< Книга Суддів 5 >
1 І співала Дево́ра й Бара́к, син Авіноамів, того дня, говорячи:
Nang magkagayo'y umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon, na sinasabi,
2 „Що в Ізраїлі закнязюва́ли князі́, що наро́д себе же́ртвувати став, — поблагослові́те ви Господа!
Sapagka't namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel, Sapagka't ang bayan ay humandog na kusa, Purihin ninyo ang Panginoon.
3 Почуйте, царі, уші наставте, князі: я — Господе́ві я буду співати, виспі́вувати буду Господа, Бога Ізраїля!
Dinggin ninyo, Oh ninyong mga hari; pakinggan ninyo, Oh ninyong mga prinsipe; Ako, ako'y aawit sa Panginoon, Ako'y aawit ng pagpupuri sa Panginoon, na Dios ng Israel.
4 Господи, — як Ти йшов із Сеїру, як виходив із поля едо́мського, то тремтіла земля, також капало небо, і хмари дощи́ли водою.
Panginoon, nang ikaw ay lumabas sa Seir, Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom, Ang lupa'y nayanig, ang langit naman ay pumatak, Oo, ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig.
5 Перед Господнім лицем розпливалися гори, — цей Сіна́й перед Господом, Богом Ізраїля.
Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon, Pati yaong Sinai, sa harap ng Panginoon, ng Dios ng Israel.
6 За днів Шамґара, сина Анатового, спорожніли доро́ги, подоро́жні ж ходили крутими доро́гами.
Sa mga kaarawan ni Samgar na anak ni Anat, Sa mga kaarawan ni Jael, ang mga paglalakbay ay naglikat, At ang mga manglalakbay ay bumagtas sa mga lihis na landas.
7 Нестало селя́нства в Ізраїлі, не стало, аж поки я не повстала, Дево́ра, аж поки я не повстала, мати в Ізраїлі.
Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel, sila'y naglikat, Hanggang sa akong si Debora, ay bumangon, Na ako'y bumangon na isang ina sa Israel.
8 Коли вибрав нови́х він богі́в, тоді в брамах війна зачала́сь. Поправді кажу́ вам, — небачений щит був і спис в сорок тисяч Ізраїля!
Sila'y nagsipili ng mga bagong dios; Nang magkagayo'y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan: May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel?
9 Серце моє до Ізраїлевих тих начальників, що жертвуються для наро́ду, — поблагословіте ви Господа!
Ang aking puso ay nasa mga gobernador sa Israel, Na nagsihandog na kusa sa bayan; Purihin ninyo ang Panginoon!
10 Ті, хто їздить на білих осли́цях, хто сидить на килима́х та дорогою ходить, — оповідайте!
Saysayin ninyo, ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno, Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag, At ninyong nangagsisilakad sa daan.
11 Через крик при ділі́нні здоби́чі між місця́ми, де воду беру́ть, — там виспівують правди Господні, правди селя́нства Його у Ізраїлі. Тоді то зійшов був до брам Господній наро́д.
Malayo sa ingay ng mga manghuhutok, sa mga dakong igiban ng tubig, Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon, Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel. Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan.
12 Збудися, збудися, Дево́ро! Збудися, збудися, — і пісню співай! Устань, Бара́ку, і візьми до неволі своїх полоне́них, сину Авіноа́мів!
Gumising ka, gumising ka, Debora; gumising ka, gumising ka, bumigkas ka ng awit: Bumangon ka, Barac, at ihatid mo ang iyong mga bihag, ikaw na anak ni Abinoam.
13 Тоді позосталий зійшов до поту́жних наро́ду, проти хоробрих Господь був до мене зійшов.
Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal, at ang bayan; Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan.
14 Від Єфрема прийшли були ті, що в Амали́ку їх корень; Веніямин за тобою, серед наро́дів твоїх; від Махі́ра зійшли були провідники́; а від Завуло́на оті, хто веде пером пи́саря.
Sa Ephraim nangagmula silang nasa Amalec ang ugat; Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan; Sa Machir nangagmula ang mga gobernador, At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.
15 І князі Іссахарові ра́зом з Дево́рою, і Іссаха́р, як Бара́к, був відпу́щений пішки в долину. Великі виві́дування у Рувимових відділах!
At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora; Na kung paano si Issachar ay gayon si Barac, Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan. Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
16 Чого ти усівсь між коша́рами, щоб слухати ме́кання стад? Великі виві́дування у Рувимових відділах!
Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa, Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan? Sa agusan ng tubig ng Ruben Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso.
17 Пробуває Ґілеад на тім боці Йорда́ну, а Дан — чому на кораблях буде ме́шкати він? На березі моря осівся Аси́р, і при потоках своїх пробува́є.
Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan: At ang Dan, bakit siya'y natira sa mga sasakyan sa tubig? Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat, At nanahan sa kaniyang mga daong.
18 Завуло́н — це народ, що прирік свою душу на смерть, а Нефтали́м — на польови́х висота́х.
Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay, At ang Nephtali, ay sa matataas na dako ng bukiran.
19 Царі прибули́, воювали, тоді воювали царі ханаанські в Таанах при воді Меґідда, та здоби́чі срібла не взяли́.
Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban; Nang magkagayo'y nagsilaban ang mga hari ng Canaan, Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo: Sila'y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi.
20 Із неба войовано, — зо́рі з доріг своїх битих воювали з Сісерою.
Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit, Sa kanilang paglakad sila'y nakipaglaban kay Sisara.
21 Кішонський поті́к позмітав їх, поті́к стародавній, Кішонський потік. З силою будеш ступати, о душе́ моя!
Tinangay sila ng ilog Cison, Ng matandang ilog na yaon, ng ilog Cison. Oh kaluluwa ko, lumakad kang may lakas.
22 Тоді стукотіли копи́та коня від бігу швидко́го, від бігу його скакуні́в!
Nang magkagayo'y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo, Dahil sa mga pagdamba, sa pagdamba ng kanilang mga malakas.
23 „Прокляні́те Мероза“, каже Ангол Господній, „проклясти́ — прокляні́ть його ме́шканців, бо вони не прийшли Господе́ві на поміч, Господе́ві на поміч з хоробрими!“
Sumpain ninyo si Meroz, sabi ng anghel ng Panginoon, Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya; Sapagka't sila'y hindi naparoon na tumulong sa Panginoon, Na tumulong sa Panginoon, laban sa mga makapangyarihan.
24 Нехай буде благословенна між жінка́ми Яїл, жінка кенаиеянина Хевера, — нехай буде благословенна вона між жінка́ми в наметі.
Pagpalain sa lahat ng babae si Jael, Ang asawa ni Heber na Cineo, Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda.
25 Води́ він просив — подала́ молока, у царській чаші прине́сла п'янке́ молоко.
Siya'y humingi ng tubig, at binigyan niya ng gatas; Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal.
26 Ліву руку свою до кілка́ простягає, а прави́цю свою — до молотка́ робітни́чого. І вгатила Сісеру, і розбила вона йому го́лову, і скро́ню розбила й пробила йому́.
Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos, At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa; At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara, pinalagpasan niya sa kaniyang ulo, Oo, kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan.
27 Між но́ги її він схилився, упав і лежав, між но́ги її він схилився, упав, — де схиливсь, там забитий упав.
Sa kaniyang paanan ay nasubasob, siya'y nabuwal, siya'y nalugmok: Sa kaniyang paanan siya'y nasubasob, siya'y nabuwal. Kung saan siya sumubasob, doon siya nalugmok na patay.
28 Через вікно виглядала та голосила Сісе́рина мати крізь ґрати: „Чому коле́сниця його припізни́лась вернутись? Чому припізнились коле́са запря́жок його?“
Sa dungawan ay sumungaw, at sumigaw; Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia: Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating? Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo?
29 Мудрі княги́ні її дають відповідь їй, та й вона сама відповідає собі:
Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya, Oo, siya'y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili,
30 „Ось здо́бич знахо́дять та ділять вони, — бра́нка, дві бра́нці на кожного му́жа! А здо́бич із шат кольоро́вих — Сісері, здобич із шат кольоро́вих, різноба́рвна ткани́на, на два боки гапто́вана, — жінці на шию“.
Hindi ba sila nakasumpong, hindi ba nila binahagi ang samsam? Isang dalaga, dalawang dalaga sa bawa't lalake; Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay, Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda, Na sarisaring kulay, na burda sa dalawang tagiliran, Na suot sa leeg ng mga bihag?
31 Нехай отак згинуть усі вороги Твої, Господи! А хто любить Його, той як сонце, що сходить у силі своїй!“І Край мав мир сорок літ.
Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway, Oh Panginoon: Nguni't yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan. At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon.