< Псалми 45 >

1 Для дириґента хору. На „Лілеї“. Синів Коре́євих. Псалом навча́льний. Пісня любови. Моє серце брини́ть добрим словом, проказую я: Для Царя мої тво́ри, мій язик — мов перо скоропи́сця!
Nag-uumapaw ang aking puso sa mabuting paksa; babasahin ko nang malakas ang mga salita na aking isinulat tungkol sa hari; ang aking dila ang panulat ng isang manunulat na handa.
2 Ти кращий від лю́дських синів, в Твоїх устах розлита краса́ та добро́, тому благослови́в Бог навіки Тебе.
Ikaw ay mas makisig kaysa mga anak ng tao; biyaya ay binuhos sa iyong mga labi; kaya alam namin na pinagpala ka ng Diyos magpakailanman.
3 Прив'яжи до стегна́ Свого, Сильний, Свого меча, красу́ Свою́ та вели́чність Свою́,
Ilagay mo ang iyong espada sa iyong hita, ikaw na makapangyarihan, sa iyong kaluwalhatian at kamaharlikahan.
4 і в вели́чності Своїй сідай, та й ве́рхи помчися за справи правди, і ла́гідности та справедливости, — і на́вчить Тебе страшних чинів прави́ця Твоя́!
Sa iyong kamaharlikahan matagumpay kang sumakay dahil sa pagiging mapagkakatiwalaan, kapakumbabaan at katuwiran; ituturo ng iyong kanang kamay ang mga katakot-takot na mga bagay.
5 Твої стрі́ли наго́стрені, — а від них під Тобою наро́ди попа́дають, — у серце Царськи́х ворогів.
Ang iyong mga palaso ay matalim; ang mga tao ay babagsak sa iyong ilalim; ang iyong mga palaso ay nasa puso ng mga kalaban ng hari.
6 Престол Твій, о Боже, на вічні віки́, берло правди — берло Царства Твого́.
Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanpaman; ang setro ng katarungan ay setro ng iyong kaharian.
7 Ти полюбив справедливість, а беззако́ння знена́видів, тому́ намасти́в Тебе Бог, Твій Бог, оливою радости понад друзів Твоїх.
Minamahal mo ang matuwid at kinasusuklaman ang kasamaan; kaya O Diyos, ang iyong Diyos, ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan na higit sa iyong mga kasamahan.
8 Ми́ро, ало́е й кассі́я — всі ша́ти Твої, а з палат із слоно́вої кости — струни Тебе звесели́ли.
Ang lahat ng iyong kasuotan ay amoy mira, mga sabila at kasia; mula sa mga palasyong gawa sa garing pinasasaya kayo ng mga instrumentong may kwerdas.
9 Серед ска́рбів Твоїх — царські до́чки, по правиці Твоїй стала цариця в офі́рському щирому золоті.
Ang mga anak na babae ng mga hari ay kabilang sa mga kagalang-galang na kababaihan; sa iyong kanang kamay nakatayo ang reyna na nadaramtan ng ginto ng Ophir.
10 Слухай, до́чко, й побач, і нахили своє ухо, — і забудь свій наро́д і дім батька свого́!
Makinig ka, anak na babae, isaalang-alang mo at ikiling ang iyong pandinig; kalimutan mo ang iyong sariling bayan at ang tahanan ng iyong ama.
11 А Цар буде жадати твоєї краси́, бо Він — твій Госпо́дь, а ти до землі Йому кланяйся.
Sa ganitong paraan nanaisin ng hari ang iyong kagandahan; siya ang iyong panginoon; igalang mo siya.
12 А Ти́рська дочка́ прийде з да́ром, будуть благати тебе найбагатші з наро́ду.
Ang anak na babae ng Tiro ay pupunta na may dalang isang handog; ang mga mayayaman kasama ng mga tao ay magmamakaawa ng iyong tulong.
13 Вся оздо́ба царсько́ї дочки́ — усере́дині, шата ж її погапто́вана золотом.
Ang maharlika na anak na babae sa palasyo ay lahat maluwalhati; ang kaniyang kasuotan ay ginto ang palamuti.
14 У ша́ти гапто́вані вбрану прова́дять її до Царя, за нею дівча́та, подру́ги її, до Тебе прова́джені.
Dadalhin siya sa hari na may binurdahang damit, ang mga birhen, ang mga kasama niyang sumusunod sa kanya ay dadalhin sa iyo.
15 Провадять їх з ра́дощами та поті́хою, — у палату царську́ вони ві́йдуть.
Pangungunahan (sila) ng kagalakan at pagsasaya; at sa palasyo ng hari papasok (sila)
16 Замість батькі́в Твоїх бу́дуть сини́ Твої, — їх по ці́лій землі Ти поставиш воло́дарями.
Sa lugar ng iyong mga ama naroon ang iyong mga anak, na siyang gagawin mong mga prinsipe sa buong mundo.
17 Я буду Ім'я́ Твоє зга́дувати по всіх поколіннях, тому́ то наро́ди по вічні віки Тебе сла́вити будуть!
Gagawin ko ang lahat para ang iyong pangalan ay maalala ng lahat ng salinlahi; kaya ang mga tao ay bibigyan ka ng pasasalamat magpakailanpaman.

< Псалми 45 >