< Єзекіїль 38 >
1 І було́ мені слово Господнє таке:
Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
2 „Сину лю́дський, зверни́ своє обличчя до Ґоґа, кра́ю Маґоґа, кня́зя Ро́шу, Мешеху та Тувалу, і пророкуй на нього
“Anak ng tao, iharap mo ang iyong mukha kay Gog, ang lupain ng Magog, ang pinuno ng Mesech at Tubal; at magpahayag ka laban sa kaniya!
3 та й скажеш: Так сказав Господь: Ось Я проти тебе, Ґоґу, кня́же Рошу, Мешеху та Тувалу!
Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Pagmasdan mo! Ako ay laban sa iyo, Gog, ang pinuno ng Mesech at Tubal.
4 І заверну́ тебе, і вкладу́ гачки́ в ще́лепи твої, і ви́веду тебе та все ві́йсько твоє, ко́ней та верхівці́в, усі вони досконало озбро́єні, велике збо́рище, зо щита́ми та щитка́ми, усі озброєні меча́ми.
Kaya, ihaharap kita at kakawitan sa iyong panga; Ipadadala ko kayo kasama ang lahat ng iyong hukbo, mga kabayo, at mangangabayo, lahat sila ay nakasuot ng buong baluti, isang napakaraming pulutong na may malalaki at maliliit na mga kalasag, lahat sila ay may hawak na mga espada!
5 Парас, Куш і Пут із ними, усі вони зо щито́м та з шо́ломом.
Ang Persia, ang Cush, at ang Put ay kasama nila, lahat sila ay may mga kalasag at mga helmet!
6 Ґомер і всі о́рди його, дім Тоґарми, кі́нці північні та всі відділи його, числе́нні наро́ди з тобою.
Ang Gomer at ang lahat ng kaniyang mga pangkat, at ang Beth-togarma, mula sa malayong bahagi ng hilaga, at ang lahat ng mga pangkat nito! Marami kang mga kasamang tao!
7 Приготу́йся, і приготу́й собі ти та все збо́рище твоє, зі́брані при тобі, і бу́деш для них сторо́жею.
Maghanda ka! Oo, ihanda mo ang iyong sarili at tipunin mo ang iyong mga pangkat na kasama mo, at maging ang kanilang pinuno.
8 По багатьох днях ти бу́деш потрі́бний, у кінці ро́ків при́йдеш до Кра́ю, що пове́рнений від меча, що зі́браний від числе́нних наро́дів, на Ізраїлеві го́ри, що за́вжди були руїною, а він був ви́ведений від наро́дів, і всі вони сидять безпечно.
Tatawagin ka pagkalipas ng maraming araw, at pagkatapos ng ilang mga taon, pupunta ka sa isang lupain na nakabangon mula sa espada at tinipon mula sa mga maraming tao, tinipon pabalik sa mga bundok ng Israel sa patuloy na pagbagsak. Ngunit ang mga taong naninirahan sa lupain ay ilalabas sa mga tao, at mamumuhay silang lahat nang ligtas!
9 І ви́йдеш, при́йдеш як буря, будеш як хмара, щоб покрити землю, ти та всі відділи твої, та числе́нні наро́ди з тобою.
Kaya sasalakay ka na gaya ng pagdating ng isang bagyo; magiging katulad ka ng isang ulap na babalot sa lupain, ikaw at ang lahat ng iyong mga pangkat, lahat ng napakaraming kawal na kasama mo.
10 Так говорить Господь Бог: І станеться того дня, уві́йдуть слова́ на твоє серце, і ти бу́деш ду́мати злу ду́мку,
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: mangyayari ito sa araw na ang mga plano ay mabubuo sa inyong mga puso, at gagamit ka ng masasamang pamamaraan.'
11 та й скажеш: Піду́ на неукріплений край, знайду́ спокійних, що безпечно сидять, усі вони сидять в оса́дах без муру, і нема в них за́сува та ворі́т,
At sasabihin mo, 'Pupunta ako sa bukas na lupain; Pupunta ako sa mga taong namumuhay nang tahimik at ligtas, silang lahat na naninirahan kung saan walang mga pader o mga harang, at kung saan ang lungsod ay walang mga tarangkahan.
12 щоб набрати здо́бичі, і чинити грабу́нок, щоб повернути свою руку на заселені руїни, і на наро́д, зібраний з народів, що набувають добу́ток та маєток, що сидять посеред землі.
Kukunin ko ang mga nasamsam at nanakawin ko ang mga bagay na kinuha sa pandarambong, upang madala ko ang aking kamay laban sa mga lugar na winasak na ngayon ay tinitirahan, at laban sa mga taong tinipon mula sa mga bansa, mga taong maraming mga hayop at ari-arian, at silang mga nakatira sa gitna ng mundo.'
13 Шева та Дедан, і купці Таршішу, і всі левчуки́ його скажуть тобі: Чи ти прийшов набрати здо́бичі, чи ти зібрав своє збо́рище, щоб чинити грабу́нок, щоб ви́нести срібло та золото, щоб набрати добу́тку та маєтку, щоб набрати великої здо́бичі?
