< Буття 20 >
1 І вирушив звідти Авраам до краю Неґев поміж Кадешем і поміж Шуром, і оселився часово в Ґерарі.
Naglakbay si Abraham mula roon patungo sa lupain ng Negeb, at nanirahan sa pagitan ng Kadesh at Sur. Isa siyang dayuhan na naninirahan sa Gerar.
2 І сказав Авраам на Сарру, жінку свою: „Вона сестра моя“. І послав Авімеле́х, цар Ґерару, і взяв Сарру.
Sinabi ni Abraham patungkol sa kanyang asawa na si Sarah, “Kapatid ko siya.” Kaya nagpadala si Abimelech hari ng Gerar, ng kanyang mga tauhan at kinuha nila si Sarah.
3 І прийшов Бог до Авімелеха у сні нічнім, і сказав до нього: „Ось ти вмираєш через жінку, яку взяв, бо вона має чоловіка“.
Pero kinagabihan, pumunta ang Diyos kay Abimelech sa kanyang panaginip at sinabi sa kanya, “Masdan mo, ikaw ay mamamatay dahil sa babae na kinuha mo dahil siya ay asawa ng lalaki.”
4 А Авімелех не зближався до неї, і сказав: „Господи, чи Ти вб'єш також люд праведний?
Ngayon, hindi nilapitan ni Abimelech si Sarah at sinabi niya, “Panginoon, papatayin mo rin ba ang matuwid na bansa?
5 Чи ж не він був сказав мені: Вона моя сестра, а вона — також вона сказала: Він мій брат. Я те зробив у невинності серця свого й у чистоті рук своїх“.
Hindi ba sinabi niya mismo sa akin, 'Kapatid ko siya?'Kahit si Sarah, sinabi niya rin mismo sa akin na, 'Kapatid ko siya.' Nagawa ko ito sa katapatan ng aking puso at kamusmusan ng aking mga kamay.”
6 І промовив до нього Бог у сні: „І Я знаю, що в чистоті свого серця вчинив ти оце, і Я теж удержав тебе, щоб не згрішив проти Мене. Тому то не дав Я тобі доторкнутись до неї.
Pagkatapos, sinabi ng Diyos sa kanya sa panaginip, “Oo, alam ko na sa katapatan ng iyong puso na nagawa mo ito at hindi ko hinayaang magkasala ka sa akin. Kaya hindi ko hinayaang mahawakan mo siya.
7 А тепер верни жінку цього мужа, бо він пророк, і буде молитися за тебе, і живи. А коли ти не вернеш, то знай, що справді помреш ти й усе, що твоє“.
Kaya ibalik mo ang asawa ng lalaki, dahil siya ay isang propeta. Ipananalangin ka niya at mabubuhay ka. Pero kung hindi mo siya ibabalik, alam mo na ikaw at ang lahat ng nasa iyo ay tiyak na mamamatay.”
8 І встав Авімелех рано вранці, і покликав усіх рабів своїх, та й сказав усі ці слова до їхніх ушей. А люди ті сильно злякалися.
Bumangon si Abimelech nang maaga at pinapunta ang lahat ng kanyang lingkod sa kanya. Sinabi niya ang lahat ng mga bagay na ito sa kanila, at matinding takot ang naramdaman ng kanyang mga lingkod.
9 І закликав Авімелех Авраама, і промовив до нього: „Що́ ти нам учинив? І чим згрішив я проти тебе, що ти приніс на мене й на царство моє великий гріх? Учинки, яких не роблять, ти зо мною вчинив!“
Pagkatapos, tinawag ni Abimelech si Abraham at sinabi sa kanya,” Ano itong ginawa mo sa amin? Paano ako nagkasala sa iyo, na nagdala ka sa akin at sa aking kaharian ng matinding kasalanan? Ginawa mo sa akin ang hindi dapat gawin.”
10 І сказав Авімелех Авраамові: „Що́ ти мав на увазі, що вчинив таку річ?“
Sinabi ni Abimelech kay Abraham, “Ano ang nagtulak sa iyo na gawin mo ang bagay na ito?”
11 І сказав Авраам: „Бо подумав я: Нема ж стра́ху Божого в місцевості цій, тому вб'ють мене за жінку мою.
Sumagot si Abraham, “Dahil naisip ko, 'Tiyak na walang kinatatakutan na Diyos ang mga tao sa lugar na ito at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.'
12 І притім вона справді сестра моя, — вона дочка батька мого, тільки не дочка матері моєї, — і стала за жінку мені.
Bukod pa rito, tunay na siya ay kapatid ko, ang anak na babae ng aking ama, pero hindi anak ng aking ina; at siya ay aking naging asawa.
13 І сталося, коли Бог учинив мене мандрівником з дому батька мого, то сказав я до неї: То буде твоя ласка, яку вчиниш зо мною: у кожній місцевості, куди прийдем, — говори ти на мене: він мій брат“.
Nang pinaalis ako ng Diyos sa bahay ng aking ama at naglakbay mula sa ibat-ibang lugar, sinabi ko kanya, 'Dapat mong ipakita ang katapatang ito sa akin bilang aking asawa: Sa bawat lugar na pupuntahan natin, sabihin mo na “'Kapatid ko siya.''''
14 I взяв Авімелех дрібну та велику худобу, і рабів та невільниць, та й дав Авраамові. І вернув йому Сарру, жінку його.
Pagkatapos, kumuha si Abimelech ng mga tupa at mga baka, mga aliping lalaki at mga babae at ibinigay ang mga ito kay Abraham. Pagkatapos, ibinalik niya sa kanya si Sarah na asawa ni Abraham.
15 І сказав Авімелех: „Ось край мій перед обличчям твоїм, — осядь там, де тобі до вподоби“.
Sinabi ni Abimelech, “Tingnan mo, nasa harapan mo ang lupain ko. Manirahan ka kung saan mo naisin.
16 А Саррі сказав: „Ось тисячу се́клів срібла я дав братові твоєму. Оце тобі накриття на очі перед усіма, хто з тобою. І перед усіма ти оправдана“.
Kay Sarah sinabi niya. “Tingnan mo, binigyan ko ang iyong kapatid ng isang libong piraso ng pilak. Pantakip ito sa mga kamalian laban sa iyo sa mga mata ng lahat ng kasama mo, at sa harapan ng lahat, tuluyan kang ginawang matuwid.”
17 І помолився Авраам Богові, — і вздоро́вив Бог Авімелеха, і жінку його, і невільниць його, — і почали вони знову роджати.
Pagkatapos, nanalangin si Abraham sa Diyos at pinagaling ng Diyos si Abimelech, ang kanyang asawa, at kanyang mga babaeng alipin para sila ay tuluyan ng magkaroon ng anak.
18 Бо справді стримав був Господь кожну утро́бу Авімелехового дому через Сарру, Авраамову жінку.
Dahil hinayaan ni Yahweh na ganap na hindi magkaanak ang lahat ng mga babae sa sambayanan ni Abimelech, dahil kay Sarah, na asawa ni Abraham.