< 撒母耳记下 19 >

1 有人告诉约押说:“王为押沙龙哭泣悲哀。”
Sinabihan si Joab, “Tingnan mo, humagulgol ang hari at nagluksa para kay Absalom.”
2 众民听说王为他儿子忧愁,他们得胜的欢乐却变成悲哀。
Kaya ang tagumpay ng araw na iyon ay naging pagluluksa sa lahat ng hukbo, dahil narinig ito ng hukbo nang sinabi ng araw na iyon, “Nagluksa ang hari para sa kaniyang anak na lalaki.”
3 那日众民暗暗地进城,就如败阵逃跑、惭愧的民一般。
Kinailangang patagong maglakad ng tahimik ang mga sundalo sa lungsod ng araw na iyon, katulad ng mga taong nahihiyang tumatakbo palayo mula sa labanan.
4 王蒙着脸,大声哭号说:“我儿押沙龙啊!押沙龙,我儿,我儿啊!”
Tinakpan ng hari ang kaniyang mukha at umiyak sa isang malakas na tinig, “Anak kong Absalom, Absalom, anak ko, anak ko!”
5 约押进去见王,说:“你今日使你一切仆人脸面惭愧了!他们今日救了你的性命和你儿女妻妾的性命,
Pagkatapos pumasok sa loob ng bahay ang hari si Joab at sinabi sa kaniya, “Pinahiya mo ang mga mukha ng lahat ng iyong mga sundalo sa araw na ito, na nagligtas ng iyong buhay sa araw na ito, at ang buhay ng iyong mga anak na lalaki at ng iyong mga anak na babae, at ang buhay ng iyong mga asawa, at ang buhay ng iyong mga asawang alipin,
6 你却爱那恨你的人,恨那爱你的人。你今日明明地不以将帅、仆人为念。我今日看明,若押沙龙活着,我们都死亡,你就喜悦了。
dahil minahal mo galit sa iyo, at galit ka sa mga nagmamahal sa iyo. Dahil sa araw na ito ipinakita mo na ang mga pinuno at mga sundalo ay baliwala sa iyo. Naniniwala ako sa araw na ito kung nabuhay si Absalom, at tayong lahat ay namatay, iyon siguro ang makapagpapasaya sa iyo.
7 现在你当出去,安慰你仆人的心。我指着耶和华起誓:你若不出去,今夜必无一人与你同在一处;这祸患就比你从幼年到如今所遭的更甚!”
Kaya ngayon tumayo ka at lumabas, magsalita ng mabuti sa iyong mga sundalo, dahil ipinapangako ko kay Yahweh, kapag hindi ka pumunta, wala ni isang taong mananatili sa iyo mamayang gabi. Iyon ay magiging masama para sa iyo kaysa sa lahat ng kapahamakang nangyari sa iyo mula ng iyong kabataan hanggang ngayon.”
8 于是王起来,坐在城门口。众民听说王坐在城门口,就都到王面前。 以色列人已经逃跑,各回各家去了。
Kaya tumayo ang hari at umupo sa tarangkahan ng lungsod, at sinabi ito sa lahat ng kalalakihan, “Tingnan, nakaupo ang hari sa tarangkahan.” Kaya pumunta ang lahat ng mga tao sa harap ng hari. Samantala, sa Israel, tumakas ang bawat tao sa kaniyang tahanan.
9 以色列众支派的人纷纷议论说:“王曾救我们脱离仇敌的手,又救我们脱离非利士人的手,现在他躲避押沙龙逃走了。
Nagtatalo ang lahat ng mga tao sa lahat ng lipi sa buong Israel sinasabing, “Iniligtas tayo ng hari mula sa kamay ng ating mga kaaway. Iniligtas niya tayo mula sa kamay ng mga Filisteo at ngayon naubusan siya ng lungsod mula kay Absalom.
10 我们膏押沙龙治理我们,他已经阵亡。现在为什么不出一言请王回来呢?”
At si Absalom, na ating hinirang para sa atin, ay namatay sa labanan. Kaya bakit hindi natin pag-usapan ang pagbabalik muli ng hari?”
11 大卫王差人去见祭司撒督和亚比亚他,说:“你们当向犹大长老说:‘以色列众人已经有话请王回宫,你们为什么落在他们后头呢?
