< Misirdin qiⱪix 2 >

1 Lawiyning jǝmǝtidin bolƣan bir kixi berip, Lawiyning nǝslidin bolƣan bir ⱪizni hotunluⱪⱪa aldi.
Ngayon isang lalaki sa lipi ng mga Levi ang nakapag-asawa ng isang babaeng Levi.
2 Bu ayal ⱨamilidar bolup, bir oƣul tuƣdi. Ana uning qirayliⱪ ikǝnlikini kɵrüp, uni üq ay yoxurup saⱪlidi.
Nabuntis ang babae at nagsilang ng isang anak na lalaki. Nang makita niya na malusog ang bata, itinago niya ito ng tatlong buwan.
3 Uni yǝnǝ yoxuruxⱪa amalsiz ⱪalƣanda, ⱪomuxtin bir sewǝt yasap, uningƣa yaryelim wǝ mom suwap, balini iqigǝ selip, dǝryaning ⱪirƣiⱪidiki ⱪomuxluⱪ arisiƣa ⱪoyup ⱪoydi.
Pero nang hindi na siya maitago nila, kumuha siya ng isang basket na papirus at sinelyohan ito ng aspalto at alkitran. Pagkatapos nilagay niya dito ang bata at inilagay ito sa mga tambo sa tubig sa tabi ng ilog.
4 Andin balining ⱨǝdisi uningƣa nemǝ bolarkin dǝp yiraⱪtin ⱪarap turdi.
Ang kaniyang kapatid na babae ay nakatayo sa may hindi kalayuan para tingnan kung anong mangyayari sa kaniya.
5 U waⱪitta Pirǝwnning ⱪizi suƣa qɵmülgili dǝrya tǝrǝpkǝ kǝldi; uning qɵriliri dǝrya boyida aylinip yürdi. Pirǝwnning ⱪizi ⱪomuxluⱪning arisida turƣan sewǝtni kɵrüp, has qɵrisini uni elip qiⱪixⱪa ǝwǝtti.
Ang anak na babae ni Paraon ay nagpunta sa ilog para maligo doon habang naglalakad ang kaniyang mga katulong sa tabing ilog. Nakita niya ang basket kasama ng mga tambo at pinapuntahan niya sa kaniyang katulong para kunin ito.
6 U sewǝtni eqip ⱪariwidi, mana, bir oƣul balini kɵrdi wǝ u bala yiƣlap kǝtti. Mǝlikǝ uningƣa iq aƣritip: — Bu xübⱨisizki ibraniylarning baliliridin biri ikǝn, dedi.
Nang buksan niya ito, nakita niya ang bata. Masdan ito, ang bata ay umiiyak. Siya ay nahabag sa kaniya at sinabing, “Ito ay tiyak na isa sa mga sanggol ng mga Hebreo.”
7 U qaƣda balining ⱨǝdisi Pirǝwnning ⱪizidin: — Mǝn berip, sili üqün balini emitip baⱪidiƣan bir ibraniy inik ana tepip kelǝymu? — dǝp soridi.
Pagkatapos sinabi ng kapatid na babae ng bata sa anak na babae ni Paraon, “Maaari ba akong pumunta at kumuha ng isang babaeng Hebreo para alagaan ang sanggol para sa iyo?”
8 Pirǝwnning ⱪizi uningƣa: — Barƣin, dedi. Ⱪiz berip bowaⱪning anisini qaⱪirip kǝldi.
Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa kaniya, “Pumunta ka”. Kaya nagpunta ang batang babae at kinuha ang ina ng sanggol.
9 Pirǝwnning ⱪizi uningƣa: — Bu balini elip ketip mǝn üqün emitip beⱪip bǝr; ⱨǝⱪⱪingni berimǝn, dedi. Xuning bilǝn ayal balini elip ketip, uni emitip baⱪti.
