< Nnwom 104 >
1 Ao me ɔkra, kamfo Awurade! Ao Awurade me Onyankopɔn, woyɛ ɔkɛseɛ! Wɔafira tumi ne animuonyam.
Pupurihin ko si Yahweh nang buong buhay ko, Yahweh aking Diyos, lubhang kahanga-hanga ka; dinadamitan ka ng kaningningan at kamahalan.
2 Ɔde hann akata ne ho sɛ atadeɛ; ɔtrɛ ɔsoro mu te sɛ ntomadan,
Nilulukuban mo ang iyong sarili ng liwanag gaya ng isang damit; inilalatag mo ang kalangitan na parang isang kurtina ng tolda.
3 na ɔde ne mpia mpunan sisi nsuo so. Ɔde omununkum yɛ ne teaseɛnam na ɔde nante mframa ntaban so.
Nilalagay mo ang mga biga ng iyong mga silid sa ibabaw ng mga ulap; ginagawa mong sariling karwahe ang mga ulap; lumalakad ka sa ibabaw ng mga pakpak ng hangin.
4 Ɔsoma nʼabɔfoɔ sɛ mframa, na ɔsoma nʼasomfoɔ sɛ ogyadɛreɛ.
Ginagawa niyang mensahero niya ang mga hangin, mga liyab ng apoy ay kanyang mga lingkod.
5 Ɔde asase asi ne fapem so na ɛrenhinhim da.
Inilagay niya ang mga pundasyon ng daigdig, at hindi ito kailanman matitinag.
6 Wode ebunu kataa so sɛ atadeɛ na nsuo gyinaa mmepɔ no so.
Binalot mo ang daigdig ng tubig tulad ng isang damit; binalot ng tubig ang mga bundok.
7 Nanso wʼanimka maa nsuo no dwaneeɛ, wʼaprannaa nnyegyeeɛ ma wɔdwaneeɛ;
Ang pagsusuway mo ang nagpaurong ng mga tubig; sa tunog ng iyong dumadagundong na tinig, (sila) ay lumayo.
8 Wɔtenetenee faa mmepɔ so, kɔɔ mmɔnhwa mu tɔnn, kɔguu baabi a wode ama wɔn no.
Lumitaw ang mga bundok, lumatag ang mga lambak sa mga lugar na itinalaga mo sa kanila.
9 Wotoo ɔhyeɛ a wɔrentumi ntra; na wɔammɛkata asase so bio.
Nagtakda ka ng isang hangganan para sa kanila na hindi nila tatawirin; hindi na nila muling babalutin ang daigdig.
10 Ɔma nsuwa tene fa abɔn mu; ɛtene fa mmepɔ ntam.
Pinadaloy niya ang mga bukal sa mga lambak; Dumadaloy ang mga batis sa pagitan ng mga bundok.
11 Ɔma wiram mmoa nyinaa nsuo nom; ɔma afunumu nsuo de kum wɔn sukɔm.
Nagdadala (sila) ng tubig para sa lahat ng mga hayop sa bukid; napapawi ang pagkauhaw ng mga maiilap na asno.
12 Ewiem nnomaa nwene wɔn pirebuo wɔ nsuo no ho; na wɔto nnwom wɔ nnua no mman so.
Sa may tabing-ilog, ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad; umaawit (sila) sa mga sanga.
13 Ɔfiri ne soro mpia mu tɔ nsuo gugu mmepɔ so; Awurade nnwuma so aba mee asase.
Dinidiligan niya ang mga bundok mula sa kanyang mga silid ng tubig sa kalangitan. Napupuno ang daigdig ng bunga ng kanyang mga gawain.
14 Ɔma ɛserɛ fifiri ma anantwie, na ɔbɔɔ nnua maa onipa sɛ ɔnnua na ɛmma aduane mfiri asase mu:
Pinapatubo niya ang damo para sa mga baka at mga halaman para linangin ng tao nang sa gayon ay makapag-ani ang tao ng pagkain mula sa lupa.
15 na onipa anya nsã ama nʼakoma atɔ ne yam, na onipa anya ngo ama nʼanim atɔ so, na aduane nso akura onipa akoma.
Gumagawa siya ng alak para pasayahin ang tao, langis para magliwanag ang kanyang mukha, at pagkain para magpatuloy ang kanyang buhay.
16 Wɔgugu Awurade nnua no so yie, Lebanon ntweneduro a ɔduaeɛ no.
Nadidiligan nang mabuti ang mga puno ni Yahweh; itinanim niya ang mga sedar ng Lebanon.
17 Ɛso na nnomaa yɛ wɔn mpirebuo na asukɔnkɔn nso yɛ nʼatenaeɛ wɔ pepeaa nnua no mu.
Doon ginagawa ng mga ibon ang kanilang mga pugad. Ginagawang tahanan ng tagak ang puno ng pir.
18 Mmepɔ atentene no yɛ wiram mpɔnkye dea; na abotan yɛ dwanekɔbea ma amoakua.
Naninirahan sa matataas na bundok ang mababangis na kambing; ang kaitaasan ng bundok ay isang kanlungan para sa mga kuneho.
