< Даниїл 2 >
1 А за другого року Навуходоносорового царюва́ння присни́лися Навуходоносорові сни. І занепоко́ївся дух його, і сон його утік від нього.
Sa ikalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, nagkaroon siya ng mga panaginip. Naguluhan ang kaniyang isip, at hindi siya makatulog.
2 І сказав цар покли́кати чарівникі́в та заклиначі́в, і чаклуні́в та халде́їв, щоб розповіли́ царе́ві його сни. І вони поприхо́дили, і поставали перед царськи́м обличчям.
At ipinatawag ng hari ang mga salamangkero at ang mga nagsasabing nakakausap ang patay. Ipinatawag din niya ang mga mangkukulam at matatalinong kalalakihan. Nais niya na sabihin nila sa kaniya ang tungkol sa kaniyang mga panaginip. Kaya dumating sila at tumayo sa harapan ng hari.
3 І сказав до них цар: „Снився мені сон, і занепоко́ївся дух мій, щоб пізнати той сон.“
Sinabi ng hari sa kanila, “Nagkaroon ako ng isang panaginip, at nababahala ang aking isipan na malaman ang kahulugan ng panaginip.”
4 А халде́ї говорили царе́ві по-араме́йському: „Ца́рю, живи навіки! Розкажи перше сон своїм рабам, а ми об'явимо ро́зв'язку“.
Pagkatapos, nagsalita ang matatalinong kalalakihan sa wikang Aramaico, “Hari, mabuhay ka magpakailanman! Sabihin mo ang panaginip sa amin, ang inyong mga lingkod at ihahayag namin ang kahulugan.”
5 Цар відповів та й сказав до халдеїв: „Моє слово невідкличне: якщо ви не розповісте́ мені сна та його ро́зв'язку, будете почетверто́вані, а ваші доми обе́рнуться в руїни.
Sumagot ang hari sa matatalinong kalalakihan, “Nalutas na ang usaping ito. Kung hindi ninyo maihahayag ang panaginip sa akin at bigyang kahulugan ito, pagpuputul-putulin ko ang inyong katawan at gagawin kong tambakan ng basura ang inyong mga tahanan.
6 А якщо ви розповісте́ сон та його ро́зв'язку, оде́ржите від мене да́ри й нагоро́ду та велику честь; тому об'явіть мені сон та його ро́зв'язку“.
Ngunit kung sasabihin ninyo sa akin ang panaginip at kahulugan nito, makakatanggap kayo ng mga kaloob mula sa akin, isang gantimpala at dakilang karangalan. Kaya sabihin ninyo sa akin ang panaginip at kahulugan nito.”
7 Вони відповіли́ вдруге та й сказали: „Цар перше розкаже сон своїм рабам, а ми об'я́вимо ро́зв'язку“.
Sumagot silang muli at sinabi, “Hayaang sabihin ito sa amin ng hari, ang kaniyang mga lingkod, ang panaginip at sasabihin namin sa inyo ang kahulugan nito.”
8 Цар відповів та й сказав: „Я знаю напевно, що ви хочете виграти час, бо бачите, що слово моє невідкли́чне.
Sumagot ang hari, “Nakatitiyak ako na nangangailangan pa kayo ng mas maraming panahon dahil nakita ninyo kung gaano katatag ang aking pagpapasiya tungkol dito.
9 Якщо ви не розкажете мені сна, то один у вас за́дум, бо ви змовилися говорити передо мною лож та неправду, аж по́ки змі́ниться час. Тому́ розкажіть мені сон, і я пізнаю, що́ ви об'явите мені, і його ро́зв'язку“.
Ngunit kung hindi ninyo sasabihin sa akin ang panaginip, may iisang hatol lamang para sa inyo. Napagpasiyahan ninyong maghanda ng bulaan at mapanlinlang na mga salita na sinang-ayunan ninyo upang sabihin sa akin hanggang magbago ang aking isip. Kung kaya, sabihin ninyo sa akin ang panaginip at pagkatapos ay alam ko na mabibigyang kahulugan ninyo ito para sa akin.”
10 Халдеї відповіли́ перед царем та й сказали: „Нема на суходо́лі люди́ни, що могла б об'явити цареву справу, бо жоден великий та панівни́й цар не питався такої речі від жодного чарівника́ й заклинача́ та халде́я.
