< Вихід 14 >
1 І говорив Господь до Мойсея, кажучи:
At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,
2 „Скажи Ізраїлевим синам, і нехай вони повернуть, і нехай ота́боряться перед Пі-Гахіротом, між Міґдолом і між морем, перед Баал-Цефоном. Навпроти нього ота́боритесь над морем.
Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng Pi-hahiroth, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat.
3 І скаже фараон про Ізраїлевих синів: заблудились вони в землі цій, за́мкнено пустиню для них.
At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang.
4 І вчиню запеклим фараонове серце, і він буде гнатися за вами, а Я прославлюся через фараона та через військо його. І пізнають єги́птяни, що Я — Господь!“І вони вчинили так.
At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.
5 І повідомлено царя єгипетського, що втік той наро́д. І змінилося серце фараона та рабів його до того народу, і сказали вони: Що́ це ми зробили, що відпустили Ізраїля від роботи нам?“
At nasabi sa hari sa Egipto, na ang bayan ay tumakas: at ang puso ni Faraon at ng kaniyang mga lingkod ay nagbago tungkol sa bayan, at kanilang sinabi, Ano itong ating ginawa, na ating pinayaon ang Israel, upang huwag na tayong mapaglingkuran?
6 І запріг він свою колесни́цю, і забрав наро́д свій з собою.
At inihanda ni Faraon ang kaniyang karro, at kaniyang ipinagsama ang kaniyang bayan:
7 І взяв він шість сотень добі́рних колесни́ць, і всі колесни́ці Єгипту, і трійкових над усіма́ ними.
At siya'y nagdala ng anim na raang piling karro, at lahat ng mga karro sa Egipto, at ng mga kapitan na namumuno sa lahat ng mga yaon.
8 І Господь учинив запеклим серце фараона, єгипетського царя, — і він погнався за Ізраїлевими синами. Але Ізраїлеві сини виходили сильною рукою!
At pinapagmatigas ng Panginoon ang puso ni Faraon na hari sa Egipto, at hinabol niya ang mga anak ni Israel, sapagka't ang mga anak ni Israel ay nagsialis na may lubos na pagkakatiwala.
9 І гналися єги́птяни за ними, уся кіннота, колесни́ці фараонові, і комо́нники його та військо його, — і догнали їх, як вони ота́борилися були над морем, під Пі-Гахіротом, перед Баал-Цефоном.
At hinabol sila ng mga Egipcio, ng lahat ng mga kabayo at ng karro ni Faraon, at ng kaniyang mga taong mangangabayo, at ng kaniyang hukbo, at inabutan sila noong nakahantong sa tabi ng dagat, na nasa siping ng Pi-hahirot, sa tapat ng Baal-zefon.
10 А фараон наближа́вся. І звели Ізраїлеві сини свої очі, аж ось єги́птяни жену́ться за ними! І дуже злякались вони... І кликали Ізраїлеві сини до Господа,
At nang si Faraon ay nalalapit, ay itiningin ng mga anak ni Israel ang kanilang mga mata, at, narito, ang mga Egipcio ay sumusunod sa kanila; at sila'y natakot na mainam: at ang mga anak ni Israel ay humibik sa Panginoon.
11 а Мойсеєві дорікали: „Чи через те, що не було гробів в Єгипті, ти забрав нас умирати в пустині? Що́ це вчинив ти нам, щоб вивести нас із Єгипту?
At kanilang sinabi kay Moises, Dahil ba sa walang libingan sa Egipto, kung kaya dinala mo kami rito upang mamatay sa ilang? bakit ka gumawa ng ganito sa amin, na inilabas mo kami sa Egipto?
12 Чи це не те саме ми говорили до тебе в Єгипті, кажучи: Позостав нас, і нехай ми робимо Єгиптові! Бо ліпше нам ра́бство Єгиптові, аніж помирати нам у пустині!“
Di ba ito ang sinalita namin sa iyo sa Egipto, na sinasabi, Pabayaan mo kami na makapaglingkod sa mga Egipcio? Sapagka't lalong mabuti sa amin ang maglingkod sa mga Egipcio kay sa kami ay mamatay sa ilang.
13 І сказав Мойсей до народу: „Не бійтеся! Стійте, і побачите спасі́ння Господа, що вчинить вам сьогодні. Бо єги́птян, яких бачите сьогодні, більше не побачите їх уже повіки!
At sinabi ni Moises sa bayan, Huwag kayong matakot, tumigil kayo, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na gagawin sa inyo ngayon: sapagka't ang mga Egipcio na inyong nakikita ngayon, ay hindi na ninyo uli makikita magpakailan man.
14 Господь буде воювати за вас, а ви мовчіть!“
Ipakikipaglaban kayo ng Panginoon, at kayo'y tatahimik.
15 І промовив Господь до Мойсея: „Що́ ти до Мене кли́чеш? Говори до синів Ізраїлевих, нехай руша́ють!
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bakit humihibik ka sa akin? salitain mo sa mga anak ni Israel na sila'y magpatuloy na yumaon.
16 А ти підійми свою палицю, і простягни руку свою на море, і розітни його, — і нехай уві́йдуть Ізраїлеві сини в сере́дину моря, на суходіл.
At itaas mo ang iyong tungkod, at iunat mo ang iyong kamay sa ibabaw ng dagat, at hawiin mo; at ang mga anak ni Israel ay dadaan sa gitna ng dagat sa ibabaw ng lupang tuyo.
