< Від Матвія 28 >
1 Після Суботи, на світанку першого дня тижня, Марія Магдалина та друга Марія прийшли подивитись на гробницю.
Nang matapos na ang araw ng Pamamahinga at magsimulang magbukang liwayway sa unang araw ng linggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay pumunta upang tingnan ang libingan.
2 І ось стався великий землетрус, бо ангел Господній, зійшовши з неба, підійшов, відкотив камінь від гробниці та сів на нього.
Masdan ito, may malakas na lindol, dahil bumaba mula langit ang anghel ng Panginoon, dumating at ginulong ang bato at naupo sa ibabaw nito.
3 Його вигляд був, як блискавка, а одяг був білий, як сніг.
Ang kaniyang anyo ay katulad ng kidlat at ang kaniyang kasuotan ay kasing puti ng niyebe.
4 Від страху охорона затремтіла перед ним і стала, як мертва.
At nayanig ng takot ang mga tagapagbantay at naging tulad ng patay na mga tao.
5 Ангел сказав жінкам: «Не бійтеся! Я знаю, що ви шукаєте Ісуса, Який був розіп’ятий.
Kinausap ng anghel ang mga babae at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, dahil alam kong hinanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus.
6 Немає Його тут: Він воскрес, як і казав. Підійдіть та подивіться на місце, де Він лежав.
Wala na siya dito, ngunit bumangon na katulad ng kaniyang sinabi. Halikayo tingnan ang lugar na hinimlayan ng Panginoon.
7 Ідіть скоріше та скажіть Його учням, що Він воскрес із мертвих. Він іде перед вами в Галілею, там Його побачите. Ось я сказав вам».
Pumunta kayo kaagad at sabihin sa kaniyang mga alagad, 'Siya ay bumangon na mula sa mga patay. Makinig kayo, siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. At doon makikita ninyo siya.' Makinig kayo, nasabi ko na sa inyo.”
8 Тоді жінки швидко відійшли від гробниці й зі страхом та великою радістю побігли й розповіли про все Його учням.
At kaagad na umalis ang mga babae sa libingan na may takot at malaking tuwa at nagsitakbo upang sabihin sa mga alagad.
9 І ось Ісус зустрів їх та сказав: «Радійте!» Вони ж наблизились, обійняли Його ноги та вклонилися Йому.
Masdan ito, sinalubong sila ni Jesus at sinabi, “Binabati ko kayo.” At lumapit ang mga babae, hinawakan ang kaniyang mga paa at sinamba siya.
10 Тоді Ісус сказав їм: «Не бійтеся! Ідіть та сповістіть Моїх братів, щоб ішли до Галілеї, там Мене побачать».
Pagkatapos nito sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Pumunta kayo at sabihin sa aking mga kapatid na pumunta sa Galilea. Doon makikita nila ako.”
11 Коли вони ще йшли, деякі охоронці прийшли до міста й сповістили первосвященників про все, що сталося.
Ngayon habang ang mga babae ay papunta, masdan ito, ang ilan sa mga tagapagbantay ay pumunta sa lungsod at sinabi sa mga punong pari ang lahat ng nangyari.
12 Тоді вони зібралися разом зі старійшинами й вирішили дати воїнам багато грошей,
Nang nagtipun-tipon ang mga pari kasama ng mga nakatatanda at pinag-usapan nila ang pangyayaring iyon, nagbigay sila ng malaking halaga ng pera sa mga kawal
13 сказавши їм: «Кажіть, що Його учні прийшли вночі та вкрали Його, поки ви спали».
at sinabi sa kanila, “Sabihin ninyo sa iba, 'Pumunta ang mga alagad ni Jesus noong gabi at ninakaw ang kaniyang katawan habang kami ay natutulog.'
14 А якщо про це почує намісник, ми його переконаємо та позбавимо вас від неприємностей.
Kung makarating sa gobernador ang balitang ito, hihikayatin namin sila at alisin sa inyo ang anumang pagkabahala.”
15 Вони взяли гроші та вчинили, як були навчені. І ця чутка поширилась серед юдеїв до сьогоднішнього дня.
Kaya kinuha ng mga kawal ang pera at ginawa kung ano ang iniutos sa kanila. Ang balitang ito ay kumalat agad sa mga Judio at nagpatuloy magpahanggang ngayon.
16 А одинадцять учнів пішли до Галілеї, на гору, куди Ісус звелів їм прийти.
Ngunit ang labing-isa na mga alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na kung saan itinuro ni Jesus sa kanila.
17 [Там] вони побачили Ісуса й вклонилися Йому, однак дехто з них засумнівався.
Nang siya ay nakita nila, sinamba nila siya, ngunit ang iba ay nag-alinlangan.
18 Ісус підійшов до них та промовив: «Мені дана вся влада на небі й на землі.
Pumunta si Jesus sa kanila at nagsalita sa kanila at sinabi, “Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.
19 Тож ідіть і зробіть учнями всі народи, охрещуючи їх в ім’я Отця, і Сина, і Святого Духа.
Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.
20 Навчіть їх виконувати все, що Я заповів вам. І ось Я з вами в усі дні аж до кінця світу». (aiōn )
Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.” (aiōn )