< Mmɛbusɛm 2 >
1 Me ba, sɛ wotie me nsɛm, na woma me nkyerɛkyerɛ tena wo mu a,
Anak, kung tatanggapin mo ang aking mga salita at paka-ingatan ang aking mga kautusan,
2 sɛ wowɛn wʼaso ma nyansa na wode wʼakoma ma nteaseɛ,
makinig sa karunungan at itutuon mo ang iyong puso sa pang-unawa.
3 na woma wo nne so frɛ nhunumu na wosu frɛ nteaseɛ,
Kung ikaw ay magmakaawa para sa kaunawaan at sumigaw para dito,
4 na sɛ wohwehwɛ no te sɛ deɛ wohwehwɛ dwetɛ na wo hwehwɛ no sɛdeɛ worepɛ ademudeɛ a ahinta a,
kung hahanapin mo ito kagaya ng paghahanap ng pilak at hahanapin mo ang pang-unawa kagaya ng paghahanap mo ng mga nakatagong kayamanan,
5 ɛno na wobɛte Awurade suro ase na woahunu Onyankopɔn ho nimdeɛ.
saka mo mauunawaan ang pagkatakot kay Yahweh at matatagpuan mo ang kaalaman ng Diyos.
6 Awurade ma nimdeɛ, na nʼanom na nyansa ne nteaseɛ firi ba.
Sapagkat si Yahweh ang nagbibigay ng karunungan, mula sa kanyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan.
7 Ɔkora nkonimdie ma wɔn a wɔteneɛ, ɔyɛ kyɛm ma wɔn a wɔn akwan yɛ pɛ,
Nag-iimbak siya ng tamang karunungan para sa mga taong nagbibigay kaluguran sa kanya, siya ay kalasag para sa mga lumalakad na may katapatan
8 ɔwɛn deɛ ɔtene akwan, na ɔbɔ wɔn a wɔdi no nokorɛ no akwan ho ban.
binabantayan niya ang mga daan ng katarungan at pananatilihin niya ang landas ng mga tapat sa kanya.
9 Ɛno na wobɛte deɛ ɛyɛ ne deɛ ɛyɛ pɛ ne deɛ ɛfata, ɛkwan biara a ɛyɛ ase.
Pagkatapos ay mauuunawaan mo ang katuwiran, katarungan, pagkamakatao at bawat mabuting landas.
10 Afei nyansa bɛwura wʼakoma mu, na nimdeɛ ayɛ ahomeka ama wo kra.
Sapagkat ang karunungan ay darating sa iyong puso, at ang kaalaman ay magiging kalugod-lugod sa iyong kaluluwa.
11 Adwene bɛbɔ wo ho ban na nteaseɛ ahwɛ wo so.
Ang mabuting pagpapasya ang magmamasid sa iyo, at pang-unawa ang magbabantay sa iyo.
12 Nyansa bɛyi wo afiri amumuyɛfoɔ akwan mu, ɛbɛyi wo afiri nnipa a wɔn nsɛm yɛ basabasa nsam,
Sila ang sasagip sa iyo sa daan ng masama, mula sa mga taong nagsasalita ng masasamang bagay,
13 na wɔmane firi akwan pa so kɔnante esum akwan so,
silang mga tumalikod sa mga tamang landas at lumakad sa mga pamamaraan nang kadiliman.
14 wɔn a wɔn ani gye bɔneyɛ ho, na wɔdi ahurisie wɔ bɔne mu basabasayɛ ho,
Sila ay nagagalak kapag gumagawa ng kasamaan at nagagalak sa katiwalian ng kasamaan.
15 wɔn a wɔn akwan yɛ kɔntɔnkye na wɔyɛ abonsamfoɔ wɔ wɔn akwan mu.
Sila ay sumusunod sa mga maling landas, at gumagamit nang pandaraya para itago ang kanilang pinagdaanan.
16 Nimdeɛ bɛgye wo afiri ɔbaa waresɛefoɔ no nsam, afiri ɔbaa warefoɔ sansani a ɔka nnaadaasɛm ho,
Ang karunungan at mabuting pagpapasya ang magliligtas sa iyo mula sa imoral na babae, mula sa babaeng naghahanap ng pakikipagsapalaran at sa kanyang mga matatamis na pananalita.
17 deɛ wagyaa ne mmabaawaberɛ mu kunu na wapo apam a ɔyɛɛ wɔ Onyankopɔn anim no.
Siya ay tumalikod sa kasamahan ng kaniyang kabataan at nakalimutan ang tipan ng kaniyang Diyos.
18 Ne fie yɛ ɛkwan a ɛkɔ owuo mu na nʼakwan kɔ awufoɔ honhom nkyɛn.
Dahil ang kaniyang tahanan ay sumasamba sa kamatayan at ang kaniyang mga landas ang maghahatid sa iyo doon sa mga nasa libingan.
19 Obiara a ɔkɔ ne nkyɛn no nsane mma anaasɛ ɔrensi nkwa akwan so.
Lahat nang pumupunta sa kaniya ay hindi makakabalik muli at hindi na matatagpuan ang landas ng buhay.
20 Enti wobɛdi nnipa pa anammɔn akyi na woanante ateneneefoɔ akwan so.
Kaya ikaw ay lalakad sa daan ng mga mabubuting tao at sundin ang mga landas ng mga matutuwid.
21 Ɛfiri sɛ wɔn a wɔtene bɛtena asase no so, na wɔn a asɛm nni wɔn ho no na wɔbɛka hɔ;
Magtatayo ng tahanan sa lupain ang mga gumagawa ng mabuti, at mananatili doon ang namumuhay nang may katapatan.
22 na wɔbɛtwa amumuyɛfoɔ afiri asase no so, na wɔatɔre atorofoɔ ase.
Ngunit puputulin sa lupain ang mga masasama, at ang hindi tapat ay aalisin mula rito.