< Nnwom 119 >

1 Nhyira nka wɔn a wɔn akwan yɛ pɛ, na wɔnantew sɛnea Awurade mmara kyerɛ.
Mapalad silang malinis ang mga kaparaanan, silang lumalakad ayon sa batas ni Yahweh.
2 Nhyira nka wɔn a wɔkora nʼahyɛde, na wofi wɔn koma nyinaa mu hwehwɛ no.
Mapalad silang pinapanatili ang kaniyang banal na mga kautusan, silang buong pusong naghahanap sa kaniya.
3 Wɔnyɛ mfomso biara; na wɔnam nʼakwan so.
Wala silang ginagawang kamalian; lumalakad (sila) sa kaniyang mga kaparaanan.
4 Woayɛ nkyerɛkyerɛ pa ato hɔ a ɛsɛ sɛ wodi so pɛpɛɛpɛ.
Inutusan mo kaming ingatan ang iyong mga tagubilin para masunod namin ito nang mabuti.
5 Ao, sɛ anka mʼakwan besi pi, ayɛ osetie wɔ wo hyɛ nsɛm ho ɛ!
O, tatatag ako sa pagsunod sa iyong mga alituntunin!
6 Sɛ midwen wo mmaransɛm no nyinaa ho a, ɛno de, anka mʼanim rengu ase.
Pagkatapos, hindi ako malalagay sa kahihiyan kapag iniisip ko ang lahat ng iyong mga kautusan.
7 Mede koma a mu tew bɛkamfo wo bere a meresua wo mmara a ɛteɛ no.
Taos-puso akong magpapasalamat sa iyo kapag ang matuwid mong mga utos ay natutunan ko.
8 Medi wo hyɛ nsɛm so; na nnyaw me korakora.
Susundin ko ang iyong mga alituntunin; huwag mo akong iwanang nag-iisa. BETH
9 Aberante bɛyɛ dɛn na nʼakwan ho atew? Ɛsɛ sɛ odi wʼasɛm so.
Paano pananatilihing dalisay ng isang kabataan ang kaniyang landas? Sa pamamagitan ng pagsunod sa iyong salita.
10 Mede me koma nyinaa hwehwɛ wo; mma me mman mfi wo mmara nsɛm ho.
Busong puso kitang hahanapin; huwag mo akong hayaang malihis mula sa iyong mga kautusan.
11 Mede wʼasɛm asie me koma mu sɛnea merenyɛ bɔne ntia wo.
Iningatan ko ang iyong salita sa aking puso para hindi ako magkasala laban sa iyo.
12 Awurade, ayeyi nka wo; kyerɛkyerɛ me wo hyɛ nsɛm.
Purihin ka, O Yahweh; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
13 Mede mʼano ka mmara a efi wʼanom nyinaa.
Ipinahayag ng aking bibig ang lahat nang matuwid na utos na ipinakita mo.
14 Mʼani gye sɛ midi wʼahyɛde so, sɛnea obi ani gye ahonya bebree ho no.
Nagagalak ako sa paglakad sa mga utos mo sa tipan higit pa sa lahat ng kayamanan.
15 Midwinnwen wo nkyerɛkyerɛ ho na mehwehwɛ wʼakwan mu.
Pagninilayan ko ang iyong mga tagubilin at bibigyang-pansin ang mga kaparaanan mo.
16 Mʼani gye wo hyɛ nsɛm ho; na merentoto wʼasɛm ase.
Nasisiyahan ako sa iyong mga alituntunin; salita mo ay hindi ko kalilimutan. GIMEL.
17 Yɛ wo somfo yiye; na matena ase adi wʼasɛm so.
Maging mabuti ka sa iyong lingkod para mabuhay ako at mapanatili ang iyong salita.
18 Bue mʼani na minhu anwonwade a ɛwɔ wo mmara no mu.
Buksan mo ang aking mga mata para makita ko sa batas mo ang mga kahanga-hangang bagay.
19 Meyɛ ɔnanani wɔ asase so; mfa wo mmaransɛm no nhintaw me.
Isa akong dayuhan sa lupain, huwag mong itago ang mga kautusan mo sa akin.
20 Me kra tɔ beraw bere biara, wo mmara ho anigyina nti.
Dinudurog ang mga nasa ko ng pananabik na malaman ang matuwid mong mga utos sa lahat ng oras.
21 Woka ahantanfo anim, wɔn a wɔadome wɔn, na wɔman fi wo mmaransɛm ho no.
Itinutuwid mo ang mga mapagmataas, ang mga isinumpa at ang mga naligaw mula sa iyong mga kautusan.
22 Yi wɔn animka ne animtiaabu fi me mu, efisɛ midi wʼahyɛde so.
Ilayo mo ako mula sa kahihiyan at panghahamak dahil sinunod ko ang mga utos mo sa tipan.
23 Ɛwɔ mu sɛ sodifo hyia di me ho nseku, nanso wo somfo bedwinnwen wʼahyɛde ho.
Kahit na pinagpaplanuhan ako ng masama at sinisiraan ng mga namumuno, pinag-iisipan nang mabuti ng lingkod mo ang iyong mga alituntunin.
