< Повторення Закону 24 >
1 Як хто ві́зьме жінку, і стане їй чоловіком, і коли вона не зна́йде ласки в оча́х його, бо знайшо́в у ній яку ганебну річ, то напише їй листа розводо́вого, і дасть в її руку, та й відпустить її з свого дому.
Kapag ang isang lalaki ay kumuha ng isang asawa at pinakasalan niya, kung wala siyang nakitang pabor sa kaniyang mga mata dahil nakakita siya ng hindi angkop na bagay sa kaniya, dapat siyang sumulat ng liham ng pagkakahiwalay, ilagay ito sa kaniyang kamay at palabasin siya sa kaniyang bahay.
2 І ви́йде вона з його дому, і пі́де, і вийде за іншого чоловіка,
Kapag siya umalis sa kaniyang bahay, maaari siyang umalis at maging asawa ng ibang lalaki.
3 і коли знена́видить її той останній чоловік, то напише їй листа розводо́вого, і дасть в її руку, та й відпустить її з свого дому. Або коли помре той останній чоловік, що взяв був її собі за жінку,
Kung ang pangalawang asawang lalaki ay napoot sa kaniya at sinulatan siya ng isang kasulatan ng paghihiwalay, inilalagay ito sa kaniyang kamay at pinaalis niya sa kaniyang bahay; o kung namatay ang pangalawang asawang lalaki, ang lalaking kumuha sa kaniya para magiging kaniyang asawa—
4 не може перший її муж, що відпустив її, вернути й узяти її, щоб стала йому за жінку по тому, як була занечи́щена, бо це огида перед Господнім лицем, і ти не зробиш грішною тієї землі, яку Господь, Бог твій, дає тобі на спа́док.
pagkatapos ang kaniyang dating asawa na unang nagpalayas sa kaniya, maaaring hindi niya ito tanggapin na kaniyang asawa, matapos na siya'y maging marumi, dahil iyon ay hindi kalugod-lugod sa harapan ni Yahweh. Hindi ka dapat na magdulot sa lupain na maging makasalanan, ang lupain na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos bilang isang pamana.
5 Коли хто недавно одружився, не пі́де він до війська, і ніяка справа не покладеться на нього, — вільний він буде один рік для свого дому, і пора́дує свою жінку, що взяв.
Kapag ang lalaki ay kumuha ng bagong asawa, hindi siya sasama sa labanan kasama ang hukbo, ni utusan ng sapilitang tungkulin; siya ay malaya na nasa kaniyang bahay sa loob ng isang taon at magpapasaya sa kaniyang asawa na kaniyang kinuha.
6 Ніхто не ві́зьме в заста́ву долі́шнього каменя жо́рен або горі́шнього каменя жорен, бо він душу взяв би в заста́ву.
Walang tao ang maaaring kumuha ng gilingan o sa mataas na gilingang bato bilang isang sangla, dahil iyon ay pagkuha ng buhay ng taoo bilang kasunduan.
7 Коли буде хто зна́йдений, що вкрав кого з братів своїх, з Ізраїлевих синів, і буде пово́дитися з ним як із невільником, або й продасть його, то нехай помре той злодій, і ти вигубиш зло з-посеред себе.
Kung ang isang tao ay natagpuang dinudukot ang sinuman sa kaniyang mga kapatid mula sa bayan ng Israel at pinakitunguhan niya bilang isang alipin at binenta siya, ang magnanakaw na iyon ay dapat mamatay; at alisin ninyo ang kasamaan sa inyo.
8 Стережися в хворобі прока́зи, щоб дуже пильнувати, і робити все те, як навчать вас священики-Левити; як наказав я їм, будете додержувати, щоб виконати те,
Pakinggang mabuti ang tungkol sa anumang sakit ng ketong, sa gayon bigyan ninyo ng mainamn na pansin at sumunod sa bawat tagubilin sa inyo ng mga pari, na mga levita, na nagturo sa inyo; ayon sa iniutos ko sa kanila, para kayo ay kumilos.
9 Пам'ятайте те, що зробив був Господь, Бог твій, Марія́мі в дорозі, коли ви вихо́дили з Єгипту.
Isaisip kung ano ang ginawa ni Yahweh na iyong Diyos kay Miriam, nang kayo'y lumabas sa Ehipto.
10 Коли ти позичиш своєму ближньому по́зичку з чогось, не вві́йдеш до дому його, щоб узяти заста́ву його, —
Kapag ikaw ay magpapahiram sa inyong kapitbahay ng anumang uri ng utang, huwag kayong papasok sa kaniyang bahay para kunin ang kaniyang inutang.
