< 約伯記 31 >

1 我同我的眼立了約,決不注視處女。
Gumawa ako ng tipan sa aking mga mata; paano kaya ako makakatingin nang may pagnanasa sa isang birhen?
2 天主由上所注定的一分是什麼﹖全能者由高處所給的產業是什麼﹖
Dahil ano ang gantimpala mula sa Diyos sa itaas, ang mana mula sa Makapangyarihan na nasa itaas?
3 豈不是為惡人注定了喪亡,為作孽的人注定了災殃﹖
Dati ay iniisip ko na ang kalamidad ay para sa mga makasalanan, na ang kapahamakan ay para sa mga gumagawa ng kasamaan.
4 他豈不監視我的行徑,計算我的腳步﹖
Hindi ba nakikita ng Diyos ang aking mga pamamaraan at binibilang ang lahat ng aking mga hakbang?
5 我若與虛偽同行,我的腳若趨向詭詐,
Kung ako ay lumakad nang may kasinungalingan, kung ang paa ko ay nagmadali patungo sa panlilinlang,
6 願天主以公正的天平秤量我,他必知道我的純正。
(hayaang ako ay timbangin sa isang parehas na timbangan para malaman ng Diyos ang aking integridad).
7 我的腳步如果離開了正道,我的心如果隨從了眼目之所見,我的手若持有不潔,
kung nalihis mula sa tamang daan ang aking hakbang, kung sumunod ang aking puso sa aking mga mata, kung may anumang bahid ng karumihan ang dumikit sa aking mga kamay,
8 那麼,我種的,情願讓別人來吃;我栽的,情願讓別人拔出。
kung gayon hayaang maghasik ako at hayaang ang iba ang kumain; tunay nga, hayaang bunutin ang ani mula sa aking bukid.
9 我的心如果為婦女所迷,我如果曾在鄰人門口等候婦女,
Kung naakit ang aking puso sa ibang babae, kung ako ay naghintay sa pinto ng aking kapwa para sa kaniyang asawang babae,
10 就讓我的妻子給人推磨,讓別人與她同寢。
kung gayon hayaang gumiling ng butil ang aking asawa para sa ibang lalaki, at hayaang sumiping ang ibang mga lalaki sa kaniya.
11 因為這是淫行,是應受嚴刑的罪惡;
Dahil iyon ay magiging kakila-kilabot na krimen; tunay nga, iyon ay magiging isang krimen na parurusahan ng mga hukom.
12 是一種焚燒至毀滅的火,燒盡我全部產業的火。
Dahil iyon ay isang apoy na sumusunog sa lahat ng bagay para sa sheol at susunugin niyon ang lahat ng aking mga ani.
13 當我的僕婢與我爭執時,我若輕視他們的權利,
Kung hindi ko pinansin ang pagsamo para sa katarungan mula sa aking lalaki o babaeng lingkod nang sila ay nakipagtalo sa akin,
14 天主起來時,我可怎麼辦呢﹖他若追問,我可怎樣回答﹖
ano kung ganoon ang gagawin ko kapag tumayo ang Diyos para akusahan ako? Kapag dumating siya para husgahan ako, paano ko siya sasagutin?
15 在母胎造成我的,不是也造了他們﹖在母胎形成我們的,不是只有他一個﹖
Hindi ba't ginawa rin sila ng siyang gumawa sa akin sa sinapupunan? Hindi ba't pareho ang nag-iisa na bumuo sa ating lahat sa sinapupunan?
16 我何時曾拒絕了窮苦人的渴望,我何時曾使寡婦的眼目頹喪﹖
Kung ipinagkait ko ang mga ninanais ng mga mahihirap, o kung idinulot ko na lumabo ang mga mata ng mga biyuda dahil sa pag-iyak,
17 我何時獨自吃食物,而沒有與孤兒共享﹖
o kung kinain kong mag-isa ang aking pagkain at hindi pinayagang kumain din nito ang mga walang ama -
18 因為天主自我幼年,就像父親教養了我;自我出了母胎,就引導了我。
(sa halip, mula sa aking pagkabata ang ulila ay lumaki kasama ko parang sa isang ama, at ginabayan ko ang kaniyang ina, isang biyuda, mula sa sinapupunan ng sarili kong ina) —
19 如果我見了無衣蔽體的乞丐,無遮蓋的窮人,
kung nakita ko ang sinuman na namatay dahil sa kakulangan ng pananamit, o kung nakita ko ang isang nangangailangang tao na walang pananamit;
20 如果他的心沒有向我道謝,沒有以我的羊毛獲得溫暖,
o kung hindi ako binasbasan ng kaniyang puso dahil hindi siya nainitan ng balahibo ng aking tupa,
21 如果我在城門口見有支持我者,就舉手攻擊無罪者,
kung iniamba ko ang aking kamay laban sa mga taong walang ama dahil nakita ko ang pagsuporta para sa akin sa tarangkahan ng lungsod —
22 那麼,讓我的肩由胛骨脫落,我的胳膊由肘處折斷!
kung ganoon hayaang malaglag ang aking balikat mula sa paypay, at hayaang ang bisig ko ay mabali mula sa hugpungan.