24 Wʼahyɛde yɛ mʼanigyede na ɛyɛ me fotufo.
Ang mga utos mo sa tipan ang kasiyahan ko, at ito ang aking mga tagapayo. DALETH
25 Woabrɛ me ase ma meda mfutuma mu; kyɛe me nkwa so sɛnea wʼasɛm no te.
Nakakapit sa alabok ang buhay ko! Bigyan mo ako ng buhay sa pamamagitan ng salita mo.
26 Mesesee mʼakwan na wugyee me so; kyerɛkyerɛ me wʼahyɛde.
Sinabi ko sa iyo ang aking mga kaparaanan at tinugon mo ako; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
27 Ma mente nea ɛwɔ wo nkyerɛkyerɛ mu ase; na mesusuw wʼanwonwade ho.
Ipaunawa mo sa akin ang mga kaparaanan ng mga tagubilin mo, para mapag-isipan ko nang mabuti ang mga kamangha-manghang katuruan mo.
28 Awerɛhow ama me kra atɔ beraw; hyɛ me den sɛnea wʼasɛm no kyerɛ.
Tinabunan ako ng kalungkutan! Palakasin mo ako sa pamamagitan ng iyong salita.
29 Yi me fi nnaadaa akwan so; na fa wo mmara so dom me.
Ilayo mo ako sa landas ng pandaraya; magiliw mong ituro sa akin ang iyong batas.
30 Mafa nokware kwan no so; mede me koma abata wo mmara ho.
Pinili ko ang landas ng katapatan; lagi kong ginagawa ang matuwid mong mga utos.
31 Awurade, mikura wo nkyerɛkyerɛ mu dennen, mma mʼanim ngu ase.
Kumakapit ako sa mga utos mo sa tipan; huwag mo akong hayaang mapahiya, Yahweh.
32 Mitu mmirika wɔ wo mmaransɛm kwan no so, efisɛ woama mʼadwene mu adɔ.
Tatakbo ako sa landas ng mga kautusan mo dahil pinataba mo ang aking puso na gawin ito. HE.
33 Kyerɛkyerɛ me, Awurade, na minni wo hyɛ nsɛm so, na medi so akosi awiei.
Ituro mo, Yahweh, ang pamamaraan ng iyong mga alituntunin, at iingatan ko ang mga ito hanggang sa katapusan.
34 Ma me ntease, na medi wo mmara so, na mede me koma nyinaa bedi so.
Bigyan mo ako ng pang-unawa at iingatan ko ang iyong utos; buong puso ko itong susundin.
35 Kyerɛ me wo mmaransɛm kwan no na hɔ na minya anigye.
Gabayan mo ako sa landas ng mga kautusan mo dahil nasisiyahan akong lumakad dito.
36 Dan me koma kɔ wʼahyɛde ho na ɛnyɛ pɛsɛmenkominya so mfaso ho.
Akayin mo ang aking puso sa iyong tipan at ilayo mula sa mga bagay na hindi makatuwiran.
37 Yi mʼani fi nneɛma hunu so; na kyɛe me nkwa so sɛnea wʼasɛm te.
Ibaling mo ang aking mga mata mula sa pagtingin sa mga bagay na walang halaga; pasiglahin mo ako sa mga kaparaanan mo.
38 Di bɔ a woahyɛ wo somfo no so, na wasuro wo.
Tuparin mo alang-alang sa iyong lingkod ang mga pangakong ginawa mo para sa mga nagpaparangal sa iyo.
39 Yi animguase a ɛbɔ me hu no fi hɔ, efisɛ wo mmara yɛ papa.
Alisin mo sa akin ang mga panlalait na kinatatakutan ko, dahil mabuti ang matuwid mong paghatol.
40 Mʼani agyina wo nkyerɛkyerɛ no! Kyɛe me nkwa so wɔ wo trenee mu.
Tingnan mo, nananabik ako para sa iyong tagubilin; panatilihin mo akong buhay sa pamamagitan ng iyong matuwid na pagpapalaya. VAV.
41 Awurade, ma wo dɔ a ɛnsa da no mmra me so, wo nkwagye no, sɛnea wo bɔhyɛ no te.
Iparanas mo sa akin, Yahweh, ang pag-ibig mong hindi nagmamaliw— ang kaligtasan mo ayon sa iyong pangako;
42 Afei mebua nea oyi me ahi no, efisɛ mewɔ wʼasɛm mu ahotoso.
para may itutugon ako sa mga nangungutya sa akin, dahil nagtitiwala ako sa iyong salita.
43 Nyi nokwasɛm no mfi mʼanom, efisɛ mʼanidaso wɔ wo mmara mu.
Huwag mong alisin sa aking bibig ang salita ng katotohanan, dahil naghintay ako para sa matuwid mong mga utos.
44 Medi wo mmara so bere biara akosi daa apem.
Patuloy kong susundin ang iyong batas magpakailanpaman.
45 Mede ahofadi bɛnantew, efisɛ mahwehwɛ wo nkyerɛkyerɛ.
Maglalakad ako nang ligtas, dahil hinahanap ko ang iyong mga tagubilin.
46 Mɛka wʼahyɛde ho asɛm wɔ ahemfo anim na wɔrengu mʼanim ase,
Magsasalita ako tungkol sa mga banal mong utos sa harap ng mga hari at hindi mahihiya.
