< Повторення Закону 22 >

1 Коли побачиш вола свого брата або щось із ота́ри, що заблуди́ли, то ти не сховаєшся від них, а конче вернеш їх своєму братові.
Hindi dapat ninyo pabayaan ang lalaking baka ng inyong kapwa Israelita o ang kaniyang tupa ay naligaw at itago ang inyong sarili mula sa kanila; dapat tiyakin ninyong isauli ito sa kaniya.
2 А якщо брат твій не близьки́й до тебе, чи ти не знаєш його, то забереш те до дому свого, і воно буде з тобою, аж поки брат твій не буде шукати його, — і пове́рнеш його йому.
Kung ang kapwa ninyo Israelita ay hindi malapit sa inyo, o hindi ninyo siya kilala, kung gayon iuwi ninyo ang hayop sa inyong tahanan, at ito ay dapat nasa sa inyo hanggang hanapin niya ito, at pagkatapos ito ay dapat ibalik ninyo sa kaniya.
3 І так зробиш ослові його, і так зробиш одежі його, і так зробиш усякій згу́бі брата свого, що згу́блена в нього, а ти зна́йдеш її, — не зможеш ховати її.
Kailangan gawin din ninyo ito sa kaniyang asno; kailangan gawin rin ninyo ito sa kaniyang damit; kailangan gawin rin ninyo ito sa bawat nawawalang bagay ng inyong kapwa Israelita, anumang bagay na kaniyang nawala at inyong nakita; hindi ninyo maaaring itago sa inyong sarili.
4 Коли побачиш осла свого брата або вола його, що впали на дорозі, то ти не сховаєшся від них, — конче піді́ймеш їх ра́зом із ним.
Hindi ninyo dapat masdan lang ang asno ng inyong kasamahang Israelita o ang kaniyang natumbang lalaking baka sa daan at itago ang inyong sarili mula sa kanila; dapat tiyakin ninyong tulungan siya para muling ibangon ito.
5 Не буде чоловіча річ на жінці, а мужчи́на не зодягне́ жіночої одежі, бо кожен, хто чинить це, — огида він для Господа, Бога свого.
Ang isang babae ay hindi dapat magsuot ng kung anong may kinalaman sa isang lalaki, at ni ang isang lalaki ay magsuot ng pambabaeng kasuotan; dahil kung sinuman ang gagawa ng mga bagay na ito ay isang bagay na kasuklam-suklam para kay Yahweh na inyong Diyos.
6 Коли спіткається на дорозі пташи́не кубло перед тобою на якомубудь дереві чи на землі з пташеня́тами або з яйцями, а мати сидить на пташенятах або на яйцях, то не ві́зьмеш тієї матері з дітьми, —
Kung ang isang pugad ng ibon ay mangyaring nasa inyong harapan sa daanan, sa anumang punong kahoy sa lupa, na may mga inakay o mga itlog sa loob nito, at ang inang ibon na naglilimlim sa inakay o sa ibabaw ng mga itlog, hindi ninyo dapat kunin ang inang ibon kasama ang inakay.
7 конче відпустиш ту матір, а дітей ві́зьмеш собі, щоб було добре тобі, і щоб ти продовжив свої дні.
Dapat tiyakin ninyong pakawalan ang inang ibon, pero ang inakay ay maaring ninyong kunin sa inyong sarili. Sundin ang utos na ito para maging mabuti sa inyo, at para mapahaba ninyo ang inyong mga araw.
8 Коли збудуєш нови́й дім, то зробиш пору́ччя для да́ху свого, і не напровадиш крови на дім свій, коли спаде з нього хтось.
Kapag kayo ay nagpatayo ng isang bagong bahay, kung gayon dapat gumawa kayo ng isang barandilya para sa inyong bubong, para hindi kayo magdala ng dugo sa inyong bahay, kung sinuman ang mahuhulog mula doon.
9 Не будеш засівати свого виноградника подвійним насінням, щоб не зробити заклятим усе насіння: і що засієш, і врожай виноградинка.
Dapat hindi kayo magtanim sa inyong ubasan ng dalawang uri ng buto, para ang buong ani ay hindi kunin ng banal na lugar, ang buto na inyong hinasik at ang bunga ng ubasan.
10 Не будеш орати волом і ослом ра́зом.
Hindi dapat kayo mag-araro kasama ang isang lalaking baka at isang asno ng magkasama.
11 Не одягнеш одежі з двійно́го матеріялу, — з вовни й льо́ну ра́зом.
Hindi dapat kayo magsuot ng tela na gawa sa lana at lino ng magkasama.
12 Поро́биш собі кута́си на чотирьох края́х свого покриття, що ним покриваєшся.
Dapat gawan ninyo ang inyong sarili ng mga palawit sa apat na mga sulok ng balabal na inyong isusuot.
13 Коли хто ві́зьме жінку, і вві́йде до неї, але потім знена́видить її,
Ipagpalagay na ang isang lalaki ay kumuha ng isang asawa, at sinipingan niya,
14 і зводитиме на неї ганьбли́ві слова́, і пустить про неї неславу та й скаже: „Жінку цю взяв я, і збли́зився з нею, та не знайшов у неї діво́цтва“,
at pagkatapos ay kinamuhian niya, at pinaratangan niya ng nakakahiyang mga bagay at naglagay ng isang masamang reputasyon sa kaniya, at sasabihing, 'Kinuha ko itong babae, pero nang sinipingan ko siya, natuklasan kong wala siyang katibayan sa kaniyang pagkabirhen'
15 то ві́зьме батько тієї дівчини та мати її, і віднесуть доказа діво́цтва тієї ді́вчини до старши́х міста, до брами.
Pagkatapos ang ama at ina ng babae ay dapat magpakita ng katunayan ng kaniyang pagkabirhen sa mga nakatatanda sa lungsod.
16 І скаже батько тієї ді́вчини до старши́х: „Я дав тому чоловікові дочку́ свою за жінку, та він знена́видів її.
Ang ama ng dalaga ay dapat magsalita sa mga nakatatanda, 'Ibinigay ko ang aking anak na babae sa lalaking ito bilang isang asawa, at siya ay kinamuhian niya.
17 І ось він зводить на неї ганьбли́ві слова, говорячи: „Я не знайшов у твоєї дочки́ діво́цтва“, а оце знаки дівоцтва моєї дочки“. І розтягнуть одежу перед старши́ми міста.
Tingnan ninyo, siya ay pinaratangan niya ng nakakahiyang mga bagay at sinabi, “Wala akong nakitang katibayan sa pagkabirhen ng inyong anak na babae”—gayon pa man ito ay nagpapatunay sa pagkabirhen ng aking anak na babae.' At pagkatapos ilalatag nila palabas ang damit sa harapan ng mga nakatatanda ng lungsod.
18 А старші́ того міста ві́зьмуть того чоловіка, та й покарають його,
Ang mga nakatatanda sa lungsod na iyon ay dapat kunin ang lalaking iyon at siya ay parusahan;
19 і накладуть на нього пеню́, сто шеклів срібла, — і дадуть батькові тієї дівчини, — бо він пустив неславу на Ізраїлеву ді́вчину, а вона буде йому за жінку, — він не зможе відпустити її по всі свої дні.
at pagmultahin ng isang daang shekel ng pilak, at ibigay ang mga ito sa ama ng babae, dahil nilagyan ng lalaki ng isang masamang kapurihan ang isang birhen ng Israel. Dapat siya ay maging kaniyang asawa; hindi niya maaaring palayasin siya sa buong buhay niya.
20 А якщо правдою було́ це слово, — не зна́йдене було діво́цтво в тієї дівчини, —
Pero kung ang bagay na ito ay totoo, na ang katibayan ng pagkabirhen ay hindi nakita sa babae,
21 то приведуть ту дівчину до дверей дому батька її, і вкаменують її люди її міста камінням, — і вона помре, бо зробила негідність між Ізраїлем на спроневі́рення дому батька свого, — і вигубиш зло з-посеред себе.
kung gayon kailangan nilang dalhin palabas ang babae sa pintuan ng bahay ng kaniyang ama, at ang mga lalaki ng kaniyang lungsod ay dapat siyang batuhin, hanggang siya ay mamatay, dahil siya ay gumawa ng isang nakakahiyang asal sa Israel, na umasal gaya ng isang bayarang babae sa bahay ng kaniyang ama; at aalisin ninyo ang kasamaan mula sa inyo.
