< Habakuk 2 >

1 Mɛgyina mʼahwɛeɛ na mawɛn. Mɛbɔ nsra na mahwɛ deɛ ɔbɛka akyerɛ me, ne mʼanoyie a mede bɛma nkurobɔ yi.
Tatayo ako sa aking bantayan at ipupuwesto ang aking sarili sa toreng bantayan, at magbabantay ako nang mabuti upang malaman kung ano ang sasabihin niya sa akin at kung paano ako dapat tumalikod mula sa aking daing.
2 Afei, Awurade buaa sɛ, “Twerɛ adiyie yi wɔ abopono so ma emu nna hɔ pefee ama ɔkenkanfoɔ ate aseɛ.
Sumagot si Yahweh sa akin at sinabi, “Itala mo ang pangitaing ito at isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato upang ang bumabasa sa mga ito ay makatakbo!
3 Adiyisɛm no retwɛn hyɛberɛ bi; ɛka awieeɛ ho asɛm na ɛbɛba mu. Ɛwom sɛ ɛrekyɛre deɛ, nanso twɛn, ɛrenkyɛre, ɛbɛba mu.
Sapagkat ang pangitain ay sa panahong hinaharap pa at sa wakas ay magsasalita at hindi mabibigo. Kahit na ito ay maaantala, hintayin mo ito! Sapagkat ito ay tiyak na darating at hindi magtatagal!
4 “Hwɛ, wama ne ho so; nʼapɛdeɛ ntene, nanso ɔteneneeni firi gyidie mu bɛnya nkwa.
Tingnan ninyo! Ang tao na siyang naghahangad nang higit para sa kaniyang sarili nang hindi matuwid, ay isang hambog. Ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya!
5 Nokorɛm, nsã ayi no ama wayɛ ahantan na ɔnni ahotɔ. Esiane sɛ ɔyɛ adifudepɛ sɛ damena na ɔte sɛ owuo a hwee mmee no enti ɔfom aman no nyinaa na ɔfa amanfoɔ no nyinaa nnommum. (Sheol h7585)
Sapagkat ang alak ay isang mapanlinlang sa mayabang na binata upang hindi siya manatili, ngunit pinapalawak ang kaniyang nais gaya ng libingan at gaya ng kamatayan, at hindi nasiyahan kailanman. Tinitipon niya sa kaniyang sarili ang bawat bansa at lahat ng mga tao para sa kaniyang sarili. (Sheol h7585)
6 “Nnommumfoɔ yi nyinaa bɛdi ne ho fɛ asere no aka sɛ, “‘Nnome nka deɛ ɔboaboa korɔnodeɛ ano, na ɔnam apoobɔ so nya ne ho! Yei nkɔ so nkɔsi da bɛn?’
Hindi ba magbabadya ang lahat ng taong ito ng talinghaga laban sa kaniya at nanghahamak na kawikaan tungkol sa kaniya, at sasabihin, 'Aba sa taong nagpaparami nang hindi sa kaniya! Hanggang kailan mo palalakihin ang bigat ng mga panunumpa na iyong kinuha?'
7 Wɔn a wode wɔn ka no bɛsɔre mpofirim so. Wɔbɛsɔre ama wo ho apopo na wɔbɛtwi afa wo so.
Hindi ba tatayo ang mga nagngangalit sa iyo, at hindi ba babangon ang nananakot sa iyo? Ikaw ay magiging biktima para sa kanila!
8 Esiane sɛ woafo aman bebree enti, wɔn a wɔaka no bɛfo wo bi. Ɛfiri sɛ woahwie nnipa mogya agu; woasɛe nsase, nkuropɔn ne wɔn a wɔtete mu.
Dahil sinamsam mo ang maraming bansa, lahat ng mga natirang tao ay sasamsamin ka, dahilan sa dugo ng tao at sa karahasan na ginawa sa lupain, sa lambak at sa mga nininirahan dito.
9 “Nnome nka deɛ ɔde korɔnodeɛ kyekyere ne ɔman, a ɔyɛ ne pirebuo wɔ sorɔnsorɔmmea, sɛdeɛ ɔbɛyi ne ho afiri ɔsɛeɛ mu.
'Aba sa taong nag-iipon nang mula sa kasamaan para sa kaniyang sambahayan, upang mailagay niya ang kaniyang pugad sa mataas para mapanatili niyang ligtas ang kaniyang sarili mula sa kamay ng masama!'