19 Ɔsrane kyerɛ ɛberɛ nkyekyɛmu, na owia nim ɛberɛ a ɔkɔtɔ.
Itinalaga niya ang buwan bilang tanda ng mga panahon; alam ng araw ang oras ng kanyang paglubog.
20 Wode esum ba ma ɛyɛ adesaeɛ na kwaeɛ mu mmoa nyinaa kɔ ahayɔ.
Ginawa mo ang kadiliman ng gabi kung kailan lahat ng mga hayop sa gubat ay lumalabas.
21 Gyata bobom pɛ wɔn ahaboa wɔhwehwɛ wɔn aduane firi Onyankopɔn hɔ.
Umuungol ang mga batang leon para sa kanilang huli at naghahanap (sila) ng pagkain mula sa Diyos.
22 Owia pue ma wɔsane wɔn akyi; wɔsane kɔdeda wɔn atuo mu.
Sa pagsikat ng araw, bumabalik at natutulog (sila) sa kanilang mga lungga.
23 Afei, onipa kɔ nʼadwuma so kɔyɛ adwuma ara kɔsi anwummerɛ.
Samantala, nagtatrabaho ang mga tao at gumagawa hanggang gabi.
24 Ao Awurade, wo nnwuma dɔɔso! Nyansa mu na woyɛɛ ne nyinaa; wʼabɔdeɛ ahyɛ asase so ma.
Yahweh, kayrami at iba't iba ang iyong mga gawa! Ginawa mo ang lahat ng mga iyon nang may karunungan; umaapaw ang daigdig sa mga gawa mo.
25 Ɛpo na ɛda hɔ tɛtrɛɛ hahanaa yi, a abɔdeɛ bebree a ɛnni ano, akɛseɛ ne nketewa ahyɛ no ma.
Banda roon ay ang dagat, malalim at malawak, punong-puno ng hindi mabilang na mga nilalang, kapwa maliit at malaki.
26 Ɛso na ahyɛn di akɔneaba, na dɛnkyɛmmirampɔn a woyɛɛ no di agorɔ.
Naglalakbay doon ang mga barko, at naroroon din si Leviatan, na hinubog mo para maglaro sa dagat.
27 Wɔn nyinaa hwɛ wo kwan sɛ wobɛma wɔn wɔn aduane wɔ ɛberɛ a ɛsɛ mu.
Ang lahat ng mga ito ay tumitingin sa iyo para bigyan (sila) ng pagkain sa tamang oras.
28 Wodema wɔn a, wɔtase; wobue wo nsam a, nnepa mee wɔn.
Kapag nagbibigay ka sa kanila, (sila) ay nagtitipon; kapag binubuksan mo ang iyong palad, (sila) ay nasisiyahan.
29 Wode wʼanim hinta wɔn a, wɔbɔ hu; sɛ wogye wɔn ahomeɛ a, wɔwuwu na wɔsane kɔ mfuturo mu.
Kapag itinatago mo ang iyong mukha, (sila) ay nababagabag; kapag nilalagot mo ang kanilang hininga, (sila) ay namamatay at nauuwi sa alabok.
30 Sɛ wode wo Honhom no ma wɔn a na wɔabɔ wɔn, na woyɛ asase ani foforɔ.
Kapag ipinapadala mo ang iyong Espiritu, (sila) ay nalilikha, at pinapanumbalik mo ang kanayunan.
31 Ma Awurade animuonyam ntena hɔ daa; ma Awurade ani nnye ne nnwuma ho,
Nawa manatili magpakailanman ang kaluwalhatian ni Yahweh; masiyahan nawa si Yahweh sa kanyang nilikha.
32 deɛ ɔhwɛ asase na ɛwosoɔ, na ɔde ne nsa ka mmepɔ a wisie firi mu ba.
Pinagmamasdan niya ang daigdig, at ito ay nayayanig; hinahawakan niya ang kabundukan, at ang mga iyon ay umuusok.
33 Mɛto dwom ama Awurade me nkwa nna nyinaa; sɛ mete ase yi, mɛto ayɛyie dwom ama me Onyankopɔn.
Aawit ako kay Yahweh ng buong buhay ko; aawit ako ng papuri sa aking Diyos habang ako ay nabubuhay.
34 Ɔmma mʼakoma mu mpaeɛbɔ nsɔ nʼani ɛberɛ a meregye mʼani wɔ Awurade mu yi.
Nawa maging matamis ang aking mga isipan sa kanya; magagalak ako kay Yahweh.
35 Ma nnebɔneyɛfoɔ nyera wɔ asase so; na amumuyɛfoɔ ase nhye. Ao me ɔkra, kamfo Awurade. Kamfo Awurade.
Mawala nawa ang mga makasalanan mula sa daigdig, at ang mga masasama ay maglaho. Nagbibigay ako ng papuri kay Yahweh ng buong buhay ko. Purihin si Yahweh.