Sinabi ng anak na babae ni Paraon sa ina ng bata, “Kunin mo ang sanggol na ito at alagaan mo siya para sa akin, at bibigyan kita ng mga kabayaran.” Kaya kinuha ng babae ang sanggol at inalagaan siya.
10 Bala qong bolƣanda uni Pirǝwnning ⱪizining ⱪexiƣa elip bardi; u uningƣa oƣul boldi. U: «Mǝn uni sudin qiⱪiriwalƣan» dǝp uningƣa Musa degǝn isimni ⱪoydi.
Nang lumaki na ang sanggol, siya ay dinala niya sa anak na babae ni Paraon, at siya ay naging lalaking anak niya. Pinangalanan niya siyang Moises at sinabing, “Dahil inahon kita mula sa tubig”
11 Musa qong bolƣandin keyinki künlǝrdǝ xundaⱪ boldiki, u ɵz ⱪerindaxlirining yeniƣa bardi wǝ ularning eƣir ǝmgǝkkǝ seliniwatⱪanliⱪini ɵz kɵzi bilǝn kɵrdi. Arida, bir misirliⱪning ibraniy ⱪerindaxliridin birini uruwatⱪanliⱪini kɵrdi.
Nang lumaki na si Moises, pumunta siya sa kaniyang bayan at inobserbahan ang kanilang mahirap na gawain. Nakita niya ang isang taga-Ehipto na sinasaktan ang isang Hebreo, isa sa kaniyang sariling bayan.
12 U tɵt ǝtrapiƣa ⱪarap, adǝm yoⱪluⱪini kɵrüp, ⱨeliⱪi misirliⱪni urup ɵltürüp, ⱪumƣa kɵmüp yoxurup ⱪoydi.
Lumingon siya sa magkabilang banda, at nang makita niya na walang tao doon, pinatay niya ang taga-Ehipto at tinago ang kaniyang katawan sa buhangin.
13 Ətisi u yǝnǝ qiⱪip ⱪariwidi, mana ikki ibraniy bir-biri bilǝn soⱪuxuwatatti; u yolsizliⱪ ⱪiliwatⱪan kixigǝ: — Ɵz ⱪerindixingni nemixⱪa urisǝn? — dedi.
Lumabas siya nang sumunod na araw, at, nakita ang dalawang Hebreo na nag-aaway. Sinabi niya sa isang may sala, “Bakit mo sinasaktan ang iyong kasamahan?”
14 Ⱨeliⱪi kixi jawab berip: — Kim seni bizgǝ ⱨakim wǝ soraⱪqi ⱪilip ⱪoydi? Ⱨeliⱪi misirliⱪni ɵltürginingdǝk menimu ɵltürmǝkqimusǝn? — dedi. Musa bu gǝpni anglap ⱪorⱪup ɵz iqidǝ: «Mǝn ⱪilƣan ix jǝzmǝn axkara bolup ⱪaptu!» dǝp oylidi.
Pero sinabi ng lalaki “Sino ang gumawa sa iyong pinuno at hatulan kami? Pinaplano mo ba akong patayin gaya ng iyong pagpatay sa taga-Ehipto?” Pagkatapos natakot si Moises at sinabing, “Anuman ang ginawa ko ay tiyak na nalaman ng iba.”
15 Pirǝwn ⱨǝm bu ixtin hǝwǝr tepip, Musani ɵltürmǝkqi boldi; lekin Musa Pirǝwnning aldidin ⱪeqip, Midiyan zeminiƣa berip olturaⱪlaxti. Bir küni, u ⱪuduⱪning yeniƣa kelip olturdi.
Ngayon nang marinig ni Paraon ang tungkol dito, sinubukan niyang patayin si Moises. Pero tumakas si Moises mula kay Paraon at nanatili sa lupain ng Midian. Umupo siya doon sa tabi ng isang balon.
16 Midiyanning kaⱨinining yǝttǝ ⱪizi bar idi; ular kelip, atisining ⱪoylirini suƣirixⱪa su tartip oⱪurlarƣa ⱪuyup tolduruxⱪa baxlidi.