47 efisɛ mʼani gye wo mmaransɛm ho, na medɔ no.
Nasisiyahan ako sa iyong mga kautusan, na lubos kong minamahal.
48 Mede nidi ma wo mmaransɛm a medɔ no, na midwinnwen wo hyɛ nsɛm ho.
Itataas ko ang aking mga kamay sa iyong mga kautusan, na aking minamahal. Pag-iisipan kong mabuti ang iyong mga alituntunin. ZAYIN.
49 Kae asɛm a woaka akyerɛ wo somfo, efisɛ woama me anidaso.
Alalahanin mo ang mga ipinangako mo sa iyong lingkod dahil binigyan mo ako ng pag-asa.
50 Mʼawerɛkyekye wɔ mʼamanehunu mu ne sɛ: Wo bɔhyɛ kyɛe me nkwa so.
Ito ang kaaliwan ko sa aking paghihirap: na pinapanatili akong buhay ng pangako mo.
51 Ahantanfo bu me animtiaa bebree, nanso mennan mfi wo mmara ho.
Hinahamak ako ng mga mapagmalaki, pero hindi ako tumalikod sa iyong batas.
52 Awurade mekae wo tete mmara no, na minya awerɛkyekye wɔ mu.
Inisip ko ang tungkol sa mga matuwid mong utos noong unang panahon, Yahweh, at inaaliw ko ang aking sarili.
53 Abufuw hyɛ me ma, esiane amumɔyɛfo a wɔapo wo mmara nti.
Napuno ako ng matinding galit dahil sa mga masasama na hindi sumusunod sa iyong batas.
54 Wo hyɛ nsɛm yɛ me dwom tiban wɔ baabiara a mesoɛ.
Ang mga alituntunin mo ang naging mga awit ko sa bahay na pansamantala kong tinitirhan.
55 Awurade, anadwo mekae wo din, na medi wo mmara so.
Iniisip ko ang pangalan mo sa gabi, Yahweh, at iniingatan ang iyong batas.
56 Eyi ne ade a meyɛ da biara, midi wo nkyerɛkyerɛ so.
Ito ang naging gawain ko dahil sinunod ko ang mga tagubilin mo. HETH.
57 Awurade, wo ne me kyɛfa; mahyɛ bɔ sɛ medi wo nsɛm so.
Si Yahweh ang kabahagi ko; napagpasiyahan kong sundin ang kaniyang mga salita.
58 Mede me koma nyinaa ahwehwɛ wo; hu me mmɔbɔ sɛnea wo bɔhyɛ no te.
Buong puso kong hinihiling ang iyong kagandahang-loob; maging mahabagin ka sa akin gaya ng pinangako ng iyong salita.
59 Madwene mʼakwan ho na madan mʼanammɔntu akyerɛ wʼahyɛde.
Siniyasat ko ang aking mga pamumuhay at binaling ko ang aking mga paa sa iyong mga utos.
60 Mɛyɛ ntɛm, merentwentwɛn sɛ medi wo mmara nsɛm so.
Nagmamamadali ako at hindi ipinagpaliban ang pagsunod sa iyong mga kautusan.
61 Ɛwɔ mu, amumɔyɛfo de hama kyekyere me, nanso me werɛ remfi wo mmara.
Nabitag ako ng lubid ng masasama; hindi ko kinalimutan ang iyong batas.
62 Ɔdasu mu, mesɔre de wʼaseda ma wo, wo mmara a ɛteɛ nti.
Bumabangon ako nang hatinggabi para magpasalamat sa iyo dahil sa matuwid mong mga utos.
63 Meyɛ wɔn a wosuro wo nyinaa adamfo, wɔn a wodi wo nkyerɛkyerɛ so nyinaa.
Kasamahan ako ng lahat ng mga nagpaparangal sa iyo, ng lahat ng mga sumusunod sa mga tagubilin mo.
64 Awurade, wʼadɔe ahyɛ asase so ma; kyerɛkyerɛ me wo hyɛ nsɛm.
Ang mundo, Yahweh, ay puno ng katapatan mo sa tipan; ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin. TETH
65 Wo ne wo somfo nni no yiye sɛnea wʼasɛm te, Awurade.
Gumawa ka ng kabutihan sa iyong lingkod, Yahweh, sa pamamagitan ng iyong salita.
66 Kyerɛkyerɛ me nimdeɛ ne atemmu pa, efisɛ migye wo mmara nsɛm no di.
Turuan mo ako ng tamang pagpapasya at pang-unawa, dahil naniniwala ako sa mga kautusan mo.
67 Mefom ɔkwan ansa na mihuu amane, na mprempren de midi wʼasɛm so.
Bago ako nasaktan, naligaw ako, pero ngayon, sumusunod ako sa salita mo.
68 Wuye, na nea woyɛ nso ye; kyerɛkyerɛ me wo hyɛ nsɛm.
Mabuti ka at ikaw lang ang siyang gumagawa ng kabutihan; ituro mo sa akin ang iyong alituntunin.