Ang Sheba at Dedan, at ang mga mangangalakal ng Tarsis kasama ang lahat ng kanilang mga batang mandirigma—sasabihin nilang lahat sa iyo, 'Pumunta ka ba dito para kunin ang mga nasamsam? Tinipon mo ba ang iyong hukbo upang nakawin ang mga bagay na kinuha sa pandarambong, upang magbuhat ng pilak at ginto, upang kumuha ng baka at ari-arian, upang kumuha pa ng mas maraming bagay na kinuha sa pagdarambong?'
14 Тому́ пророкуй, сину лю́дський, та й скажеш до Ґоґа: Так говорить Господь Бог: Чи того дня, коли наро́д Мій сидітиме безпечно, ти не довідаєшся про це?
Kaya magpahayag ka, anak ng tao, at sabihin mo kay Gog, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa araw na iyon, kapag ang mga tao kong Israelita ay namumuhay nang matiwasay, hindi mo kaya malalaman ang tungkol sa kanila?
15 І при́йдеш із свого місця, із півні́чних кінців, ти та числе́нні народи з тобою, — всі вони гарцю́ють на ко́нях, зборище велике й ві́йсько числе́нне!
Pupunta ka mula sa iyong lugar sa dulong hilaga kasama ang napakalaking hukbo, lahat sila ay nakasakay sa mga kabayo, isang napakalaking pulutong, isang malaking hukbo?
16 І зді́ймешся на наро́д Мій Ізраїлів, як хмара, щоб покрити землю. Буде це на кінці днів, і ви́веду тебе на Мій Край, щоб наро́ди пізнали Мене, коли Я покажу́ Свою святість тобі, Ґоґу, на їхніх оча́х.
At sasalakayin mo ang mga tao kong Israelita na gaya ng isang ulap na bumabalot sa lupain. Mangyayari ito sa mga darating na araw, dadalhin ko kayo laban sa aking lupain, upang makilala ako ng mga bansa kapag nakita na ni Gog ang aking kabanalan.
17 Так говорить Господь Бог: Чи ти той, що про нього говорив Я за давніх днів через Моїх рабів, Ізра́їлевих пророків, що пророкували за тих днів про роки́, щоб приве́сти тебе на них?
Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hindi ba ikaw ang aking kinausap noong mga nakalipas na araw sa pamamagitan ng kamay ng aking mga lingkod, ang mga propeta ng Israel na nagpahayag sa kanilang sariling kapanahunan sa loob ng maraming taon na dadalhin ko kayo laban sa kanila?
18 І станеться того дня, у дні прихо́ду Ґоґа на Ізраїлеву землю, говорить Господь Бог, — уві́йде ревність Моя в ніздрі Мої.
Kaya darating ito sa araw na iyon kapag sasalakayin na ni Gog ang lupain ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—ang matindi kong galit ay lalabas sa mga butas ng aking ilong!
19 І в ревності своїй, в огні Свого гніву Я сказав: цього дня буде великий трус на Ізраїлевій землі.
Sapagkat inihayag ko ito sa alab ng aking galit at sa nag-aapoy kong poot: tiyak na magkakaroon ng isang napakalakas na lindol sa araw na iyon sa lupain ng Israel.
20 І затремтя́ть перед Моїм лицем мо́рські риби та птаство небесне, і польова́ звірина́, всяке гаддя́, що плазу́є по землі, і всяка люди́на, що на поверхні землі, і будуть поруйно́вані го́ри, і поваляться у́рвища, і всякий мур на землю впаде́.
Manginginig sila sa aking harapan—ang isda sa dagat at ang mga ibon sa mga kalangitan, ang mga mababangis na hayop sa mga kaparangan, at ang lahat ng mga gumagapang sa kalupaan, at ang bawat tao na nasa ibabaw ng lupain. Guguho ang mga bundok at babagsak ang mga matatarik na dalisdis, hanggang ang bawat pader ay babagsak sa kalupaan.
21 І покличу проти нього меча на всіх го́рах Моїх, — говорить Господь Бог, — меч кожного буде на брата його!
Sapagkat ipatatawag ko ang isang espada laban sa kaniya sa lahat ng aking mga bundok—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—ang bawat espada ng isang tao ay laban sa kaniyang kapatid.
22 І буду судитися з ними моровице́ю та кров'ю, і пущу́ заливни́й дощ та камі́нний град, огонь та сі́рку на нього та на відділи його, та на числе́нні народи, що з ним.
At hahatulan ko sila sa pamamagitan ng salot, dugo, napakalakas na mga ulan, at malalaking yelo ng apoy. Pauulanin ko ng asupre sa kaniya at sa kaniyang mga pangkat at sa maraming mga tao na kasama niya.
23 І звели́чуся, і покажу́ Свою святість, і буду пі́знаний на оча́х числе́нних народів, і вони пізнають, що Я — Госпо́дь!
Sapagkat ipapakita ko ang aking kadakilaan at ang aking kabanalan at ipakikilala ko ang aking sarili sa mga mata ng maraming bansa, at malalaman nila na ako si Yahweh!”'