< 列王纪上 1 >

1 大卫王年纪老迈,虽用被遮盖,仍不觉暖。
Matandang-matanda na si Haring David. Binalutan nila siya ng mga damit, pero hindi siya naiinitan.
2 所以臣仆对他说:“不如为我主我王寻找一个处女,使她伺候王,奉养王,睡在王的怀中,好叫我主我王得暖。”
Kaya sinabi sa kaniya ng kaniyang mga lingkod, “Hayaan mo kaming maghanap ng dalagang birhen para sa aming hari. Paglingkuran niya ang hari at alagaan siya. Hihiga siya sa iyong mga bisig upang maiinitan ang aming panginoon na hari.”
3 于是在以色列全境寻找美貌的童女,寻得书念的一个童女亚比煞,就带到王那里。
Kaya naghanap sila ng isang magandang babae sa loob ng mga hangganan ng Israel. Nahanap nila si Abisag na taga-Sunem at dinala siya sa hari.
4 这童女极其美貌,她奉养王,伺候王,王却没有与她亲近。
Siya ay napakagandang babae. Pinaglingkuran niya ang hari at inalagaan siya, pero hindi sumiping ang hari sa kaniya.
5 那时,哈及的儿子亚多尼雅自尊,说:“我必作王”,就为自己预备车辆、马兵,又派五十人在他前头奔走。
Sa panahong iyon, itinaas ni Adonias na anak ni Haguit ang kaniyang sarili, sinasabing, “Ako ang magiging hari.” Kaya naghanda siya para sa kaniyang sarili ng mga karwahe at mga mangangabayo na kasama ang limampung tao para mauna sa kaniya.
6 他父亲素来没有使他忧闷,说:“你是做什么呢?”他甚俊美,生在押沙龙之后。
Hindi siya ginambala ng kaniyang ama, na nagsabing, “Bakit mo ginawa ito o iyan?” Si Adonias ay isa ring napakakisig na lalaki, sumunod na ipinanganak kay Absalom.
7 亚多尼雅与洗鲁雅的儿子约押,和祭司亚比亚他商议;二人就顺从他,帮助他。
Kinausap niya sila Joab na anak ni Zeruias at si Abiatar na pari. Sumunod sila kay Adonias at tinulungan siya.
8 但祭司撒督、耶何耶大的儿子比拿雅、先知拿单、示每、利以,并大卫的勇士都不顺从亚多尼雅。
Ngunit sila Sadoc na pari, Benaias na anak ni Joiada, Nathan na propeta, Semei, Rei, at ang mga magigiting na mga taong sumusunod kay David ay hindi sumunod kay Adonias.
9 一日,亚多尼雅在隐·罗结旁、琐希列磐石那里宰了牛羊、肥犊,请他的诸弟兄,就是王的众子,并所有作王臣仆的犹大人;
Si Adonias ay nag-alay ng mga tupa, mga lalaking baka, at mga pinatabang baka sa bato ng Zoholete na katabi ng En-rogel. Inanyayahan niya ang lahat ng kaniyang kapatid na lalaki, mga anak na lalaki ng hari, at lahat ng kalalakihan sa Juda na mga lingkod ng hari.
10 惟独先知拿单和比拿雅并勇士,与他的兄弟所罗门,他都没有请。
Ngunit hindi niya inanyayahan sila Nathan na propeta, Benaias, ang mga magigiting na lalaki, o ang kaniyang kapatid na si Solomon.
11 拿单对所罗门的母亲拔示巴说:“哈及的儿子亚多尼雅作王了,你没有听见吗?我们的主大卫却不知道。
Pagkatapos, kinausap ni Nathan si Batsheba na ina ni Solomon, sinasabing, “Hindi mo ba narinig na si Adonias na anak ni Haguit ay naging hari, at hindi ito alam ni David na ating panginoon?
12 现在我可以给你出个主意,好保全你和你儿子所罗门的性命。
Kaya ngayon, payuhan kita, para maligtas mo ang sarili mong buhay at ang buhay ng iyong anak na si Solomon.
13 你进去见大卫王,对他说:‘我主我王啊,你不曾向婢女起誓说:你儿子所罗门必接续我作王,坐在我的位上吗?现在亚多尼雅怎么作了王呢?’
Pumunta ka kay Haring David; sabihin mo sa kaniya, 'Aking panginoong hari, hindi ba't sumumpa ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, “Tiyak na si Solomon na iyong anak ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono?” Kung ganon, bakit naghahari si Adonias?'