23 因為天主的懲罰使我驚駭,因他的威嚴,我站立不住。
Dahil ang sakuna mula sa Diyos ay magiging malaking takot sa akin; dahil sa kaniyang kamahalan, hindi ko kayang gawin ang mga bagay na ito.
24 我何嘗以黃金為依靠,對純金說過:「你是我的靠山﹖」
Kung ginawa kong aking pag-asa ang ginto, at kung sinabi ko sa mainam na ginto, 'Sa iyo ako may tiwala;'
25 我何嘗因財產豐富,手賺的多而喜樂過﹖
Kung ako ay nagalak dahil labis ang aking kayamanan, dahil kinuha ng aking kamay ang maraming pag-aari;
26 我何時見太陽照耀,月亮皎潔徐行,
kung nakita ko ang araw nang ito ay lumiwanag, o ang buwan na naglalakad sa kaniyang kaliwanagan,
27 我的心遂暗中受到迷惑,我的口遂親手送吻﹖
at kung lihim na naakit ang aking puso, kaya hinalikan ng aking bibig ang aking kamay sa pagsamba sa kanila -
28 這也是應受嚴罰的罪過,因為我背棄了至高的天主。
ito rin ay magiging isang krimen na paparusahan ng mga hukom, sapagkat ikakaila ko sana ang Diyos na nasa itaas.
29 我何時慶幸恨我者遭殃,見他遭遇不幸而得意﹖
Kung nagalak ako sa pagkasira ng sinumang namumuhi sa akin at binati ang aking sarili nang inabutan siya ng sakuna —
30 其實,我沒有容我的口犯罪,詛咒過他的性命。
(tunay nga, hindi ko pinayagan ang aking bibig na magkasala sa pamamagitan ng paghingi ng kaniyang buhay gamit ang isang sumpa)
31 我帳幕內的人是否有人說過:「某人沒有吃飽主人給的肉﹖」
kung hindi kailanman sinabi ng mga tao sa aking tolda, “Sino ang makakahanap ng isang hindi nabusog sa pagkain ni Job?”
32 外方人沒有睡在露天地裏,我的門常為旅客敞開。
(hindi kailanman kinailangan ng dayuhan na manatili sa lansangan; sa halip, lagi kong binubuksan ang aking mga pinto sa manlalakbay)
33 我豈像凡人一樣,掩飾過我的過犯,把邪惡隱藏在胸中﹖
kung, tulad ng sangkatauhan, itinago ko ang aking mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatago ng aking kasalanan sa loob ng aking tunika
34 我豈怕群眾的吵鬧﹖親族的謾罵豈能嚇住我,使我不敢作聲,杜門不出﹖
- dahil kinatakutan ko ang napakaraming tao, dahil lubha akong natakot sa paghamak ng mga pamilya, kung kaya't nanahimik ako at hindi lumabas ng aking bahay.
35 惟願天主俯聽我,這是我最後的要求:願全能者答覆我! 我的對方所寫的狀詞,
O, kung mayroon lang sanang makikinig sa akin! Tingnan ninyo, narito ang aking lagda; hayaang sagutin ako ng Makapangyarihan! Kung nasa akin lang sana ang sakdal na isinulat ng aking kalaban!
36 我要把它背在我肩上,編成我的冠冕。
Tiyak na lantarang dadalhin ko ito sa aking balikat; isusuot ko ito nang tulad ng isang korona.
37 我將像王侯一樣走向他面前,向他一一陳述我的行為。--約伯的話至此為止。
Magpapahayag ako sa kaniya ng isang pagsusulit ng aking mga hakbang; gaya ng isang prinsipeng malakas ang loob, lalapitan ko siya.
38 我的田地若控告我,犁溝若一同哀訴,
Kung sakaling sumigaw laban sa akin ang aking lupain, at ang mga daan ng araro nito ay sama-samang umiyak,
39 我若吃田中的產物而不付代價,或叫地主心靈悲傷,
kung kinain ko ang ani nito nang hindi ito binabayaran o naging dahilan na mamatay ang mga may-ari nito,
40 願此地不再長小麥而長荊棘,不長大麥而長惡草。
kung ganoon hayaang tumubo ang mga tinik sa halip na trigo at damo sa halip na barley.” Tapos na ang mga salita ni Job.

< 約伯記 31 >