< Ісая 5 >

1 Заспіваю ж я вам про Свойо́го Улю́бленого пісню любо́вну про Його виногра́дника! На плодю́чому ве́рсі гори виноградника мав був Мій При́ятель.
Hayaan mong umawit ako para sa aking pinakamamahal, isang awit ng aking pinakamamahal tungkol sa kaniyang ubasan. Ang aking pinakamamahal ay nagkaroon ng ubasan sa isang napakatabang lupain sa burol.
2 І обкопав Він його́, й від камі́ння очистив його, і виноградом добі́рним його засади́в, і ба́шту поставив посеред його́, і ви́тесав у ньому чави́ло, і чекав, що роди́тиме він виноград, — та він уроди́в дикі я́годи!
Hinukay niya ito at inalis ang mga bato, at tinaniman ito ng pinakamasasarap na ubas. Nagtayo siya ng isang tore sa gitna nito, at nagtayo rin siya ng isang pigaan ng ubas. Umasa siyang mamumunga ito ng matatamis na ubas, pero namunga ito ng maaasim.
3 Тепер же ти, єрусалимський мешка́нче та мужу юдейський, розсудіть но між Мною й Моїм виноградником:
Kaya ngayon, mga naninirahan sa Jerusalem at mga mamamayan sa Juda, kayo ang humatol sa akin at sa aking ubasan.
4 що́ ще можна вчинити було́ для Мого виноградника, але Я не зробив того в ньому? Чому́ Я чекав, що родитиме він виноград, а він уроди́в дикі я́годи?
Ano pa ang maaari kong gawin na hindi ko nagawa para sa aking ubasan? Nang inasahan kong mamunga ito ng matatamis na ubas, bakit namunga ito ng maaasim?
5 А тепер завідо́млю Я вас, що́ зроблю́ для Свого виноградника: живоплі́т його ви́кину, і він буде на зни́щення, горо́жу його розвалю́, і він на пото́птання бу́де,
Ngayon, ipaaalam ko sa inyo kung ano ang gagawin ko sa aking ubasan; puputulin ko ang mga halamang nakapaligid dito; gagawin ko itong isang pastulan; wawasakin ko ang pader nito, at tatapak-tapakan ito.
6 зроблю́ Я загу́бу йому, — він не буде обти́наний ані підса́пуваний, — і виросте те́рня й будя́ччя на ньому, а хма́рам звелю́, щоб дощу не давали на нього!
Pababayaan ko itong nakatiwangwang, at hindi ito mapuputol ni mabubungkal. Pero tutubuan ito ng madawag at matinik na halaman, uutusan ko rin ang mga ulap na hindi magpaulan dito.
7 Бо виноградник Господа Саваота — то Ізра́їлів дім, а муж Юди — коха́ний Його саджане́ць. Сподівавсь правосу́ддя, та ось кроволи́ття, сподівавсь справедливости Він, та ось зойк.
Dahil ang ubasan ni Yahweh ng mga hukbo ay ang tahanan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ang kaniyang kinasisiyang pananim; naghintay siya ng katarungan, pero sa halip, nagkaroon ng patayan; naghintay siya para sa katuwiran, sa halip, umiiyak na humihingi ng tulong.
8 Горе тим, що долу́чують до́ма до до́му, а поле до поля прито́чують, аж місця бракує для інших, так ніби самі сидите́ серед кра́ю!
Kaawa-awa ang mga kumakamkam sa mga bahay-bahay, kumakamkam sa mga bukirin, hanggang wala ng natira para sa iba, at kayo na lang ang nakatira sa lupain!
9 В мої уші сказав був Госпо́дь Савао́т: Направду, — багато домів попусто́шені бу́дуть, великі та добрі, і не буде мешка́нця для них.
Sinabi sa akin ni Yahweh ng mga hukbo, maraming bahay ang mawawalan ng mga taong nakatira, kahit pa ang mga malalaki at magagandang bahay, ay walang nakatira.
10 Бо десять заго́нів землі виноградника ба́та одно́го вро́дять, а насіння одно́го хоме́ра поро́дить ефу.