14 你还与王说话的时候,我也随后进去,证实你的话。”
Habang kinakausap mo ang hari, papasok ako pagkatapos mo at patutuhanan ko ang iyong mga salita.”
15 拔示巴进入内室见王,王甚老迈,书念的童女亚比煞正伺候王。
Kaya pumunta si Batsheba sa silid ng hari. Napakatanda na ng hari, at pinaglilingkuran siya ni Abisag na taga-Sunem.
16 拔示巴向王屈身下拜;王说:“你要什么?”
Yumuko si Batseba at nagpatirapa sa harap ng hari. At sinabi ng hari, “Ano ang iyong nais?”
17 她说:“我主啊,你曾向婢女指着耶和华—你的 神起誓说:‘你儿子所罗门必接续我作王,坐在我的位上。’
Sinabi niya sa kaniya, “Aking panginoon, sumumpa ka sa iyong lingkod kay Yahweh na iyong Diyos, na iyong sinabi, 'Tiyak na si Solomon na iyong anak ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono.'
18 现在亚多尼雅作王了,我主我王却不知道。
Ngayon, tingnan mo, si Adonias ang hari, at ikaw, aking panginoong hari, ay hindi mo alam ito.
19 他宰了许多牛羊、肥犊,请了王的众子和祭司亚比亚他,并元帅约押;惟独王的仆人所罗门,他没有请。
Nag-alay siya ng mga lalaking baka, pinatabang baka, at maraming mga tupa at inanyayahan ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari, si Abiatar na pari, at si Joab na kapitan ng hukbo, pero hindi niya inanyayahan si Solomon na iyong lingkod.
20 我主我王啊,以色列众人的眼目都仰望你,等你晓谕他们,在我主我王之后谁坐你的位。
Aking panginoong hari, ang mga mata ng buong Israel ay nasa iyo, naghihintay sila na sabihin mo sa kanila kung sino ang uupo sa trono pagkatapos mo, aking panginoon.
21 若不然,到我主我王与列祖同睡以后,我和我儿子所罗门必算为罪人了。”
Kung hindi, mangyayari ito, kapag nahimlay na ang aking panginoon ang hari kasama ng kaniyang mga ninuno, ako at ang aking anak na si Solomon ay ituturing na mga kriminal.”
22 拔示巴还与王说话的时候,先知拿单也进来了。
Habang kinakausap niya ang hari, pumasok si Nathan na propeta.
23 有人奏告王说:“先知拿单来了。”拿单进到王前,脸伏于地。
Sinabi ng mga lingkod sa hari, “Nandito si Nathan na propeta.” Nang pumunta siya sa harapan ng hari, nagpatirapa siya na ang kaniyang mukha ay nasa sahig.
24 拿单说:“我主我王果然应许亚多尼雅说‘你必接续我作王,坐在我的位上’吗?
Sinabi ni Nathan, “Aking panginoong hari, sinabi mo bang, 'Si Adonias ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono?'
25 他今日下去,宰了许多牛羊、肥犊,请了王的众子和军长,并祭司亚比亚他;他们正在亚多尼雅面前吃喝,说:‘愿亚多尼雅王万岁!’
Dahil bumaba siya ngayon at nag-alay siya ng maraming mga lalaking baka, mga pinatabang baka at mga tupa, at inanyayahan ang lahat ng mga anak na lalaki ng hari, ang mga kapitan ng mga hukbo, at si Abiatar na pari. Kumakain at umiinom sila sa harapan niya, at isinasabi nilang, 'Mabuhay si Haring Adonias!'
26 惟独我,就是你的仆人和祭司撒督,耶何耶大的儿子比拿雅,并王的仆人所罗门,他都没有请。
Pero ako na iyong lingkod, si Sadoc na pari, si Benaias na anak ni Joiada, at ang iyong lingkod na si Solomon, ay hindi niya inanyayahan.
27 这事果然出乎我主我王吗?王却没有告诉仆人们,在我主我王之后谁坐你的位。”
Ginawa ba ito ng aking panginoong hari nang hindi mo sinasabi sa amin na iyong mga lingkod, kung sino ang dapat na maupo sa trono pagkatapos niya?”
