< Амос 6 >
1 Горе безпе́чним на Сіоні, тим, хто наді́ється на самарійськую го́ру, тим шляхе́тним „першого з наро́дів“, до яких прибува́є Ізраїлів дім!
Aba sa mga taong panatag sa Zion, at sa mga taong ligtas na nasa burol ng bansang Samaria, ang mga tanyag na kalalakihang pinakamahuhusay sa mga bansa, na silang hinihingian ng tulong ng sambahayang Israel!
2 Перейді́ть до Калне́ та й побачте, і звідти підіть до Гама́ту великого, і зійді́ть до Ґату филисти́млян! Чи ліпші вони від цих царств? Чи їхня границя більша за вашу границю?
Sinasabi ng inyong mga pinuno, “Pumunta kayo sa Calne at tingnan ninyo; mula roon pumunta kayo sa Hamat, ang tanyag na lungsod; pagkatapos bumaba kayo sa Gat ng mga Filisteo. Mas mabuti ba sila kaysa sa dalawa ninyong kaharian? Mas malawak ba ang kanilang nasasakupan kaysa sa inyong nasasakupan?”
3 День нещастя вважаєте ви за далекий, а час насильства зближа́єте!
Aba sa inyong nagpapaliban ng araw ng kapahamakan at naglalapit sa trono ng karahasan.
4 Ви виле́жуєтеся на ло́жах з слоно́вої кости і вива́люєтесь на постелях своїх, і їсте барані́в із отари та ситих теля́т із обо́ри.
Humihiga sila sa mga higaang gawa sa garing at nagpapahinga sa kanilang mga malalambot na upuan. Kinakain nila ang mga batang tupa mula sa kawan at mga pinatabang guya mula sa kuwadra.
5 Під гу́сла співаєте ви, мов Давид, ви музичні знаря́ддя собі видумля́єте.
Umaawit sila ng mga walang kabuluhang mga awitin sa tugtugin ng alpa; gumagawa sila ng mga pansarili nilang instrumento gaya ng ginawa ni David.
6 Ви вино попива́єте ча́шами, і намащуєтесь добірною оливою, і над спусто́шенням Йо́сипа не вболіва́єте.
Umiinom sila ng alak mula sa mga mangkok at pinahiran ang kanilang mga sarili ng mga pinakapurong langis, ngunit hindi sila nagluluksa sa pagkawasak ni Jose.
7 Тому́ вони пі́дуть тепер на вигна́ння на чолі́ полоне́них, і перестане крик ви́пещених.
Kaya dadalhin silang bihag ngayon kasama ng mga naunang bihag, at ang mga pista ng mga nagpapahinga ay lilipas na.
8 Господь присягнув був Своєю душею, говорить Господь, Бог Савао́т: Пишно́тою Якова бриджу, і пала́ти його Я нена́виджу, і видам те місто та все, що є в ньо́му.
Ako, ang Panginoong Yahweh, ang mismong nangako —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo: “Kinamumuhian ko ang pagmamalaki ni Jacob. Kinamumuhian ko ang kaniyang mga tanggulan. Samakatuwid ipapasakamay ko ang lungsod kasama ang lahat ng nasa loob nito.”
9 І бу́де, якщо десять лю́да зоста́нуться в домі одно́му, то й вони повмирають.
At mangyayari na kung may sampung kalalakihang naiwan sa isang bahay, mamamatay silang lahat.
10 І його візьме родич та й спалить його, щоб ви́нести кості із дому, і скаже до того, хто буде в сере́дині дому: „Чи ще є хто з тобою?“А той відповість: „ Вже немає ніко́го!“і скаже той: „Тихше, бо не згадується Йме́ння Господа!“
Kapag dumating ang kamag-anak ng isang lalaki upang kunin ang kanilang mga bangkay—na magsusunog sa kanilang mga bangkay pagkatapos nitong ilabas sa bahay—kung sasabihin niya sa taong nasa loob ng bahay na, “Mayroon ka bang kasama?” At kapag sumagot ang taong iyon ng, “Wala,” kung gayon, sasabihin niya, “Tumahimik ka, dahil hindi natin dapat banggitin ang pangalan ni Yahweh.”
11 Бо Господь ось накаже, — і ворог розі́б'є великий той дім на відла́мки, а дім мали́й — на тріски́.
Sapagkat, tingnan ninyo, magbibigay si Yahweh ng utos, at madudurog sa maliliit na mga piraso ang malaking bahay at pagpipira-pirasuhin ang maliliit na bahay.
12 Чи бігають коні по ске́лі? Чи хто виоре море худобою? Таж ви суд обернули на гіркість, а плід справедливости — на поли́н!
Tumatakbo ba ang mga kabayo sa mga mabatong bangin? May nag-aararo bang baka roon? Ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan at kapaitan ang bunga ng katuwiran.
13 Ви марно́тою тішитеся та говорите: Хіба ж ми не власною силою набули́ собі роги?
Kayong mga nagagalak sa Lo Debar, na nagsasabi, “Hindi ba namin nasakop ang Karnaim sa aming sariling kalakasan?”
14 Бо ось Я поставлю наро́д проти вас, доме Ізраїлів, — каже Госпо́дь, Бог Савао́т, — і вони вас потиснуть ізвідти, де йдуть до Гама́ту, аж до степово́го пото́ку!
“Ngunit tingnan ninyo, pipili ako ng isang bansang laban sa inyo, sambahayan ni Israel”—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo. “Pahihirapan nila kayo mula sa Lebo Hamat hanggang sa batis ng Araba.”