69 Ahantanfo de atoro asra me ho de, nanso mede me koma nyinaa di wo nkyerɛkyerɛ so.
Siniraan ako sa mga kasinungalingan ng mayayabang, pero buong puso kong pinapanatili ang mga tagubilin mo.
70 Wɔn koma yɛ den na wonni ɔtema, nanso mʼani gye wo mmara ho.
Tumigas ang kanilang mga puso, pero nasisiyahan ako sa batas mo.
71 Eye sɛ mihuu amane sɛnea mesua wo hyɛ nsɛm.
Nakabubuti para sa akin na naghirap ako para matutunan ko ang mga alituntunin mo.
72 Mmara a efi wʼanom no som bo ma me sen dwetɛ ne sikakɔkɔɔ mpem mpem.
Mas mahalaga ang mga tagubilin mula sa iyong bibig kaysa sa libo-libong piraso ng ginto at pilak. YOD
73 Wo nsa na ɛbɔɔ me na ɛnwenee me; ma me ntease a mede besua wo mmara nsɛm.
Ang mga kamay mo ang gumawa at humubog sa akin; bigyan mo ako ng pang-unawa para matutunan ko ang mga kautusan mo.
74 Sɛ wɔn a wosuro wo no hu me a, ma wɔn ani nnye, efisɛ mede mʼanidaso ahyɛ wʼasɛm mu.
Matutuwa ang mga nagpaparangal sa iyo kapag nakikita nila ako dahil nakatagpo ako ng pag-asa sa iyong salita.
75 Awurade, minim sɛnea wo mmara te, na nokwaredi mu na woatwe mʼaso.
Alam ko, Yahweh, na makatarungan ang mga utos mo, at sa katapatang ito, pinahirapan mo ako.
76 Ma wʼadɔe a ɛnsa da no nkyekye me werɛ sɛnea bɔ a woahyɛ wo somfo no te no.
Hayaan mong aliwin ako ng katapatan mo sa tipan gaya ng ipinangako mo sa iyong lingkod.
77 Ma wʼayamhyehye mmra me so, na minnya nkwa, efisɛ mʼani ka wo mmara ho.
Kahabagan mo ako para mabuhay ako, dahil ang batas mo ang kasiyahan ko.
78 Ma ahantanfo ani nwu sɛ wɔfom me kwa nti nanso mesusuw wo nkyerɛkyerɛ ho.
Hayaan mong malagay sa kahihiyan ang mga mapagmalaki, dahil siniraan nila ako; pero magninilay ako sa mga tagubilin mo.
79 Ma wɔn a wosuro wo no mmra me nkyɛn, wɔn a wɔte wo mmara ase no.
Nawa bumalik sa akin ang mga nagpaparangal sa iyo, silang mga nakakaalam ng mga utos mo sa tipan.
80 Ma me koma nnya bembu wɔ wo hyɛ nsɛm ho, na mʼanim angu ase.
Maging malinis nawa ang aking puso na may paggalang sa mga alituntunin mo para hindi ako malagay sa kahihiyan. KAPH.
81 Wo nkwagye ho anigyina ama me kra atɔ piti, nanso mede mʼanidaso ahyɛ wʼasɛm mu.
Nanghihina ako nang may pananabik na ako ay iyong sagipin! Umaasa ako sa iyong salita!
82 Mahwɛ wo bɔhyɛ anim ama mʼani abu; meka se, “Da bɛn na wobɛkyekye me werɛ?”
Nananabik ang aking mga mata na makita ang iyong pinangako; kailan mo kaya ako aaliwin?
83 Ɛwɔ mu sɛ mete sɛ nsa kotoku a ɛsɛn wusiw ano de, nanso me werɛ mfi wo hyɛ nsɛm no.
Dahil naging tulad ako ng pinauusukang sisidlan ng alak; hindi ko kinakalimutan ang iyong mga alituntunin.
84 Wo somfo ntwɛn nkosi da bɛn? Da bɛn na wobɛtwe wɔn a wɔtaa me no aso?
Gaano katagal ito pagtitiisan ng iyong lingkod; kailan mo hahatulan ang mga umuusig sa akin?
85 Ahantanfo atu amoa de asum me afiri, a ɛne wo mmara bɔ abira.
Naghukay ng malalim ang mga mapagmalaki para sa akin, na nilalabag ang iyong batas.
86 Wo mmara nsɛm nyinaa mu wɔ ahotoso; boa me, efisɛ nnipa taa me kwa.
Lahat ng mga kautusan mo ay maaasahan; inuusig ako ng mga tao nang may kamalian; tulungan mo ako.
87 Ɛkaa kakraa bi a anka woyii me fii asase so, nanso minnyaee wo nkyerɛkyerɛ sodi.
Halos tapusin nila ang buhay ko sa mundo, pero hindi ko itinakwil ang mga tagubilin mo.
88 Kyɛe me nkwa so sɛnea wʼadɔe te, na medi nkyerɛkyerɛ a efi wʼanom no so.
Panatilihin mo akong buhay gaya ng ipinangako ng katapatan mo sa tipan, para maingatan ko ang sinabi mo sa mga utos mo sa tipan. LAMEDH.
89 Awurade, wʼasɛm no wɔ hɔ daa; egyina hɔ pintinn wɔ ɔsorosoro.
Mananatili ang salita mo, Yahweh, magpakailanman; matatag ang salita mo sa kalangitan.