28 大卫王吩咐说:“叫拔示巴来。”拔示巴就进来,站在王面前。
Pagkatapos, sumagot si Haring David at sinabi, “Pabalikin mo sa akin si Batsheba.” Pumunta siya sa harap ng hari at tumayo sa harap niya.
29 王起誓说:“我指着救我性命脱离一切苦难、永生的耶和华起誓。
Gumawa ng panata ang hari at sinabi, “Buhay si Yahweh, na tumubos sa akin mula sa lahat ng kaguluhan,
30 我既然指着耶和华—以色列的 神向你起誓说:你儿子所罗门必接续我作王,坐在我的位上。我今日就必照这话而行。”
tulad ng panunumpa ko sa iyo kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinasabi ko, 'Ang iyong anak na si Solomon ang maghahari pagkatapos ko, at uupo siya sa aking trono kapalit ko,' gagawin ko ito ngayon.”
31 于是,拔示巴脸伏于地,向王下拜,说:“愿我主大卫王万岁!”
Pagkatapos, yumuko si Batseba na ang kaniyang mukha ay nasa sahig at nagpatirapa sa harap ng hari at sinabi, “Nawa ang aking panginoon na si Haring David ay mabuhay magpakailanman!”
32 大卫王又吩咐说:“将祭司撒督、先知拿单、耶何耶大的儿子比拿雅召来!”他们就都来到王面前。
Sinabi ni Haring David, “Papuntahin mo sa akin si Sadoc na pari, si Nathan na propeta, at si Benaias na anak ni Joiada.” Kaya pumunta sila sa hari.
33 王对他们说:“要带领你们主的仆人,使我儿子所罗门骑我的骡子,送他下到基训;
Sinabi ng hari sa kanila, “Magsama kayo ng mga lingkod ko na inyong panginoon, at pasakayin ninyo si Solomon na aking anak sa aking sariling mola at dalhin ninyo siya sa Gihon.
34 在那里,祭司撒督和先知拿单要膏他作以色列的王;你们也要吹角,说:‘愿所罗门王万岁!’
Pahiran siya ng langis nila Sadoc na pari at Nathan na propeta bilang hari ng buong Israel at hipan ang trumpeta at sabihi, 'Mabuhay si Haring Solomon!'
35 然后要跟随他上来,使他坐在我的位上,接续我作王。我已立他作以色列和犹大的君。”
Pagkatapos ay susundan ninyo siya, at pupunta siya at mauupo sa aking trono; dahil siya ang magiging hari kapalit ko. Itinalaga ko siya para maging pinuno ng buong Israel at Juda.”
36 耶何耶大的儿子比拿雅对王说:“阿们!愿耶和华—我主我王的 神也这样命定。
Sumagot si Benaias na anak ni Joiada sa hari, at sinabi, “Nawa'y ito nga ang mangyari! Nawa'y si Yahweh, na Diyos ng aking hari, ang magpatibay nito.
37 耶和华怎样与我主我王同在,愿他照样与所罗门同在,使他的国位比我主大卫王的国位更大。”
Kung paano sinamahan ni Yahweh ang aking panginoong hari, nawa'y ganoon din kay Solomon, at gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa trono ng aking panginoong si Haring David.”
38 于是,祭司撒督、先知拿单、耶何耶大的儿子比拿雅,和基利提人、比利提人都下去使所罗门骑大卫王的骡子,将他送到基训。
Kaya sila Sadoc na pari, Nathan na propeta, Benaias na anak ni Joiada, at ang mga Kereteo at Peleteo ay bumaba at pinasakay si Solomon sa mola ni Haring David; dinala nila siya sa Gihon.
39 祭司撒督就从帐幕中取了盛膏油的角来,用膏膏所罗门。人就吹角,众民都说:“愿所罗门王万岁!”
Kinuha ni Sadoc na pari ang sungay na lalagyan ng langis mula sa tolda at pinahiran ng langis si Solomon. Pagkatapos ay hinipan nila ang trumpeta, at sinabi ng lahat ng tao, “Mabuhay si Haring Solomon!”
40 众民跟随他上来,且吹笛,大大欢呼,声音震地。
Pagkatapos, sumunod ang lahat ng tao sa kaniya, at tumugtog ng mga plauta at nagsaya nang may buong kagalakan, na ang lupa ay nayanig sa kanilang tunog.
41 亚多尼雅和所请的众客筵宴方毕,听见这声音;约押听见角声就说:“城中为何有这响声呢?”