Sumagot ang matatalinong kalalakihan sa hari, “Walang tao sa lupa ang may kakayanang matugunan ang pangagailangan ng hari. Walang dakila at makapangyarihang hari ang mangangailangan ng ganoong bagay mula sa sinumang salamangkero, o mula sa sinumang umaangkin na makipag-usap sa patay, o mula sa isang matalinong tao.
11 А справа, про яку питається цар, тяжка́, і немає таких, що об'явили б її перед царем, окрім богі́в, що не мають своїх ме́шкань ра́зом із тілом“.
Ang pangangalingan ng hari ay mahirap, at walang sinuman ang makakapagsabi nito sa hari maliban sa mga diyos at hindi sila naninirahan kabilang sa mga tao.”
12 За це цар розгнівався, та сильно розпі́нився, і наказав вигубити всіх вавилонських мудреці́в.
Ito ang ikinagalit at labis na nagpagalit sa hari, at nagbigay siya ng utos na lipulin ang lahat ng mga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilang karunungan.
13 І вийшов нака́з, і вбивали мудреці́в, і шукано Даниїла та його товариші́в, щоб повбива́ти.
Kaya nailabas ang kautusan. Lahat ng mga nakilala sa kanilang karunungan ay nahatulan ng kamatayan; hinanap din nila si Daniel at ang kaniyang mga kaibigan upang mailagay din sila sa kamatayan.
14 Того ча́су Даниїл розповів розважно та розумно Арйохові, начальникові царсько́ї сторожі, що вийшов був побива́ти вавилонських мудреці́в.
Pagkatapos, sumagot si Daniel ng may hinahon at mabuting pagpapasiya kay Arioc na pinuno ng mga tagabantay ng hari, na dumating upang patayin ang lahat ng mga nasa Babilonia na kinikilala sa kanilang karunungan.
15 Він заговорив та й сказав Арйохові, царсько́му владиці: „Чому́ такий жорстокий нака́з від царя?“Тоді Арйо́х розповів Даниїлові справу.
Tinanong ni Daniel ang pinuno ng tagabantay ng hari, “Bakit pabigla-bigla ang kautusan ng hari?” Kaya sinabi ni Arioc kay Daniel ang nangyari.
16 І Даниїл увійшов, і просив просити від царя, щоб дав йому ча́су, і він об'явить цареві ро́зв'язку сна.
Pagkatapos, pumasok si Daniel at humiling ng kasunduan sa hari upang maiharap niya ang pagpapaliwanag sa hari.
17 Тоді Даниїл пішов до свого дому, і завідо́мив про справу товариші́в своїх, Ананію, Мисаїла та Азарію,
Pagkatapos, pumunta si Daniel sa kaniyang tahanan at ipinaliwanag niya kay Hananias, Misael, at Azarias kung ano ang nangyari.
18 щоб просили милости від Небесного Бога на цю таємни́цю, щоб не вигубили Даниїла та товариші́в його ра́зом з рештою вавилонських мудреці́в.
Hinimok niya sila na hanapin ang habag mula sa Diyos ng langit tungkol sa hiwagang ito upang siya at sila ay hindi maaaring patayin kasama ang mga natirang kalalakihan sa Babilonia na kilala sa kanilang karunungan.
19 Тоді Даниїлові відкрита була таємни́ця в нічно́му виді́нні, і Даниїл просла́вив Небесного Бога.
Nang gabing iyon, naihayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain. At pinuri ni Daniel ang Diyos ng kalangitan
20 Даниїл заговорив та й сказав: „Нехай буде благослове́нне Боже Ім'я́ від віку й аж до віку, бо Його мудрість та сила.
at sinabi, “Purihin ang pangalan ng Diyos ng walang hanggan at magpakailanman; sapagkat ang karunungan at kapangyarihan ay sa kaniya.
21 І Він зміняє часи́ та по́ри року, скидає царів і настановляє царів, дає мудрість мудрим, і пізна́ння розумним.
Binabago niya ang mga panahon at mga kapanahunan; tinatanggal niya ang mga hari at inilalagay ang mga hari sa kanilang mga trono. Nagbibigay siya ng karunungan sa matalino at kaalaman sa mga mayroong pag-unawa.