90 Wo nokwaredi kɔ so wɔ awo ntoatoaso nyinaa mu; wode asase sii hɔ, na etim hɔ.
Mananatili ang katapatan mo sa lahat ng salinlahi; itinatag mo ang mundo, at ito ay mananatili.
91 Wo mmara wɔ hɔ besi nnɛ, na nneɛma nyinaa som wo.
Nagpapatuloy hanggang ngayon ang lahat ng mga bagay, gaya ng sinabi mo sa matuwid mong mga utos, dahil mga lingkod mo ang lahat ng mga bagay.
92 Sɛ mʼani anka wo mmara no ho a, anka mʼamanehunu akum me.
Kung hindi ko naging kasiyahan ang iyong batas, namatay na sana ako sa aking paghihirap.
93 Me werɛ remfi wo nkyerɛkyerɛ no, efisɛ ɛno so na wonam akyɛe me nkwa so.
Hindi ko kailanman makakalimutan ang mga tagubilin mo, dahil sa pamamagitan nito, pinanatili mo akong buhay.
94 Gye me nkwa, na meyɛ wo de; na mahwehwɛ wo nkyerɛkyerɛ no.
Ako ay sa iyo; iligtas mo ako, dahil hinahanap ko ang mga tagubilin mo.
95 Amumɔyɛfo retwɛn sɛ wɔbɛsɛe me, nanso, misusuw wʼahyɛde ho.
Ang mga masasama ay naghahanda para ako ay sirain, pero uunawain ko ang mga utos mo sa tipan.
96 Mahu sɛ pɛyɛ nyinaa wɔ nea ɛkɔpem; nanso wo mmara nsɛm no nni ɔhye.
Nakita ko na may hangganan ang lahat ng bagay, pero malawak ang iyong mga kautusan at walang hangganan. MEM.
97 Ao, medɔ wo mmara no yiye! Midwinnwen ho da mu nyinaa.
O iniibig ko ang iyong batas! Ito ang pinagninilayan ko buong araw.
98 Wo mmara nsɛm ma mihu nyansa sen mʼatamfo, efisɛ ɛwɔ me nkyɛn daa.
Higit akong pinatatalino ng mga kautusan mo kaysa sa mga kaaway ko, dahil lagi kong kasama ang mga kautusan mo.
99 Mewɔ nhumu sen mʼakyerɛkyerɛfo nyinaa, efisɛ midwinnwen wʼahyɛde ho.
Mayroon akong higit na pang-unawa kaysa sa lahat ng aking mga guro, dahil pinagninilayan ko ang mga utos mo sa tipan.
100 Mewɔ ntease sen mpanyimfo, efisɛ midi wo nkyerɛkyerɛ so.
Higit akong nakauunawa kaysa sa mga nakatatanda sa akin; dahil ito sa pagsunod ko sa iyong mga tagubilin.
101 Memfaa mʼanan nsii ɔkwan bɔne biara so sɛnea metumi ayɛ osetie ama wʼasɛm.
Tumalikod ako mula sa landas ng kasamaan para masunod ko ang salita mo.
102 Memman mfii wo mmara ho, efisɛ wʼankasa na woakyerɛkyerɛ me.
Hindi ako tumalikod mula sa matuwid mong mga utos dahil tinuruan mo ako.
103 Wo nsɛm yɛ me dɛ, ɛyɛ dɛ sen ɛwo wɔ mʼanom.
Napakatamis sa aking panlasa ang iyong mga salita, oo, mas matamis kaysa sa pulot sa aking bibig!
104 Minya ntease fi wo nkyerɛkyerɛ mu; enti mikyi ɔkwan bɔne biara.
Sa pamamagitan ng mga tagubilin mo, natamo ko ang tamang pagpapasiya; kaya nga kinapopootan ko ang bawat maling paraan. NUN.
105 Wʼasɛm yɛ mʼanan ase kanea ne me kwan so hann.
Ang salita mo ay ilawan ng aking mga paa at liwanag para sa aking landas.
106 Maka ntam ahyɛ mu kena se medi wo trenee mmara no so.
Nangako ako at pinagtibay ko ito, na susundin ko ang mga utos mo.
107 Mahu amane bebree; kyɛe me nkwa so, Awurade, sɛnea wʼasɛm te.
Labis akong nasasaktan; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
108 Awurade, ma wʼani nsɔ mʼanom nkamfo a efi me pɛ mu, na kyerɛkyerɛ me wo mmara.
Pakiusap, tanggapin mo Yahweh ang kusang-loob na mga alay ng aking bibig, at ituro mo sa akin ang matuwid mong mga utos.
109 Ɛwɔ mu sɛ daa metoto me nkwa ase de, nanso me werɛ remfi wo mmara.
Nasa kamay ko palagi ang aking buhay, pero hindi ko kinalilimutan ang iyong batas.
110 Amumɔyɛfo asum me afiri, nanso memfom mfii wo nkyerɛkyerɛ ho.
Naglagay ng patibong para sa akin ang mga masasama, pero hindi ako naligaw mula sa mga tagubilin mo.