22 Коли буде зна́йдений хто, що лежить із замі́жньою жінкою, то помруть вони обо́є, — той чоловік, що лежав із жінкою, і та жінка, і вигубиш зло з Ізраїля.
Kung ang isang lalaki ay nakitang sumiping sa isang babae na kasal na sa ibang lalaki, kung gayon silang dalawa ay dapat mamatay, ang lalaking sumiping sa babae, at ang babae mismo; dapat alisin ninyo ang kasamaan mula sa inyo.
23 Коли ді́вчина буде зару́чена чоловікові, і спіткає її хто в місті, і ляже з нею,
Kung may isang dalagang isang birhen, may kasunduang ipakakasal sa isang lalaki, at may ibang lalaking nakakita sa kaniya sa lungsod at sumiping sa kaniya,
24 то виведете їх обох до брами того міста, і вкаменуєте їх камінням, і вони помруть, — ту дівчину за те, що не кричала в місті, а того чоловіка за те, що збезчестив жінку свого ближнього, і вигубиш зло серед себе.
dalhin silang dalawa sa tarangkahan ng lungsod, at sila ay babatuhin hanggang mamatay. Dapat ninyong batuhin ang babae, dahil hindi siya sumigaw, kahit siya ay nasa lungsod. Dapat ninyong batuhin ang lalaki, dahil nilapastangan niya ang asawa ng kaniyang kapwa; at aalisin ninyo ang kasamaan na mula sa inyo.
25 А як хто на полі спітка́є зару́чену дівчину, і схо́пить її та й ляже з нею, то помре той чоловік, що ліг із нею, він сам,
Pero kung makita ng lalaki sa bukid ang babae na may kasunduan ikakasal, at sinunggaban niya ito at sinipingan, kung gayon tanging ang lalaking sumiping sa kaniya ang dapat mamatay.
26 а тій дівчині не зробиш нічо́го, — нема тій дівчині смерте́льного гріха́, бо це таке, як повстане хто на свого ближнього й уб'є його, така це річ.
Pero sa dalaga, wala kayong dapat gawin; walang kasalanan na kamatayan ang nararapat sa dalaga. Dahil ang kasong ito ay katulad nang isang lalaking umatake sa kaniyang kapwa at pinatay niya.
27 Бо в полі він спіткав її, — кричала та зару́чена дівчина, та не було кому врятувати її.
Dahil siya ay nakita niya sa bukid; sumigaw ang babaeng may kasunduang ipakakasal, pero wala doon ni isa para siya ay iligtas.
28 Коли хто спіткає дівчину, що не була зару́чена, і схо́пить її, і ляже з нею, і застануть їх,
Kung makakita ang isang lalaki ng isang dalaga na isang birhen pero walang pang kasunduang ipakakasal, at kung siya ay sinunggaban niya at sinipingan, at kung sila ay natuklusan,
29 то той чоловік, що лежав із нею, дасть батькові тієї дівчини п'ятдеся́т шеклів срібла, і вона стане йому за жінку, за те, що збезчестив її, — не зможе він відпустити її по всі свої дні.
sa gayon ang lalaking sumiping sa kaniya ay dapat magbigay ng limampung mga shekel na pilak sa ama ng babae, at siya ay dapat maging kaniyang asawa, dahil ipinahiya niya siya. Hindi niya maaaring palayasin siya sa buong buhay niya.
30 Ніхто не ві́зьме жінки свого батька, і не відкриє подо́лка одежі ба́тька свого́.
Hindi dapat kunin ng isang lalaki ang asawa ng kaniyang ama bilang sa kaniya; hindi niya dapat kunin ang karapatan ng pag-aasawa ng kaniyang ama.

< Повторення Закону 22 >