< Повторення Закону 34 >
1 І вийшов Мойсей із моа́вських степі́в на го́ру Нево́, на верхів'я Пісґі́, що навпроти Єрихо́ну, а Госпо́дь дав йому побачити ввесь край: Ґілеа́д аж до Да́ну,
Umakyat si Moises mula sa mga kapatagan ng Moab patungong Bundok ng Nebo, hanggang sa tuktok ng Pisga, na nasa tapat ng Jerico. At ipinakita ni Yahweh sa kaniya ang lahat ng lupain ng Galaad hanggang Dan,
2 і ввесь Нефтали́м, і край Єфрема та Манасії, і ввесь край Юди аж до Оста́ннього моря,
at lahat ng Neftali at ang lahat ng lupain ng Efraim at Manases, at lahat ng lupain ng Juda, hanggang sa kanlurang karagatan,
3 і пі́вдень, і рівнину долини Єрихо́ну, пальмового міста аж до Цоару.
at ang Negev, at ang patag sa lambak ng Jerico, ang Lungsod ng mga Palmera, hanggang Zoar.
4 І сказав Господь до нього: „Оце той край, що Я присягнув Авраамові, Ісакові та Якову, говорячи: Насінню твоєму Я дам його. Я вчинив, що ти бачиш його власними очима, та туди не пере́йдеш“.
Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Ito ang lupain na ipinangako ko kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabing, 'Ibibigay ko ito sa inyong mga kaapu-apuhan.' Pinayagan kitang tingnan iyon sa iyong mga mata, pero hindi ka makakapunta roon.”
5 І впоко́ївся там Мойсей, Господній раб, у моавському кра́ї на при́каз Господа.
Kaya si Moises ang lingkod ni Yahweh ay namatay doon sa lupain ng Moab, gaya ng salitang ipinangako ni Yahweh.
6 І похова́ний він у долині в моавському кра́ї навпроти Бет-Пеору, і ніхто не знає гро́бу його аж до цього дня.
Inilibing siya ni Yahweh sa lambak ng lupain ng Moab sa tapat ng Beth Peor, pero walang nakakaalam kung saan ang kaniyang libingan hanggang sa araw na ito.
7 А Мойсей був віку ста й двадцяти́ літ, коли він помер, та не зате́мнилось око його, і воло́гість його не зменшилась.
Isang daan at dalawampung taong gulang si Moises ng namatay siya; hindi lumabo ang kaniyang mata, ni humina ang kaniyang likas na lakas.
8 І оплакували Мойсея Ізраїлеві сини в моавських степа́х тридцять день, та й покінчи́лися дні опла́кування жало́би за Мойсеєм.
nagluksa ng tatlumpung araw ang mga tao ng Israel sa mga kapatagan ng Moab para kay Moises, at ang mga araw ng pagluluksa para kay Moises ay natapos.
9 А Ісус, син Нави́нів, був повний духа мудрости, бо Мойсей поклав свої руки на нього. І слухали його Ізраїлеві сини, і робили, як Господь наказав був Мойсеєві.
Si Josue na anak ni Nun, ay puno ng espiritu ng kaalaman, dahil ipinatong ni Moises ang kaniyang kamay sa kaniya. Nakinig ang mga Israelita sa kaniya at ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kay Moises.
10 І не появився вже в Ізраїлі пророк, як Мойсей, що знав його Господь обличчя-в-обличчя,
Walang ibang tumayong propeta sa Israel tulad ni Moises, na siyang kilala ni Yahweh mukha sa mukha.
11 щодо всіх ознак та чуд, що Господь послав його чинити в єгипетськім кра́ї фараонові й усім рабам його та всьому його краєві,
Walang ibang propeta na tulad niya sa lahat ng mga palatandaan at mga kababalaghan na ipinadala ni Yahweh sa kaniya para gawin sa lupain ng Ehipto, kay Faraon, at sa lahat ng kaniyang mga lingkod, at sa lahat ng kaniyang lupain.
12 і щодо всієї тієї сильної руки, і щодо всього того стра́ху великого, що Мойсей чинив на оча́х усього Ізраїля.
Hindi pa nagkaroon ng sinumang propetang tulad niya sa lahat ng mga dakila, nakakatakot na gawa na ginawa ni Moises sa paningin ng buong Israel.