Ngayon ang pari ng Midian ay mayroong pitong anak na babae. Dumating sila, umigib ng tubig, at pinuno ang mga labangan para painumin ang kawan ng kanilang ama.
17 U waⱪitta [yǝrlik] padiqilar kelip, ularni ⱨǝydidi, Musa ⱪopup ⱪizlarƣa yardǝm berip, ⱪoylirini suƣirixip bǝrdi.
Dumating ang mga pastol at sinubukang palayasin sila, pero lumapit si Moises at tinulungan sila. Pagkatapos pinainom niya ang kanilang mga kawan.
18 Ular atisi Reuǝlning ⱪexiƣa yenip kǝlgǝndǝ, ulardin: — Nemixⱪa bügün xunqǝ tez yenip kǝldinglar? — dǝp soridi.
Nang pumunta ang mga babae kay Reuel na kanilang ama, sinabi niya, “Bakit maaga kayong nakauwi ngayong araw?”
19 Ular jawab berip: — Bir misirliⱪ adǝm bizni padiqilarning ⱪolidin ⱪutⱪuzdi ⱨǝmdǝ biz üqün su tartip, ⱪoy padimizni suƣiripmu bǝrdi! — dedi.
Sinabi nila, “Tinulungan kami ng isang taga-Ehipto mula sa mga pastol. Ipinag-igib pa nga niya kami ng tubig at pinainom ang mga kawan.”
20 U ⱪizliriƣa: — Undaⱪta u kixi ⱨazir nǝdǝ?! Uni nemixⱪa sirtta taxlap kǝldinglar? Uni tamaⱪⱪa qaⱪiringlar, — dedi.
Sinabi niya sa kaniyang mga anak na babae, “Kaya nasaan siya? Bakit ninyo iniwan ang lalaki? Tawagin ninyo siya para makasabay natin siyang kumain.”
21 Musa u kixi bilǝn billǝ turuxⱪa maⱪul boldi. U ⱪizi Zipporaⱨni uningƣa hotunluⱪⱪa bǝrdi.
Sumang-ayon si Moises na manatili siya kasama ang lalaki, na binigay rin ang kaniyang anak na babae na si Zipora para mapangasawa.
22 U ayal uningƣa bir oƣul tuƣup bǝrdi; Musa «Mǝn yaⱪa yurtta musapirdurmǝn» dǝp, uning ismini Gǝrxom dǝp ⱪoydi.
Siya ay nagsilang ng anak na lalaki, at pinangalanan siya ni Moises na Gersom; sinabi niya, “Ako ay naging isang mamamayan sa isang dayuhang lupain.”
23 Nurƣun künlǝr ɵtüp, Misirning padixaⱨi ɵldi. Israillar ɵz ⱪulluⱪ ⱨaliti tüpǝylidin aⱨ-zar urup, nalǝ-pǝryad kɵtürdi; ⱪulluⱪtin bolƣan pǝryadi Hudaning ⱨuzuriƣa berip yǝtti.
Lumipas ang isang mahabang panahon, ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang mga Israelita ay dumaing dahil sa kanilang pagkaalipin. Sila ay humingi ng tulong, at ang kanilang daing ay nakarating sa Diyos dahil sa kanilang pagkaalipin.
24 Huda ularning aⱨ-zarlirini anglap, Ɵzining Ibraⱨim bilǝn, Isⱨaⱪ bilǝn wǝ Yaⱪup bilǝn tüzgǝn ǝⱨdisini esigǝ aldi.
Nang marinig ng Diyos ang kanilang mga daing, inalala ng Diyos ang kaniyang tipan kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob.
25 Xuning bilǝn Huda Israillarning ⱨal-ǝⱨwalini kɵrdi wǝ Huda ularƣa kɵngül bɵldi.
Nakita ng Diyos ang mga Israelita, at naunawaan niya ang kanilang kalagayan.

< Misirdin qiⱪix 2 >