< Дії 16 >
1 І прибув він у Де́рвію й Лі́стру. І ото був там один учень, на ім'я́ Тимофій, син наве́рненої однієї юде́янки, а ба́тько був ге́ллен.
Nakarating din si Pablo sa Derbe at Listra, at masdan ito, naroon ang isang alagad na nagngangalang Timoteo, anak ng isang babaeng Judio na mananampalataya; ang kaniyang ama ay isang Griego.
2 Добре свідо́цтво про нього давали брати, що були в Лі́стрі та в Іконі́ї.
Maganda ang sinasabi tungkol sa kaniya ng mga kapatiran na taga Listra at Iconio.
3 Павло захотів його взяти з собою, — і, взявши, обрізав його через юдеїв, що були в тих місцях, бо всі знали про батька його, що був ге́ллен.
Gusto ni Pablo na makasama siya sa paglalakbay; kaya siya ay isinama niya at tinuli dahil sa mga Judio na nasa lugar na iyon, sapagkat alam nilang lahat na ang kaniyang ama ay isang Griego.
4 Як міста ж перехо́дили, то їм передавали, щоб вони берегли оті постано́ви, які видали в Єрусалимі апо́столи та старші.
Nang sila ay patungo na sa mga lungsod, inihatid nila sa mga Iglesia ang mga tagubilin upang kanilang sundin, mga tagubilin na isinulat ng mga apostol at ng mga nakatatanda sa Jerusalem.
5 А Церкви́ змі́цнювалися в вірі, і щоденно зростали кі́лькістю.
Kaya napalakas sa pananampalataya ang mga iglesia at dumami ang kanilang bilang araw-araw.
6 А що Дух Святий їм не звелів провіщати слово в Азії, то вони перейшли через Фрігію та через країну гала́тську.
Tumungo si Pablo at ang kaniyang mga kasama sa mga lupain ng Frigia at Galacia, dahil hindi pinahintulutan ng Banal na Espiritu na mangaral sila ng salita ng Diyos sa probinsiya ng Asia.
7 Дійшовши ж до Мі́зії, хотіли піти до Віті́нії, та їм не дозволив Дух Ісусів.
Nang malapit na sila sa Misia, ninais nila na tumungo sa Bitinia, ngunit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus.
8 Обминувши ж Мі́зію, прибули́ до Троа́ди.
Kaya ng makalampas sila sa Misia, tumungo sila sa lungsod ng Troas.
9 І Павлові з'явилось видіння вночі: якийсь македо́нянин став перед ним і благав його, кажучи: „Прийди в Македо́нію, і нам поможи!“
Isang pangitain ang nakita ni Pablo ng gabing iyon: may isang lalaki na Macedonia ang nakatayo doon na tumatawag sa kaniya at nagsasabing, “Tumungo kayo dito sa Macedonia at tulungan kami.”
10 Як побачив він це видіння, то ми зараз хотіли піти в Македо́нію, зрозумівши, що Госпо́дь нас покликав звіщати їм Єва́нгелію.
Nang makita ni Pablo ang pangitain, nagmamadali kaming pumunta sa Macedonia, pinatutunayan na tinawag kami ng Diyos upang ipangaral ang ebanghelyo sa kanila.
11 Тож відпливши з Троа́ди, прибули́ ми навпрост у Самотра́кію, а другого дня до Неа́поля,
Pagkalayag namin galing ng Troas, dumiretso kami sa Samotracia at nang sumunod na araw kami ay dumating sa Neapolis;
12 звідтіля ж у Фили́пи, що є перше місто-осада в тій частині Македонії. І пробули́ ми в цім місті днів кілька.
Mula roon ay pumunta kami sa Filipos, isang lungsod ng Macedonia, ang pinakamahalagang lungsod sa distrito at nasasakupan ng Roma, at nanatili kami sa lungsod na ito ng ilang araw.
13 Дня ж суботнього вийшли ми з міста над річку, де, за звича́єм, було місце молитви, і, посідавши, розмовляли з жінками, що посхо́дились.
Nang Araw ng Pamamahinga lumabas kami sa tarangkahan sa may tabi ng ilog, na kung saan naisip namin na may lugar doon upang manalangin. Naupo kami at nakipag usap sa mga nagtipon-tipon na mga babae.
14 Прислуха́лася й жінка одна, що звалася Лі́дія, купчиха кармази́ном з міста Тіяті́р, що Бога вона шанувала. Господь же їй серце відкрив, щоб уважати на те, що Павло говорив.
