< Михей 3 >
1 А я відказав: Послухайте ж, го́лови Якова та начальники дому Ізраїля, — чи ж не ва́м знати право?
Sinabi ko, “Ngayon makinig kayong mga pinuno ni Jacob at mga tagapamahala sa sambahayan ng Israel. Hindi ba matuwid para sa inyo na unawain ang katarungan?
2 Добро ви нена́видите та кохаєте зло, шкіру їхню здираєте з них, а їхнє тіло — з косте́й їхніх.
Kayong napopoot sa kabutihan at umiibig sa kasamaan, kayo na pumilas ng kanilang balat, ng kanilang laman mula sa kanilang mga buto—
3 Ви оста́нок наро́ду Мого їсте та стягаєте з них їхню шкіру, а їхні кості ламаєте, і січе́те, немов до горня́ти, і мов м'ясо в котел.
kayo rin na kumakain ng laman ng aking mga tao at pumipilas ng kanilang balat, bumabali ng kanilang mga buto at tumatadtad sa mga ito, tulad ng karne sa palayok, tulad ng karne sa kaldero.
4 Вони тоді кли́кати будуть до Господа, та Він відповіді їм не дасть, і заховає обличчя Своє того ча́су від них, коли будуть робити лихі свої вчинки.
At kayong mga tagapamahala ay dadaing kay Yahweh, ngunit hindi niya kayo sasagutin. Ikukubli niya ang kaniyang mukha mula sa inyo sa panahong iyon, dahil gumawa kayo ng mga masamang gawa.”
5 Так говорить Госпо́дь на пророків, що вводять наро́д Мій у блуд, що зубами своїми гризу́ть та покли́кують: „Мир!“А на то́го, хто їм не дає що до рота, на ньо́го святую війну оголо́шують.
Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking mga tao: “Sapagkat sinasabi nila sa mga nagpapakain sa kanila, 'Magkakaroon ng kasaganaan.' Ngunit para sa mga walang maisubo sa kanilang mga bibig, nagsisimula sila ng isang digmaan laban sa kaniya.
6 Тому буде вам ніч, щоб не стало видіння, і сте́мніє вам, щоб не чарува́ти. І над тими пророками сонце зако́титься, і над ними поте́мніє день.
Kaya, ito ay magiging gabi sa inyo na hindi na kayo magkakaroon ng pangitain; ito ay magiging madilim upang hindi kayo makapanghuhula. Lulubog ang araw sa mga propeta at magdidilim ang umaga sa kanila.
7 І посоро́млені будуть такі прозорли́вці, і будуть засти́джені чарівники́, і всі вони свої у́ста закриють, бо не буде їм Божої відповіді.
Mapapahiya ang mga propeta at malilito ang mga manghuhula. Tatakpan nilang lahat ang kanilang mga labi, sapagkat walang sagot na magmumula sa akin.”
8 А я́ повний сили й Госпо́днього Духа, і правди й відваги, щоб представити Якову про́гріх його, а Ізраїлеві — його гріх.
Ngunit para sa akin, puno ako ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Espiritu ni Yahweh at puno rin ako ng katarungan at lakas, upang ipahayag kay Jacob ang kaniyang pagsuway, at kay Israel ang kaniyang kasalanan.
9 Почуйте ж це, го́лови дому Якового та начальники дому Ізраїля, які не́хтують справедливість, а все про́сте викри́влюють,
Ngayon pakinggan ninyo ito, kayong mga pinuno ng sambahayan ni Jacob at mga tagapamahala sa sambahayan ng Israel, kayong napopoot sa katarungan at bumabaluktot sa lahat ng matuwid.
10 вони кров'ю будують Сіо́на, а кривдою — Єрусали́ма.
Itinayo ninyo ang Sion sa pamamagitan ng dugo at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.
11 Його го́лови судять за хабара́, і навчають за плату його ті священики, і за срі́бло воро́жать пророки його́, хоч на Господа вони опира́ються, кажучи: „Хіба не Господь серед нас? Зло не при́йде на нас!“
Humahatol ang inyong mga pinuno para sa isang suhol, nagtuturo ang inyong mga pari para sa isang gantimpala at nanghuhula ang inyong mga propeta para sa pera. Gayunman, umaasa kayo kay Yahweh at sinasabi, “Hindi ba't kasama natin si Yahweh? Walang darating sa atin na kapahamakan.”
12 О так, — через вас Сіон буде на поле зао́раний, а Єрусалим на руїни обе́рнеться, а гора́ храмова́ стане взгі́р'ями лісу.
Kaya, dahil sa inyo, aararuhin ang Sion tulad ng isang bukid, ang Jerusalem ay magiging isang bunton ng mga guho at magiging masukal na burol ang burol ng templo.