיו וכפיו פרשות השמים 54
Kaya nang matapos ipanalangin ni Solomon ang lahat ng panalanging ito at kahilingan kay Yahweh, siya ay tumayo mula sa harap ng altar ni Yahweh, mula sa pagkakaluhod habang ang kaniyang kamay ay nakaunat sa kalangitan.
ויעמד--ויברך את כל קהל ישראל קול גדול לאמר 55
Siya ay tumayo at pinagpala ang lahat ng kapulungan ng Israel na may malakas na boses na sinasabi,
ברוך יהוה אשר נתן מנוחה לעמו ישראל ככל אשר דבר לא נפל דבר אחד מכל דברו הטוב אשר דבר ביד משה עבדו 56
“Nawa si Yahweh ay mapapurihan, na nagbigay ng kapahingahan sa kaniyang bayang Israel, na tumutupad ng lahat ng kaniyang mga pangako. Wala ni isang salita ang nabigo sa lahat ng mabuting pangako ni Yahweh na ginawa niya kay Moises na kaniyang lingkod.
יהי יהוה אלהינו עמנו כאשר היה עם אבתינו אל יעזבנו ואל יטשנו 57
Nawa si Yahweh na ating Diyos ay makasama natin, gaya kung paano siya ay nasa ating mga ninuno.
להטות לבבנו אליו--ללכת בכל דרכיו ולשמר מצותיו וחקיו ומשפטיו אשר צוה את אבתינו 58
Nawa hindi niya tayo iwan o pabayaan, na maaari niyang ibaling ang ating puso sa kaniya, para mamuhay sa lahat ng kaniyang paraan at ingatan ang kaniyang mga kautusan at ang kaniyang mga tuntunin at kaniyang mga batas, na kaniyang inutos sa ating mga ama.
ויהיו דברי אלה אשר התחננתי לפני יהוה קרבים אל יהוה אלהינו יומם ולילה לעשות משפט עבדו ומשפט עמו ישראל--דבר יום ביומו 59
At hayaan ang mga salitang aking sinabi, na aking hiniling sa harap ni Yahweh, ay mapalapit kay Yahweh ating Diyos umaga at gabi, para maaari siyang makatulong sa pinaglalaban ng kaniyang lingkod at kaniyang bayan ng Israel, na kailangan araw-araw;
למען דעת כל עמי הארץ כי יהוה הוא האלהים אין עוד 60
na ang lahat ng tao dito sa mundo ay malaman na si Yahweh, siya ay Diyos at wala ng iba pang Diyos!
והיה לבבכם שלם עם יהוה אלהינו ללכת בחקיו ולשמר מצותיו כיום הזה 61
Kung gayon, hayaang ang iyong puso na maging totoo kay Yahweh ating Diyos, para lumakad sa kaniyang alituntunin at pagkaingatan ang kaniyang mga kautusan, mula sa araw na ito.
והמלך וכל ישראל עמו זבחים זבח לפני יהוה 62
Kaya ang hari at lahat ng Israelitang kasama niya ay naghandog ng mga alay kay Yahweh.
ויזבח שלמה את זבח השלמים אשר זבח ליהוה בקר עשרים ושנים אלף וצאן מאה ועשרים אלף ויחנכו את בית יהוה המלך וכל בני ישראל 63
Si Solomon ay naghandog ng alay para sa pagtitipon, na ginawa niya para kay Yahweh: dalawampu't dalawang libong baka at 120, 000 tupa. Kaya ang hari at mga Israelita ay inialay ang tahanan ni Yahweh.
ביום ההוא קדש המלך את תוך החצר אשר לפני בית יהוה--כי עשה שם את העלה ואת המנחה ואת חלבי השלמים כי מזבח הנחשת אשר לפני יהוה קטן מהכיל את העלה ואת המנחה ואת חלבי השלמים 64
Sa araw ding iyon itinalaga ng hari ang gitna ng patyo na nasa harap ng templo ni Yahweh, doon niya inialay ang mga sinunog na handog, ang handog ng butil, at ang taba ng handog para sa pagtitipon-tipon, dahil ang altar na tanso na nasa harapan ni Yahweh ay napakaliit para tanggapin ang pag-aalay ng sinunog na handog, handog ng butil at ang taba ng handog ng pagtitipon-tipon.
ויעש שלמה בעת ההיא את החג וכל ישראל עמו קהל גדול מלבוא חמת עד נחל מצרים לפני יהוה אלהינו שבעת ימים ושבעת ימים--ארבעה עשר יום 65
Kaya si Solomon ang nagdaos ng handaan sa oras na iyon, at lahat ng Israelita ay kasama niya, isang malaking kapulungan, mula Lebo Hamat hanggang sa batis ng Ehipto, sa harap ni Yahweh ating Diyos sa loob ng pitong araw at sa pito pang araw, sa kabuuan ng labing apat na mga araw.
ביום השמיני שלח את העם ויברכו את המלך וילכו לאהליהם שמחים וטובי לב על כל הטובה אשר עשה יהוה לדוד עבדו ולישראל עמו 66
Sa ika-walong araw, pinauwi niya ang mga tao, at kanilang pinagpala ang hari at umuwi sila sa kanilang tahanan ng may kagalakan at masayang mga puso dahil sa lahat ng kabutihan na pinakita ni Yahweh kay David, na kaniyang lingkod, at sa Israel, na kaniyang bayan.

< מלכים א 8 >