< Від Луки 20 >
1 І сталось одно́го з тих днів, як навчав Він у храмі людей, та Добру Нови́ну звіщав, прийшли первосвященики й книжники з старшими,
At nangyari sa isang araw, habang tinuturuan ni Jesus ang mga tao sa templo at ipinapangaral ang ebanghelyo, nilapitan siya ng mga punong pari at mga eskriba kasama ang mga nakatatanda.
2 та й до Нього промовили, кажучи: „Скажи нам, якою вла́дою Ти чиниш оце? Або хто Тобі вла́ду цю дав?“
Nagsalita sila, at sinasabi sa kaniya, “Sabihin mo sa amin kung sa anong kapangyarihan mo ginagawa ang mga bagay na ito? O sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang ito?”
3 І промовив до них Він у відповідь: „Запитаю й Я вас одну річ, — і відповідайте Мені:
Sumagot siya at sinabi sa kanila, “May itatanong din ako sa inyo. Sabihin niyo sa akin ang tungkol
4 Іванове хрищення з неба було́, чи від людей?“
sa pagbautismo ni Juan. Mula ba ito sa langit o mula sa tao?”
5 Вони ж міркували собі й говорили: „Коли скажемо: „З неба“, відкаже: „Чого ж ви йому не повірили?“
Nagusap-usap sila at sinabi, “Kapag sasabihin natin, 'Mula sa langit,' sasabihin niya, 'Kung ganoon bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?'
6 А як скажемо: „Від людей“, то всі люди камінням поб'ють нас, бо були переко́нані, що Іван — то пророк“.
Pero kung sasabihin natin, 'Mula sa tao,' babatuhin tayo ng lahat ng mga tao, dahil nahikayat sila na si Juan ay isang propeta.”
7 І вони відповіли, що не знають, ізвідки.
Kaya sumagot sila na hindi nila alam kung saan ito nagmula.
8 А Ісус відказав їм: „То й Я не скажу́ вам, якою вла́дою Я це чиню́“.
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko din sasabihin sa inyo kung saan galing ang aking kapangyarihan na gumawa ng mga bagay na ito.”
9 І Він розповідати почав людям при́тчу оцю. „Один чоловік насадив виноградника, і віддав його винаря́м, та й відбув на час довший.
Sinabi niya sa mga tao ang talinghagang ito, “May isang taong nagtanim ng ubasan, pinaupa niya ito sa mga magtatanim ng ubas, at pumunta sa ibang bansa sa mahabang panahon.
10 А певного ча́су послав він раба до своїх винарі́в, щоб дали йому частку з плоді́в виноградника. Та побили його винарі, і відіслали ні з чим.
Nang dumating ang takdang panahon, pinapunta niya ang kaniyang utusan sa mga magtatanim ng ubas, upang siya ay bigyan nila ng bunga ng ubasan. Ngunit binugbog siya ng mga magtatanim ng ubas, at pinaalis siyang nang walang dala.
11 І знову послав він до них раба і́ншого, а вони й того збили й знева́жили, — та й відіслали ні з чим.
Pagkatapos, pinapunta niya ang isa pang utusan, at siya ay binugbog din nila, at kahiya-hiya ang ginawa sa kaniya, at pinaalis siya nang walang dala.
12 І послав він ще третього, а вони й того зранили й вигнали.
At pinapunta pa rin niya ang ikatlo at sinugatan din nila, at itinapon siya palabas.
13 Сказав тоді пан виноградника: „Що́ маю робити? Пошлю свого сина улю́бленого, — може його посоро́мляться“.
Kaya sinabi ng may-ari ng ubasan, 'Ano ang gagawin ko? Papupuntahin ko ang pinakamamahal kong anak na lalaki. Baka sakaling igalang nila siya.'
14 Винарі́ ж, як його вгледіли, міркували собі та казали: „Це спадкоє́мець; ходім, замордуймо його, щоб спа́дщина наша була́“.
Ngunit nang makita siya ng mga magtatanim ng ubas, nag-usap-usap sila, sinasabing, 'Ito ang tagapagmana. Patayin natin siya upang mapunta sa atin ang kaniyang mana.'
15 І вони його вивели за виноградника, та й убили... Що́ ж зробить їм пан виноградника?
Pinalayas nila siya sa ubasan, at pinatay. Ano nga kaya ang gagawin ng may-ari ng ubasan sa kanila?