22 Він відкриває глибоке та сховане, знає те, що в те́мряві, а світло спочиває з Ним.
Inihahayag niya ang malalim at nakatagong mga bagay dahil alam niya ang mga nasa kadiliman at ang liwanag ay nananahan sa kaniya.
23 Тобі, Боже батьків моїх, я дякую та сла́влю Тебе, що Ти дав мені мудрість та силу, а тепер відкри́в мені, що я від Тебе просив, — бо Ти відкрив нам справу царе́ву“.
Diyos ng aking mga ninuno, pinasasalamatan at pinupuri ko kayo para sa karunungan at kapangyarihan na ibinigay ninyo sa akin. Ngayon, ipinaalam mo sa akin kung ano ang aming ipinapanalangin sa iyo; ipinaalam mo sa amin ang bagay na nagpapaalala sa hari.”
24 Пото́му Даниїл пішов до Арйоха, якого цар призна́чив ви́губити вавилонських мудреці́в. Пішов він та й так йому сказав: „Не губи вавилонських мудреці́в! Заведи мене перед царя, — і я об'явлю́ цареві ро́зв'язку сна “.
Sa lahat ng mga ito, pumunta si Daniel upang makipagkita kay Arioc, ang isa na itinakda ng hari upang patayin ang lahat ng matatalino sa Babilonia. Lumapit siya at sinabi sa kaniya, “Huwag mong patayin ang matatalinong kalalakihan sa Babilonia. Samahan mo ako sa harapan ng hari at sasabihin ko ang kahulugan ng panaginip ng hari.
25 Тоді Арйо́х негайно привів Даниїла перед царя, та й сказав йому так: „Знайшов я мужа з синів Юдиного вигна́ння, що об'я́вить царе́ві ро́зв'язку сна “.
At dinala agad ni Arioc si Daniel sa harapan ng hari at sinabi, “Natagpuan ko na ang lalaki sa mga bihag ng Juda na makapaghahayag ng kahulugan sa panaginip ng hari.”
26 Цар заговорив та й сказав Даниїлові, що йому було йме́ння Валтаса́р: „Чи ти можеш об'явити мені сон, якого я бачив, та його ро́зв'язку?“
Sinabi ng hari kay Daniel (na tinatawag na Beltesazar), “May kakayahan ka bang sabihin sa akin ang panaginip na nakita ko at ang kahulugan nito?”
27 Даниїл відповів перед царем та й сказав: „Таємни́ці, про яку питається цар, не можуть об'явити цареві ані мудреці́, ані заклиначі́, ані чарівники́, ані віщуни́.
Sumagot si Daniel sa hari at sinabi, “Ang hiwagang pangagailangan ng hari ay hindi maihahayag sa pamamagitan ng mga may karunungan, ni sa pamamagitan ng mga nagsasabi na nakikipag-usap sa patay, ni sa mga salamangkero, at hindi sa mga manghuhula.
28 Але є на небеса́х Бог, що відкриває таємниці, і Він завідо́мив царя Навуходоно́сора про те, що́ бу́де в кінці днів. Твій сон та виді́ння твоєї голови на ложі твоїм — оце вони:
Gayon pa man, mayroong isang Diyos na naninirahan sa langit, na naghahayag ng mga lihim, at ipinaalam niya sa iyo, Haring Nebucadnezar kung ano ang mangyayari sa mga darating na araw. Ang iyong panaginip at mga pangitain ng iyong isip habang nakahiga ka sa iyong higaan ay ang mga ito:
29 Тобі, ца́рю, прихо́дили на ложе твоє думки́ твої про те, що́ буде потім, а Той, Хто відкриває таємницю, показав тобі те, що́ буде.
Para sa iyo, hari, ang iyong mga pag-iisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan kung ano ang mangyayari sa panahong darating, at ang isang makapaghahayag ng mga lihim na ipaalam sa iyo ay malapit ng mangyari.
30 А мені ця таємниця відкрита не через мудрість, що була б у мені більша від мудрости всіх живих, а тільки на те, щоб об'явити царе́ві роз́в'язку, і ти пізна́єш думки́ свого серця.
