< מלכים א 7 >
ואת ביתו בנה שלמה שלש עשרה שנה ויכל את כל ביתו | 1 |
Inabot ng labing tatlong taon si Solomon para makapagtayo ng sarili niyang palasyo.
ויבן את בית יער הלבנון מאה אמה ארכו וחמשים אמה רחבו ושלשים אמה קומתו על ארבעה טורי עמודי ארזים וכרתות ארזים על העמודים | 2 |
Itinayo niya ang Palasyo sa Kagubatan ng Lebanon. Ang haba nito ay isang daang kubit, ang lapad nito ay limampung kubit, at ang taas nito ay tatlumpung kubit. Ang palasyo ay itinayo nang may apat na hanay ng haliging sedar na may bigang sedar sa ibabaw ng mga poste.
וספן בארז ממעל על הצלעות אשר על העמודים ארבעים וחמשה--חמשה עשר הטור | 3 |
Ang bubong ay gawa sa sedar; ito ay binubungan ng higit sa apatnapu't limang biga na nasa mga poste, labing lima sa isang hanay.
ושקפים שלשה טורים ומחזה אל מחזה שלש פעמים | 4 |
Doon ay may biga sa tatlong hanay, at bawat bintana ay katapat ng isa pang bintana sa tatlong pangkat.
וכל הפתחים והמזוזות רבעים שקף ומול מחזה אל מחזה שלש פעמים | 5 |
Lahat ng mga pinto at mga poste ay ginawang mga parisukat na may biga, at ang bintana ay may katapat na bintana sa tatlong pangkat.
ואת אולם העמודים עשה חמשים אמה ארכו ושלשים אמה רחבו ואולם על פניהם ועמדים ועב על פניהם | 6 |
Doon ay may isang bulwagan na limampung kubit ang haba at tatlumpung kubit ang lapad, na may isang portiko sa harap at mga poste at isang bubong.
ואולם הכסא אשר ישפט שם אלם המשפט עשה וספון בארז מהקרקע עד הקרקע | 7 |
Itinayo ni Solomon ang bulwagan ng trono kung saan siya maghuhukom, ang bulwagan ng katarungan. Ang bawat palapag ay nababalutan ng sedar.
וביתו אשר ישב שם חצר האחרת מבית לאולם כמעשה הזה היה ובית יעשה לבת פרעה אשר לקח שלמה כאולם הזה | 8 |
Ang tahanan ni Solomon kung saan siya maninirahan, sa ibang patyo sa loob ng palasyo, ay katulad din ang disenyo. Siya rin ay nagtayo ng tahanang tulad nito para sa anak na babae ng Paraon, na kaniyang ginawang asawa.
כל אלה אבנים יקרת כמדות גזית מגררות במגרה מבית ומחוץ וממסד עד הטפחות ומחוץ עד החצר הגדולה | 9 |
Ang mga gusaling ito ay pinalamutian ng mamahalin na batong natagpas, sinukat nang maagi at hinati ng lagari at pinakinis sa lahat ng panig. Ang mga batong ito ay ginamit mula sa pundasyon hanggang sa mga bato sa itaas at sa labas din ng malaking patyo.
ומיסד אבנים יקרות אבנים גדלות--אבני עשר אמות ואבני שמנה אמות | 10 |
Ang pundasyon ay itinayo gamit ang napakalaki, mamahaling bato na walo at sampung kubit ang haba.
ומלמעלה אבנים יקרות כמדות גזית--וארז | 11 |
Nasa itaas ang mamahaling mga batong natagpas nang wasto sa sukat, at mga bigang sedar.
וחצר הגדולה סביב שלשה טורים גזית וטור כרתת ארזים ולחצר בית יהוה הפנימית ולאלם הבית | 12 |
Ang malaking patyo na nasa paligid ng palasyo ay may tatlong hanay ng tinagpas na bato at isang hanay ng bigang sedar tulad sa loob ng templo ni Yahweh at ng portiko ng templo.
וישלח המלך שלמה ויקח את חירם מצר | 13 |
Pinasundo ni Haring Solomon si Hiram at dinala siya mula sa Tiro.
בן אשה אלמנה הוא ממטה נפתלי ואביו איש צרי חרש נחשת וימלא את החכמה ואת התבונה ואת הדעת לעשות כל מלאכה בנחשת ויבוא אל המלך שלמה ויעש את כל מלאכתו | 14 |
Si Hiram ay anak na lalaki ng isang balo ng tribo ng Nephtali; ang kaniyang ama ay lalaking taga-Tiro, isang mahusay na manggagawa ng tanso. Si Hiram ay puno ng karunungan at kaalaman at kahusayan sa malaking gawain gamit ang tanso. Pumunta siya kay Haring Solomon para gumawa ng lahat ng kagamitan na yari sa tanso para sa hari.