16 Він при́йде та й вигубить цих винарів, виноградника ж іншим віддасть“. Слухачі ж повіли́: „Нехай цього не станеться!“
Siya ay darating at pupuksain ang mga magtatanim ng ubas at ipamimigay sa iba ang ubasan.” Nang marinig nila ito, sabi nila, “Huwag sanang pahintulutan ng Diyos ito!”
17 А Він глянув на них та й сказав: „Що ж оце, що написане: „Камінь, що його будівничі відкинули, той нарі́жним став каменем!
Ngunit tumingin si Jesus sa kanila at sinabi, “Ano ang kahulugan ng kasulatang ito? 'Ang bato na tinanggihan ng mga gumagawa ng gusali, ay ginawang batong panuluk'?
18 Кожен, хто впаде́ на цей камінь — розі́б'ється, а на кого він сам упаде́, — то розчавить його́“.
Ang bawat isa na babagsak sa batong iyon ay magkakadurog-durog. Ngunit kung sinuman ang mabagsakan ng batong ito ay madudurog.”
19 А книжники й первосвященики руки на Нього хотіли накласти тієї години, але побоялись наро́ду. Бо вони розуміли, що про них Він цю притчу сказав.
Kaya pinagsikapan na hulihin ng mga eskriba at mga punong pari si Jesus sa oras ding iyon, dahil alam nila na sinabi niya ang talinghagang ito laban sa kanila. Ngunit natakot sila sa mga tao.
20 І вони слідкували за Ним, і підіслали підгля́дачів, які праведних із себе вдавали, щоб зловити на слові Його, і Його видати урядові й вла́ді намісника.
Maingat siyang inaabangan, nagpadala sila ng mga espiya na nagkukunwaring matuwid upang makahanap sila ng pagkakamali sa kaniyang salita, upang ibigay siya sa batas at sa kapangyarihan ng gobernador.
21 І вони запитали Його та сказали: „Учителю, знаємо ми, що Ти добре говориш і навчаєш, і не дивишся на обли́ччя, але наставляєш на Божу дорогу правдиво.
Sila ay nagtanong sa kaniya, at sinabi, “Guro, alam naming nagsasabi at nagtuturo ka nang tama, at hindi ka nahihikayat ng sinuman, ngunit itinuturo mo ang katotohanan tungkol sa daan ng Diyos.
22 Чи годи́ться давати податок для ке́саря, чи ні?“
Naayon ba sa batas na magbayad kami ng buwis kay Cesar, o hindi?”
23 Знаючи ж їхню хитрість, сказав Він до них: „Чого ви Мене випробо́вуєте?
Ngunit nalalaman ni Jesus ang kanilang katusuhan, at sinabi niya sa kanila,
24 Покажіте дина́рія Мені. Чий образ і напис він має?“Вони відказали: „Кесарів“.
“Ipakita niyo sa akin ang isang dinario. Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito? At sinabi nila, “Kay Cesar.”
25 А Він їм відказав: „Тож віддайте ке́сареве — ке́сареві, а Богові — Боже!“
Sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar at sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”
26 І не могли вони перед людьми́ зловити на слові Його. І дивува́лись вони з Його відповіді, та й замовкли.
Hindi mabatikus ng mga eskriba at mga pinunong pari ang kaniyang sinabi sa harap ng mga tao. Namangha sila sa kaniyang sagot at wala silang nasabi.
27 І підійшли дехто із саддукеїв, що твердять, ніби немає воскресі́ння, і запитали Його,
Nang magpunta sa kaniya ang ilan sa mga Saduceo, na nagsasabing walang muling pagkabuhay,
28 та сказали: „Учителю, Мойсей написав нам: „Як умре кому брат, який має дружи́ну, а помре бездітний, — то нехай його брат візьме дружи́ну, і відно́вить насіння для брата свого“.
tinanong nila siya, sinabi, “Guro, sumulat si Moises sa amin na kung ang kapatid na lalaki ng isang lalaki ay namatay, na may asawa, at walang anak, dapat kunin ng lalaki ang asawa ng kaniyang kapatid, at magkaroon ng anak para sa kaniyang kapatid.
29 Було ж сім братів. І перший, узявши дружи́ну, бездітний умер.