111 Wʼahyɛde yɛ mʼagyapade afebɔɔ; ɛma me koma ani gye.
Inaangkin ko ang mga utos mo sa tipan bilang aking mana magpakailanman, dahil ito ang kagalakan ng aking puso.
112 Me koma ayɛ krado sɛ ɛbɛhwɛ wo hyɛ nsɛm so akosi awiei.
Nakalaan ang aking puso sa pagsunod sa mga alituntunin mo magpakailanman hanggang sa wakas. SAMEKH.
113 Mikyi nnipa a wɔn adwene yɛ wɔn ntanta, na medɔ wo mmara.
Galit ako sa mga walang paninindigan, pero mahal ko ang iyong batas.
114 Wone me guankɔbea ne me kyɛm; mede mʼanidaso ahyɛ wʼasɛm mu.
Ikaw ang aking kublihan at kalasag; naghihintay ako para sa iyong salita.
115 Mumfi me so nkɔ, mo nnebɔneyɛfo, na minni me Nyankopɔn mmara nsɛm so!
Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, para masunod ko ang mga kautusan ng aking Diyos.
116 Wowaw me sɛnea wo bɔhyɛ no te, na mɛtena nkwa mu; mma mʼanidaso nyɛ ɔkwa.
Palakasin mo ako sa pamamagitan ng iyong salita para mabuhay ako at hindi mapahiya sa aking inaasahan.
117 So me mu, na menya ogye; na bere biara mɛhwɛ wo hyɛ nsɛm no.
Tulungan mo ako at magiging ligtas ako; lagi kong pinagninilayan ang mga alituntunin mo.
118 Wopo wɔn a wɔfom wo hyɛ nsɛm nyinaa, na wɔn nnaadaa no yɛ ɔkwa.
Itinatakwil mo ang lahat ng mga nalilihis mula sa iyong mga alituntunin, dahil mapanlinlang at hindi maaasahan ang mga taong iyon.
119 Wotow amumɔyɛfo nyinaa gu sɛ afide; enti medɔ wʼahyɛde.
Inaalis mo ang lahat ng masasama sa mundo katulad ng dumi; kaya nga, minamahal ko ang banal mong mga kautusan.
120 Wo ho suro ma me ho popo; wo mmara abɔ me hu.
Nanginginig ang aking katawan sa takot sa iyo, at natatakot ako sa matuwid mong mga utos. AYIN.
121 Mayɛ nea ɛteɛ na ɛyɛ pɛ. Nnyaa me mma wɔn a wɔhyɛ me so!
Ginagawa ko kung ano ang makatarungan at matuwid; huwag mo akong iwanan sa mga nang-aapi sa akin.
122 Hwɛ ma wo somfo nni yiye; mma ahantanfo nhyɛ me so.
Siguraduhin mo ang kapakanan ng iyong lingkod, huwag mong hayaang apihin ako ng mga mapagmalaki.
123 Mahwɛ wo nkwagye anim ama mʼani abu, ɛrehwehwɛ wo bɔhyɛ a ɛteɛ no.
Napapagal ang aking mga mata sa paghihintay para sa iyong kaligtasan at sa matuwid mong salita.
124 Wo ne wo somfo nni no sɛnea wʼadɔe te, na kyerɛkyerɛ me wo hyɛ nsɛm.
Ipakita mo sa iyong lingkod ang katapatan mo sa tipan, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
125 Meyɛ wo somfo; ma me nhumu na mate wʼahyɛde ase.
Ako ay iyong lingkod; bigyan mo ako ng pang-unawa para malaman ko ang mga utos mo sa tipan.
126 Awurade, bere aso sɛ woyɛ biribi; wɔrebu wo mmara so.
Oras na para kumilos si Yahweh, dahil nilalabag ng mga tao ang iyong batas.
127 Esiane sɛ medɔ wo mmara nsɛm sen sikakɔkɔɔ, anaa sikakɔkɔɔ ankasa,
Tunay ngang minamahal ko ang iyong mga kautusan higit sa ginto, higit sa purong ginto.
128 na midwen sɛ wo nkyerɛkyerɛ nyinaa ye nti, mikyi ɔkwan bɔne biara.
Kaya nga, sumusunod ako nang mabuti sa lahat ng mga tagubilin mo, at napopoot ako sa bawat landas ng kamalian. PE.
129 Wʼahyɛde yɛ nwonwa; enti midi so.
Kahanga-hanga ang mga patakaran mo, kaya nga sinusunod ko ang mga ito.
130 Wo nsɛm asete ma hann; na ɛma ntetekwaa nya ntease.
Ang paglalahad ng mga salita mo ay nagbibigay ng liwanag; nagbibigay ito ng pang-unawa sa mga hindi naturuan.
131 Mibue mʼanom na migu ahome, na mʼani gyina wo mmara nsɛm.
Binubuksan ko ang aking bibig at humihingal dahil nananabik ako para sa mga kautusan mo.
132 Dan wʼani hwɛ me na hu me mmɔbɔ sɛnea woyɛ daa ma wɔn a wɔdɔ wo din no.
Humarap ka sa akin at mahabag, gaya ng lagi mong ginagawa para sa mga nagmamahal sa iyong pangalan.
