< Єзекіїль 12 >
1 І було мені слово Господнє таке:
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
2 „Сину лю́дський, ти живеш серед дому ворохо́бного, — вони мають очі, щоб бачити, та не бачать, мають ву́ха, щоб слухати, та не чують, бо вони дім ворохо́бний.
“Anak ng tao, naninirahan ka sa kalagitnaan ng mapanghimagsik na sambahayan kung saan may mga mata sila upang makakita ngunit hindi sila nakakakita at kung saan may mga tainga sila upang makarinig ngunit hindi nakikinig dahil mapanghimagsik sila na sambahayan!
3 А ти, сину лю́дський, пороби́ собі речі для мандрі́вки, і йди на вигна́ння вдень на їхніх оча́х, і пі́деш на вигна́ння з свого місця до іншого місця на їхніх оча́х, може побачать вони, що вони дім ворохо́бности.
Kaya ikaw, anak ng tao, ihanda mo ang iyong mga gamit para sa pagkakapatapon at simulan mong umalis sa umaga sa kanilang mga paningin, sapagkat sa kanilang mga paningin, ipapatapon kita mula sa iyong lugar patungo sa isa pang lugar. Marahil masisimulan nilang makita kahit pa mapanghimagsik sila na sambahayan.
4 І повино́сиш свої речі, як речі для мандрівки, удень на їхніх оча́х, а ти ви́йдеш увечорі на їхніх оча́х, як виходять вигна́нці.
At ilalabas mo sa umaga ang iyong mga gamit para sa pagkakatapon sa kanilang mga paningin, lumabas ka sa gabi sa kanilang mga paningin sa paraan kung paano maipapatapon ang sinuman.
5 На їхніх оча́х пробий собі дірку в стіні, і повино́сиш нею.
Maghukay ka ng isang butas sa pader sa kanilang mga paningin at lumabas ka sa pamamagitan nito.
6 На їхніх оча́х на раме́ні повино́сиш, винесеш поте́мки, закриєш обличчя своє, і не побачиш землі, бо Я поставив тебе зна́ком для Ізраїлевого дому“.
Sa kanilang mga paningin, pasanin mo ang iyong mga gamit sa iyong balikat at ilabas ang mga ito sa kadiliman. Takpan mo ang iyong mukha sapagkat hindi mo dapat makita ang lupain, yamang itinalaga kita bilang isang tanda sa sambahayan ng Israel.”
7 І зробив я так, як наказано мені: речі свої я повино́сив удень, а ввечорі пробив собі рукою дірку в стіні, по́темки повиносив, — на рамені носив на їхніх оча́х.
Kaya ginawa ko ito gaya ng inutos sa akin. Inilabas ko ang aking mga gamit ng pagkakatapon sa umaga at sa gabi naghukay ako ng butas sa pader gamit ang aking kamay. Inilabas ko sa kadiliman ang aking mga gamit at pinasan ko ang mga ito sa aking balikat sa kanilang mga paningin.
8 А ра́нком було мені слово Господнє таке:
At noong madaling araw, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
9 „Сину лю́дський, чи ж не сказав до тебе дім Ізраїлів, дім ворохо́бности: Що ти робиш?
“Anak ng tao, hindi ba nagtatanong sa iyo ang sambahayan ng Israel, ang mapanghimagsik na sambahayang iyon kung, 'Ano ang iyong ginagawa?'
10 Скажи до них: Так сказав Господь Бог: Це пророцтво про начальника Єрусалиму та ввесь Ізраїлів дім, що в ньому вони.
Sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: para sa prinsipe ng Jerusalem ang gawain ng pagpapahayag na ito at sa lahat ng sambahayan ng Israel na kinalalakipan nila.'
11 Скажи: Я ваш знак. Як зробив Я, так буде зро́блено їм, — пі́дуть на вигна́ння в поло́н!
Sabihin mo, 'Isa akong tanda sa inyo. Tulad ng aking ginawa, gayundin ang mangyayari sa kanila, maipapatapon sila at malalagay sa pagkabihag.
12 А той начальник, що серед них, на рамені буде не́сти по́темки й ви́йде; у стіні проб'ють дірку, щоб вивести його; обличчя своє він закриє, щоб не бачити землі очи́ма.
Papasanin ng kasama nilang prinsipe sa kaniyang mga balikat ang kaniyang mga gamit sa kadiliman at lalabas sa pamamagitan ng pader. Maghuhukay sila sa pader at ilalabas ang kanilang mga gamit. Tatakpan niya ang kaniyang mukha upang hindi niya makita ang lupain gamit ang kaniyang mga mata.'
13 І розтягну́ на нього сітку Свою, і він буде схо́плений в па́стку Мою, і відведу́ його до Вавилону, до халдейського кра́ю, та його він не побачить, і там помре.
Sasakluban ko siya ng aking lambat at mahuhuli siya sa aking bitag at dadalhin ko siya sa Babilonia, ang lupain ng mga Caldeo, ngunit hindi niya ito makikita. Doon siya mamamatay.
