< Hebrews 1 >
1 God, having in the past spoken to the fathers through the prophets at many times and in various ways,
Noon unang panahon, nakipag-usap ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta ng maraming beses at sa iba't-ibang paraan.
2 has at the end of these days spoken to us by his Son, whom he appointed heir of all things, through whom also he made the worlds. (aiōn )
Ngunit sa mga araw na ito, nakikipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak na siyang hinirang na tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ginawa ang mundo. (aiōn )
3 His Son is the radiance of his glory, the very image of his substance, and upholding all things by the word of his power, who, when he had by himself purified us of our sins, sat down on the right hand of the Majesty on high,
Ang kaniyang Anak ang ningning ng kaniyang kaluwalhatian, ang totoong katangian ng kaniyang diwa, at pinapanatili niya ang lahat sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan. Pagkatapos niyang nakamit ang paglilinis ng mga kasalanan, umupo siya sa kanang kamay ng kataas-taasang kamahalan.
4 having become as much better than the angels as the more excellent name he has inherited is better than theirs.
Siya ay naging higit na mataas sa mga anghel, sapagkat ang pangalan na kaniyang minana ay mas mahusay kaysa sa kanilang pangalan.
5 For to which of the angels did he say at any time, “You are my Son. Today I have become your father?” and again, “I will be to him a Father, and he will be to me a Son?”
Sapagkat sino sa mga anghel ang pinagsabihan niya kailanman ng, “Ikaw ay aking anak, ngayon ako ay naging iyong ama?” At muli, “Ako'y magiging ama sa kaniya, at siya ay magiging anak sa akin”?
6 When he again brings in the firstborn into the world he says, “Let all the angels of God worship him.”
Muli, nang isinugo ng Diyos ang panganay sa mundo, sinasabi niya, “Lahat ng anghel ng Diyos ay kinakailangang sumamba sa kaniya.”
7 Of the angels he says, “He makes his angels winds, and his servants a flame of fire.”
Tungkol sa mga anghel sinasabi niya, “Siya na ginagawang mga anghel niya na mga espiritu at ang kaniyang mga lingkod na mga lagablab ng apoy.”
8 But of the Son he says, “Your throne, O God, is forever and ever. The scepter of uprightness is the scepter of your Kingdom. (aiōn )
Ngunit tungkol sa Anak sinasabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay walang hanggan. Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katarungan. (aiōn )
9 You have loved righteousness and hated iniquity; therefore God, your God, has anointed you with the oil of gladness above your fellows.”
Minahal mo ang katuwiran at kinasusuklaman ang kawalan ng pagsunod sa batas, kaya ang Diyos, na iyong Diyos ay nagbuhos sa iyo ng langis ng kagalakan nang higit sa iyong mga kasamahan.
10 And, “You, Lord, in the beginning, laid the foundation of the earth. The heavens are the works of your hands.
Noong simula, O Panginoon, inilagay mo ang pundasyon ng mundo. Ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay.
11 They will perish, but you continue. They all will grow old like a garment does.
Ang mga ito ay mawawala, ngunit ikaw ay magpapatuloy. Silang lahat ay maluluma na parang kasuotan.
12 You will roll them up like a mantle, and they will be changed; but you are the same. Your years won’t fail.”
liligpitin mo sila katulad ng isang balabal, at mapapalitan sila katulad ng isang kasuotan. Ngunit ikaw ay mananatili ikaw at ang iyong mga taon ay hindi titigil.”
13 But which of the angels has he told at any time, “Sit at my right hand, until I make your enemies the footstool of your feet?”
Ngunit wala isa man sa mga anghel ang kaniyang pinagsabihan ng nito kahit kailan, “Maupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa”?
14 Aren’t they all serving spirits, sent out to do service for the sake of those who will inherit salvation?
Hindi ba't ang lahat ng mga anghel ay espiritu na ipinadala upang maglingkod at pangalagaan ang mga taong magmamana ng kaligtasan?”