< Осія 7 >

1 Коли Я лікую Ізраїля, то виявляю гріх Єфремів та зло Самарі́ї, бо роблять вони неправдиве, і зло́дій прихо́дить, грабує на вулиці ба́нда.
Kapag nais kong pagalingin ang Israel, mabubunyag ang kasalanan ng Efraim, ganun din ang masamang mga gawa ng Samaria, sapagkat gumagawa sila ng panlilinlang, pumasok ang isang magnanakaw at isang pangkat ng mandarambong ang lumusob sa lansangan.
2 І не ду́мають в серці своє́му, що Я пам'ятаю про все їхнє зло. тепер їхні вчинки ось їх оточи́ли і перед обличчям Моїм постава́ли.
Hindi napagtanto ng kanilang mga puso na naalala ko ang lahat ng kanilang masasamang gawa. Ngayon, napalibutan sila ng kanilang masasamang gawa, sila ay nasa aking harapan.
3 Вони злістю своєю втішають царя, а своїми обма́нами — зве́рхників.
Pinasaya nila ang hari sa kanilang kasamaan at ang mga opisyal sa kanilang mga kasinungalingan.
4 Усі вони чинять пере́люб, мов піч, яку пе́кар розпа́лює, що напа́лювати перестає́, як тісто замісить та вкисне воно.
Mangangalunya silang lahat, tulad ng pinapainit na isang pugon ng panadero, na humihinto sa paggalaw sa apoy mula sa pagmamasa hanggang sa pag-alsa nito.
5 У святко́вий день нашого царя похворі́ли князі́ від жа́ру вина, і він простяг до насмі́шників руку свою.
Sa araw ng ating hari, nilasing ng mga opisyal ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng init ng alak. Iniabot niya ang kaniyang kamay sa mga nangutya.
6 Бо їхнє ну́тро, як піч, у них пала́є їхнє серце: всю ніч спить їхній гнів, а на ра́нок горить, як палю́чий огонь.
Sapagkat tulad ng isang pugon ang kanilang mga puso, binabalangkas nila ang mapanlinlang nilang mga balak. Magdamag na nagbabaga ang kanilang galit; nagliliyab ito na tulad ng apoy sa umaga.
7 Вони́ всі гаря́чі, як піч, і су́ддів своїх пожира́ють. Усі царі їхні попа́дали, між ними ніко́го нема, хто б кли́кав до Мене.
Mainit silang lahat tulad ng isang pugon, at pinagpapatay nila ang mga namumuno sa kanila. Bumagsak ang lahat ng kanilang mga hari; wala kahit isa sa kanila ang tumawag sa akin.
8 Змішався Єфрем із наро́дами, Єфрем став млинце́м, що печеться непереве́рнений.
Nakihalo ang Efraim sa mga tao, isang manipis na tinapay ang Efraim na hindi pa nabaliktad.
9 Його силу чужі пожирають, та про те він не знає, вже й воло́сся посивіло в нього, а того́ він не знає.
Inubos ng mga dayuhan ang kaniyang lakas, ngunit hindi niya ito nalalaman. Nagkalat ang kaniyang puting buhok, ngunit hindi niya ito nalalaman.
10 І гордість Ізраїля свідчить на нього, і до Господа, Бога свого вони не верта́ються, і не шукають Його у всім цім.
Ang pagmamataas ng Israel ay nagpatotoo laban sa kaniya; gayunpaman, hindi sila nagbalikloob kay Yahweh na kanilang Diyos, ni hinanap nila siya, sa kabila ng lahat ng ito.
11 А Єфрем став, як голуб, — нерозумний, немудрий: закликають в Єгипет, а йдуть в Асирію.
Tulad ng isang kalapati ang Efraim, mapaniwalain at walang pang-unawa, tumatawag sa Egipto at lilipad patungong Asiria.
12 Як пі́дуть вони, розтягну́ Свою сітку над ними, — стягну їх додолу, мов птаство небесне, — за злобою їхньою Я їх караю.
Kapag aalis sila, ilalatag ko sa kanila ang aking lambat, ibabagsak ko sila tulad ng mga ibon sa kalangitan. Parurusahan ko sila sa kanilang pagsasama-sama.
13 Горе їм, бо від Мене вони відійшли́, погу́ба на них, бо повстали вони проти Мене! Хоч Я викупив їх, та вони проти Мене говорять неправду.
Kahabag-habag sila! Dahil kumawala sila mula sa akin. Darating sa kanila ang pagkawasak! Naghimagsik sila laban sa akin! Ililigtas ko sana sila, ngunit nagsalita sila ng kasinungalingan laban sa akin.
14 І вони в своїм серці не кличуть до Мене, як виють на ло́жах своїх, точать сварку за хліб та вино, і відступають від Мене.
Hindi sila tumawag sa akin ng buong puso, ngunit humagulgol sila sa kanilang mga higaan. Sinusugatan nila ang kanilang mga sarili upang magkaroon ng trigo at bagong alak at lumayo sila mula sa akin.
15 А Я їх картав, їхні раме́на зміцняв, а вони зло на Мене заду́мують.
Bagama't sinanay ko sila at pinalakas ang kanilang mga bisig, nagbabalak sila ngayon ng masama laban sa akin.
16 Вони наверта́ються, та не до Всевишнього, стали, немов той обма́нливий лук. Упадуть від меча їхні князі́ за гордість свого язика́, — це їхня нару́га в єгипетськім кра́ї!
Bumalik sila, ngunit hindi sila bumalik sa akin, ang Kataas-taasan. Tulad sila ng isang sirang pana. Babagsak ang kanilang mga opisyal sa pamamagitan ng espada dahil sa kawalang-galang ng kanilang mga dila. Magiging dahilan ito ng pangungutya sa kanila sa lupain ng Egipto.

< Осія 7 >