14 А все, що навко́ло нього, його помічники та всі ві́йська його, розпоро́шу на всі вітри́, і витягну за ними меча.
Ikakalat ko rin sa lahat ng dako ang lahat ng mga nakapalibot sa kaniya na tutulong sa kaniya at ng kaniyang buong hukbo at magpapadala ako ng espada sa kanilang likuran.
15 I пізнають вони, що Я — Госпо́дь, коли розві́ю їх поміж наро́дами та розпоро́шу їх по країнах!
At malalaman nila na Ako si Yahweh, kapag ikinalat ko sila sa mga bansa at pinaghiwa-hiwalay ko sila sa buong lupain.
16 А нечисле́нних з них людей збережу́ від меча, від голоду та від зарази, щоб вони оповіда́ли про свої гидо́ти серед народів, куди поприхо́дять. І вони пізнають, що Я — Госпо́дь!“
Ngunit magtitira ako ng ilang mga kalalakihan sa kanila mula sa espada, taggutom at salot nang sa gayon ay maitala nila ang lahat ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga gawain sa lupain kung saan ko sila dinala upang malaman nila na Ako si Yahweh!”
17 І було мені слово Господнє таке:
Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
18 „Сину лю́дський, їж свій хліб у дрижа́нні, а воду свою пий у тремті́нні та в журбі́.
“Anak ng tao, kainin mo ang iyong tinapay nang may panginginig at inumin mo ang iyong tubig nang may pangangatal at pag-aalala.
19 І скажеш до народу цього Кра́ю: Так говорить Господь Бог на ме́шканців Єрусалиму, на Ізраїлеву землю: Вони хліб свій в журбі будуть їсти, а воду свою будуть пити в остовпі́нні, бо спустоші́в їхній край від своєї по́вні за наси́лля всіх, що ме́шкають у ньому.
At sabihin mo sa mga tao sa lupain, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh para sa mga naninirahan sa Jerusalem at sa lupain ng Israel: Kakainin nila ang kanilang tinapay nang may panginginig at iinumin ang kanilang tubig habang nangangatal, yamang masasamsam ang lupain at kabuuan nito dahil sa karahasan ng lahat ng mga naninirahan doon.
20 І поруйнуються насе́лені міста́, а край стане спусто́шенням, і пізнаєте ви, що Я — Госпо́дь!
Kaya mapapabayaan ang mga pinaninirahang lungsod at magiging kaparangan ang lupain; kaya malalaman ninyo na Ako si Yahweh!'”
21 І було мені слово Господнє таке:
Muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
22 „Сину лю́дський, що це в вас за припові́стка така в Ізраїлевій землі: „Продо́вжаться дні, — і зникне всіляке виді́ння“?
“Anak ng tao, ano itong kasabihang mayroon kayo sa lupain ng Israel na nagsasabing, 'Matagal pa ang mga araw at hindi natutupad ang bawat pangitain?'
23 Тому́ скажи їм: Так говорить Госпо́дь Бог: Припиню́ Я цю припові́стку, і більше не будуть її припові́сткувати в Ізраїлі, але говори їм: „Набли́зилися оті дні й слово всякого виді́ння“.
Kaya sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Lalagyan ko ng katapusan ang kasabihang ito upang hindi na ito magamit pa ng mga Israelita kailanman.' At ipahayag mo sa kanila, 'Nalalapit na ang mga araw at maihahayag ang bawat pangitain!'
24 Бо не буде вже жодного марно́го видіння та підле́сливого чарува́ння в Ізраїлевім домі.
Sapagkat hindi na magkakaroon ng anumang mga pangitaing hindi totoo o mga pagtatanging panghuhula sa loob ng sambahayan ng Israel.
25 Бо Я, Господь, буду говорити, а яке слово говоритиму, то буде воно зді́йснене, не відтя́гнеться вже, бо за ваших днів, доме ворохо́бности, буду говорити слово, і його виконаю, говорить Господь Бог“.
Sapagkat ako si Yahweh! Nagsasalita ako at isinasagawa ko ang lahat ng mga salitang sinasabi ko. Hindi na magtatagal ang bagay na ito. Sapagkat ihahayag ko ang mga salitang ito sa inyong mga araw, kayo na mga mapanghimagsik na sambahayan, at isasagawa ko ang mga ito! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
26 І було мені слово Господнє таке:
Muling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
27 „Сину лю́дський, ось говорить Ізраїлів дім: Те виді́ння, яке він бачить, воно про далекі дні, і про далекі часи́ він пророкує.
“Anak ng tao, tingnan mo! 'Sinabi ng sambahayan ng Israel, 'Matagal pang mangyayari mula sa araw na ito ang pangitain na kaniyang nakikita at matatagalan pa ang kaniyang mga ipinahayag.'
28 Тому їм скажи: Так говорить Господь Бог: Не відтя́гнуться вже всі слова́ Мої, — яке слово говоритиму, те буде ви́конане, говорить Господь Бог!“
Kaya sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Hindi na maaantala ang aking mga salita ngunit mangyayari ang mga salitang sinabi ko! —Ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh!'”