133 Tutu mʼanammɔn sɛnea wʼasɛm no te; mma bɔne biara nni me so.
Akayin mo ang aking mga yapak sa pamamagitan ng iyong salita; huwag mong hayaang pamunuan ako ng kahit anong kasalanan.
134 Gye me fi nnipa nhyɛso mu, na madi wo nkyerɛkyerɛ so.
Tubusin mo ako mula sa pang-aapi ng mga tao para masunod ko ang mga tagubilin mo.
135 Ma wʼanim nhyerɛn wo somfo so na kyerɛkyerɛ me wo hyɛ nsɛm.
Hayaan mong magliwanag ang iyong mukha sa iyong lingkod, at ituro mo sa akin ang iyong mga alituntunin.
136 Nsuten nisu aguare me, efisɛ nnipa nni wo mmara so.
Napakaraming mga luha ang umaagos mula sa aking mga mata dahil hindi sinusunod ng mga tao ang iyong batas. TSADHE.
137 Ɔtreneeni ne wo, Awurade, na wo mmara nso yɛ pɛ.
Matuwid ka, Yahweh, at makatarungan ang mga utos mo.
138 Ahyɛde a woayɛ no yɛ trenee; ɛyɛ nea wonya mu ahotoso pa ara.
Matuwid at matapat mong ibinigay ang mga utos mo sa tipan.
139 Abufuw ahyɛ me ma, efisɛ mʼatamfo bu wɔn ani gu wo nsɛm so.
Winasak ako ng galit dahil kinakalimutan ng mga kalaban ko ang mga salita mo.
140 Wɔasɔ wo bɔhyɛ ahorow no ahwɛ pa ara, na wo somfo dɔ wɔn.
Labis nang nasubok ang iyong salita, at iniibig ito ng iyong lingkod.
141 Ɛwɔ mu sɛ menka hwee na memfra de, nanso me werɛ mfi wo nkyerɛkyerɛ.
Ako ay walang halaga at inalipusta, pero hindi ko pa rin kinalilimutan ang mga tagubilin mo.
142 Wo trenee wɔ hɔ daa, na wo mmara no yɛ nokware.
Ang katarungan mo ay matuwid magpakailanman, at ang batas mo ay mapagkakatiwalaan.
143 Ɔhaw ne awerɛhow aba me so, nanso wo mmara nsɛm ma me ahosɛpɛw.
Kahit na natagpuan ako ng bagabag at paghihirap, ang kautusan mo pa rin ang aking kasiyahan.
144 Wʼahyɛde yɛ nokware daa; ma me ntease na manya nkwa.
Ang mga utos mo sa tipan ay matuwid magpakailanman; bigyan mo ako ng pang-unawa para ako ay mabuhay. QOPH.
145 Awurade, mede me koma nyinaa mefrɛ wo, gye me so, na medi wo hyɛ nsɛm no so.
Nanawagan ako ng buong puso, “Sagutin mo ako, Yahweh, iingatan ko ang mga alituntunin mo.
146 Misu mefrɛ wo, gye me nkwa na midi wʼahyɛde so.
Tumatawag ako sa iyo; iligtas mo ako, at susundin ko ang mga utos mo sa tipan.
147 Mesɔre anɔpahema, na misu pɛ mmoa; mede me werɛ ahyɛ wo nsɛm mu.
Bumabangon ako bago sumikat ang araw at humihingi ng tulong. Umaasa ako sa mga salita mo.
148 Mʼani gu so anadwo nyinaa, na misusuw wo bɔhyɛ ho.
Mulat ang aking mga mata bago magpalit ng mga yugto ang gabi, para mapagnilayan ko ang mga salita mo.
149 Tie me nne sɛnea wʼadɔe no te; Awurade, kyɛe me nkwa so sɛnea wo mmara te.
Dinggin mo ang aking tinig sa katapatan mo sa tipan; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa matuwid mong mga utos.
150 Wɔn a wɔhyehyɛ atirimɔdensɛm no abɛn, nanso wɔne wo mmara ntam ware.
Papalapit nang papalapit sa akin ang mga umuusig sa akin, pero malayo (sila) sa iyong batas.
151 Awurade, wo de, wobɛn me, na wo mmara nsɛm nyinaa yɛ nokware.
Ikaw ay malapit, Yahweh, at lahat ng mga kautusan mo ay mapagkakatiwalaan.
152 Mmere bi a atwa mu no, misuaa wʼahyɛde a wode tim hɔ sɛ ɛntena hɔ daa no.
Natutunan ko noon mula sa mga utos mo sa tipan na itinakda mo ang mga ito magpakailanman. RESH
153 Hwɛ mʼamanehunu na gye me nkwa efisɛ me werɛ mfii wo mmara no.
Tingnan mo ang aking mga paghihirap at tulungan mo ako, dahil hindi ko kinalilimutan ang batas mo.
154 Di mʼasɛm ma me na gye me; kyɛe me nkwa so sɛnea wo bɔhyɛ no te.
Ipagtanggol mo ang aking kapakanan at tubusin ako; ingatan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
155 Nkwagye ne atirimɔdenfo ntam kwan ware, efisɛ wɔnhwehwɛ wo hyɛ nsɛm no.
Malayo ang kaligtasan mula sa masasama, dahil hindi nila minamahal ang iyong alituntunin.
