< Daniyal 12 >
1 — «U qaƣda, ⱪerindaxliringni «ⱪoƣdiƣuqi uluƣ ǝmir» Mikail mǝydanƣa qiⱪidu. Bir azabliⱪ mǝzgil bolidu; yurt-dɵlǝt barliⱪⱪa kǝlgǝndin buyan, xundaⱪ qong balayi’apǝtlik mǝzgil bolup baⱪmiƣan. Biraⱪ xu qaƣda hǝlⱪing ⱪutⱪuzulidu; ularning iqidiki nami ⱨayatliⱪ dǝptirigǝ pütülgǝnlǝrning ⱨǝmmisi nijatliⱪⱪa erixidu.
“Sa panahong iyon, tatayo si Miguel, ang dakilang prinsipe na nagbabantay sa iyong mga kababayan. Magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa nararanasan kailanman magmula nang nagkaroon ng anumang bansa hanggang sa panahong iyon. Sa panahong iyon, maililigtas ang iyong mga kababayan, ang lahat ng pangalang matatagpuang nakasulat sa aklat.
2 Tupraⱪta yatⱪan ɵlüklǝrdin nurƣunliri tirilidu. Ular mǝnggülük ⱨayattin bǝⱨrimǝn bolidu; ⱪalƣanliri nomusta ⱨǝm mǝnggülük rǝswaqiliⱪⱪa tirilidu.
Marami sa mga natutulog sa alabok ng daigdig ang babangon, ang ilan ay sa walang hanggang buhay at ang ilan ay sa kahihiyan at walang hanggang pagdurusa.
3 Aⱪillar asmandiki gümbüzdǝk parlaⱪ julalinidu; nurƣun kixilǝrni ⱨǝⱪⱪaniyliⱪ yoliƣa baxlap kirgǝnlǝr yultuzlarƣa ohxax ǝbǝdil’ǝbǝd parlap turidu».
Ang mga marurunong ay magliliwanag tulad ng liwanag ng kalangitan sa kaitaasan at ang mga nakapagpanumbalik ng marami sa katuwiran ay tulad ng mga bituin magpakailanman.
4 U manga yǝnǝ: — I Daniyal, sǝn ǝmdi bu sɵzlǝrni tohtat; mǝzkur kitabning taki dunyaning ahirⱪi künlirigiqǝ xu peti turuxi üqün uni piqǝtlǝp mɵⱨürliwǝtkin. Nurƣun kixilǝr uyan-buyan yüridu wǝ bilim axidu, — dedi.
Ngunit ikaw Daniel, isara mo ang mga salitang ito; panatilihin mong selyado ang aklat hanggang sa panahon ng pagwawakas. Marami ang magsisitakbuhan paroo't parito at madaragdagan ang kaalaman.”
5 Mǝnki Daniyal kɵrdümki, mana ikki zat, biri dǝryaning bu tǝripidǝ, yǝnǝ biri dǝryaning u tǝripidǝ turuptu.
At ako, si Daniel ay tumingin, at may dalawa pang nakatayo roon. Ang isa ay nakatayo sa dakong gilid ng ilog na ito at ang isa ay nakatayo sa pampang sa kabilang dako ng ilog.
6 Ulardin biri dǝrya süyi üstidǝ turƣan aⱪ kanap kiyim kiygǝn zattin: — Bu karamǝt ixlar tügigiqǝ ⱪanqilik waⱪit ketidu? — dǝp soridi.
Sinabi ng isa sa kanila sa lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig, “Gaano katagal matatapos ang mga kamangha-manghang pangyayaring ito?”
7 U dǝrya süyi üstidǝ turƣan, kanap kiyim kiygǝn zat ong wǝ sol ⱪolini asmanƣa ⱪaritip kɵtürüp, Mǝnggü Ⱨayat Bolƣuqining nami bilǝn ⱪǝsǝm ⱪilip: — Bir waⱪit, ikki waⱪit, ⱪoxumqǝ yerim waⱪit ketidu. [Hudaning] muⱪǝddǝs hǝlⱪini parqiliƣuqi horluⱪ ahirlaxⱪanda, bu ixlar tügǝydu, — dedi.
Narinig ko ang lalaking nakasuot ng telang lino na nasa ibabaw ng tubig—itinaas niya ang kaniyang kanang kamay at kaliwang kamay sa langit at nangako sa nabubuhay magpakailanman na mangyayari ito sa isang panahon, mga panahon at kalahati, ito ay tatlo at kalahating taon. Kapag natapos ang pagsira sa kapangyarihan ng mga banal na tao, matatapos ang lahat ng mga bagay na ito.
8 Uning sɵzini angliƣan bolsammu, mǝnisini qüxǝnmidim. Xunga mǝn: — Tǝⱪsir, bu ixlarning aⱪiwiti ⱪandaⱪ bolidu? — dǝp soridim.
Narinig ko ngunit hindi ko naunawaan. Kaya nagtanong ako, “Panginoon ko, ano ang magiging kahihinatnan ng lahat ng mga bagay na ito?”
9 U manga mundaⱪ dedi: — «Əy Daniyal, yolungƣa mang, qünki bu sɵzlǝr ahir zamanƣiqǝ mǝhpiy tutulup yepiⱪliⱪ turidu.
Sinabi niya, “Makakaalis ka na Daniel sapagkat nakasara ang mga salita at selyado hanggang sa panahon ng pagwawakas.
10 Nurƣun kixilǝr tazilinidu, paklinidu wǝ tawlinidu. Rǝzillǝr bolsa, dawamliⱪ rǝzillik ⱪiliweridu; ulardin ⱨeqkim buni qüxinǝlmǝydu, biraⱪ aⱪillar qüxinidu.
Marami ang dadalisayin, lilinisin at lilinangin ngunit ang mga masasama ay magpapakasama. Wala ni isa sa mga masasama ang makakaunawa, ngunit ang mga marurunong ay makakaunawa.
11 Kündilik ⱪurbanliⱪ sunuxni ǝmǝldin ⱪaldurƣan kündin tartip, yǝni «wǝyran ⱪilƣuqi yirginqlik nomussizliⱪ» ⱪoyulƣan waⱪittin baxlap, bir ming ikki yüz toⱪsan kün ɵtidu.
Mula sa panahong inalis ang karaniwang handog na susunugin at ang pagkasuklam na sanhi ng ganap na pagkawasak ay handa na, magkakaroon ng 1, 290 na mga araw.
12 Ahirƣiqǝ sadiⱪ bolup, bir ming üq yüz ottuz bǝx künni kütüp ɵtküzgǝnlǝr nemidegǝn bǝhtlik-ⱨǝ!
Mapalad ang mga naghihintay hanggang sa matapos ang 1, 335 na mga araw.
13 Əmma sǝn bolsang, ahirƣiqǝ yolungda mengiwǝrgin. Sǝn aram tapisǝn, wǝ künlǝrning ahirida nesiwǝnggǝ muyǝssǝr boluxⱪa ⱪayta tirilisǝn».
Kinakailangan mong manatili sa iyong kaparaanan hanggang sa huli at mamamahinga ka. Tatayo ka sa lugar na itinalaga sa iyo sa mga huling araw.”