< Псалми 4 >
1 Для дириґе́нта хору. На струнних знаря́ддях. Псало́м Давидів. Коли кли́чу, — озвися до мене, Боже правди моєї, Ти про́стір для мене робив у тісноті́ … Помилуй мене, і почу́й молитву мою!
Tumugon ka kapag ako ay nananawagan, Diyos ng aking katuwiran; bigyan mo ako ng silid kapag ako ay napapalibutan. Kaawaan mo ako at makinig ka sa aking panalangin.
2 Лю́дські сини, — доки слава моя буде га́ньбитись? Доки будете марне любити, шукати неправди? (Се́ла)
Kayong mga tao, gaano ninyo katagal papalitan ang aking karangalan ng kahihiyan? Gaano ninyo katagal mamahalin ang mga walang halaga at maghahangad ng mga kasinungalingan? (Selah)
3 І знайте, що святого для Себе Господь відділив, почує Господь, як я кликати буду до Нього!
Pero alamin ninyo na hinihiwalay ni Yahweh ang mga maka-Diyos para sa kaniyang sarili. Didinig si Yahweh kapag tumatawag ako sa kaniya.
4 Гнівайтеся, та не грішіть; на ложах своїх розмишляйте у ваших серця́х, та й мовчіть! (Села)
Manginig kayo sa takot, pero huwag kayong magkasala! Magnilay-nilay sa inyong puso sa inyong higaan at manahimik. (Selah)
5 Жертви правди прино́сьте, і наді́йтесь на Господа.
Ihandog ang mga alay ng katuwiran at ilagay ang inyong tiwala kay Yahweh.
6 Багато-хто кажуть: „Хто нам покаже добро́?“Підійми ж на нас, Господи, світло Свого лиця!
Maraming nagsasabi, “Sino ang magpapakita ng anumang kabutihan sa atin?” Yahweh, itaas mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ти даєш більшу радість у серці моїм, ніж у них, як помно́жилося їхнє збіжжя та їхнє вино молоде.
Binigyan mo ang aking puso ng higit na kagalakan kaysa sa iba tuwing sumasagana ang kanilang mga butil at bagong alak.
8 У споко́ї я ляжу, і засну́, бо Ти, Господи, єдиний даєш мені жити безпе́чно!
Sa kapayapaan, ako ay hihiga at matutulog, dahil tanging ikaw, Yahweh, ang nagliligtas at nagpapatiwasay sa akin.