< 5 Mojžišova 21 >
1 Když by nalezen byl zabitý (v zemi, kterouž Hospodin Bůh tvůj dává tobě, abys dědičně vládl jí, ) ležící na poli, a nebylo by vědíno, kdo by ho zabil,
Kung may isang taong natagpuang pinatay sa lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo para angkinin, na nakahiga sa bukid, at hindi matukoy kung sino ang sumalakay sa kaniya;
2 Tedy vyjdou starší tvoji a soudcové tvoji, a měřiti budou k městům, kteráž jsou vůkol toho zabitého.
sa gayon dapat lumabas ang inyong mga nakatatanda at inyong mga hukom, at dapat silang mag sukat sa mga lungsod na nakapalibot sa kaniya na siyang pinatay.
3 A když nalezeno bude město nejbližší toho zabitého, tedy vezmou starší města toho jalovici z stáda, kteréž ještě nebylo užíváno, a kteráž netáhla ve jhu.
At ang lungsod na pinakamalapit sa taong pinatay—dapat kumuha ang mga nakatatanda nito ng isang dumalagang baka mula sa mga hayop, isa na hindi pa pinagtrabaho, na hindi pa nalagyan ng pamatok.
4 I uvedou starší toho města jalovici tu do údolí pustého, kteréž nikdy nebylo děláno aneb oseto, a setnou šíji jalovice v tom údolí.
Dapat magdala ang mga nakatatanda ng lungod na iyon ng dumalagang baka pababa sa isang lambak na may umaagos na tubig, isang lambak na hindi pa na aararo ni tinaniman, at dapat baliin ang leeg ng dumalagang baka doon sa lambak.
5 Potom přistoupí kněží synové Léví; (nebo je Hospodin Bůh tvůj vyvolil, aby přisluhovali jemu, a požehnání dávali ve jménu Hospodinovu, vedlé jejichž výpovědi stane všeliká rozepře a každá rána.)
Dapat lumapit ang mga pari, mga kaapu-apuhan ni Levi, dahil sila ang pinili ni Yahweh na inyong Diyos para paglingkuran siya at para pagpalain ang mga tao sa pangalan ni Yahweh; makinig sa kanilang mga payo, dahil ang kanilang salita ang magiging pasya sa bawat pagtatalo at kaso ng pagsalakay.
6 Všickni také starší toho města, kteříž jsou nejbližší toho zabitého, umyjí ruce své nad jalovicí sťatou v tom údolí,
Dapat hugasan ng lahat ng nakatatanda ng lungsod na pinakamalapit sa taong pinatay ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng dumalagang baka na binali ang leeg sa may lambak;
7 A osvědčovati budou, řkouce: Nevylilyť jsou ruce naše krve té, aniž oči naše viděly vražedlníka.
at dapat silang sumagot sa kaso at sabihin, 'Hindi ang aming mga kamay ang nagpadanak ng dugong ito, ni hindi ito nakita ng aming mga mata.
8 Očisť lid svůj Izraelský, kterýž jsi vykoupil, Hospodine, a nepřičítej krve nevinné lidu svému Izraelskému. I bude sňata s nich vina té krve.
Yahweh, Patawarin mo ang iyong mga tao sa Israel na iyong iniligtas, at ipawalang sala para sa inosenteng pagdanak ng dugo sa kalagitnaan ng iyong bayang Israel.' Pagkatapos papatawarin sila sa pagdanak ng dugo.
9 Ty pak odejmeš krev nevinnou z prostředku svého, když učiníš, což pravého jest před očima Hospodinovýma.
Sa ganitong paraan aalisin mo ang inosenteng dugo mula sa inyong kalagitnaan, kung gagawin ninyo kung ano ang tama sa mga mata ni Yahweh.
10 Když bys vytáhl na vojnu proti nepřátelům svým, a dal by je Hospodin Bůh tvůj v ruce tvé, a zajal bys z nich mnohé;
Kapag kayo ay lalabas para makipagdigma laban sa inyong mga kaaway at ibinigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos ang tagumpay at inilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala, dapat ninyo silang dalhin bilang mga bihag.
11 Uzříš-li mezi zajatými ženu krásného oblíčeje, a zamiluješ ji, tak abys ji sobě vzal za manželku:
Kung may makita kayo sa mga bihag na isang magandang babae, at nagkagusto kayo sa kaniya at ninais ninyo siyang kunin para maging sarili ninyong asawa,
12 Uvedeš ji do domu svého, i oholí sobě hlavu, a obřeže nehty své;
pagkatapos iuuwi ninyo siya sa inyong bahay, aahitan niya ang kaniyang ulo at puputulin ang kaniyang mga kuko.