Dahil ang sampung ektaryang ubasan ay makapagbibigay lamang ng isang banyerang alak, at ang isang homer ng binhi ay makapagbibigay lamang ng isang epa.
11 Горе тим, що встають рано вра́нці і женуть за напо́єм п'янки́м, і трива́ють при нім аж до ве́чора, щоб вином розпаля́тись!
Kaawa-awa sila na bumabangon nang maaga para maghanap ng matapang na alak; sila na nagkakasiyahan sa hating-gabi hanggang malunod sila sa kalasingan!
12 І ста́лася ци́тра та а́рфа, бу́бон та сопі́лка й вино — за їхню гу́лянку, а на ді́ло Господнє не дивляться, не вбача́ють Його́ чину рук.
Nagsasalo-salo sila ng may alpa, lira, tamburin, plauta, at alak, pero hindi nila kinikilala ang gawa ni Yahweh, ni iniisip ang mga ginawa ng kaniyang mga kamay.
13 Тому піде наро́д Мій на вигна́ння непередба́чено, і вельмо́жі його голодува́тимуть, а на́товп його — ви́сохне з пра́гнення.
Kaya nga, ang bayan ko ay binihag dahil sa kakulangan ng pang-unawa; nagutom ang kanilang mga pinuno, at walang mainom ang kanilang mga tao.
14 Тому́ то розши́рив шео́л пожадли́вість свою і безмірно розкрив свою пащу, і зі́йде до нього його пишнота́, і його на́товп, і гу́ркіт його, й ті, що тішаться в ньому. (Sheol h7585)
Kaya nga lalong naging matakaw ang kamatayan at ibinuka ang bibig nito nang malaki; ang mga maharlika, ang mga tao, ang kanilang mga pinuno at ang mga nagdiriwang at nagsasaya, ay bumagsak sa sheol. (Sheol h7585)
15 І люди́на пони́житься, і упоко́риться муж, а очі високих пони́кнуть,
Ang tao ay ibinagsak, ang dakila ay ibinaba, at ang mga mata ng mayayabang ay inilugmok.
16 а Господь Саваот возвели́читься в су́ді, і Бог Святий ви́явить святість Свою в справедливості!
Si Yahweh ng mga hukbo ay itinaas dahil sa kaniyang katarungan, at ang Diyos, ang Banal ay ipinakita ang kaniyang kabanalan sa pamamagitan ng kaniyang katuwiran.
17 І па́стися бу́дуть овечки, немов би на лу́ці своїй, а зоста́влене з ситих чужі поїдя́ть.
Pagkatapos, ang mga tupa ay kakain tulad ng sa sarili nilang pastulan, at sa mga guho ng mayayaman, ang mga batang tupa ay manginginain ng damo.
18 Горе тим, що вину притяга́ють до себе шнура́ми марно́ти, а гріх — як моту́ззям від воза,
Kaawa-awa sila na hinahatak ang kasamaan gamit ang tali ng kawalan at kinakaladkad ang kasalanan ng lubid ng kariton;
19 та кажуть: „Хай ква́питься Він, хай прина́глить Свій чин, щоб ми бачили, а постано́ва Святого Ізраїлевого хай набли́зиться і нехай при́йде — і пізна́ємо ми“!
sila na nagsasabi, “Hayaan nating magmadali ang Diyos, hayaan natin siyang kumilos agad, para makita natin na mangyayari ito; at hayaan natin na ang mga plano ng Banal ng Israel ay mabuo at dumating, para makilala natin sila!”
20 Горе тим, що зло називають добро́м, а добро — злом, що ставлять темно́ту за світло, а світло — за те́мряву, що ставлять гірке́ за солодке, а солодке — за гірке́!
Kaawa-awa silang nagsasabing mabuti ang kasamaan, at masama ang kabutihan; silang nagsasabing liwanag ang kadiliman, at kadiliman ang liwanag; silang nagsasabing matamis ang mapait, at mapait ang matamis!