156 Awurade, wʼayamhyehye yɛ kɛse; kyɛe me nkwa so sɛnea wo mmara no te.
Dakila ang iyong mahabaging mga gawa, Yahweh; panatilihin mo akong buhay gaya ng lagi mong ginagawa.
157 Atamfo a wɔteetee me dɔɔso, nanso memman mfii wo nhyehyɛe ho.
Marami ang aking mga taga-usig at kaaway, pero hindi pa rin ako tumalikod sa mga utos mo sa tipan.
158 Mehwɛ wɔn a wonni gyidi no a wɔn ho yɛ me nwini, efisɛ wonni wʼasɛm so.
Tinitingnan ko ng may pagkasuklam ang mga mandaraya dahil hindi nila sinusunod ang iyong salita.
159 Hwɛ sɛnea mʼani gye wo nkyerɛkyerɛ ho; Awurade, kyɛe me nkwa so sɛnea wʼadɔe te.
Tingnan mo kung gaano ko minamahal ang mga tagubilin mo; panatilihin mo akong buhay, Yahweh, gaya ng ipinangako mo sa pamamagitan ng katapatan mo sa tipan.
160 Wo nsɛm nyinaa yɛ nokware; na wo mmara a ɛteɛ no to rentwa da.
Ang diwa ng iyong salita ay mapagkakatiwalaan; bawat isa sa mga utos mo ay mananatili magpakailanman. SHIN.
161 Sodifo taataa me kwa, nanso ɛyɛ wʼasɛm nko ara na misuro.
Inuusig ako ng mga prinsipe ng walang dahilan; nanginginig ang aking puso, takot na suwayin ang iyong salita.
162 Mʼani gye wo bɔhyɛ ho te sɛ obi a wanya asade kɛse.
Nagagalak ako sa iyong salita tulad ng nakahanap ng malaking gantimpala.
163 Mikyi nkontompo na medɔ wo mmara.
Kinapopootan ko at kinasusuklaman ang kasinungalingan, pero minamahal ko ang iyong batas.
164 Mekamfo wo mpɛn ason da biara, wo mmara a ɛteɛ no nti.
Pitong beses sa isang araw kitang pinupuri dahil sa matuwid mong mga utos.
165 Wɔn a wɔdɔ wo mmara no wɔ asomdwoe mmoroso, na biribiara rentumi mma wonhintiw.
Malaking kapayapaan ang nakakamtan ng mga nagmamahal sa batas mo, walang makatitisod sa kanila.
166 Awurade, metwɛn wo nkwagye, na midi wo mmara nsɛm so.
Naghihintay ako para sa iyong kaligtasan, Yahweh, at sinusunod ko ang iyong mga kautusan.
167 Midi wʼahyɛde so na medɔ no yiye.
Sinusunod ko ang mga banal mong kautusan at labis ko itong minamahal.
168 Midi wo nkyerɛkyerɛ ne wʼahyɛde so, na wunim mʼakwan nyinaa.
Iniingatan ko ang mga tagubilin mo at banal na kautusan, dahil alam mo ang lahat ng ginagawa ko. TAV.
169 Awurade, ma me sufrɛ nnu wʼanim; ma me ntease sɛnea wʼasɛm no te.
Pakinggan mo ang aking iyak ng paghingi ng tulong, Yahweh; bigyan mo ako ng pang-unawa sa iyong salita.
170 Ma me nkotosrɛ nnu wʼanim; na gye me sɛnea wo bɔhyɛ no te.
Makarating nawa ang aking pagsamo sa harap mo; tulungan mo ako gaya ng ipinangako mo sa iyong salita.
171 Ma nkamfo nhyɛ mʼanom ma; efisɛ wokyerɛkyerɛ me wo hyɛ nsɛm.
Nawa ay magbuhos ng papuri ang aking mga labi, dahil itinuro mo sa akin ang alituntunin mo.
172 Ma me tɛkrɛma nto wʼasɛm ho dwom, efisɛ wo mmara nsɛm nyinaa yɛ trenee.
Hayaang mong umawit ang aking dila tungkol sa iyong salita, dahil matuwid lahat ng mga kautusan mo.
173 Ma wo nsa nyɛ krado mmɛboa me, efisɛ maso wo nkyerɛkyerɛ no mu.
Nawa tulungan ako ng iyong kamay, dahil pinili ko ang mga tagubilin mo.
174 Awurade, mʼani agyina wo nkwagye, na wo mmara yɛ mʼanigyede.
Nananabik ako para sa pagliligtas mo, Yahweh, at ang batas mo ang aking kasiyahan.
175 Ma mentena nkwa mu na matumi akamfo wo, na wo mmara nso awowaw me.
Nawa mabuhay ako at mapapurihan ka, at matulungan ako ng matuwid mong mga utos.
176 Mafom kwan sɛ oguan a wayera. Hwehwɛ wo somfo, efisɛ me werɛ mfii wo mmara nsɛm no ɛ.
Naligaw ako tulad ng nawalang tupa; hanapin mo ang iyong lingkod, dahil hindi ko kinalimutan ang mga kautusan mo.

< Nnwom 119 >