May pitong magkakapatid na lalaki at nag-asawa ang panganay, ngunit namatay nang walang anak,
30 І другий узяв був ту дружи́ну, та й той вмер бездітний.
at ganoon din ang pangalawa.
31 І третій узяв був її, так само й усі се́меро, — і вони дітей не позоставили, та й повмирали.
Napangasawa ng ikatlong kapatid ang babae, at ganoon din ang pito ay hindi nag-iwan ng mga anak, at namatay.
32 А по всіх умерла й жінка.
Pagkatapos ang babae ay namatay din.
33 А в воскресі́нні котро́му із них вона дружи́ною буде? Бо семеро мали за дружину її“.
Sa muling pagkabuhay, kaninong asawa ang babae? Sapagkat siya ay naging asawa ng pito?
34 Ісус же промовив у відповідь їм: „Женяться й заміж виходять сини цього віку. (aiōn )
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang mga anak na lalaki ng mundong ito ay mag-aasawa at ibinibigay upang makapangasawa. (aiōn )
35 А ті, що будуть достойні того віку й воскресі́ння з мертвих, — не будуть ні женитись, ні заміж вихо́дити, (aiōn )
Ngunit ang mga nahatulan na karapat-dapat na tumanggap ng muling pagkabuhay mula sa mga patay at pumasok sa walang hanggang ay hindi mag-aasawa at hindi ibinibigay upang makapangasawa. (aiōn )
36 ні вмерти вже не можуть, бо рівні вони ангола́м, і вони сини Божі, синами воскресі́ння бувши.
At hindi na rin sila mamamatay, sapagkat kapantay nila ang mga anghel at sila ay mga anak ng Diyos, bilang mga anak ng muling pagkabuhay.
37 А що мертві встають, то й Мойсей показав — при кущі, — коли він назвав Господа „Богом Авраамовим, і Богом Ісаковим, і Богом Якововим“.
Ngunit ang mga patay ay binuhay na muli, maging si Moises ay ipinakita niya, sa lugar ng mababang punong kahoy, na tinawag niya ang Panginoon na ang Diyos ni Abraham at Diyos ni Isaac at Diyos ni Jacob.
38 Бог же не є Богом мертвих, а живих, бо всі в Нього живуть.“
Ngayon, hindi siya Diyos ng mga patay kundi ng mga buhay, sapagkat ang lahat ay nabubuhay sa kaniya.”
39 Дехто ж із книжників відповіли та сказали: „Учителю, — Ти добре сказав!“
Sumagot ang ilan sa mga eskriba, “Guro, mahusay ang iyong sagot,”
40 І вже не насмілювалися питати Його ні про що́.
At hindi na sila nangahas pang magtanong sa kaniya ng anumang tanong.
41 І сказав Він до них: „Як то кажуть, що Христос син Давидів?
Sinabi ni Jesus sa kanila, “Paano nila nasabi na ang Cristo ay anak ni David?
42 Таж Давид сам говорить у книзі Псалмів: „Промовив Господь Господе́ві моєму: сядь право́руч Мене,
Sapagkat sinabi mismo ni David sa Aklat ng Mga Awit, Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, 'Umupo ka sa aking kanang kamay,
43 поки не покладу́ Я Твоїх ворогів підніжком ногам Твоїм!“
hanggang gawin ko ang iyong mga kaaway na tungtungan ng iyong mga paa.'
44 Отже, Давид Його Господом зве, — як же Він йому син?“
Kaya tinawag ni David ang Cristo na 'Panginoon', kaya paano siya naging anak ni David?”
45 І, як увесь наро́д слухав, Він промовив до учнів Своїх:
Habang nakikinig ang lahat ng mga tao, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad,
46 „Стережіться книжників, що хочуть у довгих одежах ходити, і люблять привіти на ринках, і перші лавки́ в синагогах, і перші місця на бенке́тах,
“Mag-ingat kayo sa mga eskriba na gustong maglakad na nakasuot ng mahabang mga balabal, at gustong-gusto ang mga pagbati sa mga lugar na pamilihan, at mga upuang pandangal sa sinagoga, at mga upuang pandangal sa mga pista.
47 що вдови́ні хати́ поїдають, і моляться довго напо́каз, — вони тяжче осу́дження при́ймуть!“
Nililimas din nila ang mga bahay ng mga balong babae, at nagpapanggap na nananalangin nang mahaba. Sila ay tatanggap ng mas mabigat na paghatol.”