10 Woatu nnipa bebree sɛeɛ ho agyina, de agu wo fie anim ase, na wode wo nkwa atwa so.
Nag-isip ka ng kahihiyan para sa iyong sambahayan sa pamamagitan ng paglipol mo sa maraming tao, at nagkasala ka laban sa iyong sarili.
11 Aboɔ a ɛhyehyɛ afie afasuo mu no bɛteam na ɛbɛgyegye wɔ mpunan a wɔahyehyɛ no mu.
Sapagkat dadaing ang mga bato mula sa pader, at ang tahilan ng troso ay sasagot sa kanila:
12 “Nnome nka deɛ ɔnam mogya hwieguo so kyekyere kuropɔn na ɔnam awudie so kyekyere kuro.
'Kaawa-awa ang taong nagtatayo ng lungsod nang may dugo, at nagtatatag ng bayan sa kasamaan!'
13 Asafo Awurade ahyɛ sɛ, nnipa no adwumayɛ bɛyɛ ogya a wɔhye. Aman no brɛ gu kwa.
Hindi ba ito dahil kay Yahweh ng mga hukbo kaya nagtratrabaho ang mga tao para sa apoy at pinapagod ng bansa ang kanilang mga sarili para sa wala?
14 Na Awurade animuonyam ho nimdeɛ bɛhyɛ asase nyinaa ma, sɛdeɛ nsuo hyɛ ɛpo ma no.
Kahit ganoon ang lupain ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ni Yahweh kagaya ng tubig na tinatakpan ang dagat.
15 “Due! Wo a woma wo mfɛfoɔ nsã, Wohwie ma wɔnom kɔsi sɛ wɔbɛboro, na afei woahwɛ wɔn adagya.
'Aba sa taong nagpapainom sa kaniyang kapit-bahay, ikaw na nagdadagdag ng iyong lason hanggang sa malasing mo (sila) upang makita mo ang kanilang kahubaran!'
16 Worennya animuonyam biara. Wʼani bɛwu. Afei aduru wo so. Nom na tɔ ntintan. Kuruwa a ɛfiri Awurade nsa nifa reba wo so, Aniwuo bɛkata wʼanimuonyam so
Mapupuno ka ng kahihiyan at hindi ng karangalan! Inumin mo rin ito, at ipakita ang iyong kahubaran! Ang saro ng kanang kamay ni Yahweh ay darating at babaling sa iyo, at tatakpan ng kahihiyan ang iyong karangalan.
17 Awurukasɛm a wode adi Lebanon no bɛmene wo, ɔsɛeɛ a wosɛee mmoa nso bɛbɔ wo hu. Woaka nnipa mogya agu; woasɛe nsase, nkuropɔn ne nnipa a wɔwɔ mu.
Tatakpan ka ng karahasang ginawa sa Lebanon, at kakikilabutan ka sa pagkawasak ng mga mababangis na hayop dahil sa dugo ng mga tao at dahil sa karahasang ginawa sa lupain, sa mga lungsod at sa lahat ng mga naninirahan doon.
18 “Ɛdeɛn mfasodeɛ na monya firi ahoni a onipa ayɛ mu? Anaa nsɛsodeɛ a ɛkyerɛkyerɛ atorɔ? Deɛ ɔyɛ ohoni no de ne ho to ɔno ankasa nsa ano adwuma so; na ɔyɛ anyame a wɔntumi nkasa.
Ano ang pakinabang mo sa inukit na anyo? Sapagkat ang taong nag-ukit nito, o siyang gumawa ng anyo mula sa nilusaw na metal ay tagapagturo ng kasinungalingan; dahil nagtitiwala siya sa kaniyang sariling gawa nang ginawa niya ang mga piping diyos na ito.
19 Nnome nka deɛ ɔka kyerɛ dua sɛ, ‘Nya nkwa!’ Anaa ɔka kyerɛ ɛboɔ a ɛnni nkwa sɛ, ‘Nyane!’ Ɛbɛtumi ama akwankyerɛ? Wɔde sika kɔkɔɔ ne dwetɛ adura ho; nanso ahomeɛ nni mu.”
'Kaawa-awa sa taong nagsasabi sa mga kahoy, Gumising ka! O sa mga tahimik na bato, Bumangon ka!' Nagtuturo ba ang mga bagay na ito? Tingnan ninyo, ito ay nababalot ng ginto at pilak, ngunit wala itong hininga man lang.
20 Nanso Awurade wɔ nʼasɔrefie kronkron mu. Momma asase nyinaa nyɛ komm wɔ nʼanim.
Ngunit si Yahweh ay nasa loob ng kaniyang banal na templo! Manahimik ka sa harapan niya, lahat ng lupain!”

< Habakuk 2 >