Narinig ito nila Adonias at ng lahat ng kaniyang mga panauhin habang patapos na sila sa pagkain. Nang narinig ni Joab ang tunog ng trumpeta, sinabi niya, “Bakit napakaingay ng lungsod?”
42 他正说话的时候,祭司亚比亚他的儿子约拿单来了。亚多尼雅对他说:“进来吧!你是个忠义的人,必是报好信息。”
Habang nagsasalita siya, dumating si Jonatan na anak ni Abiatar na pari. Sinabi ni Adonias, “Pumasok ka, dahil karapat-dapat ka at nagdadala ka ng magandang balita.”
43 约拿单对亚多尼雅说:“我们的主大卫王诚然立所罗门为王了。
Sumagot si Jonatan at sinabi kay Adonias, “Ang aming panginoong si Haring David ay ginawang hari si Solomon.
44 王差遣祭司撒督、先知拿单、耶何耶大的儿子比拿雅,和基利提人、比利提人都去使所罗门骑王的骡子。
At pinadala ng hari sila Sadoc na pari, Nathan na propeta, Benaias na anak ni Joiada, at ang mga Kereteo at Peleteo na kasama niya. Pinasakay nila si Solomon sa mola ng hari.
45 祭司撒督和先知拿单在基训已经膏他作王。众人都从那里欢呼着上来,声音使城震动,这就是你们所听见的声音;
Pinahiran siya ng langis bilang hari nila Sadoc na pari at Nathan ang propeta sa Gihon, at nagsaya mula roon, kaya napakaingay ng lungsod. Ito ang ingay na narinig mo.
46 并且所罗门登了国位。
Nakaupo rin si Solomon sa trono ng kaharian.
47 王的臣仆也来为我们的主大卫王祝福,说:‘愿王的 神使所罗门的名比王的名更尊荣;使他的国位比王的国位更大。’王就在床上屈身下拜。
Dagdag pa rito, ang mga lingkod ng hari ay dumating para pagpalain ang ating panginoong si Haring David, sinasabi nila, 'Nawa'y gawing mas dakila ng iyong Diyos ang pangalan ni Solomon kaysa sa iyong pangalan, at gawing mas dakila ang kaniyang trono kaysa sa iyong trono.' At iniyuko ng hari ang kaniyang sarili sa higaan.
48 王又说:‘耶和华—以色列的 神是应当称颂的;因他赐我一人今日坐在我的位上,我也亲眼看见了。’”
Sinabi rin ng hari, 'Pagpalain nawa si Yahweh, na Diyos ng Israel, na nagbigay ng isang tao na mauupo sa aking trono balang-araw, at makita ito ng sarili kong mga mata.'”
49 亚多尼雅的众客听见这话就都惊惧,起来四散。
Pagkatapos, ang lahat ng mga panauhin ni Adonias ay natakot; tumayo sila at kani-kaniyang umalis.
50 亚多尼雅惧怕所罗门,就起来,去抓住祭坛的角。
Takot si Adonias kay Solomon at tumayo siya, umalis, at kinuha ang mga sungay sa altar.
51 有人告诉所罗门说:“亚多尼雅惧怕所罗门王,现在抓住祭坛的角,说:‘愿所罗门王今日向我起誓,必不用刀杀仆人。’”
Pagkatapos ay sinabi ito kay Solomon, sinasabi, “Tingnan mo, si Adonias ay takot kay Haring Solomon, dahil kinuha niya ang mga sungay sa altar, sinasabi, 'Manumpa muna sa akin si Haring Solomon na hindi niya papatayin ang kaniyang lingkod gamit ang espada.”'
52 所罗门说:“他若作忠义的人,连一根头发也不致落在地上;他若行恶,必要死亡。”
Sinabi ni Solomon, “Kung ipakikita niya na siya ay isang taong karapat-dapat, kahit ang isang hibla ng kaniyang buhok ay hindi malalagas sa lupa, ngunit kung kasamaan ang makikita sa kaniya, mamamatay siya.”
53 于是所罗门王差遣人,使亚多尼雅从坛上下来,他就来,向所罗门王下拜;所罗门对他说:“你回家去吧!”
Kaya nagsugo si Haring Solomon ng mga kalalakihan, na nagbaba kay Adonias pababa ng altar. Pumunta at yumuko siya kay Haring Solomon, at sinabi ni Solomon sa kaniya, “Umuwi ka na.”

< 列王纪上 1 >