< Приповісті 17 >

1 Ліпший черствий кусок зо споко́єм, ніж дім, повний у́чти м'ясної зо сваркою.
Mas mabuti na magkaroon ng tahimik na may isang subong tuyong tinapay kaysa sa isang bahay na puno ng kapistahan na mayroong pagkaka-alitan.
2 Раб розумний панує над сином безпутнім, і серед братів він поділить спа́док.
Ang isang matalinong alipin ay mamamahala sa isang anak na gumagawa ng kahihiyan at makikibahagi ng mana gaya ng isa sa magkakapatid.
3 Для срі́бла — топи́льна посу́дина, а го́рно — для золота, Господь же серця випробо́вує.
Ang tunawan ng metal ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto, ngunit dinadalisay ni Yahweh ang mga puso.
4 Лиходій слухається уст безбожних, слухає неправдомо́в язика лиході́йного.
Ang taong gumagawa ng masama ay nakikinig sa mga taong nagsasalita ng kasamaan; Ang sinungaling ay nagbibigay pansin sa mga taong nagsasalita ng mga masasamang bagay.
5 Хто сміється з убогого, той ображає свого Творця, хто радіє з нещастя, — не буде такий без вини.
Ang sinumang nanglalait sa mahirap ay hinahamak ang kanyang Tagapaglikha, at ang taong nagagalak sa kasawian ay hindi makakaligtas sa kaparusahan.
6 Корона для ста́рших — ону́ки, а пишно́та дітей — їхні батьки́.
Ang mga apo ay korona ng mga matatanda, at ang mga magulang ay nagbibigay dangal sa kanilang mga anak.
7 Не присто́йна безумному мова поважна, а тим більше шляхе́тному — мова брехли́ва.
Ang mahusay na pananalita ay hindi angkop para sa isang mangmang; lalong hindi angkop ang mga labing sinungaling para sa isang maharlika.
8 Хабар в о́чах його власника́ — самоцві́т: до всьо́го, до чого пове́рнеться, буде щасти́ти йому́.
Ang suhol ay parang isang mahikang-bato sa isang nagbibigay nito; saan man siya dumako, siya ay magtatagumpay.
9 Хто шукає любови — провину ховає, хто ж про неї повто́рює, розго́нює дру́зів.
Ang sinumang nagpapaumanhin sa paglabag ay naghahanap ng pagmamahal, pero ang sinumang umuulit sa isang bagay ay nagpapalayo sa mga malalapit na kaibigan.
10 На розумного більше впливає одне остере́ження, як на глупака́ сто ударів.
Ang pagsaway ay taimtim na tumutungo sa isang tao na may pang-unawa kaysa sa isang daang dagok sa isang hangal.
11 Злий шукає лише неслухня́ности, та вісник жорстокий на нього пошлеться.
Ang masamang tao ay naghahanap lamang ng himagsikan, kaya ang isang malupit na mensahero ay ipapadala laban sa kaniya.
12 Ліпше спітка́ти обезді́тнену ведмедицю, що кидається на люди́ну, аніж нерозумного в глупо́ті його.
Mabuti pa na makasalubong ang isang inahing oso na ninakawan ng anak kaysa makatagpo ng isang mangmang sa kanyang kahangalan.
13 Хто відплачує злом за добро, — не відступить лихе з його дому.
Kung ang isang tao ay nagbabalik ng masama para sa mabuti, hindi kailanman iiwan ng kasamaan ang kaniyang tahanan.
14 Почин сварки — то про́рив води, тому перед ви́бухом сварки покинь ти її!
Ang simula ng hindi pagkakasundo ay gaya ng isang taong nagpapakawala ng tubig sa lahat ng dako, kaya lumayo ka sa mga pagtatalo bago ito magsimula.
15 Хто оправдує несправедливого, і хто засуджує праведного, — оби́два вони Господе́ві оги́дні.
Ang sinumang nagpapawalang-sala sa mga masasamang tao o humahatol sa mga taong gumagawa ng tama—kapwa ang mga taong ito ay karumal-dumal kay Yahweh.
16 На́що ті гроші в руці нерозумного, щоб мудрість купити, як мо́зку нема?
Bakit kailangang magbayad ng salapi ang isang mangmang para matuto tungkol sa karunungan, kung wala naman siyang kakayahang matutunan ito?
17 Правдивий друг любить за всякого ча́су, в недолі ж він робиться братом.
Ang kaibigan ay mapagmahal sa lahat ng oras, at ang kapatid ay isinilang para sa mga oras ng kaguluhan.
18 Люди́на, позба́влена розуму, ру́читься, — пору́ку дає за друга свого.
Ang taong walang isip ay gumagawa ng mga pangakong kailangang tuparin at mananagot sa mga utang ng kaniyang kapwa.
19 Хто сварку кохає, той любить гріх; хто ж підвищує уста свої, той шукає нещастя.
Ang sinuman na nagmamahal sa mga hidwaan ay nagmamahal sa kasalanan; Ang taong gumagawa ng mataas na pintuan ay sanhi para ang buto ay mapilayan.
20 Люди́на лукавого серця не зна́йде добра, хто ж лука́вить своїм язико́м, упаде в зло.
Ang taong may mandarayang puso ay walang mabuting bagay na matatagpuan. Ang taong may napakasamang dila ay nahuhulog sa kapahamakan.
21 Хто родить безумного, родить на смуток собі, і не поті́шиться батько безглуздого.
Kung sinumang umanak ng isang hangal ay magdudulot ng kapighatian sa kanyang sarili; Kung sinumang umaruga ng isang hangal ay hindi makakapagdiwang.
22 Серце радісне добре лікує, а пригно́блений дух сушить ко́сті.
Ang isang masayahing puso ay mainam na gamot, pero ang mabigat na kalooban ay nakakatuyo ng mga buto.
23 Безбожний таємно бере хабара́, щоб зігнути путі правосу́ддя.
Ang masamang tao ay tumatanggap ng suhol na palihim para iligaw ang mga daan ng katarungan.
24 З обличчям розумного — мудрість, а очі глупця́ — аж на кінці землі.
Ang taong mayroong pang-unawa ay itinutuon ang kanyang mukha sa karunungan, pero ang mga mata ng isang hangal ay nakatuon sa dulo ng daigdig.
25 Нерозумний син — смуток для батька, для своєї ж родительки — гі́ркість.
Ang isang mangmang na anak ay pighati sa kanyang ama at kapaitan sa babaeng nagsilang sa kanya,
26 Не добре карати справедливого, бити шляхе́тних за щирість!
At saka, hindi kailanman mabuting parusahan ang sinumang gumagawa ng tama; ni hindi mabuting paluin ang mga taong marangal na taglay ang katapatan.
27 Хто слова́ свої стримує, той знає пізна́ння, і холоднокро́вний — розумна люди́на.
Ang isang may kaalaman ay gumagamit ng kaunting mga salita at ang mahinahon ay may pang-unawa.
28 І глупа́к, як мовчить, уважається мудрим, а як у́ста свої закриває — розумним.
Kahit ang isang mangmang ay iisiping marunong kapag siya ay nananahimik; kung pinapanatili niyang tikom ang kaniyang bibig, siya ay itinuturing na matalino.

< Приповісті 17 >