Nagpadala si Haring David kay Zadok at kay Abiatar ng mga pari na sinasabing, “Kausapin ang mga pinuno ng Juda sabihin na, 'Bakit huli kayo sa pagpapabalik sa hari sa kaniyang palasyo, yamang ang usapin sa buong Israel pinapaboran ang hari, para dalhin siya pabalik sa kaniyang palasyo?
12 你们是我的弟兄,是我的骨肉,为什么在人后头请王回来呢?’
Kayo ang aking mga kapatid na lalaki, aking laman at buto. Bakit kayo ang huling magdadala sa hari pabalik?'
13 也要对亚玛撒说:‘你不是我的骨肉吗?我若不立你替约押常作元帅,愿 神重重地降罚与我!’”
At sabihin kay Amasa, 'Hindi ba ikaw ang aking laman at aking buto? Gagawin sa akin ng Diyos, ng higit pa, kapag hindi ikaw ang kapitan ng aking hukbo mula ngayon sa lugar ni Joab.'”
14 如此就挽回犹大众人的心,如同一人的心。他们便打发人去见王,说:“请王和王的一切臣仆回来。”
At nakuha niya ang mga puso ng lahat ng tao sa Juda, na parang sila ay puso ng isang tao, nang sa gayon nagpadala sila sa hari sinasabing, “Bumalik ka, ikaw at lahat ng iyong kalalakihan.”
15 王就回来,到了约旦河。犹大人来到吉甲,要去迎接王,请他过约旦河。
Kaya bumalik ang hari at dumating sa Jordan. At dumating ang kalalakihan ng Juda sa Gilgal para makipagkita sa hari, para samahan ang hari sa Jordan.
16 巴户琳的便雅悯人、基拉的儿子示每急忙与犹大人一同下去迎接大卫王。
Si Simei anak na lalaki ni Gera, ang lahi ni Benjamin, na nagmula sa Bahurim, ay nagmadaling bumaba kasama ng kalalakihan ng Juda para makipagkita kay Haring David.
17 跟从示每的有一千便雅悯人,还有扫罗家的仆人洗巴和他十五个儿子,二十个仆人;他们都趟过约旦河迎接王。
Mayroong isang libong kalalakihan mula kay Benjamin na kasama niya, at si Ziba ang lingkod ni Saul, at kaniyang labinlimang anak na lalaki at dalawampung lingkod na kasama niya.
18 有摆渡船过去,渡王的家眷,任王使用。 王要过约旦河的时候,基拉的儿子示每就俯伏在王面前,
Tumawid sila sa Jordan sa harap ng hari. Tumawid sila para dalhin ang pamilya ng hari at para gawin ang anumang inisip niyang mabuti. Yumuko si Simei anak na lalaki ni Gera sa hari bago palang niya simulang tawirin ang Jordan.
19 对王说:“我主我王出耶路撒冷的时候,仆人行悖逆的事,现在求我主不要因此加罪与仆人,不要记念,也不要放在心上。
Sinabi ni Simei sa hari, “Huwag, aking panginoon, na hanapin ang pagkakasala at isaisip kung ano ang katigasan ng ulo na ginawa ng iyong lingkod ng araw na umalis sa Jerusalem ang aking panginoon, ang hari. pakiusap, nawa'y hindi isapuso ito ng hari.
20 仆人明知自己有罪,所以约瑟全家之中,今日我首先下来迎接我主我王。”
Dahil alam ng iyong lingkod na ako ay nagkasala. Tingnan mo, kaya pumunta ako sa araw na ito bilang una mula sa lahat ng pamilya ni Jose para pumunta pababa para makipagkita sa aking panginoong hari.”
21 洗鲁雅的儿子亚比筛说:“示每既咒骂耶和华的受膏者,不应当治死他吗?”
Pero sumagot si Abisai anak na lalaki ni Zeruias at sinabing, “Hindi ba kailangang malagay sa kamatayan si Simei dahil dito, dahil nilapastangan niya ang hinirang ni Yahweh?”
22 大卫说:“洗鲁雅的儿子,我与你们有何关涉,使你们今日与我反对呢?今日在以色列中岂可治死人呢?我岂不知今日我作以色列的王吗?”
