< 撒母耳记下 9 >

1 大卫问说:“扫罗家还有剩下的人没有?我要因约拿单的缘故向他施恩。”
Sinabi ni David, “Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob alang-alang kay Jonatan?”
2 扫罗家有一个仆人,名叫洗巴,有人叫他来见大卫,王问他说:“你是洗巴吗?”回答说:“仆人是。”
May isang lingkod sa pamilya ni Saul na ang pangalan ay Siba, at ipinatawag siya para kay David. Sinabi ng hari sa kaniya, “Ikaw ba si Siba?” Tumugon siya, “Oo. Ako ang inyong lingkod.”
3 王说:“扫罗家还有人没有?我要照 神的慈爱恩待他。”洗巴对王说:“还有约拿单的一个儿子,是瘸腿的。”
Kaya sinabi ng hari, “Mayroon pa bang natitira sa pamilya ni Saul na maaari kong mapakitaan ng kagandahang loob sa Diyos?” Tumugon si Siba sa hari, “May nalalabi pang anak na lalaki si Jonatan, na pilay ang paa.”
4 王说:“他在哪里?”洗巴对王说:“他在罗·底巴,亚米利的儿子玛吉家里。”
Sinabi ng hari sa kaniya, “Nasaan siya?” Tumugon si Siba sa hari, “Nasa bahay siya ni Maquir anak na lalaki ni Ammiel sa Lo Debar.”
5 于是大卫王打发人去,从罗·底巴、亚米利的儿子玛吉家里召了他来。
Pagkatapos ipinasundo at ipinakuha siya ni Haring David sa bahay ni Maquirr anak na lalaki ni Ammiel mula sa Lo Debar.
6 扫罗的孙子、约拿单的儿子米非波设来见大卫,伏地叩拜。大卫说:“米非波设!”米非波设说:“仆人在此。”
Kaya nagtungo si Mefibosheth kay David anak na lalaki ni Jonatan na anak na lalaki ni Saul at iniyuko ang kaniyang mukha sa lupa para gumalang kay David. Sinabi ni David, “Mefiboshet.” Sumagot siya, “Ako ang inyong lingkod!”
7 大卫说:“你不要惧怕,我必因你父亲约拿单的缘故施恩与你,将你祖父扫罗的一切田地都归还你;你也可以常与我同席吃饭。”
Sinabi ni David sa kaniya, Huwag kang matakot, dahil titiyakin kong kagandahang-loob ang ipapakita ko sa iyo alang-alang kay Jonatan na iyong ama at ibabalik ko sa iyo ang lahat ng lupain ni Saul na iyong lolo, at lagi kang kakain sa aking lamesa.”
8 米非波设又叩拜,说:“仆人算什么,不过如死狗一般,竟蒙王这样眷顾!”
Yumuko si Mefiboset at sinabing, “Ano ba ang iyong lingkod, na dapat mong pakitaan ng pabor ang tulad kong isang patay na aso?”
9 王召了扫罗的仆人洗巴来,对他说:“我已将属扫罗和他的一切家产都赐给你主人的儿子了。
Pagkatapos tinawag ng hari si Siba, lingkod ni Saul at sinabi sa kaniya, “Ibinigay ko sa anak na lalaki ng iyong amo ang lahat ng mga ari-arian ni Saul at ng kaniyang pamilya.
10 你和你的众子、仆人要为你主人的儿子米非波设耕种田地,把所产的拿来供他食用;他却要常与我同席吃饭。”洗巴有十五个儿子,二十个仆人。
Ikaw ang mag-aararo ng lupa para sa kaniya, ikaw at iyong mga anak na lalaki at iyong mga lingkod, at dapat anihin ninyo ang mga pananim para ang apo ng iyong amo ay magkaroon ng makakain. Pero si Mefisobet lalaking apo ng iyong amo ay laging kakain sa aking lamesa.” Mayroong labing limang anak na lalaki at dalawampung lingkod si Siba.
11 洗巴对王说:“凡我主我王吩咐仆人的,仆人都必遵行。”王又说:“米非波设必与我同席吃饭,如王的儿子一样。”
Pagkatapos sinabi ni Siba sa hari, “Gagawin lahat ng iyong lingkod ang mga iniuutos ng aking among hari sa kaniyang lingkod.” Idinagdag ng hari, “Tungkol naman kay Mefisobet siya ay kakain sa aking lamesa, tulad ng isa sa mga anak na lalaki ng hari.
12 米非波设有一个小儿子,名叫米迦。凡住在洗巴家里的人都作了米非波设的仆人。
May isang binatang anak na lalaki si Mefisobet na ang pangalan ay Mica. At ang lahat ng nakatira sa bahay ni Siba ay naging mga lingkod ni Mefisobet.
13 于是米非波设住在耶路撒冷,常与王同席吃饭。他两腿都是瘸的。
Kaya nanirahan si Mefisobet sa Jerusalem, at lagi siyang kumakain sa lamesa ng hari, kahit pilay ang pareho niyang paa.

< 撒母耳记下 9 >