17 А Я, — ось Я вчиню запеклим серце єги́птянам, і вони вві́йдуть за ними. І буду Я просла́влений через фараона, і через усе його військо, і через колесниці, його, і через комо́нників його.
At ako, narito, aking papagmamatigasin ang puso ng mga Egipcio at susundan nila sila: at ako'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa buo niyang hukbo, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.
18 I пізнають єги́птяни, що Я — Господь, коли буду Я прославлений через фараона, і через колесниці його, і через комо́нників його!“
At malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon, pagka ako ay nakapagimbot ng karangalan kay Faraon, sa kaniyang mga karro, at sa kaniyang mga nangangabayo.
19 І рушив Ангол Божий, що йшов перед Ізраїльським табо́ром, і пішов за ними; і рушив стовп хмари перед ними, і став за ними,
At ang anghel ng Dios na nasa unahan ng kampamento ng Israel, ay humiwalay at napasa hulihan nila; at ang haliging ulap ay humiwalay sa harap nila at lumagay sa likod nila:
20 і ввійшов він у сере́дину між та́бір Єгипту й між та́бір Ізраїлів. І була та хмара й темрява для Єгипту, а ніч розсвітлив він для Ізраїля. І не зближався один до о́дного цілу ніч.
At lumagay sa pagitan ng kampamento ng Egipto at ng kampamento ng Israel; at mayroong ulap at kadiliman, gayon ma'y binigyan sila ng liwanag sa gabi at ang isa't isa ay hindi nagkalapit sa buong magdamag.
21 І простяг Мойсей руку свою на море, — і Господь гнав море сильним сх́іднім вітром ц́ілу ніч, і зробив море суходолом, — і розступилася вода.
At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa ibabaw ng dagat; at pinaghiwalay ng Panginoon ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silanganan ng buong magdamag, at ang dagat ay pinapaging tuyong lupa at ang tubig ay nahawi.
22 І ввійшли Ізраїлеві сини в сере́дину моря, як на суходіл, а море було для них муром із прави́ці їхньої та з ліви́ці їхньої.
At ang mga anak ni Israel ay pumasok sa gitna ng dagat sa ibabaw ng tuyong lupa: at ang tubig ay naging isang kuta sa kanila, sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
23 А єги́птяни гналися, і ввійшли за ними всі фараонові коні й колесни́ці його, та його комо́нники до сере́дини моря.
At hinabol sila ng mga Egipcio, at nagsipasok na kasunod nila sa gitna ng dagat, lahat ng mga kabayo ni Faraon, ang kaniyang mga karro, at ang kaniyang mga nangangabayo.
24 І сталося за ранньої сторожі, і поглянув Господь на єгипетський та́бір у стовпі огня й хмари, та й привів у зам́ішання єгипетський та́бір.
At nangyari, sa pagbabantay sa kinaumagahan, na minasdan ng Panginoon ang hukbo ng mga Egipcio sa gitna ng haliging apoy at ulap, at niligalig ang hukbo ng mga Egipcio.
25 І поскида́в колеса з колесни́ць його, і вчинив, що йому було́ тяжко ходити. І єги́птяни сказали: „Утікаймо від ізраїльтя́н, бо Господь воює за них з Єгиптом!“
At inalisan ng gulong ang kanilang mga karro, na kanilang hinila ng buong hirap: na ano pa't sinabi ng mga Egipcio, Tumakas tayo sa harap ng Israel: sapagka't ipinakikipaglaban sila ng Panginoon sa mga Egipcio.
26 І промовив Госпо́дь до Мойсея: „Простягни свою руку на море, і нехай ве́рнеться вода на єги́птян, на їхні колесни́ці й на комо́нників їхніх“.
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Iunat mo ang iyong kamay sa dagat, upang ang tubig ay tumabon sa mga Egipcio, sa kanilang mga karro, at sa kanilang mga nangangabayo.
27 І простяг Мойсей руку свою на море, — і море вернулося, коли настав ранок, до сили своєї, а єги́птяни втікали навпроти нього. І кинув Господь єги́птян у сере́дину моря!
At iniunat ni Moises ang kaniyang kamay sa dagat, at ang dagat ay nagsauli sa kaniyang dating lakas, nang umumaga; at ang mga Egipcio ay nagsitakas, at nilaginlin ng Panginoon ang mga Egipcio sa gitna ng dagat.
28 І вернулась вода, і позакривала колесни́ці та комо́нників усьому фараоновому військові, що ввійшло за ними в море. Ані жоден із них не зостався!
At ang tubig ay nagsauli, at tinakpan ang mga karro, at ang mga nangangabayo, sa makatuwid baga'y ang buong hukbo ni Faraon na pumasok na sumunod sa kanila sa dagat; walang natira kahit isa sa kanila.
29 А Ізраїлеві сини йшли суходо́лом у сере́дині моря, а море було для них муром із правиці їхньої та з лівиці їхньої.
Datapuwa't ang mga anak ni Israel ay lumakad sa tuyong lupa sa gitna ng dagat; at ang tubig sa kanila ay naging isang kuta sa kanilang kanan at sa kanilang kaliwa.
30 І визволив Господь того дня Ізраїля з єгипетської руки. І бачив Ізра́їль мертвих єги́птян на березі моря.
Gayon iniligtas ng Panginoon ang Israel ng araw na yaon sa kamay ng mga Egipcio; at nakita ng Israel ang mga Egipcio na mga patay sa tabi ng dagat.
31 І побачив Ізра́їль сильну руку, яку ви́явив Господь у Єгипті, — і став боятися той народ Господа! І ввірував він у Господа, та в Мойсея, раба Його.
At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.