ויצר את שני העמודים נחשת שמנה עשרה אמה קומת העמוד האחד וחוט שתים עשרה אמה יסב את העמוד השני | 15 |
Hinugis ni Hiram ang dalawang poste ng tanso, bawat isa ay labing walong kubit ang taas at labing dalawang kubit ang palibot.
ושתי כתרת עשה לתת על ראשי העמודים--מצק נחשת חמש אמות קומת הכתרת האחת וחמש אמות קומת הכתרת השנית | 16 |
Siya ay gumawa ng dalawang kapitel ng makintab na tanso para ilagay sa taas ng poste. Ang taas ng bawat kapitel ay limang siko.
שבכים מעשה שבכה גדלים מעשה שרשרות לכתרת אשר על ראש העמודים--שבעה לכתרת האחת ושבעה לכתרת השנית | 17 |
May mga mahahaba't makitid na mga metal na nilmabat at mga tinirintas na mga tanikala para sa mga kapitel na ginawang mga palamuti sa taas ng mga haligi, pito sa bawat kapitel.
ויעש את העמודים ושני טורים סביב על השבכה האחת לכסות את הכתרת אשר על ראש הרמנים וכן עשה לכתרת השנית | 18 |
Kaya si Hiram ay gumawa ng dalawang hanay ng mga granada sa paligid ng bawat poste para palamutian ang kanilang mga kapitel.
וכתרת אשר על ראש העמודים--מעשה שושן באולם ארבע אמות | 19 |
Ang mga kapitel sa itaas ng poste ng portiko ay may palamuti ng mga liryo, apat na kubit ang taas.
וכתרת על שני העמודים גם ממעל מלעמת הבטן אשר לעבר שבכה (השבכה) והרמונים מאתים טרים סביב על הכתרת השנית | 20 |
Kasama din ang kapitel sa dalawang haligi, malapit sa kanilang tuktok, ay nakapalibot ang dalawang daang nakahanay na granada.
ויקם את העמדים לאלם ההיכל ויקם את העמוד הימני ויקרא את שמו יכין ויקם את העמוד השמאלי ויקרא את שמו בעז | 21 |
Kaniyang itinayo ang mga poste sa portiko ng templo. Ang poste sa kanan ay pinangalanang Jakin, at ang poste sa kaliwa ay Boaz.
ועל ראש העמודים מעשה שושן ותתם מלאכת העמודים | 22 |
Sa itaas ng mga haligi ay mga palamuti tulad ng mga liryo. Ang paghuhugis ng mga haligi ay natapos sa ganitong paraan.
ויעש את הים מוצק עשר באמה משפתו עד שפתו עגל סביב וחמש באמה קומתו וקוה (וקו) שלשים באמה יסב אתו סביב | 23 |
Naghulma ng pabilog na dagat na bakal si Hiram, sampung kubit mula sa labi't labi. Ang taas nito ay limang kubit, at ang dagat ay tatlumpung kubit ang palibot na sukat.
ופקעים מתחת לשפתו סביב סבבים אתו--עשר באמה מקפים את הים סביב שני טורים הפקעים יצקים ביצקתו | 24 |
Sa ilalim ng labi ay nakapalibot sa dagat ay bunga ng halamang gumagapang, sampu sa bawat kubit, hinulma lahat kasabay ng hinulmang dagat.
עמד על שני עשר בקר שלשה פנים צפונה ושלשה פנים ימה ושלשה פנים נגבה ושלשה פנים מזרחה והים עליהם מלמעלה וכל אחריהם ביתה | 25 |
Ang dagat ay nakapatong sa labing dalawang hinulmang baka, tatlong nakaharap sa hilaga, tatlong nakaharap sa kanluran, tatlong nakaharap sa timog, at tatlong nakaharap sa silangan. Ang dagat ay nakapatong sa kanila, at ang lahat ng kanilang puwitan ay nakapwesto sa bandang loob.
ועביו טפח ושפתו כמעשה שפת כוס פרח שושן אלפים בת יכיל | 26 |
Ang dagat ay kasing kapal ng isang kamay, at ang labi nito ay hinulma tulad ng labi ng isang tasa, tulad ng isang bulaklak na liryo. Ang dagat ay naglalaman ng dalawang libong bat na tubig.
