< 历代志下 34 >

1 约西亚登基的时候年八岁,在耶路撒冷作王三十一年。
Walong taong gulang si Josias nang magsimula siyang maghari. Tatlumpu't isang taon siyang naghari sa Jerusalem.
2 他行耶和华眼中看为正的事,效法他祖大卫所行的,不偏左右。
Ginawa niya kung ano ang tama sa mga mata ni Yahweh at sumunod sa mga yapak ni David na kaniyang ninuno, at hindi lumingon sa kanan man o sa kaliwa.
3 他作王第八年,尚且年幼,就寻求他祖大卫的 神。到了十二年才洁净犹大和耶路撒冷,除掉邱坛、木偶、雕刻的像,和铸造的像。
Dahil sa ikawalong taon ng kaniyang paghahari, habang siya ay bata pa, sinimulan niyang hanapin ang Diyos ni David na kaniyang ninuno. Sa ikalabing dalawang taon, sinimulan niyang linisin ang Juda at Jerusalem mula sa mga dambana, mga imahen ni Ashera, at mga inukit na mga imahe, at ang mga molde ng imahe na gawa sa metal.
4 众人在他面前拆毁巴力的坛,砍断坛上高高的日像,又把木偶和雕刻的像,并铸造的像打碎成灰,撒在祭偶像人的坟上,
Giniba ng mga tao ang mga altar ng mga Baal sa kaniyang harapan. Binasag niya ang mga altar ng insenso na nasa ibabaw nila. Giniba niya ang mga imahen ni Ashera at ang mga inukit naimahe sa pira-piraso hanggang sa maging abo ang mga ito. Ikinalat niya ang abo sa mga libingan ng mga taong nag-alay sa mga ito.
5 将他们祭司的骸骨烧在坛上,洁净了犹大和耶路撒冷;
Sinunog niya ang mga buto ng kanilang mga pari sa kanilang mga altar. Sa ganitong paraan, nilinis niya ang Juda at ang Jerusalem.
6 又在玛拿西、以法莲、西缅、拿弗他利各城,和四围破坏之处,都这样行;
Ginawa rin niya ito sa mga lungsod ng Manases, Efraim, at Simeon, hanggang sa Neftali, at sa mga nawasak na lugar na nakapalibot sa kanila.
7 又拆毁祭坛,把木偶和雕刻的像打碎成灰,砍断以色列遍地所有的日像,就回耶路撒冷去了。
Giniba niya ang mga altar, dinurog ang mga imahen ni Ashera at ang mga inukit na imahe hanggang sa naging pulbos ang mga ito, at hinati-hati ang lahat ng altar ng insenso sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Pagkatapos ay bumalik siya sa Jerusalem.
8 约西亚王十八年,净地净殿之后,就差遣亚萨利雅的儿子沙番、邑宰玛西雅、约哈斯的儿子史官约亚去修理耶和华—他 神的殿。
Ngayon sa ikalabing-walong taon ng kaniyang paghahari, matapos linisin ni Josias ang lupain at ang templo, ipinadala niya si Safan na anak ni Azalias, si Maasias, ang gobernador ng lungsod, at si Joas na anak ni Joahaz na nakalihim upang ipaayos ang tahanan ni Yahweh na kaniyang Diyos.
9 他们就去见大祭司希勒家,将奉到 神殿的银子交给他;这银子是看守殿门的利未人从玛拿西、以法莲,和一切以色列剩下的人,以及犹大、便雅悯众人,并耶路撒冷的居民收来的。
Pumunta sila kay Hilkias, ang pinakapunong pari at ipinagkatiwala sa kaniya ang pera na dinala sa tahanan ng Diyos na tinipon ng mga Levita, ng mga bantay ng mga pintuan mula sa Manases at Efraim, mula sa lahat ng mga naninirahan sa Israel, mula sa buong Juda at Benjamin at mula sa mga naninirahan sa Jerusalem.
10 又将这银子交给耶和华殿里督工的,转交修理耶和华殿的工匠,
Ipinagkatiwala nila ang pera sa mga kalalakihang namamahala sa mga gawain sa templo ni Yahweh. Binayaran ng mga kalalakihang ito ang mga manggagawang nag-ayos muli ng templo.
11 就是交给木匠、石匠,买凿成的石头和架木与栋梁,修犹大王所毁坏的殿。
Ibinayad nila ito sa mga karpentero at mga manggagawa, upang bumili ng mga tabas na bato, at mga kahoy na panghalang at para gumawa ng mga barakilan para sa mga gusali na pinabayaan ng ilang mga hari na magiba.
