< Псалми 102 >
1 Молитва вбогого, коли він слабне та перед Господнім лицем виливає мову свою. Господи, ви́слухай молитву мою, і блага́ння моє нехай ді́йде до Тебе!
Dinggin mo ang aking panalangin, Yahweh; dinggin mo ang aking pag-iyak sa iyo.
2 Не ховай від мене обличчя Свого́, в день недолі моєї — схили Своє ухо до ме́не, в день блага́ння озвися неба́вом до мене!
Huwag mong itago ang iyong mukha mula akin sa oras ng aking kaguluhan. Makinig ka sa akin. Kapag ako ay nanawagan sa iyo, agad mo akong sagutin.
3 Бо минають, як дим, мої дні, а кості мої — немов ви́сохли в о́гнищі.
Dahil lumilipas na parang usok ang aking mga araw, at nasusunog ang aking mga buto tulad ng apoy.
4 Як трава та — поби́те та ви́сохло серце моє, так що я забував їсти хліб свій.
Nadudurog ang aking puso, at tulad ako ng damo na natutuyo. Nalilimutan kong kumain ng anumang pagkain.
5 Від зо́йку стогна́ння мого прили́пли до тіла мого мої кості.
Sa patuloy kong pagdaing, labis akong pumayat.
6 Уподо́бився я пелика́нові пустині, я став, як той пу́гач руїн!
Tulad ako ng isang pelikano sa kaparangan; ako ay naging tulad ng isang kwago sa wasak na lugar.
7 Я безсонний, і став, немов пташка само́тня на да́сі.
Gising akong nakahiga na parang isang malungkot na ibon, nag-iisa sa bubungan.
8 Увесь день ображають мене вороги́ мої, ті, хто з мене кепку́є, заприсяглись проти мене!
Buong araw akong tinutuya ng aking mga kaaway; ginagamit ang aking pangalan sa mga pagsumpa ng mga nanlilibak sa akin.
9 І по́піл я їм, немов хліб, а напо́ї свої із плаче́м перемі́шую, —
Kumakain ako ng abo tulad ng tinapay at hinahaluan ng mga luha ang aking inumin.
10 через гнів Твій та лютість Твою, бо підняв був мене Ти та й кинув мене́.
Dahil sa iyong matinding galit, binuhat mo ako para ibagsak.
11 Мої дні — як похи́лена тінь, а я сохну, немов та трава!
Ang aking mga araw ay tulad ng isang anino na unti-unting nawawala, at natutuyo ako tulad ng damo.
12 А Ти, Господи, бу́деш повік пробува́ти, а пам'ять Твоя — з роду в рід.
Pero ikaw, Yahweh, ay nabubuhay magpakailanman, at ang katanyagan mo ay para sa lahat ng mga salinlahi.
13 Ти встанеш та змилуєшся над Сіо́ном, бо час учини́ти йому милосердя, бо прийшов речене́ць,
Babangon ka at maaawa sa Sion. Panahon na ngayon para kaawaan siya; dumating na ang takdang oras.
14 бо раби Твої покоха́ли й камі́ння його́, і порох його полюбили!
Dahil minamahal ng iyong mga lingkod ang kanyang mga bato at nahahabag sa alikabok ng kanyang pagkawasak.
15 І будуть боятись наро́ди Господнього Йме́ння, а всі зе́мні царі — слави Твоєї.
Igagalang ng mga bansa ang iyong pangalan, Yahweh, at pararangalan ng lahat ng mga hari sa daigdig ang iyong kaluwalhatian.
16 Бо Господь побудує Сіона, поя́виться в славі Своїй.
Muling itatayo ni Yahweh ang Sion at makikita sa kanyang kaluwalhatian.
17 До молитви забутих зве́рнеться Він, і моли́тви їхньої не осоро́мить.
Sa oras na iyon, tutugon siya sa panalangin ng dukha; hindi niya tatanggihan ang kanilang panalangin.
18 Запишеться це поколі́нню майбу́тньому, і наро́д, який ство́рений буде, хвали́тиме Господа,
Ito ay masusulat para sa mga darating na salinlahi, at pupurihin si Yahweh ng isang bayan na hindi pa ipinapanganak.
19 бо споглянув Він із високо́сти святої Своєї, Господь зо́рив на землю з небе́с,
Dahil tumingin siya pababa mula sa kanyang banal na kaitaasan; mula sa langit tiningnan ni Yahweh ang daigdig,
20 щоб почути зідха́ння ув'я́зненого, щоб на смерть прироко́ваних ви́зволити,
para dinggin ang pagdaing ng mga bilanggo, para palayain ang mga nahatulan ng kamatayan.
21 щоб розповіда́ти про Йме́ння Господнє в Сіоні, а в Єрусалимі — про славу Його,
Pagkatapos ihahayag ng mga tao ang pangalan ni Yahweh sa Sion at ang kanyang papuri sa Jerusalem
22 коли ра́зом зберу́ться наро́ди й держа́ви служи́ти Господе́ві.
sa panahon na ang mga tao at mga kaharian ay magtitipon para paglingkuran si Yahweh.
23 Мою силу в дорозі Він ви́снажив, дні мої скороти́в.
Inalis niya ang aking kalakasan sa kalagitnaan ng aking buhay. Pinaikli niya ang aking mga araw.
24 Я кажу́: „Боже мій, — не бери Ти мене в половині днів моїх! Твої ро́ки — на вічні віки.
Sinabi ko, “Aking Diyos, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking buhay; naririto ka sa lahat ng mga salinlahi.
25 Колись землю Ти був закла́в, а небо — то чин Твоїх рук, —
Nang mga sinaunang panahon inilagay mo sa lugar ang daigdig; ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay.
26 позникають вони, а Ти бу́деш стояти. І всі вони, як оде́жа, загинуть, Ти їх зміниш, немов те вбрання́, — і мину́ться вони.
Mawawala (sila) pero mananatili ka; tatanda silang lahat tulad ng isang damit; tulad ng pananamit, huhubarin mo (sila) at maglalaho (sila)
27 Ти ж — Той Самий, а роки Твої не закі́нчаться!
Pero wala kang pagbabago, at ang mga taon mo ay hindi magwawakas.
28 Сини Твоїх рабів будуть жити, а їхнє насіння стоя́тиме міцно перед обличчям Твоїм!“
Patuloy na mabubuhay ang mga anak ng iyong mga lingkod, at ang kanilang mga kaapu-apuhan ay mabubuhay sa iyong presensya.