ויעש את המכנות עשר נחשת ארבע באמה ארך המכונה האחת וארבע באמה רחבה ושלש באמה קומתה | 27 |
Gumawa si Hiram ng sampung patungan na tanso. Bawat isang patungan ay apat na kubit ang haba at apat na kubit ang lapad, at tatlong kubit ang taas.
וזה מעשה המכונה מסגרת להם ומסגרת בין השלבים | 28 |
Ang pagkakagawa ng patungan ay tulad nito. Mayroon silang mga mahahabang tabla na nakatayo sa pagitan ng mga balangkas,
ועל המסגרות אשר בין השלבים אריות בקר וכרובים ועל השלבים כן ממעל ומתחת לאריות ולבקר ליות מעשה מורד | 29 |
at sa mga tabla at mga balangkas ay mga leon, mga baka, at mga kerubin. Sa itaas at sa ibaba ng mga leon at mga baka ay mga koronang pinanday.
וארבעה אופני נחשת למכונה האחת וסרני נחשת וארבעה פעמתיו כתפת להם מתחת לכיר הכתפות יצקות מעבר איש ליות | 30 |
Ang bawat patungan ay may apat na tansong gulong at ehe, at ang apat na sulok nito ay may suporta sa ilalim para sa kawa. Ang mga suporta ay hinulma sa korona sa gilid ng bawat isa.
ופיהו מבית לכתרת ומעלה באמה ופיה עגל מעשה כן אמה וחצי האמה וגם על פיה מקלעות ומסגרתיהם מרבעות לא עגלות | 31 |
Ang bukana ay bilog tulad ng isang patungan, isang kubit at kalahating lawak, at nasa loob ng korona na nakaangat ang isang kubit. Sa bukana ay mga inukit na bagay, at ang kanilang mga tabla ay parisukat, hindi bilog.
וארבעת האופנים למתחת למסגרות וידות האופנים במכונה וקומת האופן האחד אמה וחצי האמה | 32 |
Ang apat na gulong ay nakapailalam sa mga tabla, at ang mga ehe ng mga gulong at ang kanilang mga bahay ay nasa patungan. Ang taas ng isang gulong ay isa't kalahating kubit.
ומעשה האופנים כמעשה אופן המרכבה ידותם וגביהם וחשקיהם וחשריהם--הכל מוצק | 33 |
Ang mga gulong ay pinanday tulad ng mga gulong ng mga karwaheng pandigma. Ang kanilang bahay, mga gilid, mga rayos ng gulong at boha ay hinulmang bakal.
וארבע כתפות--אל ארבע פנות המכנה האחת מן המכנה כתפיה | 34 |
Mayroong apat na hawakan sa apat na sulok ng bawat tuntungan, ipinanday mismo sa tuntungan.
ובראש המכונה חצי האמה קומה--עגל סביב ועל ראש המכנה ידתיה ומסגרתיה ממנה | 35 |
Sa itaas ng mga tuntungan ay may isang nakapalibot na tali na kalahating kubit ang lalim, at sa itaas ng tuntungan ang mga suporta nito at ang mga mahabang tabla nito ay nakakabit.
ויפתח על הלחת ידתיה ועל ומסגרתיה (מסגרתיה) כרובים אריות ותמרת--כמער איש וליות סביב | 36 |
Sa ibabaw ng mga suporta at sa mga tabla si Hiram ay umukit ng mga kerubin, mga leon, at mga puno ng palma na nagtakip ng puwang, at sila ay napapalibutan ng mga korona.
כזאת עשה את עשר המכנות מוצק אחד מדה אחת קצב אחד--לכלהנה | 37 |
Ginawa niya ang sampung patungan sa ganitong paraan. Ang lahat ng iyon ay hinulma sa iisang hulmahan, at mayroon silang isang sukat, at kaparehang hugis.
ויעש עשרה כירות נחשת ארבעים בת יכיל הכיור האחד ארבע באמה הכיור האחד--כיור אחד על המכונה האחת לעשר המכנות | 38 |
Si Hiram ay gumawa ng sampung hugasang tanso. Ang isang hugasan ay kayang humawak ng apatnapung bat na tubig. Bawat hugasan ay apat na mga kubit ang lapad, at mayroong isang hugasan sa bawat sampung mga patungan.
ויתן את המכנות חמש על כתף הבית מימין וחמש על כתף הבית משמאלו ואת הים נתן מכתף הבית הימנית קדמה--ממול נגב | 39 |
Gumawa siya ng limang mga patungan na nakaharap sa bahaging timog ng templo at lima sa hilagang bahagi ng templo. Nilagay niya ang dagat sa silangang sulok, nakaharap sa bahaging timog ng templo.