Para sa akin, hindi maihahayag ang lihim na ito sa akin dahil sa anumang karunungan na mayroon ako higit pa sa kahit sinong nabubuhay na tao. Inihayag ang lihim na ito sa akin upang ikaw na hari ay maaaring maunawaan ang kahulugan nito at upang maaari mong malaman ang mga pag-iisip na nasa iyong kalooban.
31 Ти, ца́рю, бачив, аж ось один великий бовва́н, — бовван цей величе́зний, а блиск його дуже си́льний; він стояв перед тобою, а ви́гляд його був страшни́й.
Hari, tumingala ka at nakita mo ang isang malaking imahen. Ang imaheng ito ay napaka-makapangyarihan at maliwanag na nakatayo sa iyong harapan. Kakila-kilabot ang liwanag nito.
32 Цей бовва́н такий: голова його — з чистого золота, груди його та раме́на його — зо срі́бла, нутро́ його та стегно́ його — з міді,
Gawa sa purong ginto ang ulo ng imahen. Gawa sa pilak ang dibib at mga braso nito. Ang gitna at hita nito ay gawa sa tanso,
33 голі́нки його — з заліза, но́ги його — частинно з заліза, а частинно з глини.
at gawa sa bakal ang mga binti nito. Gawa sa pinaghalong bakal at putik ang mga paa nito.
34 Ти бачив, аж ось одірва́вся камінь сам, не через ру́ки, і вдарив бовва́на по нога́х його, що з заліза та з глини, — і розторо́щив їх.
Tumingala ka, at natibag ang isang bato, bagaman hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao, at tumama ito sa bakal at putik na paa ng imahen at nabasag nila ito.
35 Того ча́су розторо́щилося, як одне, — залізо, глина, мідь, срі́бло та золото, і вони стали, немов та поло́ва з то́ку жнив, а вітер їх розві́яв, і не знайшлося по них жодного слі́ду; а камінь, що вдарив того бовва́на, став великою горою, і напо́внив усю землю.
At magkakasabay na nabasag ang bakal, putik, tanso, pilak at ginto nang pira-piraso at naging parang dayami sa giikan sa tag-araw. Tinangay sila ng hangin palayo at walang naiwang bakas sa kanila. Ngunit ang batong tumama sa imahen ay naging malaking bundok at pinuno nito ang buong mundo.
36 Оце той сон, а його ро́зв'язку зараз скажемо перед царем.
Ito ang iyong panaginip. Ngayon, sasabihin na namin sa hari ang kahulugan.
37 Ти, ца́рю, цар над царя́ми, якому Небесний Бог дав царство, вла́ду й міць та славу.
Ikaw hari, ay hari ng mga hari na siyang binigyan ng kaharian ng Diyos sa langit, ang kapangyarihan, ang kalakasan, at ang karangalan.
38 І скрізь, де ме́шкають лю́дські сини, польова́ звірина́ та птаство небесне, Він дав їх у твою руку, та вчинив тебе пану́ючим над усіма́ ними. Ти — голова, що з золота.
Ibinigay niya sa iyong kamay ang lugar kung saan naninirahan ang mga tao. Ibinigay niya ang lahat ng hayop sa parang at mga ibon sa kalangitan sa iyong kamay, at ipinamahala niya ang lahat ng ito sa iyo. Ikaw ang gintong ulo ng imahen.
39 А по тобі постане інше царство, нижче від тебе, і царство третє, інше, що з міді, яке буде панувати над усією землею.
Pagkatapos mo, isa pang kaharian ang babangon na mas mababa sa iyo, at gayunman ang ikatlong kaharian ng tanso ang mamamahala sa buong mundo.
40 А царство четверте буде си́льне, як залізо, бо залізо товче́ й розбиває все, так і воно стовче́ й розі́б'є, як залізо, що все розбиває.
Magkakaroon ng ikaapat na kaharian, kasintibay ng bakal, dahil winawasak ng bakal ang ibang bagay nang pira-piraso at dudurugin ang lahat ng bagay. Dudurugin niya ang lahat ng mga bagay at wawasakin ang mga ito.
41 А що ти бачив но́ги та па́льці частинно з ганча́рської глини, частинно з заліза, то це буде поді́лене царство, і в ньому бу́де трохи залізної міці, бо ти бачив залізо, змішане з глейко́ю глиною.