12 这些人办事诚实,督工的是利未人米拉利的子孙雅哈、俄巴底;督催的是哥辖的子孙撒迦利亚、米书兰;还有善于作乐的利未人。
Ginawa ng mga kalalakihan ang kanilang trabaho nang tapat. Ang kanilang mga tagapamahala ay sina Jahat at Obadias, ang mga Levita, na mga anak ni Merari; at sina Zacarias at Mesulam, mula sa mga anak ng mga taga-Kohat. Ang ibang mga Levita, na mahuhusay na manunugtog ay pinamahalaan ang mga trabahador.
13 他们又监管扛抬的人,督催一切做工的。利未人中也有作书记、作司事、作守门的。
Ang mga Levitang ito ang namahala sa mga nagbuhat ng mga materyales na kinakailangan sa gawain at sa lahat ng mga kalalakihang nagtrabaho sa kahit na anong paraan. Mayroon ding mga Levita na mga kalihim, mga administrador at mga bantay ng tarangkahan.
14 他们将奉到耶和华殿的银子运出来的时候,祭司希勒家偶然得了摩西所传耶和华的律法书。
Nang inilabas nila ang salapi na ipinasok sa tahanan ni Yahweh, natagpuan ni Hilkias na pari Ang Aklat ng Kautusan ni Yahweh na ibinigay sa pamamagitan ni Moises.
15 希勒家对书记沙番说:“我在耶和华殿里得了律法书。”遂将书递给沙番。
Sinabi ni Hilkias sa eskribang si Safan, “Natagpuan ko ang Aklat ng Kautusan sa tahanan ni Yahweh.” Dinala ni Hilkias ang aklat kay Safan.
16 沙番把书拿到王那里,回复王说:“凡交给仆人们办的都办理了。
Dinala ni Safan ang aklat sa hari at ibinalita sa kaniya, “Ginagawa ng inyong mga lingkod ang lahat ng ipinagkatiwala sa kanila.
17 耶和华殿里的银子倒出来,交给督工的和匠人的手里了。”
Ibinuhos nila ang salaping natagpuan sa loob ng tahanan ni Yahweh, at ipinagkatiwala nila ito sa mga tagapamahala at sa mga trabahador.”
18 书记沙番又对王说:“祭司希勒家递给我一卷书。”沙番就在王面前读那书。
Sinabi ng eskribang si Safan sa hari, “Binigyan ako ng paring si Hilkias ng isang aklat.” Pagkatapos ay binasa ito ni Safan sa hari.
19 王听见律法上的话,就撕裂衣服,
At nangyari nang marinig ng hari ang mga salita ng kautusan, pinunit niya ang kaniyang mga kasuotan.
20 吩咐希勒家与沙番的儿子亚希甘、米迦的儿子亚比顿、书记沙番,和王的臣仆亚撒雅说:
Inutusan ng hari si Hilkias, si Ahikam na anak ni Safan, si Abdon na anak ni Mica, sa eskribang si Safan, at si Asias na kaniyang sariling lingkod, sinabi niya,
21 “你们去为我、为以色列和犹大剩下的人,以这书上的话求问耶和华;因我们列祖没有遵守耶和华的言语,没有照这书上所记的去行,耶和华的烈怒就倒在我们身上。”
“Pumunta kayo at itanong ninyo ang kagustuhan ni Yahweh para sa akin at para sa mga naiwan sa Israel at sa Juda dahil sa mga salita ng aklat na natagpuan. Sapagkat malaki ang galit ni Yahweh na ibinuhos sa atin. Dahil ang ating mga ninuno ay hindi nakinig sa mga salita ng aklat na ito upang sundin ang lahat ng nakasulat dito.”
22 于是,希勒家和王所派的众人都去见女先知户勒大。户勒大是掌管礼服沙龙的妻,沙龙是哈斯拉的孙子、特瓦的儿子。户勒大住在耶路撒冷第二区;他们请问于她。
Kaya si Hilkias at ang lahat ng inutusan ng hari ay pumunta kay Hulda na isang babaeng propeta, ang asawa ni Sallum na anak ni Tokat na anak ni Hasra, ang tagapag-ingat ng kasuotan (nanirahan siya sa Jerusalem sa Ikalawang Distrito) at nakipag-usap sila sa kaniya sa ganitong paraan:
23 她对他们说:“耶和华—以色列的 神如此说:‘你们可以回复那差遣你们来见我的人说,
Sinabi niya sa kanila, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: 'Sabihin ninyo sa taong nagpadala sa inyo sa akin,
24 耶和华如此说:我必照着在犹大王面前所读那书上的一切咒诅,降祸与这地和其上的居民;
“Ito ang sinasabi ni Yahweh: 'Tingnan ninyo, magpapadala ako ng sakuna sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, ang lahat ng mga sumpang naisulat sa aklat na kanilang nabasa sa harapan ng hari ng Juda.