ויעש חירום--את הכירות ואת היעים ואת המזרקות ויכל חירם לעשות את כל המלאכה אשר עשה למלך שלמה בית יהוה | 40 |
Ginawa ni Hiram ang mga hugasan at ang mga pala at patubigang mangkok. Pagkatapos kaniyang natapos ang lahat ng kaniyang ginawa para kay Haring Solomon sa templo ni Yahweh:
עמדים שנים וגלת הכתרת אשר על ראש העמודים שתים והשבכות שתים--לכסות את שתי גלות הכתרת אשר על ראש העמודים | 41 |
ang dalawang poste, at ang tulad-mangkok na mga kapitel na nasa itaas ng dalawang poste, at ang dalawang pangkat ng palamuting lambat para takpan ang dalawang tulad mangkok na mga kapitel na nasa itaas ng mga poste.
ואת הרמנים ארבע מאות לשתי השבכות--שני טורים רמנים לשבכה האחת לכסות את שתי גלות הכתרת אשר על פני העמודים | 42 |
Ginawa niya ang apat na daang granada para sa dalawang pangkat ng palamuting nilambat: dalawang hanay ng granada para sa bawat pangkat ng palamuting nilambat para takpan ang dalawang tulad mangkok ng mga kapitel na nasa mga poste,
ואת המכנות עשר ואת הכירת עשרה על המכנות | 43 |
at ang sampung mga patungan, at ang sampung hugasan sa mga patungan.
ואת הים האחד ואת הבקר שנים עשר תחת הים | 44 |
Ginawa niya ang dagat at ang labing dalawang mga bakang nasa ilalim nito;
ואת הסירות ואת היעים ואת המזרקות ואת כל הכלים האהל (האלה) אשר עשה חירם למלך שלמה בית יהוה--נחשת ממרט | 45 |
gayun din ang mga kaldero, mga pala, mga kawa, at lahat ng iba pang kasangkapan — ang mga ito ay ginawa ni Hiram mula sa makintab na tanso, para kay Haring Solomon, para sa templo ni Yahweh.
בככר הירדן יצקם המלך במעבה האדמה בין סכות ובין צרתן | 46 |
Pinahulma ito ng Hari sa kapatagan ng Jordan, sa isang maputik na lupain sa pagitan ng Succoth at Sarthan.
וינח שלמה את כל הכלים מרב מאד מאד--לא נחקר משקל הנחשת | 47 |
Hindi tinimbang ni Solomon ang lahat ng mga kasangkapan dahil masyadong marami para timbangin, kaya ang timbang ng tanso ay hindi malalaman.
ויעש שלמה--את כל הכלים אשר בית יהוה את מזבח הזהב ואת השלחן אשר עליו לחם הפנים זהב | 48 |
Pinagawa ni Solomon ang lahat ng kasangkapan na nasa loob ng templo ni Yahweh mula sa ginto: ang gintong dambana at ang lamesa kung saan ilalagay ang tinapay na handog.
ואת המנרות חמש מימין וחמש משמאול לפני הדביר--זהב סגור והפרח והנרת והמלקחים זהב | 49 |
Ang patungan ng ilaw, lima sa kanan at lima sa kaliwa, sa harap ng panloob na silid ay gawa sa purong ginto, at ang mga bulaklak, ang mga ilawan, at ang mga pang-ipit ay ginto.
והספות והמזמרות והמזרקות והכפות והמחתות--זהב סגור והפתות לדלתות הבית הפנימי לקדש הקדשים לדלתי הבית להיכל--זהב | 50 |
Ang mga saro, ang panggupit ng ilawan, mga mangkok, mga kutsara, at mga pansindi ng insenso ay nilikha mula sa purong ginto. Gayundin ang mga bisagra ng pinto ng panloob na silid, na siyang kabanal-banalang lugar, at ang mga pintuan ng pangunahing bulwagan ng templo ay gawa din sa ginto.
ותשלם כל המלאכה אשר עשה המלך שלמה בית יהוה ויבא שלמה את קדשי דוד אביו את הכסף ואת הזהב ואת הכלים--נתן באצרות בית יהוה | 51 |
Sa ganitong paraan, ang lahat ng gawain ni Haring Solomon sa tahanan ni Yahweh ay tapos na. Kaya ipinasok ni Solomon ang mga bagay na inihandog ni David, na kaniyang ama, kay Yahweh, at ang pilak, ang ginto, at ang mga kasangkapan, at nilagay ito sa bodega sa tahanan ni Yahweh.