Pagkatapos sinabi ni David, “Ano ba ang dapat kong gawin sa inyo, kayo na mga anak na lalaki ni Zeruias, na kayo ay maging kaaway ko sa araw na ito? Maaari bang malagay ng sinumang lalaki sa kamatayan sa araw na ito sa Israel? Dahil hindi ko alam na sa araw na ito ako ang hari ng Israel?”
23 于是王对示每说:“你必不死。”王就向他起誓。
Kaya sinabi ng hari kay Simei, “Hindi ka mamamatay.” Kaya nangako ang hari sa kaniya ng isang sumpa.
24 扫罗的孙子米非波设也下去迎接王。他自从王去的日子,直到王平平安安地回来,没有修脚,没有剃胡须,也没有洗衣服。
Pagkatapos bumaba si Mefiboset anak na lalaki ni Saul para makipag-kita sa hari. Hindi niya sinuotan ang kaniyang mga paa, o pinutulan ang kaniyang balbas, o nilabhan ang kaniyang mga damit simula ng araw na umalis ang hari hanggang sa araw na dumating siya ng bahay ng mapayapa.
25 他来到耶路撒冷迎接王的时候,王问他说:“米非波设,你为什么没有与我同去呢?”
At nang dumating siya mula Jerusalem para makipag-kita sa hari, sinabi ng hari sa kaniya, “Bakit hindi ka sumabay sa akin, Mefiboset?”
26 他回答说:“我主我王,仆人是瘸腿的。那日我想要备驴骑上,与王同去,无奈我的仆人欺哄了我,
Sumagot siya, “Aking panginoong hari, nilinlang ako ng aking lingkod, dahil sinabi ko, 'uupo ako sa isang asno para maaari kong sakyan iyon at sumabay sa hari, dahil ang iyong lingkod ay lumpo.'
27 又在我主我王面前谗毁我。然而我主我王如同 神的使者一般,你看怎样好,就怎样行吧!
Siniraan ako ng aking lingkod na si Ziba, ang iyong lingkod, sa aking panginoong hari. Pero ang aking panginoong hari ay gaya ng isang anghel ng Diyos. Sa gayon, gawin ang anumang mabuti sa iyong paningin.
28 因为我祖全家的人,在我主我王面前都算为死人,王却使仆人在王的席上同人吃饭,我现在向王还能辨理诉冤吗?”
Dahil ang lahat ng sambahayan ng aking ama ay mga patay na tao sa harapan ng aking panginoong hari, pero ginawa mo ang iyong lingkod kasama mong kumakain sa iyong mesa. Anong karapatan meron ako para umiyak pa rin ako sa hari?”
29 王对他说:“你何必再提你的事呢?我说,你与洗巴均分地土。”
Pagkatapos sinabi sa kaniya ng hari, “Bakit nagpapaliwanag pa? Napagpasyahan ko na ikaw at si Ziba ang maghahati sa mga lupain.”
30 米非波设对王说:“我主我王既平平安安地回宫,就任凭洗巴都取了也可以。”
Kaya sumagot si Mefiboset sa hari, “Oo, hayaan na makuha niya ang lahat ng ito, yamang dumating ng ligtas ang aking panginoong hari sa kaniyang sariling tahanan.”
31 基列人巴西莱从罗基琳下来,要送王过约旦河,就与王一同过了约旦河。
Pagkatapos bumaba si Barzilai ang lahi ng Galaad mula Rogelim para tumawid sa Jordan kasama ng hari, at sinamahan niya ang hari sa Jordan.
32 巴西莱年纪老迈,已经八十岁了。王住在玛哈念的时候,他就拿食物来供给王;他原是大富户。
Ngayon si Barzilai ay isang napakatandang lalaki, walumpung taong gulang.
33 王对巴西莱说:“你与我同去,我要在耶路撒冷那里养你的老。”
Pinagkalooban niya ang hari ng pangangailangan habang nanatili siya sa Mahanaim, dahil siya ay isang napakayamang tao. Sinabi ng hari kay Barzilai, “Pumunta ka sa akin, at ako ang magbibigay para sa iyo ng matitirahan kasama ko sa Jerusalem.”
34 巴西莱对王说:“我在世的年日还能有多少,使我与王同上耶路撒冷呢?