21 Горе мудрим у власних оча́х та розумним перед собою сами́м!
Kaawa-awa silang matalino sa sarili nilang mga mata, at marunong sa sarili nilang pang-unawa!
22 Горе тим, що хоро́брі винце́ попива́ти, і силачі на міша́ння п'янко́го напо́ю,
Kaawa-awa silang mga pasimuno sa pag-inom ng alak, at dalubhasa sa paghahalo-halo ng matatapang na alak;
23 що несправедливого чи́нять в суді за хаба́р справедливим, а праведність праведного усува́ють від нього.
silang nagpapawalang-sala sa masasama kapalit ng kabayaran, at nag-aalis ng karapatan ng mga inosente!
24 Тому́, як огне́нний язик пожира́є стерню́, а від по́лум'я ни́кне трава, — отак спорохня́віє корінь у них, і рознесе́ться їхній цвіт, немов ку́рява, бо від себе відкинули Зако́н Господа Савао́та, і зне́хтували вони слово Святого Ізраїлевого!
Kaya nga, gaya ng pinaggapasan na nilamon ng dila ng apoy at tuyong damo na sinunog, gayundin ang ugat nila ay matutuyot, at bulaklak nito ay tatangayin na parang alikabok, dahil itinakwil nila ang batas ni Yahweh ng mga hukbo, at nilapastangan ang salita ng Banal ng Israel.
25 Тому́ запали́вся гнів Господа на наро́д Його, і на нього Він ви́тягнув ру́ку Свою, — та й ура́зив його: і захиталися го́ри, і сталось їхнього тру́пу, як сміття́ серед вулиць! При цьому всьому́ не відверну́всь Його гнів, і ви́тягнена ще рука Його!
Kaya nga, ang galit ni Yahweh ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, at inabot niya sila ng kaniyang kamay at pinarusahan; nanginig ang mga bundok, at ang kanilang mga bangkay ay naging tulad ng basura sa mga lansangan. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi napawi ang kaniyang galit, kaya ang kaniyang kamay ay nakataas pa rin para handang humampas muli.
26 І піді́йме прапо́ра наро́ду здале́ка, і засви́ще йому з кінця кра́ю, і при́йде він хутко та легко, —
Itataas niya ang bandila na nagbibigay-hudyat para sa malayong bansa at sisipol para sa kanila mula sa dulo ng mundo. Masdan ninyo, magmamadali at maagap silang darating.
27 немає між ними уто́мленого та такого, який би спіткну́вся! Не дріма́є ніхто і не спить, а пояс із сте́гон його не здійма́ється та не зрива́ється шнур при взутті́ його.
Walang mapapagod o matitisod sa kanila, walang iidlip ni matutulog; walang matatanggalan ng sinturon, ni masisiraan ng sandalyas;
28 Його стріли пого́стрені, і всі лу́ки його понатя́гувані. Копи́та у ко́ней його немов кре́мінь вважа́ються, а коле́са його — немов ви́хор.
matalim ang kanilang mga palaso at nakaumang na ang lahat ng kanilang mga pana; ang paa ng kanilang mga kabayo ay tulad ng bato, at ang mga gulong ng kanilang karwahe ay tulad ng mga bagyo.
29 Його рик — як леви́ці, і він заричи́ть, немов ті левчуки́, і він загарчи́ть, і здо́бич ухо́пить, й її понесе́, — і ніхто не врятує!
Ang kanilang atungal ay magiging tulad sa isang leon; aatungal sila tulad ng mga batang leon. Aatungal sila at susunggaban ang biktima at kakaladkarin ng walang sinuman ang tutulong.
30 І на нього реві́тиме він того дня, як те море реве́. І погляне на землю, а там густа те́мрява, і світло померкло у хмарах її.
Sa araw na iyon, aatungal sila laban sa kanilang biktima gaya ng pag-ugong ng dagat. Kung titingnan ng isang tao ang lupain, kadiliman at kalungkutan ang kaniyang makikita, at tatakpan ng mga ulap ang liwanag.

< Ісая 5 >