May isang babae na nagngangalang Lidia ang nagbebenta ng mga tela na kulay lila na nanggaling sa lungsod ng Tiatira na sumasamba sa Diyos, nakinig siya sa amin. Binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang bigyangpansin ang mga bagay na sinabi ni Pablo.
15 А коли охристилась вона й її дім, то благала нас, кажучи: „Якщо ви признали, що вірна я Господе́ві, то прийдіть до госпо́ди моєї й живіть“. І змусила нас.
Nang mabautismuhan siya at ang kaniyang sambahayan, hinikayat niya kami, at nagsasabing, “Kung itinuturing ninyo na ako ay matapat sa Panginoon, pumunta kayo sa aking bahay, at manatili roon.” At nahikayat niya kami.
16 І сталось, як ми йшли на молитву, то нас перестріла служни́ця одна, що мала віщу́нського духа, яка ворожби́тством давала великий прибу́ток панам своїм.
Nangyari nga, habang kami ay patungo sa lugar ng panalanginan, nasalubong namin ang isang batang babae na may espritu ng panghuhula. Nagdadala siya sa kaniyang mga amo ng maraming pakinabang sa pamamagitan ng panghuhula.
17 Вона йшла слідкома́ за Павлом та за нами, і кричала, говорячи: „Оці люди — це раби Всеви́шнього Бога, що вам провіщають дорогу спасі́ння!“
Sumunod ang babaeng ito kay Pablo at sa amin at sumigaw, na nagsasabing, “Ang mga taong ito ay mga lingkod ng Kataas-taasang Diyos. Nagpapahayag sila sa inyo ng daan ng kaligtasan.”
18 І багато днів вона це робила. І обуривсь Павло, і, обернувшись, промовив до духа: „У Ім'я́ Ісуса Христа велю я тобі — вийди з неї!“І того ча́су той вийшов.
Ginawa niya ito sa loob ng maraming araw. Ngunit si Pablo nang lubhang nainis sa kaniya ay lumingon at sinabi sa espiritu, “Inuutos ko saiyo sa pangalan ni Jesu Cristo lumabas ka sa kaniya.” At agad itong lumabas.
19 А пани її, бачивши, що пропала надія на їхній прибу́ток, схопи́ли Павла й Силу, і потягли їх на ринок до старши́х.
Nang makita ng kaniyang mga amo na ang kanilang pag-asa sa pinag kakakitaan ay nawala, sinunggaban nila si Pablo at Silas at kinaladkad sila sa pamilihan at iniharap sa mga may kapangyarihan.
20 Коли ж їх привели́ до начальників, то сказали: „Ці люди, юдеї, наше місто бунтують,
Nang dinala sila sa mga hukom, sinabi nilang, “Judio ang mga taong ito at sila ay gumagawa ng maraming kaguluhan sa ating lungsod.
21 і навчають звича́їв, яких нам, римля́нам, не годиться приймати, ані вико́нувати“.
Nagtuturo sila ng mga bagay na hindi naaayon sa ating batas upang tanggapin o gawin bilang mga Romano.”
22 І на́товп піднявся на них. А начальники здерли одежу із них, та звеліли їх рі́зками сі́кти.
At nagkaisa ang napakaraming tao laban kina Pablo at Silas; Pinunit ng mga hukom ang kanilang mga damit at nag-utos na hampasin sila ng pamalo.
23 І, завдавши багато їм ран, посадили в в'язницю, наказавши в'язничному дозо́рцеві, щоб їх пильно стеріг.
Nang mapalo na sila ng maraming beses, ipinatapon sila sa bilangguan at inutusan ang bantay ng bilangguan na sila ay bantayang maigi.
24 Одержавши такого нака́за, той їх повкида́в до внутрішньої в'язниці, а їхні но́ги забив у коло́ди.
Pagkatapos niyang matanggap ang utos na ito, pinasok sila ng bantay sa kaloob-looban ng bilangguan at ikinadena ang kanilang paa sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy.
25 А півні́чної пори Павло й Сила молилися, і Богові співали, а ув'я́знені слухали їх.
Nang maghahating gabi na sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno sa Diyos, at nakikinig ang ibang bilanggo sa kanila.
26 І ось на́гло повстало велике трясі́ння землі, аж основи в'язни́чні були захита́лися! І повідчинялися зараз усі двері, а кайда́ни з усіх поспада́ли.
Biglang may malakas na lindol, kaya't ang mga pundasyon ng bilangguan ay nayanig; at agad nagbukas ang lahat ng mga pintuan, at nakalas ang kadena ng bawat isa.
