< Philemon 1 >

1 Paul, a prisoner of Messiah Yeshua, and Timothy our brother, to Philemon, our beloved fellow worker,
Si Pablo, isang bilanggo kay Jesu-Cristo, at kapatid na Timoteo, kay Filemon, aming minamahal na kaibigan at kamanggagawa,
2 to the beloved Apphia, to Archippus our fellow soldier, and to the assembly in your house:
at kay Apia aming kapatid na babae, at kay Arquipo aming kapwa kawal, at sa mga mananampalataya na nagtitipon sa iyong tahanan:
3 Grace to you and peace from God our Father and the Lord Yeshua the Messiah.
Biyaya sa inyo at kapayapaan mula sa Diyos ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.
4 I thank my God always, making mention of you in my prayers,
Lagi kong pinasasalamatan ang aking Diyos. Binabanggit kita sa aking mga panalangin.
5 hearing of your love and of the faith which you have toward the Lord Yeshua and toward all the holy ones,
Narinig ko ang pagmamahal at pananampalataya na mayroon ka sa Panginoong Jesus at sa lahat ng mananampalataya.
6 that the fellowship of your faith may become effective in the knowledge of every good thing which is in us in Messiah Yeshua.
Ipinapanalangin ko na ang pakikisama ng iyong pananampalataya ay maging mabisa para sa kaalaman ng lahat ng mabuting bagay na sumasa-atin kay Cristo.
7 For we have much joy and comfort in your love, because the hearts of the holy ones have been refreshed through you, brother.
Sapagkat ako'y lubhang nagagalak at nagiginhawaan sa iyong pag-ibig, dahil ang mga puso ng mga mananampalataya ay pumayapa sa pamamagitan mo, kapatid.
8 Therefore though I have all boldness in Messiah to command you that which is appropriate,
Kaya kahit na mayroon akong lahat ng katapangan kay Cristo na utusan ka kung ano ang dapat mong gawin,
9 yet for love’s sake I rather appeal to you, being such a one as Paul, the aged, but also a prisoner of Yeshua the Messiah.
sa halip dahil sa pag-ibig, ako ay nakikiusap sa iyo- ako, si Pablo, isang matandang lalaki, at ngayon isang bilanggo para kay Cristo Jesus.
10 I appeal to you for my child Onesimus, whom I have become the father of in my chains,
Ako ay nakikiusap sa iyo tungkol sa aking anak na si Onesimo, ako'y naging ama niya sa aking pagkakagapos.
11 who once was useless to you, but now is useful to you and to me.
Dahil minsan siyang walang pakinabang sa iyo, pero ngayon ay kapaki-pakinabang na sa iyo at sa akin.
12 I am sending him back. Therefore receive him, that is, my own heart,
Pinadala ko siya—ang aking puso—muli sa iyo.
13 whom I desired to keep with me, that on your behalf he might serve me in my chains for the Good News.
Nais ko sanang manatili siya sa aking piling, upang siya ang maglingkod sa akin kahalili mo, habang ako ay naka-tanikala alang-alang sa ebanghelyo.
14 But I was willing to do nothing without your consent, that your goodness would not be as of necessity, but of free will.
Ngunit ayaw kong gumawa ng anumang bagay na wala ang iyong pahintulot. Ginawa ko ito para anumang mabuting gawain ay mula sa sarili mong kagustuhan at hindi dahil pinilit kita.
15 For perhaps he was therefore separated from you for a while that you would have him forever, (aiōnios g166)
Marahil ang dahilan kaya siya nahiwalay sa iyo sandali, ay upang siya ay matanggap mong muli magpakailanman. (aiōnios g166)
16 no longer as a slave, but more than a slave, a beloved brother—especially to me, but how much rather to you, both in the flesh and in the Lord.
Hindi bilang isang alipin, ngunit higit sa pagiging isang alipin, bilang minamahal na kapatid—lalo na sa akin, at lalo pa para sa iyo, kapwa sa laman at sa Panginoon.
17 If then you count me a partner, receive him as you would receive me.
At sa gayon kung ako ay tinuturing mong katuwang, tatanggapin mo siya katulad ng pangtanggap mo sa akin.
18 But if he has wronged you at all or owes you anything, put that to my account.
Pero kung siya man ay nagkamali sa iyo sa anumang paraan o anuman ang utang sa iyo, sa akin mo iyon singillin.
19 I, Paul, write this with my own hand: I will repay it (not to mention to you that you owe to me even your own self besides).
Ako, si Pablo, sinulat ko ito sa pamamagitan ng aking sariling kamay: ako ang magbabayad sa iyo. Hindi ko na binabanggit sa iyo na utang mo sa akin ang iyong buhay.
20 Yes, brother, let me have joy from you in the Lord. Refresh my heart in the Lord.
Oo, kapatid, hayaan mo akong magkaroon ng ilang kagalakan sa Panginoon mula sa iyo; pasiglahin mo ang aking puso kay Kristo.
21 Having confidence in your obedience, I write to you, knowing that you will do even beyond what I say.
Dahil nagtitiwala sa iyong pagsunod, sumulat ako sa iyo na alam kong magagawa mo ang higit pa sa aking hinihiling.
22 Also, prepare a guest room for me, for I hope that through your prayers I will be restored to you.
Gayun din, maghanda ng silid panauhin para sa akin, umaasa ako na sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ako ay makakadalaw sa inyo agad.
23 Epaphras, my fellow prisoner in Messiah Yeshua, greets you,
Si Epafras, aking kapwa bilanggo kay Kristo Jesus, ay bumabati sa inyo,
24 as do Mark, Aristarchus, Demas, and Luke, my fellow workers.
gayun din sina Marcos, Aristarco, Demas, Lucas, mga kamanggagawa ko.
25 The grace of our Lord Yeshua the Messiah be with your spirit. Amen.
Nawa ang pagpapala ng Panginoong Jesu Cristo ay mapasa-inyong espiritu. Amen.

< Philemon 1 >