Tulad lamang ng nakita mo, ang paa at mga daliri ng paa na bahagyang gawa sa lutong putik at bahagyang gawa sa bakal, kaya ito ay magiging nahating kaharian; ilan sa kalakasan ng bakal ay naroon, tulad lamang ng nakita mong pinaghalong bakal kasama ang malambot na putik.
42 А пальці ніг частинно з заліза, а частинно з глини, то й частина царства буде си́льна, а частина буде ламли́ва.
Habang ang mga daliri sa paa ay bahagyang gawa sa bakal at bahagyang gawa sa putik, kaya ang kaharian ay bahagyang matibay at bahagyang marupok.
43 А що бачив ти залізо, змішане з глейко́ю глиною, то вони змішані бу́дуть лю́дським насінням, а не будуть приляга́ти одне до о́дного, як залізо не змішується з глиною.
Habang nakita mo na inihalo ang bakal sa malambot na putik, kaya magkakahalo ang mga tao; hindi na sila mananatiling magkasama, gaya ng bakal na hindi inihahalo sa putik.
44 А за днів тих царів Небесний Бог поставить ца́рство, що навіки не зруйнується, і те царство не буде ві́ддане іншому наро́дові. Воно потовче́ й покінчи́ть усі ті царства, а само буде стояти навіки.
Sa mga panahon ng mga haring iyon, magtatayo ang Diyos ng langit ng kaharian na hindi kailanman mawawasak, ni masasakop ng ibang mga tao. Dudurugin nito ang ibang mga kaharian nang pira-piraso at maglalagay ng wakas sa kanilang lahat at mananatili ito magpakailanman.
45 Бо ти бачив, що з гори відірва́вся камінь сам, не руками, і пото́вк залізо, мідь, гли́ну, срі́бло та золото. Великий Бог об'явив царе́ві те, що станеться по́тім. А сон цей певний, і певна його ро́зв'язка!“
Gaya ng iyong nakita, isang batong natibag sa bundok, ngunit hindi sa pamamagitan ng mga kamay ng tao. Dinurog nito ang bakal, tanso, putik, pilak at ginto nang pira-piraso. Ipinaalam sa iyo ng dakilang Diyos, hari, ang mangyayari pagkatapos nito. Ang panaginip ay totoo at ang pagpapaliwanag na ito ay maaasahan.”
46 Тоді цар Навуходоно́сор упав на своє обличчя й поклонився Даниїлові, і наказав прино́сити йому хлі́бну жертву та лю́бі па́хощі!
Nagpatirapa si Haring Nebucadnezar sa harap ni Daniel at pinarangalan siya; iniutos niya na magsagawa ng handog at ang insensong iyon ay maihandog sa kaniya.
47 Цар відповів Даниїлові та й сказав: „Направду, що ваш Бог — це Бог над бога́ми та Пан над царя́ми, і Він відкриває таємни́ці, коли міг ти відкрити оцю таємни́цю!“
Sinabi ng hari kay Daniel, “Totoo na ang iyong Diyos ay Diyos ng mga diyos, ang Panginoon ng mga hari, at ang siyang naghahayag ng mga lihim, sapagkat may kakayahan kang makapaghayag ng hiwagang ito.”
48 Тоді цар звели́чив Даниїла, і дав йому числе́нні дару́нки, і вчинив його паном над усім вавилонським кра́єм, і великим провіднико́м над усіма вавилонськими мудреця́ми.
Pagkatapos, binigyan ng mataas na parangal ng hari si Daniel at binigyan siya ng maraming kamangha-manghang mga kaloob. Ginawa niya siyang pinuno sa buong lalawigan ng Babilonia.
49 А Даниїл просив від царя, і він призна́чив над справами вавилонського кра́ю Шадра́ха, Меша́ха та Авед-Не́ґо, а Даниїл був при царсько́му дворі́.
Si Daniel ang naging punong gobernador sa lahat ng matatalinong kalalakihan ng Babilonia. Gumawa ng kahilingan si Daniel sa hari, at hinirang ng hari sina Shadrac, Meshac at Abednego na maging tagapangasiwa sa buong lalawigan ng Babilonia. Ngunit nanatili si Daniel sa palasyo ng hari.