27 Як прокинувся ж сторож в'язничний, і побачив відчинені двері в'язниці, то витяг меча та й хотів себе вбити, мавши думку, що повтікали ув'я́знені.
Nagising ang bantay sa kaniyang pagkakatulog at nakitang bukas ang mga pintuan ng bilangguan; hinugot niya ang kaniyang espada at magpapakamatay na sana, dahil inakala niyang nakatakas ang mga bilanggo.
28 А Павло́ скрикнув голосом гучни́м, говорячи: „Не чини собі жодного зла, бо всі ми ось тут!“
Ngunit sumigaw si Pablo ng may malakas na boses na nagsasabing, “Huwag mong saktan ang iyong sarili, narito kaming lahat.”
29 Зажадавши ж той світла, уско́чив, і тремтячий припав до Павла та до Сили.
Humingi ng ilaw ang bantay ng bilangguan at nagmamadaling pumasok na nanginginig sa takot at nagpatirapa kina Pablo at Silas,
30 І вивів їх звідти й спитав: „Добро́дії! Що треба робити мені, щоб спасти́ся?“
at inilabas sila at nagsabing, “Mga ginoo, ano ang dapat kong gawin upang maligtas?”
31 А вони відказали: „Віруй в Господа Ісуса, — і будеш спасе́ний ти сам та твій дім“.
Sinabi nila sa kaniya, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at ikaw ay maliligtas, ikaw at ang buo mong sambahayan.”
32 І Слово Господнє звіщали йому та й усім, хто був у домі його.
Ipinahayag nila ang salita ng Panginoon sa kaniya, kasama ang lahat sa kaniyang tahanan.
33 І сторож забрав їх того ж ча́су вночі, їхні рани обмив, — і охристився негайно він сам та його всі домашні.
Nang gabing iyon kinuha sila ng bantay ng bilanguan sa oras ding iyon at hinugasan ang kanilang mga sugat at siya at ang lahat ng kaniyang sambahayan ay agad na nabautismuhan.
34 І він їх запровадив до дому свого, і поживу поставив, і радів із усім домом своїм, що ввірував у Бога.
Dinala niya si Pablo at Silas sa kaniyang tahanan at naghain ng pagkain para sa kanila. Siya ay lubhang nagalak kasama ang lahat ng kaniyang sambahayan, dahil lahat sila ay nanampalataya sa Diyos.
35 А коли настав день, то прислали начальники слуг поліційних, наказуючи: „Відпусти тих людей!“
Nang umaga na, nagpaabot ang mga hukom ng pahayag sa mga bantay, na nagsasabing, “Hayaan na ninyong makalaya ang mga lalaking iyon.”
36 І сказав той в'язничний дозорець слова́ ці Павлові: що прислали начальники, щоб вас відпустити. „Отож, вийдіть тепер та й з ми́ром ідіть!“
Ibinalita ng bantay ang mensahe kay Pablo, na nagsasabing, “Ang mga hukom ay nagpaabot ng mensahe sa akin na kayo ay palayain na; kaya ngayon ay lumabas na kayo at humayo na may kapayapaan.”
37 А Павло відказав їм: „Нас, римля́н, незасуджених, рі́зками сікли прилю́дно, і до в'язниці всадили, а тепер нас таємно виводять? Але ні! Хай вони самі при́йдуть, та й виведуть нас!“
Ngunit sinabi ni Pablo sa kanila, “Hayagan nila kaming hinampas, mga Romano kaming hindi nahatulan at pinatapon kami sa bilangguan; at ngayo'y palalayain kami ng lihim? Hindi maaari; hayaan ninyo sila mismo ang pumarito at dalhin tayo palabas.”
38 Ці ж слова поліційні слуги доне́сли начальникам. А ті налякались, почувши, що римля́ни вони.
Binalita ng mga bantay ang mga salitang ito sa mga hukom; natakot ang mga hukom nang kanilang marinig na sina Pablo at Silas ay mga Romano.
39 І прийшли, та їх перепросили, а вивівши, благали, щоб із міста пішли.
Dumating ang mga hukom at nagmakaawa sa kanila; at nang inilabas nila sila sa bilangguan, pinakiusapan nila si Pablo at si Silas na umalis na sa lungsod.
40 І, вийшовши з в'язниці, прибули́ вони до Лі́дії, а з братами побачившись, потішили їх та й пішли.
Kaya lumabas na ng bilangguansina Pablo at Silas at nagtungo sa bahay ni Lidia. Nang makita nina Pablo at Silas ang mga kapatid, pinalakas nila ang kanilang kalooban at sila ay umalis mula sa lungsod.