11 назовні будеш стояти, а той чоловік, що ти позичив йому, винесе до тебе заста́ву назо́вні.
Ikaw ay tatayo sa labas at ang taong inyong pinahiram ay dadalhin sa labas ang uinutang niya sa inyo.
12 А якщо він чоловік убогий, не ляжеш спати, маючи заста́ву його, —
Kung siya ay isang taong mahirap, huwag kayong matulog sinangla niya na nasa inyong pag-aari.
13 конче ве́рнеш йому ту заста́ву при за́ході сонця, і буде він спати на одежі своїй, і буде благословляти тебе, а тобі буде це за праведність перед лицем Господа, Бога твого.
Kapag lumubog ang araw, siguraduhing isuli sa kaniya ang sinangla niya sa paglubog ng araw, para siya ay makatulog sa kaniyang balabal at pagpalain ka, ito ay magiging matuwid sa harapan ni Yahweh na iyong Diyos.
14 Не бу́деш утискати на́ймита, убогого й незаможного з братів своїх та з прихо́дька свого, що в кра́ї твоїм у брамах твоїх.
Hindi dapat ninyo pahirapan ang isang inuupahang lingkod na mahirap at nangangailangan, maging siya ay kapwa mong mga Israelita, o mga dayuhan na nasa inyong lupain sa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod;
15 Того ж дня даси йому заплату, і не за́йде над нею незапла́ченою сонце, бо вбогий він, і до неї лине душа його. І не буде він кликати на тебе до Господа, і не буде гріха́ на тобі.
Bawat araw dapat ninyo ibigay sa kaniya ang kaniyang sahod, dapat hindi lulubog ang araw na hindi siya mabayaran, dahil siya ay mahirap at umaasa dito. Gawin ito para hindi siya dumaing kay Yahweh laban sa inyo at hindi ito magiging kasalanan na iyong nagawa.
16 Не будуть забиті батьки за синів, а сини не будуть забиті за батьків, — кожен за гріх свій смертю пока́раний буде.
Hindi dapat patayin ang mga magulang para sa kanilang mga anak, ni ang mga anak ay papatayin para sa kanilang mga magulang; sa halip, bawat isa ay dapat patayin para sa sariling nilang kasalanan.
17 Не скривиш суду на прихо́дька, на сироту, і не будеш брати в заста́ву вдови́ної одежі.
Huwag ninyong piliting ilayo ang hustisya na nararapat sa dayuhan o as ulila, o kunin ang damit ng balo bilang kabayaran sa utang.
18 І будеш пам'ятати, що рабом був ти сам у Єгипті, і викупив тебе Господь, Бог твій, звідти, тому я наказую тобі робити цю річ.
Sa halip, dapat ninyong isaisip na kayo ay isang alipin sa Ehipto at si Yahweh na inyong Diyos ay iniligtas kayo mula doon. Samakatuwid, tinuturuan ko kayo na sumunod sa utos na ito.
19 Коли будеш жати жни́во своє на своїм полі, і забудеш на полі снопа, не ве́рнешся взяти його, — він буде прихо́дькові, сироті та вдові, щоб поблагословив тебе Господь, Бог твій, у всім чині твоїх рук.
Kapag kayo ay mag-aani sa inyong bukid at nakalimot kayo ng isang bigkis sa bukid, hindi na dapat ninyo kunin ito, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo, para pagpalain kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gawain ng inyong mga kamay.
20 Коли будеш оббивати оливку свою, не будеш переоббивати в галу́зках за собою: воно буде прихо́дькові, сироті та вдові.
Kapag inalog niyo ang puno ng olibo, dapat hindi na ninyo babalikang muli ang mga sanga, para na ito sa mga dayuhan, sa mga ulila, o sa balo.
21 Коли будеш збирати виноград свого виноградника, не будеш збирати поли́шеного за собою, — воно буде прихо́дькові, сироті та вдові.
Kapag pinagtipon-tipon ninyo ang mga ubas sa inyong ubasan, hindi mo na dapat pulutin ang nasa likuran mo, ito ay para na sa dayuhan, sa mga ulila, o sa balo.
22 І будеш пам'ятати, що рабом був ти в єгипетськім кра́ї, тому́ я наказую тобі робити цю річ.
Dapat ninyong isaisip na kayo ay naging isang alipin sa lupain ng Ehipto; kaya't itinuturo ko sa inyo na sundin ang utos na ito.