25 因为他们离弃我,向别神烧香,用他们手所做的惹我发怒,所以我的忿怒如火倒在这地上,总不息灭。’
Dahil tinalikuran nila ako at nagsunog sila ng insenso sa ibang mga diyos, upang galitin ako sa lahat ng kanilang mga ginawa—kung gayon ibubuhos ko ang aking galit sa lugar na ito, at hindi ito mapapawi.”'
26 然而差遣你们来求问耶和华的犹大王,你们要这样回复他说:‘耶和华—以色列的 神如此说:至于你所听见的话,
Ngunit sa hari ng Juda, na siyang nagpadala sa inyo upang tanungin ang kagustuhan ni Yahweh, ito ang sasabihin ninyo sa kaniya: “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Tungkol sa mga salitang narinig mo:
27 就是听见我指着这地和其上居民所说的话,你便心里敬服,在我面前自卑,撕裂衣服,向我哭泣,因此我应允了你。这是我—耶和华说的。
'dahil malambot ang iyong puso at nagpakumbaba ka sa harapan ng Diyos nang marinig mo ang kaniyang mga salita laban sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito, at dahil nagpakumbaba ka sa aking harapan at pinunit mo ang iyong kasuotan at umiyak sa aking harapan, nakinig din ako sa iyo'—ito ang pahayag ni Yahweh.
28 我必使你平平安安地归到坟墓,到你列祖那里,我要降与这地和其上居民的一切灾祸,你也不至亲眼看见。’”他们就回复王去了。
'Tingnan mo, titipunin kita kasama ng iyong mga ninuno at magsasama-sama kayo sa inyong libingan nang payapa, at hindi mo makikita ang anuman sa mga sakunang ibibigay ko sa lugar na ito at sa mga naninirahan dito."”” Kaya dinala ng mga kalalakihan ang mensaheng ito sa hari.
29 王差遣人招聚犹大和耶路撒冷的众长老来。
Pagkatapos nagpadala ng mga mensahero ang hari at tinipon ang lahat ng mga nakatatanda ng Juda at Jerusalem.
30 王和犹大众人,与耶路撒冷的居民,并祭司利未人,以及所有的百姓,无论大小,都一同上到耶和华的殿;王就把殿里所得的约书念给他们听。
Pagkatapos ay umakyat ang hari sa tahanan ni Yahweh, at ang lahat ng mga tao sa Juda at ang mga naninirahan sa Jerusalem, ang mga pari, ang mga Levita, at ang lahat ng tao mula sa mga dakila hanggang sa mga hamak. Binasa niya sa kanila ang lahat ng salita ng Aklat ng Kautusan na natagpuan sa tahanan ni Yahweh.
31 王站在他的地位上,在耶和华面前立约,要尽心尽性地顺从耶和华,遵守他的诫命、法度、律例,成就这书上所记的约言;
Tumayo ang hari sa kaniyang lugar at nakipagtipan sa harap ni Yahweh, na susunod siya kay Yahweh, at susundin niya ang kaniyang mga kautusan, ang kaniyang tipan ng katapatan, at ang kaniyang mga batas nang buong puso at kaluluwa, na susundin niya ang mga salita ng kasunduan na nakasulat sa aklat na ito.
32 又使住耶路撒冷和便雅悯的人都服从这约。于是耶路撒冷的居民都遵行他们列祖之 神的约。
Pinanumpa niya ang lahat ng taong matatagpuan Jerusalem at Benjamin na sumunod sa kasunduan. Ang mga mamamayan ng Jerusalem ay sumunod sa kasunduan ng Diyos, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.
33 约西亚从以色列各处将一切可憎之物尽都除掉,使以色列境内的人都事奉耶和华—他们的 神。约西亚在世的日子,就跟从耶和华—他们列祖的 神,总不离开。
Tinanggal ni Josias ang lahat ng mga kasuklam-suklam na bagay mula sa mga lupain na pagmamay-ari ng mga Israelita. Pinasamba niya ang lahat ng mga Israelita kay Yahweh, na kanilang Diyos. Sa lahat ng kaniyang mga araw, hindi sila tumalikod sa pagsunod kay Yahweh, ang Diyos ng kanilang mga ninuno.

< 历代志下 34 >