Sumagot si Barzilai sa hari, “Ilang mga araw nalang ang natitira sa mga taon ng aking buhay, dapat umakyat ako kasama ng hari sa Jerusalem?
35 仆人现在八十岁了,还能尝出饮食的滋味、辨别美恶吗?还能听男女歌唱的声音吗?仆人何必累赘我主我王呢?
Ako ay walumpung taong gulang. Malalaman ko paba ang kaibahan sa pagitan ng mabuti at masama? Malalasahan paba ng iyong lingkod ang aking kakainin o anuman iinumin ko? Makakarinig pa ba ako ng ibang boses ng kumakantang kalalakihan at kumakantang kababaihan? Bakit pa kailangan ng iyong lingkod na maging isang pasanin ng aking panginoong hari?
36 仆人只要送王过约旦河,王何必赐我这样的恩典呢?
Nanaisin nalang ng iyong lingkod na pumunta sa Jordan kasama ng hari. Bakit pa kailangan bayaran ako ng hari ng isang gantimpala?
37 求你准我回去,好死在我本城,葬在我父母的墓旁。这里有王的仆人金罕,让他同我主我王过去,可以随意待他。”
Pakiusap hayaan ang iyong lingkod na bumalik sa tahanan, nang sa gayon ako ay mamatay sa aking sariling lungsod sa libingan ng aking ama at aking ina. Pero tingnan mo, narito ang aking lingkod na si Camaam. Hayaan siyang tumawid kasama ang aking panginoong hari, at gawin sa kaniya anuman sa tingin mo ay mabuti.”
38 王说:“金罕可以与我同去,我必照你的心愿待他。你向我求什么,我都必为你成就。”
Sumagot ang hari, “Aalis si Camaam kasama ko, at gagawin ko para sa kaniya anumans sa tingin mo ay mabuti, at anuman ang nanaisin mo mula sa akin, gagawin ko iyon para sa iyo.”
39 于是众民过约旦河,王也过去。王与巴西莱亲嘴,为他祝福,巴西莱就回本地去了。
Pagkatapos tumawid ang lahat ng mga tao sa Jordan, at tumawid ang hari, at hinalikan ng hari si Barzilai at pinagpala siya. Pagkatapos bumalik si Barzilai sa kaniyang sariling tahanan.
40 王过去,到了吉甲,金罕也跟他过去。犹大众民和以色列民的一半也都送王过去。
Kaya tumawid ang hari patungong Gilgal, at tumawid kasama niya si Camaam. Lahat ng hukbo ng Juda ay dinala ang hari, at kalahati rin ng hukbo ng Israel.
41 以色列众人来见王,对他说:“我们弟兄犹大人为什么暗暗送王和王的家眷,并跟随王的人过约旦河?”
Sa madaling panahon lahat kalalakihan ng Israel ay nag-umpisang pumunta sa hari at sinabi sa hari, “Bakit ang mga kapatid naming lalaki, ang kalalakihan ng Juda, ninakaw kayo palayo at dinala ang hari at kaniyang pamilya sa Jordan, at lahat ng kalalakihan ni David kasama niya?”
42 犹大众人回答以色列人说:“因为王与我们是亲属,你们为何因这事发怒呢?我们吃了王的什么呢?王赏赐了我们什么呢?”
Kaya sumagot ang kalalakihan ng Israel, “Ito ay dahil mas malapit na kamag-anak ang hari sa amin. Kung kaya bakit kayo magagalit tungkol dito? Kinain ba namin ang anumang bagay na kailangan bayaran ng hari? Binigyan ba niya kami ng anumang mga regalo?
43 以色列人回答犹大人说:“按支派,我们与王有十分的情分;在大卫身上,我们也比你们更有情分。你们为何藐视我们,请王回来不先与我们商量呢?” 但犹大人的话比以色列人的话更硬。
Sumagot ang kalalakihan ng Israel sa kalalakihan ng Juda, “Mayroon kaming sampung liping kamag-anak ng hari, kaya mas may karapatan kami kay David kaysa sa inyo. Kung kaya bakit ninyo kami nilinlang? Hindi ba ang aming mungkahi na ibalik ang aming hari ang unang pinakinggan?” Pero ang mga salita ng kalalakihan ng Juda ay naging mas marahas kaysa sa mga salita ng kalalakihan ng Israel.

< 撒母耳记下 19 >