< Екклезіяст 3 >

1 Для всього свій час, і година своя́ кожній справі під небом:
Sa lahat ng mga bagay ay mayroong isang itinakdang panahon, at isang kapanahunan sa bawat layunin sa ilalim ng langit.
2 час роди́тись і час помирати, час садити і час виривати поса́джене,
Panahon ng kapanganakan at panahon ng kamatayan, panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbubunot ng mga pananim,
3 час вбивати і час лікувати, час руйнувати і час будувати,
panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling, panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo,
4 час плакати й час регота́ти, час ридати і час танцювати,
panahon ng pag-iyak at panahon ng pagtawa, panahon ng pagtangis at panahon ng pagsayaw,
5 час розкида́ти каміння і час каміння грома́дити, час обіймати і час ухилятись обі́ймів,
panahon ng paghahagis ng mga bato at panahon ng pag-iipon ng mga bato, panahon na pagyakap sa ibang tao, at panahong hindi pagyakap,
6 час шукати і час розгубити, час збирати і час розкида́ти,
panahon sa paghahanap sa mga bagay at panahon ng paghinto sa paghahanap, panahon ng pag-iingat ng mga bagay at panahon ng pagtatapon ng mga bagay,
7 час дерти і час зашивати, час мовчати і час говорити,
panahon ng pagpunit ng kasuotan at panahon ng pananahi ng kasuotan, panahon ng pananahimik at panahon ng pagsasalita,
8 час кохати і час ненави́діти, час війні і час миру!
panahon ng pag-ibig at panahon ng pagkamuhi, panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
9 Яка ко́ристь трудя́щому в тім, над чим тру́диться він?
Anong pakinabang ang makukuha ng manggagawa sa kaniyang gawain?
10 Я бачив роботу, що Бог був дав лю́дським синам, щоб труди́лись над нею,
Nakita ko na ang gawain na ibinigay ng Diyos sa tao para tapusin.
11 — усе Він прега́рним зробив свого ча́су, і вічність поклав їм у серце, хоч не розуміє люди́на тих діл, що Бог учинив, від поча́тку та аж до кінця́.
Ginawang angkop ng Diyos ang lahat ng bagay para sa bawat panahon. Inilagay din niya ang kawalang hanggan sa kanilang mga puso. Ngunit hindi nauunawaan ng sangkatauhan ang mga gawang ginawa ng Diyos, mula sa simula hanggang sa wakas.
12 Я знаю, немає нічо́го в них кращого, як тільки радіти й робити добро́ у своєму житті.
Alam ko na walang mabuti sa isang tao maliban sa magsaya at gumawa nang kabutihan habang siya ay nabubuhay—
13 I отож, як котри́й чоловік їсть та п'є і в усім своїм тру́ді радіє добром, — це дар Божий!
at ang bawat isa ay dapat kumain at uminom, at dapat maunawaan kung paano matuwa sa kabutihang nagmumula sa lahat ng kanyang ginawa. Ito ay isang kaloob mula sa Diyos.
14 Я знаю, що все, що Бог робить, воно зостається навіки, — до того не можна нічого додати, — і з того не можна нічого відня́ти, і Бог так зробив, щоб боялись Його!
Alam ko na anuman ang ginawa ng Diyos ay magtatagal magpakailanman. Walang maaaring maidagdag pa o maalis, dahil ang Diyos ang siyang gumawa dito upang lumapit ang mga tao sa kaniya nang may karangalan.
15 Що є, то було́ вже воно, і що статися має — було вже, бо минуле відно́влює Бог!
Anuman ang nangyayari ay nangyari na; anuman ang mangyayari pa ay nangyari na. Hinahayaan ng Diyos na hanapin ng tao ang mga nakatagong bagay.
16 І я бачив під сонцем іще: місце су́ду, — а в нім беззако́ння, і місце правди, — у ньому ж неправда.
At nakita ko sa ilalim ng araw na kasamaan ang nangyayari kung saan dapat naroon ang katarungan, at sa lugar nang katuwiran, kasamaan ay madalas matagpuan.
17 Я сказав був у серці своє́му: Судитиме Бог справедливого й несправедливого, бо для кожної справи є час, і на всяке там ді́ло.
Sinabi ko sa aking puso, “Hahatulan ng Diyos ang matuwid at ang masama sa tamang panahon sa bawat bagay at sa bawat ginawa.
18 Я сказав був у серці своє́му: Це для лю́дських синів, щоб Бог випробо́вував їх, і щоб бачити їм, що вони як ті зві́рі,
Sinabi ko sa aking puso, “Sinusubok ng Diyos ang tao para ipakita sa kanila na sila ay tulad ng mga hayop.
19 бо доля для лю́дських синів і доля звіри́ни — однакова доля для них: як оці помирають, так само вмирають і ті, і для всіх один по́дих, і нема над твариною ви́щости людям, — марно́та бо все!
Dahil parehong kapalaran ang nagaganap sa mga tao na nagaganap sa mga hayop. Katulad ng mga hayop, ang mga tao ay lahat namamatay. Lahat sila ay dapat ihinga ang parehong hangin, upang sa gayong paraan ang mga tao ay walang kalamangan sa mga hayop. Hindi ba ang lahat ng bagay ay isang mabilis na paghinga lamang.
20 Все до місця одно́го йде: все постало із по́роху, і ве́рнеться все знов до пороху.
Lahat ng bagay ay mapupunta sa iisang lugar. Lahat ng bagay ay nagmula sa alabok, at lahat ng bagay ay nagbabalik sa alabok.
21 Хто те знає, чи дух лю́дських синів підійма́ється вго́ру, і чи спуска́ється вділ до землі дух скотини?
Sinong nakakaalam kung ang kaluluwa ng mga tao ay mapupunta paitaas at ang kaluluwa ng mga hayop ay mapupunta sa lupa?
22 І я бачив, — нема чоловікові кращого, як діла́ми своїми радіти, бо це доля його́! Бо хто поведе́ його гля́нути, що́ буде по ньому?
Kaya muli kong naunawaan na walang mainam sa kahit na sinong tao kundi magalak sa kaniyang gawain, dahil ito ang kaniyang bahagi. Sino ang maaaring magpabalik sa kaniya upang maipakita kung ano ang magaganap pagkatapos niya?

< Екклезіяст 3 >