< До римлян 12 >

1 Тож благаю вас, браття, через Боже милосердя, — повіддавайте ваші тіла на жертву живу, святу, приємну Богові, як розумну службу вашу,
Kaya hinihikayat ko kayo, mga kapatid, alang-alang sa habag ng Diyos, na ialay ninyo ang inyong mga katawan na isang buhay na alay, banal, katanggap-tanggap sa Diyos. Ito ang inyong nararapat na paglilingkod.
2 і не стосу́йтесь до віку цього, але перемініться відно́вою вашого розуму, щоб пізнати вам, що́ то є воля Божа, — добро, приємність та доскона́лість. (aiōn g165)
Huwag kayong umayon sa mundong ito, ngunit mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip. Gawin ninyo ito upang malaman ninyo kung ano ang mabuti, katanggap-tanggap, at ganap na kalooban ng Diyos. (aiōn g165)
3 Через да́ну мені благода́ть кажу́ кожному з вас не ду́мати про себе більш, ніж належить ду́мати, але ду́мати скромно, у міру віри, як кожному Бог наділи́в.
Sapagkat, dahil sa biyayang ibinigay sa akin, sinasabi ko na ang bawat isa sa inyo ay huwag mag-isip na mas mataas ang inyong sarili kaysa sa nararapat ninyong isipin. Sa halip, dapat kayong mag-isip ng may karunungan, ayon sa sukat ng pananampalataya na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.
4 Бо як в однім тілі маємо багато членів, а всі члени мають не однакове ді́яння,
Sapagkat marami tayong bahagi sa iisang katawan, ngunit hindi lahat ng mga bahagi ay may pare-parehong tungkulin.
5 так багато нас є одне тіло в Христі, а зосібна ми один о́дному члени.
Gayon din naman, tayo na marami ay iisang katawan kay Cristo, at ang bawat isa ay bahagi ng isa't isa.
6 І ми маємо різні да́ри, згідно з благода́ттю, да́ною нам: коли пророцтво — то виконуй його́ в міру віри,
Mayroon tayong iba't ibang kaloob ayon sa biyayang ibinigay sa atin. Kung ang kaloob ng isa ay paghahayag ng propesiya, gawin niya ito ayon sa sukat ng kaniyang pananampalataya.
7 а коли служіння — будь на служі́ння, коли вчитель — на навча́ння,
Kung ang kaloob ng isa ay paglilingkod, hayaan siyang maglingkod. Kung ang isa ay may kaloob ng pagtuturo, hayaan siyang magturo.
8 коли втіши́тель — на потіша́ння, хто подає — у простоті, хто голову́є — то з пильністю, хто милосе́рдствує — то з привітністю!
Kung ang kaloob ng isa ay pagpapalakas ng loob, hayaan siyang magpalakas ng loob. Kung ang kaloob ng isa ay pagbibigay, hayaan siyang gawin ito ng may kagandahang-loob. Kung ang kaloob ng isa ay pamumuno, gawin ito ng may pag-iingat. Kung ang kaloob ng isa ay pagpapakita ng awa, gawin ito ng may kagalakan.
9 Любов нехай буде нелицемірна; нена́видьте зло та тулі́ться до доброго!
Ang pag-ibig ay maging walang pagkukunwari. Kasuklaman kung ano ang masama; panghawakan kung ano ang mabuti.
10 Любіть один о́дного братньою любов'ю; випереджа́йте один о́дного пошаною!
Patungkol sa pag-ibig ng mga kapatid, maging magiliw kayo sa isa't isa. Patungkol sa kapurihan, igalang ninyo ang isa't isa.
11 У ре́вності не лінуйтеся, духом палайте, служіть Господе́ві,
Patungkol sa pagsisikap, huwag mag-atubili. Patungkol sa espiritu, maging masigasig. Patungkol sa Panginoon, maglingkod sa kaniya.
12 тіштесь надією, утиски терпіть, перебувайте в молитві,
Magalak sa pag-asang mayroon kayo tungkol sa hinaharap. Maging matiisin sa inyong mga kabalisahan. Magpatuloy sa pananalangin.
13 беріть у́діл у потребах святих, будьте гостинні до чужи́нців!
Tumulong sa pangangailangan ng mga mananampalataya. Humanap ng maraming paraan upang ipakita ang magiliw na pagtanggap sa iba.
14 Благословляйте тих, хто вас переслідує; благословляйте, а не проклинайте!
Pagpalain ninyo ang mga umaapi sa inyo; pagpalain at huwag isumpa.
15 Тіштеся з тими, хто тішиться, і плачте з отими, хто плаче!
Makipaggalak kayo sa mga nagagalak; makipagtangis kayo sa mga tumatangis.
16 Ду́майте між собою одна́ково; не величайтеся, але́ наслідуйте слухня́них; „не вважайте за мудрих себе!“
Magkaisa kayo ng pag-iisip. Huwag mag-isip sa mga paraang mapagmataas, ngunit tanggapin ang mga mabababang tao. Huwag maging marunong sa inyong mga sariling isipan.
17 Не платіть ніко́му злом за зло, дбайте про добре перед усіма́ людьми́!
Huwag gantihan ang sinuman ng masama sa masama. Gumawa ng mga mabubuting bagay sa paningin ng lahat ng tao.
18 Коли можливо, якщо це залежить від вас — живіть у мирі зо всіма́ людьми́!
Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng tao.
19 Не мстіться самі, улю́блені, але дайте місце гніву Божому, бо написано: „Мені помста належить, Я відплачу́, говорить Господь“.
Huwag ipaghiganti ang inyong mga sarili, mga minamahal, ngunit bigyang daan ang galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat na, “'Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti,' sinasabi ng Panginoon.”
20 Отож, як твій ворог голодний, — нагодуй його; як він пра́гне, — напій його, бо, роблячи це, ти згорта́єш розпа́лене ву́гілля йому на голову.
“Ngunit kung ang iyong kaaway ay nagugutom, pakainin mo siya. Kung siya ay nauuhaw, bigyan mo siya ng maiinom. Sapagkat kung gagawin mo ito, nagtatambak ka ng mga baga ng apoy sa kaniyang ulo.”
21 Не будь переможений злом, але перемагай зло добром!
Huwag kang magpadaig sa kasamaan, ngunit daigin mo ng mabuti ang kasamaan.

< До римлян 12 >