13 A složíc roucho své s sebe, v kterémž jest jata, zůstane v domě tvém, a plakati bude otce svého i matky své za celý měsíc; a potom vejdeš k ní, a budeš její manžel, a ona bude manželka tvá.
Huhubarin niya ang suot-suot niyang mga damit nang siya ay bihagin, at siya ay mananatili sa inyong tahanan at magluluksa para sa kaniyang ama at kaniyang ina ng isang buong buwan. Pagkatapos nito maaari ka nang matulog kasama niya at magiging kaniyang asawa, at siya ay magiging iyong asawa.
14 Pakliť by se nelíbila, tedy propustíš ji svobodnou; ale nikoli neprodávej jí za peníze, ani nekupč jí, poněvadž jsi jí ponížil.
Pero kung hindi ka nalugod sa kaniya, hayaan ninyo nalang siyang pumunta kung saan niya hilingin. Pero hindi ninyo siya dapat na ipagbili para lamang sa pera, at huwag ninyo siyang ituring na parang isang alipin, dahil ipinahiya ninyo siya.
15 Měl-li by kdo dvě ženy, jednu v milosti a druhou v nenávisti, a zplodily by mu syny, milá i nemilá, a byl-li by syn prvorozený nemilé:
Kung ang isang lalaki ay may dalawang asawa, isang minamahal at isang kinasusuklaman, at pareho silang may mga anak sa kaniya— pareho sa minamahal na asawa at ang kinasusuklamang asawa—kung ang panganay na lalaking anak ay sa nasa kinasusuklaman,
16 Tedy když dědice ustavovati bude nad tím, což by měl, nebude moci dáti práva prvorozenství synu milé před synem prvorozeným nemilé,
sa gayon sa araw na ang lalaki ay magbibigay ng pamana sa kaniyang mga anak na lalaki na kanilang magiging pag-aari, hindi niya maaring gawin ang anak na lalaki sa minamahal na asawa na maging panganay na anak bago ang anak na lalaki sa kinasusuklamang asawa, ang siyang tunay na panganay na anak na lalaki.
17 Ale prvorozeného syna nemilé při prvorozenství zůstaví, a dá jemu dva díly ze všeho, což by měl; nebo on jest počátek síly jeho, jeho jest právo prvorozenství.
Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.
18 Měl-li by kdo syna zpurného a protivného, ješto by neposlouchal hlasu otce svého a hlasu matky své, a jsa trestán, neuposlechl by jich:
Kung ang isang lalaki ay may isang anak na lalaki na matigas ang ulo at suwail na hindi sumusunod sa boses ng kaniyang ama o sa boses ng kaniyang ina, at sinuman, kahit na siya ay kanilang itinutuwid, hindi nakikinig sa kanila;
19 Tedy vezmouce ho otec i matka jeho, vyvedou jej k starším města svého, k bráně místa přebývání svého,
sa gayon dapat lamang siyang pigilan ng kaniyang ama at kaniyang ina at dalhin siya palabas sa mga nakatatanda ng kaniyang lungsod at sa tarangkahan ng kaniyang siyudad.
20 A řeknou starším města svého: Syn náš tento, jsa zpurný a protivný, neposlouchá hlasu našeho, žráč a opilec jest.
Dapat nilang sabihin sa mga nakatatanda sa kaniyang lungsod, 'Ang aming anak na lalaking ito ay matigas ang ulo at suwail; hindi siya sumusunod sa aming boses; siya ay isang matakaw at isang lasenggo.'
21 Tehdy všickni lidé města toho uházejí jej kamením a umřeť; a tak odejmeš zlé z prostředku svého, a všecken Izrael uslyšíce, báti se budou.
Pagkatapos ang lahat ng kalalakihan sa kaniyang lungsod ay dapat batuhin siya hanggang mamatay gamit ang mga bato; at maaalis ninyo ang kasamaan mula sa inyo. Maririnig ito ng buong Israel at matatakot.
22 Když by kdo zhřešil, že by hoden byl smrti, a byl by odsouzen k ní a pověsil bys ho na dřevě:
Kung ang isang tao ay nakagawa ng isang kasalanan na karapat dapat para sa kamatayan at patayin siya, at ibitin ninyo siya sa isang puno,
23 Nezůstane přes noc tělo jeho na dřevě, ale hned v ten den pochováš jej, nebo zlořečený jest před Bohem pověšený; protož nepoškvrňuj země své, kterouž Hospodin Bůh tvůj dává tobě v dědictví.
sa gayon ang kaniyang katawan ay hindi dapat manatili ng buong gabi sa puno. Sa halip, dapat ninyo tiyakin at ilibing siya sa araw ding iyon; sapagka't sinumang ibinitin ay isinumpa ng Diyos. Sundin ang kautusang ito ng sa ganoon hindi ninyo madungisan ang lupain na ibinigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.